"Room 108"
By: WhiteInk
June 23, 2010 7:30 am
Ang petsa at oras kung kailan may masamang nangyari sa Room 108. Nagkaroon ng gas leak sa kuwarto na iyon. Makikita mo na lahat ng studyante na nakaupo sila at parang natutulog lang pati ang teacher. Pero ang totoo patay na silang lahat.
Kaya panpasamantalang pinasara ang Room108.
Pagkalipas ng siyam na taon ang Room108 na dating Science Laboratory at ngayon ay Computer Lab.
Dito ang aming room ngayon. Pinipilit ng mga ibang teacher lalo na ang principal na itago ang pangyayari na iyon. At ang mga studyante ngayon ay hindi alam ang nangyari sa Room 108 noon.
Mukhang ako lang ang may alam sa kuwento na ito.
Isang araw, ginamit ko ang aking bekant para matuloy ko ang aking pag cocoding at ipapass na bukas.
"Pre iwan ko muna kita, bibili muna ako ng makakain natin."
"Sige pre." Aking sagot at umalis na ang aking kasama.
Nag iisa na ako sa oras na ito dito sa room... Tahimik at tunog tanging keyboard ko ang naririnig. Malamig ang ihip ng hangin galing sa labas.
Habang ako ay nag proprogram may naririnig akong mga boses sa aking paligid, subalit hindi ko ito pinapansin at nakatutok ako sa monitor.
Tumatagal palakas ng palakas ang mga boses. May nag tatawanan, nag aasaran at nag bibiroan.
Tumingin ako sa mga naangaling ng boses. Nagulat ako dahil parang nasa ibang room ako. Nasa teacher's table ako at wala na ang mga desktop sa aking harapan.
Parang hindi na Computer Lab kundi Science Lab dahil may mahabang lamesa, at aparador nilalaman ng mga experiment materials.
Nakita ko ang mga studyante ng kagaya ng na nag sasaya at nag kuwekuwentuhan at nasasayahan.
Nag oobserve ako sa aking paligid. Chineck ko ang cellphone nasa bulsa. Kinabahan na ako dahil ang nakalagay na petsa ay June 23, 2010 dahil ito ay petsa na nangyari sa Room 108.
Sinubukan ko i-settings ang petsa at nilagay ko sa automatic network subalit ganun talaga at hindi nag babago.
"John, Anong petsa na?" Tanong ko sa katabi kong studante, alam ko ang pangalan dahil nakasuot sa kaniya ang nametag.
"June 23 po sir." Kaniyang sagot.
Yun talaga, Hmm sir ang tawag sa akin means teacher ako.
Nag pasya ako lumabas ng room.
"Sir saan kayo pupunta?" tanong ng babaeng studyante.
"Mag papahangin lang." aking sagot.
"Sir malapit na po mag time." sabi ng niya.
"Babalik ako pag nag time." aking sagot.
Nakalabas ako sa room. Hindi halos nag bago ang lugar. Tinignan ko ang nakasulat sa taas ng pintuan. Nanlaki ang aking mata dahil Room 108 ang nakasulat.
Tinignan ko ang oras sa cellphone 7:28 ng umaga.
Mabilisan ako pumasok sa room.
"Claasss lumabas kayong lahat ngayun din!!" Sigaw ko.
"Bakit po?" Tanong ng mga studyante.
"Basta lumabas kayo at lumayo kayo sa Room na ito. kung gusto niyo pang mabuhay!!!." aking sigaw.
Biglang lumabas ang mga studyante. Nang wala nang natira abg mga studyante at chineck ko ang aking Cellphone 7:29 may isang minuto pa ako isara ang mga bintana para hindi lumabas ng amoy ng Gas.
Sinara ko na lahat ang mga bintana, wala na akong oras para lumabas.
Nang tumunog ang aking cellphone. Narinig ko ang tunog na parang spray. Yun na yung gas leak, bigla ako nanghina at natutumba papuntang pintuan at naabot ko ang pintuan at tinulak para isara.
Nasa loob ako ng room nakatumba. hinang hina na at nahihirapan ako huminga.
Naririnig ko ang mga iyakan ng nasa labas.
"Huwag kayu lalapit." Sabi ng isang teacher na nasa labas.
"Pero si Sir nasa loob pa." Ang sabi ng babaeng studyante habang umiiyak.
At palayu ng palayu ang mga boses.
Unti unting ako pumipikit. Ang lamig ng hangin. Malamig narin ang aking katawan.
...
"Pre... Pre gising." Nagising ako ako at nandito na ako sa Computer Lab.
"Pre nakatulog ka naman. Sabagay tapos ka na sa ginagawa mo." Ang wika ng aking kaklase.
"Anong petsa na ba?" Aking tanong.
"July 26, 2019. Bakit pre?"
"Wala." Aking sagot.
"Tara pre samahan mo ako sa Office may kukunin lang tayu." Pag aaya niya.
"Sige." Sinave mo na ang aking ginagawa at pumunta na kami sa office.
Nakapasok na kami sa office at nakita ko ang Year Book sa lamesa.
Graduation Book
S.Y 2010 - 2011
Hindi ako makapali na basahin iyon. Habang nag bubuklat ako nakita ko na ang section at nandito rin ang mga studyante na nasa panaginip ko.
Ibig sabihin ay ligtas sila...
"Ma'am ano po nangyari sa teacher ng section na ito?" Ang aking tanong sa sub teacher namin.
"Ahh, Niligtas niya ang kaniyang studyante mula sa gas leak noon subalit naiwan siya sa loob. At alam mo na nangyari." Abg kaniyang paliwanag.
Tumango nalang ako.
Masaya ako dahik naligtas ang mga studyante mula sa trahedya.
(The End)