Sa pag lingon niya ay nagiba na ang paligid at ang amoy ng mga dahon at huni ng mga kulisap at mga ibon ang kaniyang narinig. Nsa isang luntiang gubat si Cj at sobrang nakaka relax dito. Hindi gaano makita ang sinag ng araw dahil hindi pangkaraniwang taas at laki ng mga puno.
"Grabe parang nasa isang pelikula lang ako...."
Sabi niya sa kanyang sarili at agad na naglakad lakad. Napansin niya na kakaiba ang mga halaman at bulaklak na para bang ang tema ng map ay nasa pre-historic age. Manghang mangha si Cj nang biglang pinaulanan siya nang bala nang dalawang player. Sobrang bilis ng mga pangyayari at dali dali siyang napaatras at nagtago sa katawan ng isang puno.
"Dalawang shooter!??."
Gagamitin nya na sana ang RED para ma kontak ang tatlo pero may dalawang attacker na nasa magkabilang gilid niya at hihiwain na sana siya. Sobrang bilis ng mga galawan ng kalaban at halos wala na siyang oras para huminga. Mabilis na yumuko ang binata at napa yuko sabay tumba habang nakahawak sa kaniyang ulo. Tumama sa puno ang esapada ng dalawa at dahil sa sobrang lakas ng kanilang pag hataw ay bumaon ito masyado kaya nahirapan sila na agad itong bunutin. Nakkita naman ng pagkakataon si Cj at mabilis na gumulong pa abante.
"Wahhhh pusang gala!!!!"
Napasigaw sa gulat si Cj habang mabilis na umalis at tumakbo. Ang dalawang attacker naman ay dali daling tina tanggal ang kanilang espada sa pagkakabaon sa katawan ng puno.
"HINDI KO MAGAGAWA TO HINDE KO MAGAGAWA !!!.... NAUTO LANG TALAGA AKO TAE KA NICOH!!!!
Mabilis na tumatakbo si Cj sa kagubatan habang iniilagan ang mga bala nang dalawang shooter at mga hataw nang dalawang attacker na hinahabol rin si Cj. Kasabay nito ang sigaw niya na huminhingi nang saklolo sa kanyang mga kakampi.
“TUUUULONG!!!!!!!! GLENN!!!!! NICOH NASAAN KAYO!!!!!!...... KEEEMMMMM !!!!!!........ Gusto ko sana subukan ang bago kong teknik, kaso HINDI KO KAYA ANG APAT!!!!!!”
Medyo malayo na ang natatakbo nila ng may makita si Cj na kuweba. Pumunta sya at pumasok sa loob na hindi man lang nag-iisip at halos madapa dapa na sa sobrang pagod. Pumasok din ang dalawang attacker a sa kweba na walang pagaalinlangan pero nagduda ang isa sa kasama nilang shooter. Tinawag nito ang dalawang attacker na tumigil sa pagtakbo pero hindi na ito pinansin nang dalawang.
“Tsk kanina pa natin hinahabol ang attacker na yan pero walang rumeresbak sa kanya baka may pinaplano ang kalaban.”
Sabi nang isang shooter sa kasamahan rin niyang shooter habang nakatutok ang baril sa bukana ng kuweba. Paglingun niya sa kasamahan niyang shooter nabutas ang mukha nito. Nanatili pa itong nakatayo sa ilang mga segundo pero nti unti din itong napa tumba.
“Nalintikan na…!!!..”
Mabilis na napaatras ang shooter at nag hanap ng mapag tataguan, pero nung may nakita na siya ng malaking katawan ng puno ay huli na ang lahat dahil biglang sumulpot sa harap nya ang isang player na naka pang winter school uniform at para bang nasa anime.
“konnichiwa….. rapid shot”
Mabilis na sabi ni bati ni Nicoh. Sa bilis ng pangyayari ay nagpanik ang shooter at hindi na nito alam ang gagawin. Dahil doon ay hindi na nakapag shield ang Shooter at nabutas ang kanyang katawan dahil sa pinsala na natamo niya galing sa skill na pinakawalan ni Nicoh.
“Nice skill …. Nicoh“
Sabi ni Glenn habang nagtatago sa damuham hindi kalayuan.
“Ikaw rin Glenn headshot sana oll….”
GAME OVER
Winner Team Revenge
Score 4-1
Teleport in 1 min secs
Habang nag uusap ang dalawa ay biglang nag announce na nanalo ang koponan nila. Natuwa sila Glenn at Nicoh. Agad na naglakad si Glenn para pumunta kay Nicoh at maya-maya ay lumabas na din si Kim sa kweba na agad namang pumunta sa dalawa.
“Teka na saan na si Cj???”
Tanong ni Nicoh habang si Glenn naman ay kakadating palang sa kinatatayuaan nila
“Ang bilis kasi tumakbo kaya hindi ko kaagad natulugan.”
Sagot ni Kim kay Nicoh.
“Mabuti nalang at may kweba sa gitna ng kagubatan na to, grabe rin yung laki nang mga puno dito.”
Humirit rin si Glenn habang natatawa sa pinaggagawa ni Cj.
“Wahahah epic rin yung pinagagagwa ni Cj, hindi naman ganun inaasahan ko pero natatawa ako nung tinitignan ko sa scope pagmuumukha ni Cj.”
Kasabay ng pagtawa nang dalawang lalaki ay ang pag buntong hininga nalang si Kim.
Matapos nun ay na teleport sa conference room. Mabilis lang sila na teleport dahil hindi kalakakihan ang mapa na pinaglabanan nila. Pag dating nila sa conferene room ay bumungad agad si Cj na nag rereklamo sa kanila. Nilabas nito ang kaniyang espada para tagain ang dalawang lalaki pumalag naman ang dalawa kaya nag rambulan ang tatlo sa conference room.
“Taena namatay ako ng hindi ko nasusubukan yung bago ko na teknik inuto nyoko tatlo.”
Sabi ni Cj habang pilit na tinataga sina Glenn at Nicoh.
“Ang bilis mo tumakbo ehh kaya hindi ka na tulungan kaagad ni Kim.”
Sabi ni Nicoh habang si Glenn ay tumatawa habang hinaharangan ang espada ni Cj. Si Kim naman ay pinindot ang isang icon sa window screen ng conference room para makita ang mga kasalukuyan laban at mga nangyayari sa ibang bracket. Tinignan niya ang bracket A na kung saan ang naglalaban ay ang kilalang team na PARAGON na tila ba easy lang sa kanila ang kanilang kalaban. Hindi makalapit ang kalaban dahil sa dual rifle na si Macbeth. Isa-isa niyang pinapatay ang mga kalaban na player. Mga pagsabog at tunog ng unti unting gumuguhong mga bahay ang maririnig dahil sa walang humpay na pag baril ni Macbeth. Matatapos na ang laban ng biglang ang huling kalaban na shooter ay gumamit ng skill na rocket shot. Sumabog ng napakalakas sa kinaroroonan ni Macbeth at napuno ng usok duon. Ang akala ng shooter ay napatay na niya si Macbeth pero ng dahan dahan mawala ang usok ay nagulat siya dahil may nakapalibot na tatlong shield kay Macbeth at walang ka galos-galos mapapansin mo pa na kahit konting alikabok ay wala man lang ang player na ito. Napangiti si Macbeth sabay activate ng skill na rapid fire. Doble ang dami ng bala nito kumpara sa normal na rapid shot dahil dalawa ang gamit nitong rifle. Nakapag activate pa ng shield ang kalabang shooter pero hindi kinaya ng shield ang dami nang bala na tumatama dito. Sinubukan pang tumakbo ng kawawang shooter pero huli na ang lahat dahil na puno na ng butas ang buo niyang katawan. Dahil sa lakas at dami ng mga bala ay medyo tumalsik pa ang katawan nito pero tuluyan na nga itong napatihaya at nanalo ang PARAGON.
“Grabe naman yang PARAGON hindi man lang pinagbigyan ang kalaban.”
Puna ni Glenn sa asal ng leader ng PARAGON na si Macbeth. Napahinto sila sa rambulan at na notify na sila para sa pangalawang laban. Ilang sandali lang pag tanggap nila ng notification ay agad na silang na teleport. Sa kabilang banda tuwang tuwa ang mga player na nanood habang si Louca naman ay tamang entertain lang sa kanila.
“Pew kapagod rin mag entertain dito kahit nasa virtual space dapat malaki sahod ko dito.”
Buhay na buhay ang Luzon server dahil sa event sa laro. May mga discounted items at mga mini games at Q and A na pinangungunahan nang mga VAI NPC. Ang ibang mga player naman ay nag papahinga sa lodge. Maya maya lang ay sumolpot duon ang lalaki brown na buhok. Nag hahanap na ito ng ka pustahan. Pinag pupustahan nila kung sino ang dalawang team na mag rerepresenta sa Luzon channel para lumaban sa nation war.
Lumipas ang isang oras at ang mga bracket ay nasa mga kani kanilang huling laban na ang mga team. Ang team nila Glenn ay maswerteng nanalo sa dalawa pa nilang laban at maguumpisa na rin sa huling laban. Naka yuko si Cj at halatang sobrang ang panglulumo nito sa sulok nang conference room na nababalot nang dilim. Maluha luha din ito dahil palagi na lang siyang ginagawang pain at namamatay sa kamay ng mga kalaban.
“Ano bayan huhuhu kanina ko pa pinipilit nakakainis.”
Sinuntok niya ang pader at galit na galit na tumingin sa dalawa. Mabilis na tumayo si Cj at nag rambulan sila, habang si Kim naman ay napa buntong hininga ulit at nanood nalang ng iba pang mga laban. Sa paghahanap niya ng iba pang mga labanay nakita niya ang team na DEMIGODS. Napaisip ulit siya kay Macross dahil para bang may alam siya sa card. Napansin naman siya ng tatlong nag aaway dahil parang sobrang lalim ng iniisip nito.
“Tungkol ba kay Macross ang iniisip mo Kim???”
Tanong ni Nicoh at tumango naman si Kim bilang sagot. Napahinto ang tatlo at umupo sa mga upuan pero si Cj ay nanlulumo parin dahil tatlong beses ito nauto ni Nicoh.
“Wala tayo magagawa kung may alam ang demigods sa card. Sinabi rin sakin ni Sir Zel na may mga leak info tungkol sa card ang kumakalat sa game.”
Sabi ni Nicoh na dinugtungan naman ni Glenn.
“Ang kaliangan natin ay manalo, para makuha ang card. Mahirap narin baka sa masamang tao pa mapunta ito.”
“Grabe naman pala yung card na yan.”
Komento ng mangiyak ngiyak paring si CJ.
“Kaya nga may isa pang sinabi si Sir Zel na hindi lang ang rp system ang kayang kontrolin ng card. Isa daw itong susi o kung ano man medyo hindi ko maintindihan ehh maingay kasi sa bar nung kausap ko sya.”
“Anong klase kang agent pa bar-bar ka pa ahh.”
Sabi ni Cj at napaisip rin si Glenn sa sinabi ni Nicoh.
"Ano ba kasi kayang gawin nito sa rp system?”
Tanong ni Glenn kay Nicoh habang si Kim naman ay nakikinig.
“Hindi bat ang reality points system ay ang pera na convert sa digital money katulad ng bitcoin ganun………. Ang system nito sabi saken ni Sir ay kayang manipulahin ang international market stock exchange sa buong mundo sa madaling salita ang mga online money ay kaya niyang makuha o kaya nakawin ng system na hindi na dedetect nang mga may ari.”
Nagulat ang tatlo sa sinabi ni Nicoh.
“Grabe naman nasayo na lahat nang pera nang buong mundo.”
Sabi ni Glenn at nag salita naman si Cj.
“Hindi naman lahat ng pera sa buong mundo... Pano yung mga pera na ginagamit natin sa tunay na buhay?”
Sinagot ito ni Nicoh.
“Kaya nga... pero ang mundo ngayon ay halos sa virtual world na gumagalaw at 70 percent nang pera sa mundo ay converted na sa cyber world, at pakana ito ni devid linken at realitech.”
Habang nag uusap ay nag notif na ulit sa screen nila. Matapos nuong ay naghanda na sila. Habang busy ang tatlo sinaman Cj ay paulit ulit na bumubulong, suicide mission na naman ang mangyayari sa kanya. Ilang sandali lang ay na teleport sila.