I'M SORRY"
Isa nanamang boring na umaga ang dumating sa amin.
Heto nanaman ako at nakaupo sa aking upuan at katapat ko ang isang bintana. Ewan ko ba bakit pa ako tumitingin sa sa labas habang nagkaklase.
Nag simula na ang oras para sa unang subject namin.
"Ok Class, meyroon kayong new classmate from all girls school." Saad ang aming cute na advicer.
Teka ano sabi ni Ma'am? Galing all girl school? Siguro maganda siya at mayaman.
Pumasok na ang sinasabing transfree at tama nga hinala ko. Maganda siya kaso may kaliitan nga lang.
"Hello po, pangalan ko pala ay Janice Almonte 13 years old." Napakaganda ang kaniyang boses, bagay na bagay sa kaniya. Halos lahat ng lalaki dito ay napanganga na lang.
"Ok Janice ang upuan mo sa tabi ni Mr. Vidal." Sabi ng aming adviser
Wait what? Ka sit mate ko siya. Lumapit na siya ngayun sa akin, bigla ako kinabahan dahil nakatingin sa akin.
"Hi." Tipid niyang bati sa akin. Uhmm hihimatayin na ba ako? Ang ganda niya talaga.
"Uhmm Hi." Reply ko sa kaniya. Umupo na siya sa kaniyang upuan.
"Ikaw ba si?" Tanong niya.
"Bradly, Bradly Vidal." Agad kong sinagot.
"I see, nice too meet you." Sabi niya at inaabot niya ang kaniyang kamay para makapag shake hands
So tinangap ko naman nakapag shake hands. Ang lambot naman ng kaniyang kamay.
At yun na nga, nag simula na ang klase.
Tahimik siyang babae, syempre ikaw naman na transfree at wala kang ka close dito sa campus. Ma oop ka talaga.
Oras ng Recess. Sa ngayun nanatili pa siyang naka upo sa kaniyang upuan at parang nag babasa siya ng notebook.
Pumunta ako sa kaniyang harap niya.
"Uhmm... Janice." Akin tawag para mapansin ako.
"Ano yun?" Matipid niyang tanong.
"Ano yang binabasa mo?" Tanong ko.
"Ahh Ito ba?" Tinaas niya ang hawak niyang notebook. "Ang notebook na ito ay nakasulat ng lahat na detalye na naging kaibigan ko. Subalit, nalaman ko na plastik pala sila." Malungkot niyang saad.
"Ay sorry Janice." Munting kong pasyensa.
"Ok lang." Saad nito.
"So pwede ba ko isulat ang pangalan ko diyan?" Tanong ko.
"Maging magkaibigan tayo?" Tanong niya pa nito.
"Oo, pangako hindi kita plaplastikin, tutulungan kita sa assignments mo, at cocormfortin kita kapag may problema ka." Pangako ko sa kaniya.
"Salamat, sige isulat mo ang pangalan mo dito." Kaniyang saad at tinangap niya ang aking alok na maging magkaibigan kami.
Simula nung araw na iyon ay naging kaibigan ki na siya. Kagaya ng pinangako ko sa kaniya na kapag may problema siya cinocormfort ko siya at pinapayuan or yinayakap ko siya bilang kaibigan.
Nakalipas ng ilang araw, parang bestfriend ko na siya. Malakas na ang trip namin, yung nagtatawanan habang kumakain, at yung mga gawain pang bestfriend.
Minsan nga humihingi siya ng tulong sa akin na ipalapit ko siya sa crush niyang lalaking dito sa school. So ginawa ko naman.
Pero, meyroon palang Girlfriend ang crush niya kawawa naman si Janice.
Pero tumatagal parang nahuhulog na ako sa kaniya. Parang nahihiya na ako na tumabi sa kaniya o yumakap siya sa akin.
Gusto kong magtapat sa kaniya pero natatakot ako baka lumayo pa siya sa akin.
Samantala habang nag lalakad kami pauwi.
"Bradly bess? Ano problema mo ba't parang tahimik mo ata?" Tanong sa akin ni Janice.
"Wala lang ito bess." Matamlay kong sagot.
Hinarang niya ako.
"Anong wala, kanina ka pang tahimik sa klase at hangang ngayon. Ano nangyari sa iyo sabihin mo na sa akin baka matulungan pa kita." Kaniyang sabi.
"Pero kapag sasabihin ko ito sa iyo, lalayo ka na sa akin." Sabi ko at nakatingin ako sa baba.
Hinawakan niya ang aking pisngi at sinubukan niyang itaas ang aking ulo para tumungin ako sa kaniyang mukha.
"Sabihin mo na kasi bess." Papilit niyang sabi.
"Mag tatapat na ako na may gusto ako sa iyo." Agad kong saad.
"Ano?" Hindi niya napaniwala. At biglang tumahimik ang paligid.
"Bess, pasyensa na kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo." Nagulat ako sa kaniyang sinabi at hinawakan ang aking dalawang kamay.
"Buti nag tapat ka ng maaga sa sa akin. Kung hindi wala nang friendship ang magaganap." Patuloy niya ito.
"Bess pangako, babawi ako sa mga ginawa mo sa akin. Ako na ang mag cocomfort sa iyo kapah may problema ka, ako na ang bahala sa assignments mo at ako na ang mag proportekta sa iyo." Kaniyang wika.
Dahan dahan niya ako niyakap ng mahigpit.
"Pasyensa talaga Bradly, kaibigan lang ang turin ko sa iyo." Bulong niya sa akin.