"KUYA"
Meyroon lang ako ikwekweto hinding hindi ko ito makakalikutan lalo na ang kuya kuyahan ko.
By the way my name is Mariel. Noong Grade 7 pa ako, wala akong kaibigan at hindi ako palakaibigan. Walang lumalapit sa akin, in short I'm Loner.
Isang araw habang nag rerecess ako mag isa sa mini forest ng school, may lumapit sa akin na isang lalaki at may katangkaran.
"Puwede ka ba ako maki lamesa?" Tanong niya sa akin at tumango lang ako. Umupo na siya sa side at kumain na siya ng kaniyang meryenda.
"Wala ka bang kasama or kaibigan lang man?" Bigla niyang tinanong sa akin.
"Wala po." Tanging sagot ko.
"Bakit naman?" Tanong niya uli.
"Wala akong tiwala sa mga kaibigan na yan, sisirain ka rin lang." Sagot ko sabay sumubo ng tinapay.
"Hahaha... wala kang tiwala? Subukan mong magkaibigan, masaya yun basta't may tiwala ka sa kaniya." Kaniyang sabi habang nakangiti.
"Pero wala akong tiwala sa mga kaklase ko." Aking saad.
"Ako, pwede mo akong maging kaibigan." Sabi niya.
"Talaga po?" Hindi ko paniwala sa kaniyang sinabi.
"Oo, will be friend?" Tanong niya at inabot niya ang kaniyang kamay niya sa akin.
"Sige po." Aking pangtangap.
"By the way, My name is Jay. Grade 9 student and you?" Bati niya.
"Mariel Loren po."
Mula noon naging magkaibigan ko na siya, subrang bait niya at lagi ko siyang nakakasama sa paguwi at sa pagpasok naman ay hinihintay ako sa harap ng bahay.
Kuya ang tawag ko sa kaniya, nakakailang kasi kapag bess ang tawagan namin dahil masmatanda siya keysa sa akin.
Tumatagal nararamdaman ko na ang ibig sabihin ng pagkakaibigan. At tumatagal may nararamdaman ako sa kaniya.
Gusto kong sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya.
Isang araw... sa mini forest.
"Kuya, hindi mo ba ako iiwan?" Tanong ko sa kaniya.
"Haha Hindi. Kahit ano pang mangyari hindi kita iiwan." Kaniyang sagot.
"Bakit mo pala natanong?" Tanong niya.
"Uhmm... kasi po kuya." Biglang tumonog ang bell senyales ng aming uwian.
"Uhmm... bukas nalang po kuya, uwi na tayo." Agad kong sinabi.
Hinatid niya ako sa aming bahay at dumeretso na siyang umuwi.
Siguradong bukas ko na sasabihin sa kaniya.
Kinabukasan. Maaga akong pumasok, hindi ko na kasama si Kuya Jay sa pagpasok.
Sa recess pumunta ako sa kanilang room para sabihin ko na sa kaniya kaso.
Walang sila kilalang Jay Lilian sa kanilang klase.
Sabi ng isang studyante, last two year ago, nag pakamatay si Jay Lilian dahil lahat ng mga kaniyang kaibigan niya dati ay binully siya.
Na depress siya at nag pakamatay mini forest mismo.
Malungkot akong nag lakad papunta sa mini Forest at umupo sa lamesa kung saan ko siya nakilala.
"Huwag ka nang malungkot, hindi naman kita iiwan di ba?" Sabi ni kuya at nasa tabi ko na siya.
Dahan dahan tumulo ang aking luha.
"Tahan na Mariel, hindi kita iiwan." Kaniyang saad at pinunasan niya ang aking tumutulong luha.
"Ma-mahal kita kuya." Hagul gol kk
"Mahal rin kita Mariel. Tahan na Huwag ka nang umiyak, nandito pa ako at sasamahin kita para hindi ka na mag-isa." At niyakap niya ako.
(The End)