"DEDMA LANG"

Bakit kaya ako hindi pinapansin ni Crush sa akin? Hmm.

Ako pala si Janiella 16 years old at laging pumapansin kay klassmate ko at Crush ko pa na si Max. 3 days palang ang school, crush ko na siya agad hehehe.

Habang naglalakad na nga ako papuntang room namin. May nahulog na kusot na papel sa aking gilid, buti hindi ako matamaan.

Teka bakit kaya may lumilipad nang papel? Ano meyroon? By the way patuloy parin ako sa pag lalakad.

Sa pagpasok ko sa aming room, nakita ko agad si Max na naka tunganga uli sa bintana.

Lagi siya ganiyan. Laging nakatunganga.

"Haaay!!! Sawakas nakarating rin ako." Sigaw ko para mapansin ako ni Max subalit wala, nakatingin parin siya sa bintana.

Ewan ko kung bingi ito. Dumeretso ako ngayun sa aking upuan at nilagay ang aking bag.

"Ano kaya gagawin ko ngayun?" Aking walang kwentong tanong.

"Naku maglilinis pala ako." Sabi ko uli para lang mapansin ako ni Max. Kahit kami lang dalawa nandito sa roon ngayun.

Ano bayan hindi parin ako pinansin.

Hindi ako susuko, mapapansin mo rin ako.

Tumayo na ako at nag linis.

Pagkalipas ng isang Subject. Katabi ko na siyang naka upo. Ngayun mapapansin mo rin ako.

Tahimik siyang nakikinig sa aming teacher.

Tinutoktok ko ang aking ballpen sa armchair ko para lumikha ng tunog. Palakas ito ng palakas upang mapansin niya ito subalit wala.

Napagod na ang aking kamay kaka-pokpok.

Hindi parin ako susuko.

Reccess na namin at naunang siyang lumabas, syempre susunod ako sa kaniya.

Habang naglalakad siya. Binato ko siya ng bolang papel at tumama ang ulo, subalit patuloy parin siya sa paglalakad. Ano bayan, manhid ba siya?

Ang pagtataka ko, bakit hindi rin ako pinansin ang mga studyante sa paligid? Hmm...

Pero hindi parin ako susuko.

Nakita ko siya na dumeretso siya sa mini forest, kaya naman pinuntahan ko siya.

Sa kasalukuyan ngayun na nagiisa siyang naka upo sa malaking putol na kahoy at tila bat tinitignan niya ang kaniyang selpon.

"Max, bakit hindi mo ako pinapansin?" Tanong ko sa kaniya, subalit hindi siya umiimik.

Grabe siya, bingi talaga.

Ilang saglit may lumapit na classmate namin at umupo sa tabi ni Max.

"Pare, tinitignan mo nanaman ang kasintahan mo." Saad ng kasama niya.

Te-teka? May jowa siya? Wew hindi ko alam ah.

"Namimiss ko lang siya men." Ayown nakita ko rin siya na nagsalita."

"Hahaha, mag move on kana." Sabi ng katabi niya. Teka paanong move on? Ano nangyari?

"Kasalanan ko na magkikita sana kami at mag dadate dahil 1st anniversary namin kaso na disgrasya siya." Wika ni Max at nakatingin parin siya sa selpon.

Ahh namatay pala ang kaniyang kasintahan, so may pag-asa pa ako.

"Hindi mo yan kasalanan, ang kasalanan yung driver.

Oo pala sino pala ang kasintahan niyang namatay? Tinignan ko yung selpon ni Max at laking gulat ko na...

Ako ang nasa picture. Hindi ako nakagalaw dahil nakita ko ang aking picture sa selpon ni Max.

Ibig sabihin, namatay ako? At matagal na pala kaming mag kasintahan?

Oo tama naalala ko na ngayun, Grade 10 pa kami, pinapunta ako ni Max sa kaniyang bahay, at yung sinakyan ko ay nabundol sa truck.

At iyon lang naalala ko.

Patuloy parin ako lumuluha. Kaya pala dinidedma ako ni Max dahil kaluluwa na ako.

Niyakap ko siya sa likod at parang naramdaman niya ang aking pagyakap

"Mahal Kita Bhie." Aking bulong sa kaniya.

"Mahal rin kita Bhie." Ngumiti ako nang dahil binulong niya iyon.

Niyakap ko siya ng mahigpit. At nararamdaman ko na unti unti akong naglalaho.

"Pangako Janiella, ikaw parin ang mahal ko." Bulong niya.

"Bhie, magkita tayo sa langit." Aking muling bulong.

((END))
White Ink Creator