WARNING, MAGULO ANG KUWENTO

Hey, I have story to tell you. Heto nanaman tayo sa walang kuwentang kuwento pero I kwekwento ko parin. One day balak ko gumawa ng Facebook Fan Page ng paborito kong cartoon sa TV balak ko sana na doon ko ilalagay yung mga memes at nakakatawang picture about sa TV Cartoon na iyon.

Shinishare ko sa iba’t ibang group yung mga memes.

Okay naman takbo ng Facebook Page na iyon.

Habang nag sscroll ako, may nakita akong isa meme na Chat siya, pero tawag ko ditto Chat Meme. Nag ka Idea ako, paano kung gayahin ko yung ganoong Chat Meme?

Nag Download ako ng Fake Chat sa Playstore. Ang plano ko gagawa rin ng mga nakakatawang conversation, mismong Cartoon Character ang nag chachat umamo.

Nag isip ako ng nakakatawang joke or something, then kapag may naiisip na ako, gagawin ko na sa Fake Chat app yung naisip kong joke, pagkatapos edit sa editor pic and post na sa Facebook Page. Shinare ko uli sa iba’t ibang group.

Nakalipas ng ilang oras, chineck ko ang cellphone ko at laking gulat ko na dumami ang likes ng Fan Page at reacts sa mismong picture na ginawa ko. At dito na ako nagpatuloy na gumawa ng iba pang Chat Meme or Chat Joke.

Tumatagal, dumadami at dumadami parin ang likes. Ang akala pa nila ay totoong GC ang mga ginagawa kom may iba nga na gustong sumali sa GC kung saan nagaganap ang mga meme at nakakatawang convo, at meyroon pang nag suggest na gumawa ng Facebook Group Philipppines para puwede sila mag post ng mga meme, picture ng cartoon at iba pa.

Another day, gumawa na ako ng Group Chat para sa Fans ng Cartoon and marami ring sumali sa group chat na ginawa ko. Pero hindi ako nag reveal, gumawa ako ng account na nakapangalan sa isa sa paborito kong Character ng Show. At sinabi ko na isa ako sa mga kasali sa Chat Meme ng Page. Nag tatanong sila kung nasaan yung mga kasamahan ko sa mga Chat Meme, ang sabi ko naman ay hindi muna sila lalabas, pero ang totoo hindi sila nag eexist.

Nag suggest ang mga member ng Fan Group Chat na gumawa ng Group Page.

Ginawa ko nga ang Group Page at pinangalan ko ng Pangalan ng Cartoon at Group Page Philippines sa dulo. Maganda rin ang takbo ng Group Page, meyroon nag popost na nakakatawang pic, at may pahugot pa. Gumagawa rin ako ng mga activities para hindi sila na bored.

Some mga member nanagkaibigan sila at gumawa na sila ng mga tropa sa mismong group page na yon. Or minsan Squad.

And yes, naging masaya na ang Group Page at Fan Group Chat, pero nag sinungaling ako na marami kaming Admin sa Facebook Page.

Lumipas ang mga ilang araw, ayaw ko parin ilabas ang katotohanan kaya gumawa pa ako ng isa pang account para siya daw ang isa pang admin at padami nang padami na nagagawa kong account. Nahahalata na ako kasi, hindi ko ma handle ang dami nang account na nahahawakan ko at minsan nga at nag kalabilktaran na.

Well fast forward na.

One day, may nakita akong isang group kung saan nandoon ang mga member ng Group ko at they are SQUAD or something.

Maganda ang samahan nila and yes masaya sila kasama. Nagkabonding, nag laro at iba pa Bumisita ako gamit ang ibang account. At nakita ko na, pinag tatawanan nila ang isa sa member ng aking group. Then nag post ako sa Group na ginawa ko na “They making UNRESPECT sa isa sa mga members” at sa mismong post na iyon diyan nagsimula ang masamang nangyari.

At parang nag rant post ata ako (Hindi ko na matandaan) na bawal mag post na nakakasakit sa member Hindi ko na alam at hindi ko na matandaan kung ano nangyari sa panahon na iyon. But I knew na tinatawag akong “Unrespect Guy” kasi lagi ko yun sinasabi pag may hindi rumespeto sa admin o sa kapwang member.

And they already know who’s behind mask of the other admin na ginawa kong account.

Hindi ko alam kung masamang Admin ako or sadyang Bobo lang o lumaki ulo.

And I stop handle the page and the group page. Dahil marami na akong kaaway, marami silang panglaban, kung ano ano ang pinagsasabi nila at iba pa

Dahil doon lang ko Hindi ko alam basta lagi na ako natatakot, dahil nagkamali ako sa galaw ko.

….. The Squad is won…

Pagkalipas ng ilang araw, natatakot parin ako dahil kung, Pagtatawanin nila ba ako? Or… basta hindi ko alam. Tumahimik na ako ng ilang buwan………

Basta ang alam ko, ako ang dahila kung bakit sa nagkilala at nag kasama

---------------------- Yep magulong kuwento ……..
White Ink Creator