Nag renta ako ng Apartment para malapit at hindi na ako malalate sa aking trabaho. 

Taga Probinsya ako at nag tratrabaho ako dito sa syodad para mag kayod. 

Nang binigay sa akin ng tagabantay ang susi sa akin, nag iwan siya ng paalala sa akin. 

"Ang kuwarto mo ay may butas sa ding-ding. Takman mo ito baka sa tingin ng kabilang kuwarto ehh mambabastos ka." 

Pumunta na ako sa aking kuwarto, maayos at malinis. Nakita ko rin ang butas ng dingding, nilapitan ko at tinakpan ng kalendaryo ang butas. 

Pagkalipas ng isang araw. 

Nakauwi na ako galing sa trabaho, pagod na pagod na ako at humiga nalang ako sa kama. 

Tinignan ko ang kalendaryo na nasa ding ding. 

"Sino kaya yung nasa kabilang room?" Tanong ko sa aking sarili. 

Hindi ako makapali na silipin iyon. Nilapitan ko ang kalendaryo at tinangal. Sinilip ko ang butas at ang nakita ko ay isang babae na nag tatahi ng tela habang naka upo sa upuan. 

Tumigil ako sa paninilip at binalik ko ang kalendaryo. 

Sumunod na araw naka uwi ako galing trabaho. Nilagay ko ang nga binili kong pagkain at rekado sa ref. 

Ilang saglit may naririnig akong mahinang kumakanta sa kabilang kuwarto. Tinangal ko ang kalendaryo at sumilip sa butas. 

Nakita ko ang babae na sumasayaw habang kumakanga ng mahina para mapatulog niya ang karga-kargang sangol. 

Nakapagandang tignan ang mag ina na ito, subalit alam kong bastos ang paninilip sa ibang kuwarto kay binalik ko uli ang kalendaryo sa
butas. 

Kinaumagahan nagising ako dahil sa malakas na tunog sa kabila. Maririnig mo ang iyak na bata at awayan na dalawang tao at parang tunog
na bumaksak na metal. 

Gusto ko tignan kung ano nangyayari subalit huwag na, baka away mag asawa ang nagaganap sa kabilang kuwarto. 

Hapon alas tres. 

Maaga ako pinauwi ni boss dahil maaga kong tinapos ang pinapagawa sa akin. 

Nag luluto ako ngayung ng aking haponan, at napansin ko na tahimik ang kabilang kuwarto. 

Nag disisiyon akong sumilip sa butas at ang nakita ko lang ay Pula, wala kang makikita kundi Pula ang buong paligid. 

Nag tataka ako na bakit pula ang aking nakikita. 

Ilang minuto ay nag pasya akong magbigay ng pagkain sa kabilang kuwarto. 

Kumatok ako subalit walang sumasagot o mag bukas. Kumatok uli ako perk wala parin. 

"Ano ginagawa mo diyan?" Tanong ng bantay ng apartment. 

"Ibibigay ko po sana ng pagkain na nakatira rito." Sagot ko. 

"Nako iho, matagal nang walang tao diya." 

"Po? Gaanong katagal na?" Tanong ko habang nagkakamot ng aking ulo. 

"Anim na taon ang nakaraan. Dati may mag asawa na nakarenta dito, subalit nag away ang mag asawa at walang awang pinasaksak ng lalaki ang kaniyang asawa pati ang sangol. Dumating ang mga pulisya at nagulat sila dahil Pula lahat ang mata ng babae" Ang kuwento ng Bantay. 

Nanginig ako... Nagulat nalang ako sa Pula ang mata ng Babae...  

(The End)  

White Ink Creator

Hello this is Whitia I'm a Ispiring Writer, originally nag popost ako ng mga short stories sa aking main account sa facebook <3 nyaw