"BABALIK AKO"
Sa isang skuwelahan sa aming room. Lagi kaming nag kakasama ang aking kaibigang babae na si Serene.
Lagi kaming magkakasama at nagkuwekuwentuhan, minsan sa amin siya natutulog, lumalapit siya sa akin at kinocomfort kung meyroon siyang problema.
Hindi ko malimutan na sinabi niya.
"Ikaw lang ang tunay na Kaibigan kong lalake." Patang deploma ko na iyon.
Isang araw nag plano ang pamilya ko na mangibang bansa para malapit ang pagtratrabahuan ng aking magulang.
Hindi matigilang umiiyak si Serene nang sinabi ko na mag tratransfer ako sa ibang bansa
"Huwag kang umiyak Babalik ako pangako."
"Pangako?"
"Oo, pangako."
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit habang umiiyak.
Naklipas ng ilang araw, nabalitaan ko na may sakit si Serene. Isang malubhang sakit.
Nag alala tuloy ako kaya sinubukan ko tumawag.
"Bess... diba, babalik ka? Miss na kita." Sabi sa kabilang linya.
"Oo bess babalik ako pangako."
Hindi ako pinayagan ng mga magulang ko na bumalik ako sa pinas.
Pagkalipas ng ilang taon naka graduate na ako sa koleheyo. Umuwi na kami sa Pinas at mag madali ako para bisitahin ko ang aking Kaibigan.
Nang nakarating ako sa distinasyon na hawak hawak ko ang bulaklak, nandoon din ang mga dati kong kaklase.
"Ohh nandito kana, talaga bang tinupad mo ang pangako mong babalik ka." Sabi ng isa kong kaklase.
"Hehe oo, nasaan siya?" Tanong ko.
Pumunta kami sa puntod... niya.
Nilagay ko ang bulaklak sa harap ng kaniyang puntod at umupo.
"Bess... nakabalik na ako."