Isang maulang umaga at nakaupo nalang ako sa upuan habang nag hahanap ng gusto kong bilhin sa online shop, mahilig kasi ako mang order at bumili sa online ng mga gamit o laruan. Nakahanap na ako ng gusto ang nag order na ako then binayad ko na agad gamit ang G-Cash para madali na at I deliver nalang at di ko na babayaran pag dating dito. Siguro bukas ito darating.

 

 Pagkalipas ng ilang araw at umuulan parin. Akala ko isang araw lang ma deliver ang order ko at ngayon ko lang nakatangap na message na ngayong araw ay dating na rito.

 

 Gabi na, nanonood nalag ako ng balita, at tumahol na ang mga aso sa harapan namin, siguro ito na ‘yon. Lumabas ako at nakita ko na ang isang lalake na naka sobrero at may hawak na kahon. Tumingin ako sa kaniya mukha at hindi ito naka ngiti o naka sibangot, para siyang pagod na mukha. Sabagay umabot siya sa ganitong oras kaya ganiyan ang mukha niya.

 

Lumapit ako sa gate at binuksan, kinuha ko na ang kahon. “Salamat po.” Pasalamat ko sa kaniya at tumongod lang ito at umalis na hindi nag sasalita. Ang wierd kasi yung mga delivery boy na nag dedeliver sa akin dati ay naka ngiti or nag tatanong kung nasaan si ako or ako ba yung may ari ng order.

 

 Bumalik nalang ako sa bahay at nilock ang Gate. Nang nilapag ko ang kahon at lumingon ako sa tv kasi hindi ko mapigilan kasi manood.“Isang delivery boy ang patay matapos masagasahan ng isang truck.” Teka malapit lang sa amin yung pangyayari, at yung lalakeng namatay, namumukhahan ko, siya yung nag deliver sa akin. Kinabahan ako at tumingin sa kahon na order ko.

 

 Siguro nong namatay siya, tinapos niya muna ang kaniyang gawain bago ito umalis sa mundong to.

 

 Nag pasya ako na huwag ko nang buksan ang kahon at itago nalang ito.

 

 

THE END

White Ink Creator

“Hello Whitia here, yeah alam kong pangit yung pinagawa ko rito, at masaya rin akong makabalik sa pag susulat. By the way, salamat sa pagbabasa <3”