*** [Flastback]

Nakarating na si Glenn sa address na kung saan dinala si Teresa. Nakita niya ang isang bahay na walang ilaw na para bang wala ng tao na nakatira. Pumunta sya dito at binuksan ang pinto na hindi naka lock. Sa pagbukas niya usok ng sigarilyo ang una niyang naamoy. Hinanap niya sa sala pero walang tao. Magkahalong inis at pagaalala ang nararamdaman ni Glenn at nang umakyat siya sa hagdaan ay bumungad sa kanya ang isang pambabaeng damit na pang-eskwela. Nakita niya ang naka usling bukas na pinto ng kwarto at sa pag-iisip niya ay ayaw na niyang malaam kung ano pa ang kasunod na mga mangyaayari. Sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Teresa na naka tulala at walang damit at naka kalat ito sa lapag, katabi nya din ang kanyang cellphone na umiilaw. Na blanko bigla ang kanyang pagiisip at napaluhod bigla. Naiyak nalang siya habang sinasabi ng paulit-ulit ang pangalan ni Teresa at himihingi ng tawad. Nang tinignan niya ang cellphone ay isang litrato ang nakita niya. Mas lalo pa itong ikinagalit ni Glenn dahil nakita niya sa litrato ang itinuturing niyang kapatid. Sa inis ay sinigaw niya ang pangalan nito ng pagkalakas lakas.

 

“Klennnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnt!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!Magbabayad ka sa ginawa mo!!!!!!!!!!! Ipinapanga ko kahit saang lugar pag nakita kita papatayin kita!!!!”

 

Simula noon ay dala dala na niya ang galit at paghihiganti nito sa kanyang itinuturing na kapatid. Kumalat rin sa eskwelahan ang nangyari kay Teresa na ikinagulat ng lahat. Na cancel ang dapat na pagalis ni Teresa papaalis ng bansa habang si Glenn naman ay hindi na rin tumuloy. Labis ang pagkagalit ng kanyang tatay dahil dito. Dumagdag pa dito ang pag lubog sa utang ng kompanya na kanyang pinamumunuan. Kinalaunan ay hindi na nagaral si Teresa at nabalot na ng depression. Dumating ang panahon na sa ospital na lang nanahan, dahil sa bigla-bigla niting pagwawala na epekto na nangyari sa kanya. Pero lagi dumadalaw si Glenn sa ospital para makita si Teresa at tignan ang kalagayan. dahil na rin sa kanyang tatay umalis na rin ito sa bahay at namuhay mag-isa. Dito narin nag-umpisa mag saliksik si Glenn sa ginagawa ng kapatid niya. Isa na nga dito ang pagiging sindikato. Noong panahon narin na ito siya ay naglaro nang Vr Wars. *** [Present]

Nakarating na kami sa kwarto kung saan nakalagay ang taong pinakamamahal ni Glenn na si Teresa. Bubuksan na sana ni Glenn ang pinto pero napa hinto ito, pero tinuloy nya parin ang pag bukas. Bumungad nga saamin ang isang babae na mahaba ang buhok at naka damit pam-pasiyente. Naka sandal ito sa higaan at nagbabasa ng libro. Nang lumapit kami ay biglang naalerto si Teresa at napahawak sa kanyang higaan.

 

“Ako… to si Glenn…….”

 

Itinuro ako ni Teresa na para bang takot na takot.

 

“Ahh eto ba si Cj kaibigan…. Ko.”

 

Ibinaba namin ang aming bag sa lalagyanan. Lumapit si Glenn kay Teresa para ayusin ang higaan pero kita parin sa mukha ni Teresa ang takot na kanyang nadarama. habang hawak hawak ay libro tinanong ko ito kung ano ang title ng libro. Umupo naman si Glenn sa tabi ng higaan ni Teresa.

 

“Space and Stars by Chris Jay Ayasaki”

 

Ang akala ko ay si Teresa ang sasagot pero si Glenn ang sumagot. Sinabi ni Glenn na hindi na nagsasalita si Teresa simula nuong trahedya na iyon. Habang si Teresa naman ay tinitingnan ako, napansin ko ang kagandahan niya at pagiging inosente nito na may alerto. Taliwas sa ikinweto ni Glenn na masayahin at mapag kompetensya.

 

“Dapat mga space cadet kami ngayon kung hindi nangyari ang mga bagay-bagay”

 

“Ano yung space cadet??”

 

Hindi na nagtaka si Glenn kay Cj na hindi niya alam ang space cadet. Sinabi niya na isang trainee astronaut ang ibig sabihin nito na ikinagulat ni Cj at napahanga.

 

“Woahh ibig sabihin yung study abroad nyo ehh itrereain kayo bilang astronaut???”

 

“Ganun na ng-“

 

Grrrrrrrrrrrrrr

 

Nang biglang tumunog ang aking sikmura.

 

“Hahahha kumain kaba kanina? Bibili kita pagkain?”

 

Sabi sakin ni Glenn pero tumanggi ako. Sinabi ko nalang na ako na ang bibili. Lumabas ako nang kwarto dala ang bus card ni Joy na pwede ding magsilbing credit card.

 

“Hahaha mabait yun si Cj lutang nga lang at may pagka inosente sa mundo.”

 

Sabi ni Glenn habang si Teresa naman ay binabasa ang libro. Hindi ito nakikinig pero nagsalit pa rin si Glenn habang nakayuko. “Sana patawarin mo ako dahil hindi kita naligtas kaagad. Alam mo…… si Cj ang nung una ehh isa lang tao na walang alam. Pero... nung tumagal napansin ko na matulungin si Cj. May respeto ito at proprotektahan niya kahit hindi naman niya kaya o wala sa posisyon para gawin ito. Kahit noong kay Kim kay Mey at saakin. Kahit sa isang laro pa ito pero sa kanya ay parang nasa tunay na mundo ito hahaha. Sa kanya ko rin napagtanto na sa paghahabol ko kay kuya para maghinganti ay masyado ako nalunod sa galit. Pero sa mga sinabi niya ay natauhan ako………naalala mo yung sinabi mo tungkol sa dalawang malungkot na tao pag nagsama magiging masaya ang buhay…… kaso yung isang tao-“

 

Napahinto sa pagsasalita si Glenn dahil nakatingin si Teresa sa kanya at nakikinig ito. Nagulat si Glenn na nakahawak ito sa kanyang kamay, habang ang kabila ay binitiwan ang libro at dinampi ang mukha ni Glenn at sabay nagsalita.

 

“Gl-en-n…”

 

Nangiti si Glenn at napaiyak at bumabalik sa kanyang ala-ala ang mga oras na naka tingin sila sa kumikislap na kalangitan sa parke. Habang magkahawak ang kanilang mga kamay kasabay nito ang pagtila ng ulan. Lumusot ang mga dilaw na liwanag ng araw na umaaninag sa ospital. Habang si Cj naman ay pababalik na nang kwarto dala dala ang pagkain at inumin. Sa pagbukas nya ng pinto ay nakita nya si Glenn na tinitignan si Teresa na natutulog na. Binigyan ko sya ng tinapay at kumain kami.

 

“Salamat Cj at kung hindi sa mga sinabi mo ay patuloy parin ako sa pag-iisip sa paghihiganti. Kaya ko naisipang bumuo ng team dahil gusto ko mapatay si kuya…. kahit sa game lang. Hindi ko pa rin siya mapapatawad.”

Sabi ni Glenn habang naiinis at napahigpit ang hawak sa kanyang kinakain.

“Alam ko na hindi mo mapapatawad ang kapatid mo pero kung palagi mong iniisip ang paghihiganti ay wala ring mangyayari sayo. Tingin ko hindi rin gusto ni Teresa na malulung ka sa galit at malungkot. Ang gusto nya ay maging masaya ka.”

 

Sabi ni Cj at nagulat si Glenn dahil may sense ang sinasabi ni Cj.

 

“Tama ka nga may punto ka nga doon……. May utak kapala hahaha.”

 

Pabirong sabi ni Glenn kay Cj at nagkulitan ang dalawa.

 

“Hahaha nung una akala ko wala ka talaga alam sa mundo at lutang ngayon meron na kahit papaano hahaha.”

 

Banat at patuwang sinabi ni Glenn kay Cj at biglang sumagot si Cj.

“Ahhh ganun ba kasi sabi nang mga magulang ko nagkaroon ako ng amnesia noong bata pa ako hahahaha.”

 

Nagulat si Glenn sa sinabi ni Cj, pagkatapos ay may dumating na nurse at nagsabi na oras na ng check up ni Teresa. Kinuha na namin ang bag para lumabas pero hanggang sa pagsara ng pinto si Glenn ay hindi parin maiwanan sa tingin si Teresa. Pagkatapos ay binalik na namin ang I.D. at lumabas na nang ospital. Pagkatapos nito ay sumakay na kami ng bus. *** Sa kabilang banda naman sa office ni Zel binabasa niya ang mga documents sa kanyang computer. Pagkatapos ay may kinuha siya sa kanyang drawer sa ilalim ng lamesa. Ito ay isang memorycard adapter na may nakalagay na memory card. Isinaksak niya ito sa kanyang computer at tinignan ang laman. Isang folder ang nakalagay dito, nang pindutin niya ay may dalawang video at isang document na may pangalan na ‘Classified ODD No.1’. Pinindot niya ang unang video at nakita ulit niya ang isang malaking facility sa ilamin ng lupa. May malaking mga bakal na naka paikot sa facility at mga wire at kable ang naka palibot dito.

 

“Experiment to understand energy of atoms by smashing two atoms in pinpoint area to create coloumb force.”

 

“Michael!!!!!!!!! What are you doing stop doing stupid games and you business minded stop counting your money.”

 

“Hays sir……”

 

“Eh him not counting my money……”

 

[Experiment begin in 3…..2…….1…]

 

Madidinig sa video ang tunog ng mga machine sa facility. Sa pinaka banggaan ng dalawang atom ay dahan-dahang umiilaw, pero biglang may problema na nangyari.

 

[Overloading of higs particles.]

 

Kitang-kita sa video ang pag pitik ng kuryente sa mga bakal at sa gitna nang malakas na ilaw ay isang butas ang kanilang nakita.

 

“Sir our ….system detect something in the middle of light…………wait sir……atmosphere pressure.!!!!”

 

“What!!!! Are you saying Michael air pressure in a vacuum chamber??”

 

“Sir Michel was right…….. something is there …… in the light!!!”

 

Liwanag lang ang nakikita ni Zel sa video at mga kislap ng asul na kidlat at sa mga bakal. Biglang nawala ang ilaw at ang facility ay halos masira. Humupa narin ang pagtaas nang boltahe nang kuryente.

 

“I think sir we have open something……….”

 

Nagulat ang tatlong scientist at ang mga kasamahan nito at natapos na ang video na kanyang pinapanood.

 

Pinagpawisan nang malamig si zel habang pinapanood ang video. Pagkatapos binasa ulit niya ang document na ‘Classified ODD no.1’. Dito ilang litrato ang nakita niya, isang picture ng bata at nakalagay ang biometrics nito at mga information, nang biglang may napansin siya sa picture kaya tinignan ulit niya ang papel na binigay ni Nicoh at napa sandal nalang siya sa kanyang nalaman.

 

“Naku naman ………….tadhana nga naman parang magnet lang”

***

 

Gabi na nang mga oras na iyon at hinatid na ni Emily sa kanyang bahay si meyu

 

“maraming salamat leader……”

 

“sabi ko sayo wag leader ehhh.“

 

“Yes leader “

 

Pasayang sinabi ni meyu habang nawalan na ng pagasa si Emily na matawag sa kanyang pangalan. Nagpaalam na ito at umandar na ang kotse. Sa pagbukas ng gate ni Meyu sa kanyang bahay ay napansin niya na may tumitingin sa kanya. Lumingon ito at tumingin tingin sa paligid pero wala itong nakita at alerto itong pumasok sa bahay niya. Ang tao na pa simpleng nagtatago ay na ngiti sa kadiliman.

End

cjp00 Creator