"Me and My Reader"
[Errors Ahead]
Sa kasulukuyan nakaupo sa aking learning desk, I mean naka upo ako sa upuan at kaharap ko ang learning desk na may laptop sa ibabaw. Kailangan ba talaga i-describe ng tama?
Habang nag sscroll ako dito sa akin laptop dahil nag-iisip ako ng isang plot story para lang makapost ako.
Tagal ko narin hindi nagsusulat mula nung binash ako ng mga isang gawa ko.
Hindi kasi ka aya-aya ng isang gawa ko kaya binash ng todo and yun nga, nawala na akong gana magsulat pa.
Actually, underated writer ako o hindi sikat na writer.
Habang nag sscroll pa ako dito, may biglang nag chat sa akin na hindi ko kilalang account.
Thaux Fu: Hello Mr. A, reader niyo ako napakaganda po ng mga gawa niyo po.
Me: Salamat ^__^ ate...
(Ate kasi babae ang kaniyang Profile Picture)
Thaux Fu: Nagsusulat pa ba kayo? Kasi matagal na kasi kayo hindi makapag post eh.
Me: Salamat sa pag concern sa akin. Oo magsusulat pa ako, actually nagiisip nga ako ng plot eh.
Thaux Fu: Pwede po ba ako mag bigay ng idea sa inyo kuya?
Me: Oo naman.
Thaux Fu: Sige, yung pinagtagpo pero hindi tinadhana. I mean yung hanggang kaibigan lang sila.
Me: Yun lang ba?
Thaux Fu: Opo yun lang po pasyensana dahil yan lang mabigay ko.
Me: Ahh... ok lang actually nakaisip na ako dahil sa ideya na iyan Salamat.
Thaux Fu: Walang anuman kuya. Tumutulong lang ako para makapag sulat po kayo. Namimiss na po kita ehh. I mean lahat ng mga solid na mambabasa niyo po.
Me: Ahh ganun ba hehe.
Thaux Fu: Sige po baka hindi na kayu makapag sulat sa.
Me: Sige salamat uli.
At nag offline na siya. Napasandal ako at nag isip ng plot twist sa idea na binigay sa akin ng isa kong readers.
Buti yung reader na iyan nakikitulong, hindi kagaya na nag chachat nga kaso nag propromote ng mga gawa, syempre susuportohan ko rin.
Nang nakaisip na ako. Pinunta ko ang aking laptop sa Word at pinamagatan ko story na ito na ideya ng isang reader ko ng "I'm Sorry".
Ngayung gabi ko lang ito matatapos.
Naka isang oras ko rin ito nagawa at hindi ko talaga ramdam ang sinusulat ko. Ganun talaga ang mga manunulat, hindi nila nararamdaman ang flow ng kanilang ginagawa kaso ang mga mambabasa nito ay halos maiiyak na sila. Hmm hindi ko masagot iyan.
Hindi ko na malayan na 1am na at sakto tapos ko na ang aking ginagawang story. Nilagay ko ang pangalan ng nag bigay ng idea sa last part.
Pinost ko na sa aking page at humiga na ako sa aking higaan dahil alam kong tulog ang mga magbabasa mga ito.
Nangnaisipan kong ipikit ng aking mata, iniisip ko yung nag bigay ng ideya sa akin. Bumangon uli ako at chineck ang kaniyang account.
Nakita ko ang picture ng mga kaibigan niya at mga kaklase niya. Minsan rin siya nag popost ng kaniyang picture.
Oo pala bakit ko pala siya inistalk. Bumalik uli ako sw aking higaan at nagpahinga.
Kinabukasan sa aming school. Actually patago ako na isa akong writer sa aming school. Nakatago ito sa aking Pen Name.
Nag open ako ng FB para tignan ko ang aking gawa. Marami naman nag Sad React at Heart, meyroon din mga Good Comments at mga madagdamdamin na comment at iba parang sinummary lang ang ginawa ko.
Ilang saglit nag chat sa akin si Thaux Fu sa akin.
Thaux Fu: Kuya, ang ganda po ng "I'm Sorry" luh, nakakiyak.
Me: Hehehe Ganun ba, salamat pala sa ideya mo.
Thuax Fu: Kuya pwede pa ba mag request ot bigay na rin ng plot?
Me: Syempre naman para may magawa uli ako.
Thuax Fu: Uhmm... Yung mag syotang artist. Yung lalaki nagkasakit, at nag aalala ang babae sa lalake syempre nag alagain niya si lalake. Lagyan mo yung sakit na lalake na nakakamatay raw. Plot twist yung babae ang mamamatay sa kuwento. Basta po gawan niyu ng paraan ng pagkamatay ng babae. Basta hindi ang lalaking nagkasakit ang namatay.
Me: Hmm. Gandang kuwento yan, Sige gagawin ko yan mamayang gabi.
Thuax Fu: Hindi kasi ako kagalingan mag sulat kaya kayu nalang po mag sulat ng plot ko po.
Me: Sige sige.
At nag off na siya. So dahil sa ganda ng plot niya naganahan uli ako magsulat.
Kinagabihan pagkatapos naligo. Umupo agad ako sa aking upuan at humarap sa laptop at chineck muna ang aking account sa FB.
May nag PM sa akin.
Thuax Fu: Maraming salamat dahil sa mga stories mo. Nawawala ang mga stress ko habang binabasa ko ang mga gawa mo at napapasaya po ako. Salamat po talaga Kuya.
10 Mins Ago
Bigla ako na bigyang lakas nang nabasa ang mensahe niya sa akin. Hindi ko alam irereply sa ganiyan.
Me: Ahh buti naman. Salamat rin dahil tumulong ka sa pagbalik pagsusulat.
Yan talaga eh di kasi ako marunong mag reply.
So ayun na nga tinitle ko ang Plot niya ng "Kung Gaano Tayo Kalapit".
Nagsimula na ako mag type at naayon sa binigay na plot sa akin. Napatigil tigil ako dahil na ALT TAB ako sa FB dahil kahit ako hindi ko alam kung bakit siya iniistalk at na cocoriuse sa kaniya.
Kakaunti lang ito kaya madali ko ito matapos para mapabasa ko agad sa kaniya.
Kahit ipabilis ko pa, napapatigil talaga ako dahil sa kaka titig sa acc ni Thuax Fu.
Natapos ko na nga siya ng Isang Oras. Sabay post na rin. Kahit wrong spelling pa iyan basta't mababasa at maintindihan ang takbo ng kuwento.
Hindi ko rin alam na bakit ginawa kong masaya ang ending... teka masaya ba iyun?
Offline parin si Thuax Fu. Nagsimula nang nag react ang mga mambabasa ko pero hindi paren nag oonline si Thuax Fu. Siguro naman tulog na siya.
Kinabukasan habang papasok na ako sa aming room sa school. Chineck ko ang aking FB, nagulat ako at ang daming nag react sa latest na gawa ko na plot ni Thuax. Oo pala speaking offline parin siya.
Nakalipas ng ilang oras wala parin hanggang gabi. Nagtaka na ako bakit offline parin siya.
Nakalipas ng ilang araw wala parin offline parin siya.
Nandito ako ngayun sa aking kuwarto na nakatutok sa aking laptop.
At nag online na siya. Hintayin ko siya mag chat dahil alam kong binabasa niya ang latest na gawa ko.
Thaux Fu: Salamat at napakaganda talaga.
Me: Tanong ko lang, yang story ba ay iyung totoong kuwento?
Thaux Fu: Opo, actually ako po yung babae sa kuwento.
At bigla na siyang nag offline.
Natakot ako sa kaniyang reply. Hindi ko alam kung totoo iyun perk nanginig ako.
Ilang saglit may nararamdaman akong yumayakap sa akin.
"Huwag kang matakot Kuya, mamanahimik ako dahil sa mga gawa mo. Salamat pala at pinasaya mo uli ako." Bulong sa akin.
"Walang anuman, Ang goal ko bilang isang Manunulat ay Mapasaya ko ang aking Mambabasa." Bulong ko sa aking sarili.
"Huwag kayung mag alala kuya, mag babasa parin ako at patuloy parin sumusuporta sa iyo." Patuloy niya pa ito at ramdam ko na may humalik sa aking pisngi.
[The End]