"Passenger"
Kasukuyan nag mamasada ako ngayun gabi, walang tao makikita ngayung oras na ito kaya nagpasya nalang ako umuwi.
Napadaan ako sa isang School at may isang babaeng naka uniform at parang nag hihintay ng sasakyan.
Huminto ako sa harapan niya. "Uuwi ka na?" Tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya at sumakay sa sidecar ng tricycle.
Tahimik ang studyante na ito at simula ko nang pinaandar ang tricycle.
Malayo na ang narating namin at napadaan kami sa dalawang daan.
"Saan ang sa inyo?" Tanong ko sa kaniya, tinuro lang niya ang kanang daan. Talagang hindi nagsasalita. Sinunod ko nalang ang tinuro ng studyante.
Habang nag mamaneho ako sa madilim na daan, napalingon ako sa isang bahay na nakabukas ang ilaw at kusang tumigil at namatay ang minamaneho kong tricycle.
Sinilip ko ang aking pasahero, nanlaki ang mata ko dahil walang laman o naka upo.
May lumabas na isang lalake sa bahay at inabot niya ang pera.
"Salamat at hinatid mo ng ligtas ang aking anak. Heto ang pamasahe niya." Wika ng lalake.
"Ang iyong anak?" Pagtataka ko.
"Oo matagal na siyang hindi nakauwi pagkatapos siyang nagbigti sa kanilang school."
(THE END)