"BLOCKED"

Habang gumagawa ako ng Chapter 5 ng aking Research para bukas, biglang tumunog ang Cellphone ko.

Gabriel: Hello Bebe.

Ahh BF ko lang pala yung tumawag.

Me: Hello Bebe.
Gabriel: Ba't gising ka pa?
Me: May research kasi akong tatapusin.
Gabriel: Mag pahinga ka na babe.
Me: Tatapusin ko lang ito bukas na kasi ang deadline.
Gabriel: Basta matulog ka na.
Me: Teka gusto mo ba ako pabagsakin?
Gabriel: Hindi basta matulog ka na.

Sa subrang inis ko na blinock ko muna siya sa messenger. E kasi pinapatulog na niya ako eh hindi pa tapos yung research ko.

Uhmm ganun talaga ako blinoblock ko kahit bf sa messenger kapag napikon. I unblock ko lang siya kapag kumalma na ako.

Ngayun tapusin ko na ang aming research. Pagkalipas ng isang oras ay natapos na ang Chapter 5 ng aking research.

Inunblock ko na si Gabriel sa messenger at online na siya.

Me: Tapos na ako bebe sa research.
Gabriel: Ah ganun ba? Sorry pala pinipilit kitang matulog. Ayuko kasing mapapagod ka.
Me: Hehe Ok lang sige bebe magpapahinga na ako.
Gabriel: Sige good night babe, I love you.
Me: I love you too babe.

Magkaiba ang aming school na pinapasokan. Mag kikita lang kami kapag mag dadate kami.

Pagkalipas ng ilang araw nag aya siya ng date. Naligo agad ako at pumunta agad sa lugar na lagi naming tagpuan.

Ilang minuto wala parin siya. Binuksan ko ang aking cellphone at sinubukan ichat siya.

Me: Babe Asan ka na?
Gabriel: Babe mukhang may sumusunod sa akin ng mga mysteryosong lalake. Iiwas ako sa kanila, dali tumawag ka mg pulis at papuntahan mo rito sa tapat ng pagawaan ng salamin.
Me: Tse!! Dahilan dahilan ka pa diyan bilisan mo.

Sabay block sa messenger. Naiinis kasi ako, nag aaya tapos siya pa ang nahuhuli.

Ilang minuto pa nag daan wala parin siya. I chachat ko sana kaso huwag na, temp. block siya sa akin.

Ilang oras wala parin. Tumayo na ako sa aking pag upuan at umalis, wala eh hindi na siya darating.

Sa aking paglalakad, tumunog ang cellphone ko. Nag chat ang kapatid ni Gabriel na si Christine.

Christine: Ate, Si Gabriel wala na siya.
Me: Anong wala na siya? Ano nang yari?
Christine: Namatay na si Kuya, bingugbog siya, sinaksak at itinapon sa likod ng pagawaan ng salamin.
*sent a picture*

Nanigas ang aking katawan na nakita ko ang larawan na puno na dugo ang katawan ni Gabriel sa larawan.

Napaluha nalang ako at nagsisi dahil hindi ko nagawang tumawag sa pulis.

Ambobo ko naman. Sinisisi ko nq blinock ko pa siya, at pinagalitan.

[The End]
White Ink Creator