"Kung Gaano Tayo Kalapit"
Pumunta ako sa mall para bumili ng materal arts, totoo mahilig ako mag drawing ng mga anime.
Well habang tumitingin ako isang stand ng mga lapis. Nabigyan ako ng pansin ang isang babae na hindi katangkaran.
Meyroon siya atang gustong abutin kaso hindi niya maabot. Lakas loob kong lumapit sa kaniya.
"Kailangan mo po ba ng tulong miss?" Tanong ko sa babae.
"Uhmm, mukhang oo." Sagot niya at nanatili parin siyang nakatingin sa kukunin niya.
Sa katangkaran ko naabot ko ang gusto kunin ng babae, ang isang pack ng long coupon bond na pangdrawing.
"Maraming salamat kuya." Sa pagkasabi niya at tumingin siya sa mukha ko.
"Teka, ikaw ba si Justine? Ang magaling sa drawing sa FB?" Tanong niya.
"Ahm... ako nga. Pero hindi ako magaling, marunong lang." Sagot ko. Tama pangalan ko ay Justine, lahat ng mga drawing ko ay pinopost ko sa FB.
"Ikaaw ngaaa... Hala, alam mo ba na idol po kitaa~." Saad niya habang patalon-talon ng unti.
"Alam mo kuya, gamagaling ako sa pagdrawdrawing dahil sa iyo, nakaka inspire kase lahat ng gawa mo kuya." Patuloy pa niya ito.
"Ahh ganun ba." Tipid kong sagot.
"Ako pala si Jetryl. Baguhan lang akong artist." Pakilala niya.
"Kuya, pwede bang paturo pa about sa pagdradraw?" Tanong niya habang nag lalakad kami papuntang cashier.
"Oo syempre, pero saan tayo-"
"Sa bahay namin kuya, malapit lang dito aming tirahan." Saad niya.
"Ok sige. Ngayun na ba?" Tanong ko.
"Oo kuya."
Pagkalabas namin ng mall. Dumeretso agad kami sa kanilang bahay. May kalakihan din.
Pinapasok ako sa kuwarto ni Jetryl at agad kong nakita ang mga kaniyang art station.
Kompleto ang kaniyang gamit, mapapa lamesa at ang materials.
Nagsimula na kami, una nagdrawing siya ng sample at pinacheck niya sa akin.
Magaling naman siya at maganda ang kaniyang pagkagawa. Tinuturuan ko siya ng ibang nilalaman ko.
Hindi ko namalayan na mag gagabi na.
"Maraming salamat kuya, kuya puwede ka bang bumalik bukas?" Tanong niya sa akin.
"Oo syempre naman." Sagot ko naman at sabay ngiti.
"Salamat kuya." Bigla niya ako niyakap. Biglang tumigil ang aking mundo nang yumakap siya sa akin.
"Sige aalis na ako." Paalam ko sa kaniya.
Kinabukasan, pumunta agad ako sa kanila upang turuan pa siya mag draw.
Halos araw araw ko na pumupunta sa bahay nila, at sabay sabay kami nag drawdrawing. Hangang sa nag kaibigan na kami.
Sweet na namin sa isa't isa. Hindi nga kami lumalabas sa bahay. Actually date na rin namin na sabay kami magdraw-drawing.
Sabay rin kami bumili ng Art Material sa mall. Hindi naming maiwasan na mag holding hands lagi.
Isang araw, nagkaroon ako ng malalang sakit. Agad nila ako pinatakbo sa hospital.
Malala daw ang aking sakit. Possible daw na ikakamatay ko ang sakit kong nito.
Nag aalala tuloy ang aking mga magulang ganun din ang aking Mahal na si Jetryl.
Nakalipas ng ilang lingo.
"Gagaling ka diba?" Nag aalalang sabi ni Jetryl. Sa ngayun kaming dalawa ang natira dito sa kuwarto ng hospital. Nakahiga pa ako at halos hindi na ako makaupo.
"Oo, gagaling ako." Sagot ko naman at hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Pero parang hindi eh." Paluha niyang sabi.
"Huwag kang umiyak. Alam kong na mimiss mo na magkasabay tayo mag drawing." Aking saad.
"Oo mahal." Sagot niya.
"Sige pangako. Kapag gumaling ako, sabay uli tayo mag guguhit na magkatabi." Pangako ko sa kaniya.
"Talaga mahal?"
"Oo pangako."
"Salamat." Niyakap niya ako kahit nakahiga ako at hinalikan ko naman siya sa noo.
Araw araw siya bumisita sa akin na walang material arts dahil alam niyang hindi ako maka drawing dahil sa lagay kong ito.
Inaalagaan niya ako at binabantay niya ako matulog hangang sa natulog siya sa kaniyang upuan.
Ilang araw ang nakalipas. Nagbakasyon sila sa probinsya.
"Mahal, pupunta kami sa probinsya upang bisitahin ang aming kamag anak. Pasyensana dahil kailangan talaga eh." Pagpasyensya niya.
"Sige ok lang, nandito naman ang kapatid ko. At saka pangako, sabay uli tayo magdrawing." Aking saad at niyakap niya uli ako.
Nakalipas ng dalawang lingo. Himalang gumaling ako sa aking sakit.
At saka excited na ako dahil makakasabay ko uli si Jetryl magdrawing.
Pumunta agad ako sa malawak na damuhan kung saan naka burol si Jetryl. Nilapag ko ang mga Art materials niya sa aking tabi. Umupo ako sa gilid ng kaniyang burol at nagsimula mag drawing.
Isang linggo ang nakaraan, habang pauwi na ang pamilya. Nawalan ng prino ang kanilang sinasakyang bus nahulog ito sa bangin.
Nakaligtas ang mga iba kasama ang mga magulang ni Jetryl, subalit hindi naligtas sa kamatay si Jetryl.
Pero tinupad ko naman ang aking pangako na magkatabi ko siya at sabay na magdradrawing. Parang katabi ko na siya habang nandito ako sa kaniyang burol.
[END]