Natapos na nga magkwento itong si Kyo tungkol sa pangyayari ng mawala ang dalawa

"Iyon na nga ang nangyari ng umalis kayo"-Kyo

Pagkatapos na pagkatapos magsalita ni Kyo ay may lumitaw na Message Prompt galing sa System

"Your Party Completed the Hidden Quest!

Calculating Experience and Items for distribution

Loading.............. "

"Huh?!"-Mayuka

Kita sakanilang tatlo ang message prompt

"Kaya pala walang Exp kanina kahit na nakakapatay tayo ng maraming goblins"-Kei

"Anong klaseng mga item kaya ang makukuha natin?"-Kyo

"Loading Finished!

Experience distributing!"

Tumunog ng maraming beses ang level up ngunit hindi para pareho ang Experience na kanilang nakuha. Bago pa nila sinimulan ang ay nakapagpalevel sila ng Level 7 ng matapos nila ang quuest ni Emi. At ng dahil naman sa natapos na Hidden Quest ay nag level up nanaman sila. 

"Kyo: Level 11"

"Mayuka: Level 10"

"Kei:Level 10"

Mayroon din silang natanggap na chest na kung saan mayroong equipment sa loob nito. At dali-dali naman ding binuksan ni Kyo ang chest dahil sa excite nito

"Hoy! Excited ka masyado!"-Mayuka

"May makukuha kaya lahat tayo?"-Kei

"Feel ko naman may makukuha lahat tayo for sure"-Kyo

Pagkabukas nito ay mayroon itong tatlong item sa loob. Bago nila ito nakuha ay mayroong lumabas na message prompt ulit sa chest

"The Equipment you receive is based on the User receiving the actual item. The System selects the items for each Player"

"Oh okay. Di tayo makakapili ng item"-Kyo

"Akala ko naman tulad sya ng ibang game yung parang random tas may mga items na di pedeng gamitin or depende etc."-Mayuka

"Ye like parang Gacha by chance lang talaga kung suswertihin or malas"-Kei

Pagkaclose ni Kyo sa message prompt ay lumabas na nga ang mga item sa loob ng chest at lumapit ang mga actual items papunta sa kanila isa-isa. Nagsimula ito kay Mayuka.

Lumapit na nga ang isang Rod kay Mayuka

"You have obtained Ice Rod" 

"Huh?! Ice Rod? EHHHHHHHHHHHH? Aiming ako para maging White Mage bat ako binigyan ng Ice Rod na para sa Black Mage?!"-Mayuka

At lumapit naman kay Kei ang isang Bow

"You have obtained Great Bow"

"Yes!!!"

Nagsisisigaw ito sa tuwa dahil sa kanyang nakuha At ang huli ay ang sword na lumapit kay Kyo

"You have obtained Bronze Sword"

"Nays bat parang si Mayuka lang tong malas sa item?"-Kyo

Biglang bato ni Mayuka ng Bronze Rod kay Kyo

"Aray!!"-Kyo

Nagsisigaw padin si Kei dahil sa kanyang nakuha sabay tawa ng pagkakita na tumama sa mukha ni Kyo ang Rod. At ang ginawa naman ni Kyo ay gumanti ito. Pinulot nito ang Rod ni Mayuka sabay bato nito hanggang tumama sa likod ng ulo ni Kei.

"HAHAHAHAHAHA!"-Kyo

"Bat kasi Rod ang ibinigay sakin! Dapat kasi staff!"-Mayuka

"Okay lang yan hehehe maayos naman nakuha naming dalawa"-Kyo

"Wag kayo madala porket nakuha nyo ang gusto nyo na bagay sainyo.Balik tayo sa usapan"-Mayuka

"Anong usapan?"-Kei

"Hindi kapani-paniwala ang mga sinabi ng babae nayon"-Mayuka

"Di nga din ako makapaniwala noong una pero ng dahil sa kanyang seryosong expression parang totoo talaga sinasabi nya"-Kyo

"Hindi ba sya player? "-Kei

"Hindi. Malalaman at makikita ko naman kung siya ay Player din tulad natin. At wala namang dahilan para magsinungaling sya sakin. Wala naman siyang mapapala lalo na niligtas nya din ako. Kung hindi dahil sakanya baka inaatake nadin sina Emi diba?"-Kyo"

"Totoo.. Pero di naman kasi talaga nakakapaniwala lalo na sa unang dinig sa kwento nya"-Mayuka

"Pasalamat nalang tayo na wala nangyari sa ating tatlo at lalo na kina Emi"-Kei

"Sabihin na nga natin na totoo. Ang tanong para saan naman kaya ang ginagawa nyang paghahanap ng may magagandang loob? "-Mayuka

"Oo nga no.. "-Kei

"Kailangan nating malaman ang dahilan. Kung kailangan nya ng tulong at magandang rason ang kanyang ibibigay tutulungan natin siya"-Mayuka

"Eh paano kung ayaw namin?Diba Kyo?"-Kei

"Oo nga, oo ngaaa"-Kyo

Sabay tawa muli ng dalawa. At nag-akbayan ang dalawa habang nagsasaya dahil na nga sa kanilang nakuhang item

"Pag uuntugin ko kayong dalawa! Nga pala lumapit ka dito Kyo"-Mayuka

Pagkadinig ng dalawa sa sinabi ni Mayuka ay nangilabot ang dalawa na tila alam na agad nila mayroong di magandang mangyayari

"Ayoko bat ako lalapit? Aawayin moko no?"-Kyo

at nagseryosong tingin na nga tong si Mayuka sa dalawa

"Sabi ng lumapit ka dito"-Mayuka

Di parin ito lumapit kay Mayuka

"Kei!Kung ayaw mo madamay dito ilapit mo yang pangit na yan sakin!"-Mayuka

Sinesenyas na nga ni Kyo na ayaw nitong lumapit kay Mayuka sapagkat pakiramdam nya ay may masamang mangyayari

"Ah.. Er.. Opo boss eto na po!!"-Kei

Hinawakan agad naman niya agad si Kyo para di ito makatakas at inilapit nya ito kay Mayuka

"Hoy taksil ka! Akala ko ba mag bespren tayo!"-Kyo

Pumipiglas tong si Kyo ngunit wala itong magawa. At mayroong kinuha si Mayuka na di alam ni Kyo kung ano

"Ano yan?!"-Kyo

Tila parang hinug ni Mayuka si Kyo ngunit ang di alam ni Kyo ay...

"Hoy ano tooo?!"-Kyo

Ang buong akala nya ay isang simpleng hug lang ngunit ang buong konteksto ay ang pagtali nitong si Mayuka sa kamay ni Kyo. Inilabas muli ni Mayuka ang kanyang nakuhang Iron Rod.

"Anong gagawin mo dyan?! Wag mong sabihing... "-Kyo

Di pa tapos magsalita si Kyo ay pinagpapalo na nya ito.

"Aray!! Huwag! di magandang biro!"-Kyo

"Hawakan mo sya! Ang likot di ko mapatamaan ng maayos!"-Mayuka

hinawakan naman nya ito muli

"Traydor ka talaga! Aray!!"-Kyo

"Hoy! Dahan-dahan! Natatamaan din ako!"-Kei

("Bwisit tong lalaking to pati paba ang katawan isasama pa niya sa biro. Bagay lang sakanya tong mga palong to!")-Mayuka

lumipas ang ilang minuto ay balik na sila sa seryosong usapan

"So anong balak?"-Kyo

"Kayo ano ba gusto nyong gawin?"-Kei

"Kung nais natin malaman ang buong kwento kailangan natin mahanap ang lawa sa sinabi nyang lugar. May maayos na rason naman siguro siya bakit nya niligtas tong pangit nato. Pero kailangan muna natin mag ready bago pumunta don para sigurado. Palevel up items at equipments"-Mayuka

sabay turo kay Kyo

"Nagsalita na ang boss ano paba magagawa natin diba Kei?"-Kyo

"Tama. Wala na HAHAHA"-Kei

"Sana talaga di kana niligtas!"-Mayuka

Naghabulan na nga ang dalawa

"Ayan nanaman kayo!!"

Tinapos nila ang kanilang araw pagkatapos ng kanilang kulitan at pagplano.

At bago pa mag logout ay ang di alam ni Mayuka ay binisita siya ng kanyang kuya na si Lucas

"Parati nalang naglalaro ng The Dragonist tong si Mayuka. Mukhang di nya alam na kasama ang kumpanya namin na gumawa sa larong iyan.."-Lucas

Biglang nagising na nga si Mayuka at kakalogout palamang nito

"Nasabi ni Ma Mia na parati ka ng naglalaro ah"-Lucas

"May problema ba don kuya? Di ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko, pati na ang oras nag pagtulog ko. Buti napadaan ka dito sa apartment?"-Mayuka

Hindi nakatira sa apartment ni Mayuka ang kanyang kuya. Matagal-tagal nadin ng lumipat sila ni Ma Mia

"Di naman siguro bawal dumaan at sermonan kapatid kong puro laro diba?"-Lucas

("Lumipat silang dalawa ni Ma Mia ng dahil sa aksidenteng iyon.. Iyon na nga din ang isa sa mga dahilan bat lumayo ang loob ni Mayuka sa mga magulang namin..")

"Hindi ko naman nga pinababayaan ang sarili ko. Inaasar mo nalang nyan ako kuya!"-Mayuka

sabay tawa nilang dalawa

"Maghihilamos lang ako at matutulog na"-Mayuka

"Sige sabi mo e"-Lucas

Sabay kurot nito sa pisngi ni Mayuka

"Aray! Kuya naman!"-Mayuka

"Basta matulog kana pagkatapos.Mauna na ako"-Lucas

"Ingat!"-Mayuka

--------------------------------

Otacute Creator

Happy 1k reads! Noods is also Available! Thanks for the support!!