"Bantay"

Pagod na pagod ako galing trabaho, sa kasaluluyan akong pauwi sa amin, para maka uwi ako kailangan ko sumakay ng jeep. Malayo kasi ang bahay namin sa pinag tratrabaho ko.

Nag hihintay ako ng sasakyan sa paradahan, hapon na kaya marami kaming nag hihintay ng jeep.

Habang nag hihintay ako, may napansin akong batang babae na lingon ng lingon. Nilapitan ko at sinabing "Nawawala ka ba?." Pero hindi sumagot ang sabi lang niya ay "Ikaw ba si Joshua?".

Nagtataka ko bakit alam niya ang pangalan ko at hindi ko kilala ang batang babae na ito.

Tumango nalang ako at nag usap kami. Hindi ko matandaan kung ano ang pinag uusapan namin at nagka interesado ako sa batang ito dahil alam niya ang pangalan ko.

Usap, usap at usap hindi ko matandaan ang pag uusapan namin basta usap lang. Kahit dumating na ang Jeep at nag uusap parin kami ng bata.

Umalis na ang jeep, hindi ko iiwan ang batang ito na mukhang naliligaw.

Hanggang mag tatakip silim na at dumating ang pangalawang jeep.

Tinignan ko ang orasan sa braso ko. 

"Sige, uuwi na ako at mag gagabi na." Sabi ko sa bata.

"Sige po paalam." At bigla siyang lumayo papalayo. Nag taka ako bakit deretso siya nag lakad.

Pumasok na ako sa jeep at umandar na.

Kalayuan na ng byahe, huminto muna ang jeep na sinasakyan ko. Meyroon daw kasi na disgrasya sa harap.

Dahil chismoso ako tinignan ko ang nag disgrasya.

Lumaki ang mata ko dahil ang jeep na disgrasya ang jeep na naunang umalis o ang sasakyan ko sana.

Maraming sugatan at namatay, ang driver ay namatay dahil nasa harapan siya.

Paano kung doon ako sumakay.

Bigla pumasok sa isip ko ang batang babae. Kaya pala pinigilan ako, sino ba siya? Guardian angel ko? Ang munting bantay ko?

Sana mag kita kami ng batang iyon at mag pasalamat.

(The End)

White Ink Creator

Yeah I'm bored