Katamtaman na simoy ng hangin ang nararamdaman sa katawan ni Cj at ang mga halaman na dumadampi sa kanyang paanan. Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at sikat ng takip silim ang kaniyang nakita. Naramdaman nya din na nakasampa siya sa isang babae na nakatali ang buhok gamit ang isang tela. Dahan-dahan niyang nakita ang paligid na puno ng halaman at na pansin niya na para bang nasa isang malayong probinsya siya. Sobrang nostalgic sa kanya ang lugar na ito na para bang ang tagal na niya dito. Napansin din niya na hindi pangkaraniwan ang kanilang suot at maihahalintulad ito sa mga panstasya na palabas.
“nasaan ako”
Tanong niya sa kaniyang sarili na sinagot naman ng babae na nakasampa sa kanya.
“Malapit na tayong umuwi anak, nag hihintay na ang ating ama.”
Sabi ng babae na sinasampahan niya. Nang tignan niya ang mukha nito ay biglang nagiba ang paningin at pakiramdam niya. Ang hangin na malumanay ay biglang naging malakas at ang mainit na pakiramdam ay biglang naging malamig at basa. Minulat niya ulit ang kanyang mga mata at doon niya nakita ang mukha ni Mey. Napansin ni Mey na nagising na si Cj kaya huminto siya sa isang bubong ng bahay para magpahinga saglit.
“Ok ka lang ba Ej????”
“Oo ok lan---“
Bigla niyang naalala lahat ng nangyari kanina bago siya mawalan ng malay. Dali-dali siyang humingi nang tawad kay Mey dahil para sa kanya nakakahiya na sumampa sa likod ni Mey at dali dali yumuko.
“Wahhhh wahah sorry Mey…. Pasensya na at binuhat mo pa ako nag mumukha tuloy na ako yung babae sa ginawa mo…. patawad talaga.”
“Ahh walang yon, kanina pa kita sinasampal pero hindi kita magising…….. Alam mo naman na hindi basta basta nagagamit ang mga weapon nang sabay. Oo nga pala narinig ko sa RED mo na pupunta ang kakampi mo sa gitna ng map kaya binuhat nalang kita. Doon rin kasi ako pupunta baka ma kontak ko sila at makita doon”
“Ganun ba kaya pala medyo masakit ang pisnge ko… pero siguro dahil na rin sa mabango mong buhok kaya ako nagising.”
Dahil sa mababaw na pagiisip ni Mey ay agad na namula ang kanyang mukha at napatalikod, dahil sa na nahihiyang pagpapasalamat sa kanya ni Cj. Si Cj naman ay hindi alam na natamaan na pala si Mey sa banat nya. Medyo natahimik sila ng biglang may bahay na nasira at gumuho hindi kalayuan sa kanilang puwesto.
“May naglalaban siguro banda doon.”
Turo ni Mey sa lugar ng pinanggalingan nang tunog.
“Kanina rin may sobrang lakas na pagsabok sa isang gusali at gumuho.”
Sabi ni Mey kay Cj.
“Baka mga kakampi mo yon tara puntahan natin.”
Sabi ni Cj na may halong pananabik at sigla. Sumang ayon naman si May sa sinabi ng binata. Sabay silang tumakbo sa bubungan ng mga bahay at tumalon-talon. Pag tuntong ni Mey sa bubung ng isang bahay ay namalayan niyang nawala si Cj, ng tingnan niya ang ibaba ay nakita niya na kinapos pala ito nang talon kaya ito nalaglag sa bakuran nang isang bahay. Mga Ilang minuto ang nakalipas habang papunta sila sa kinaroroonan ng bahay na gumuho ay nakita nila ang isang bakanteng lote na may naglalaban. Napa hinto sila sa isang bubungan nang bahay at nag masid.
“Teka hindi ko mga kakampi yan.”
Sabi ni Mey habang si Cj naman ay napansin ang kabilang banda nang lote. May nakita syang dalawang player duon. Ang isa ay nakaluhod at ang isa naman ay nkatayo habang tinututukan ng baril ang naka luhod na player at para bang babarilin na niya ito. Tinitigan niya nang mabuti ang nakaluhod na player dahil parang namumukhaan nya ito. Nagulat sya dahil si Glenn pala ang nakaluhod na player at napansin nya din Bugbog ang buong katawan nito. Biglang nagiba ang kanyang pakiramdam at nabalot nang pagkainis dahil sa kaniyangg nakita. Narinig niyang nagsalita si Glenn ng napaka lakas kaya lalo siyang nagalit. Sumagot din ang player na nakatayo at narinig niya ang sinabi ng player.
“Paano ako makakapunta doon nang mabilis???”
Tanong ng galit ng si Cj kay Mey.
“Ahhh may unique skill kaba na dash or sprint???..... ay mukhang wala hindi basta na kukuha iyon ehh pwede ito self learn o kaya nabi-”
Napahinto sa pagsasalita si Mey ng nakita niya ang muka ni Cj na namumula na sa galit. Wala na siyang maisip na ibang paraan kaya agad niyang hinawakan ang hood at sinturon ni Cj. Inihakbang niyaang kaniyang isang paa para bumuwelo at makakuha lakas tapos mabilis na umikot sabay hagis ng malakas sa ngayon ay gulat nagulat na si Cj papunta sa kinarorooan nila Glenn.
“AHH AHH TEKA AN--- GAGAWIN—WAHHHHHHHHHHHHHHHHHH TINANONG KO LANG NAMAAAMMMM!!!!!!!!!!!!”
“Ehhhh!!!!! Bakit kasi ganun pagmumukha mo!!!”
Matapos niya ihagis si Cj ay agad siyang sumunod pero napansin niya ang isa pang player na papunta rin sa kinaroroonan ni Glenn.
Sa kasalukuyan…………..
Habang nag iintay na ma teleport papunta sa main hall ay malungkot ang tatlo maliban kay Cj. Kitang kita ang pagkadismaya nila sa kanilang sarili dahil sa hindi inaasahang resulta nito. Nabasag ang katahimikan ng pansinin ni Cj ang bagong kasuotan ni Kim at ang kanyang sandata.
“Woahhh!!! ang astig mo dyan sa suot mo Kim at ang astig din ng bago mong sandata na parang kay kamatayan.”
“tsk”
Tinignan ni Kim ng masama si Cj at sabay lingon palayo. Si Glenn naman ay napayuko at nagsalita na sinagot naman ni Nicoh.
“Sayang lang at hindi tayo nanalo para makapunta sa pangalawang round. Pasensya na ako talaga ang may kasalanan”
“ano sasabihin ko kay sir zel baka putulin ung sweldo ngayon buwan”
Pag uusap nila Glenn at Nicoh habang nanlulumo. Si Cj naman ay nakangiti sabay biglang lumabas ang isang window screen na isa isang pinapakita ang mga pangalan ng team na naka pasa.
“panalo tayo….”
Sabi ni Cj kay Nicoh na sinagot naman ng binata.
“Baka panalo ehh wala nga tayo nakuhang flag ehh.”
“Panalo Taaaayooo!!”
“TALO!!”
“PA-NA-LO”
Habang nag aaway ang dalawa ay nakita ni Glenn ang pangalan ng team nila sa sreen kaya dahan dahang nanlaki ang kaniyang mata dahil sa gulat. Tinapik niya ang dalawang nagaaway at tinuro ang screen. Nagulat silang lahat sa kanilang nakita maliban na lang kay Cj. Akala nila ay hindi na sila makakatung tung sa susunod na round. Malapad naman ang ngiti ni Cj sa kanila kaya hindi maiwasan ang pag dududa nila sa binata.
“Saan at paano ka nakakuha ng flag???”
Tanong ni Nicoh kay Cj.
“Sa drainage nung nadala ako nang agos nang baha. Doon ako napadpad at nakita namin ang isang flag na wala pang nakaka kuha…… Doon ko nakita yung baril mo Glenn hahaha.”
Pagkatapos ikwento ni Cj ang nangyari may napansin ang dalawang lalaki at nagduda ulit.
“hmmmmm”
“hmmmmm”
“N A M I N”
“N A M I N”
Sabay na nag salita ang dalawa na para bang nagiisip bigla nilang natandaan ang player ng vig4 na si Mey. Mabilis namang sinakal ng dalawa si Cj.
“EOKKKTFFFDJISJEIF TEKAADFGDFHHHH”
“TAENA ANO RELASYON NYO NI MEY??? NUNG UNA KINAWAYAN KA TAPOS NGAYON MAGKASAMA KAYO SA DRAINAGE!!!!”
Sigaw ni Glenn na para bang bumalik na ang lakas at may dagdag pa na lakas para sakalin si Cj.
“KAME NAGPAPAKAHIRAP MAKIPAG LABAN TAPOS IKAW NAKIKIPAG LAMPUNGAN KASAMA ANG ISANG CUTE NA BABAE. DAPAT IKAW NALANG ANG BINUGBOG!!!!”
Sigaw ni Nicoh kay Cj. Si Kim naman ay nanlilisik ang tingin kay Cj na para bang gusto nya itong pag pira pirasuhin. Si Cj naman ay pilit na nagsasalita habang sinasakal nang dalawa.
“ehhgkkg klo nagkk…. Kataon .. lang lang ang halahat…..!!!”
Habang nagkakagulo sila ay nateleport na sila sa isang room ng hall. Kahit nasa loob ng room narinig nila ang ingay ng mga player dahil sa kanilang mga napanood na laban. Dinig din ang boses ni louca na nagsasalita sa stage at nirereplay ang mga laban. Lumabas na ang mga team na nakatapos sa unang round at una na rito ang team PARAGON na sinundan pa ng iba pang mga team. Maya maya ay lumabas na din ang MAHAROTH at REVENGE. habang papabalas nang room ay inakbayan ni Glenn si Cj at bumulong.
"Hahaha pasensya na at wala ako naitulong... Salamat sa ginawa mo."
Ngumiti naman si Cj at nauna sa paglakad.
"Hahaha wala ka sa character mo, hahaha medyo magara pakingan."
"Huh ano sabi mo!!!?"
"Cringe tignan nang dalawa."
Sabi ni Nicoh kay Kim na sinagot naman ng kanina pa naiinis na dalaga habang naglalakad.
"Wag mo nalang pansinin."
Habang naglalakad may lumapit na mga hugis tatsulok na mga drone kay Glenn at iniscan ang kanyang katawan. Kalaunan ay unti-unting nawala ang galos at mga pinsala sa kanyang katawan. Matapos nuon ay nagsalita si Glenn.
"Pasensya na talaga at wala ako naitulong at nadamay pa kayo sa away nanaming magkapatid."
"Ok lang yun."
Tugon naman ni Nicoh habang si Kim naman ay napatango at lumabas na sila sa room. Naghihiyawan ang lahat dahil kay Kim sya lang naman ang player na halos ubusin ang 500 players sa laban ang napatay nya lang naman ay 200 players na sinundan naman ng ace ng PARAGON na 140 ang napatay.
"Rouge!!!!
"Rouge!!!"
Paulit ulit sinisigaw ng mga player ang bansag kay Kim habang ang mga nakakakilala naman sa kanya ay nagulat dahil may team siya na sinasalihan. Sa kabilang banda ang DEMIGODS naman ay masama ang tingin lalong lalo na si Rex kasabay ang pag replay nang laban nila sa bakanteng lote.
"Tsk...gaano ba kasikat ang babae na yan?"
Pa galit niyang tanong sa kaniyang sarili. Si Macross naman ay nakangiti na para bang may alam sa mangyayari. Sa kabilang banda ay nagbubulungan ang mga player sa isang hindi kilalang tao na gumawa ng kakaibang eksena. Pinutol lang naman niya ang isang braso nang isa sa magagaling na sniper sa luzon channel, at higit sa lahat kasama pa niya ang sikat na virtual idol nang vig4 na si Mey.
"Boooo!!!! Ang lakas na loob mo na tumabi kay Mey sa laban!!!
"Booo!!!! Matalo sana kayo!!!"
"Booo!! Mahina kana naman gusto mo mag 1v1 pa tayo."
Walang humpay ang pangungutya ng mga player kay Cj, habang ang binata naman ay nang lulumo sa mga naririnig. Bumalik lang ang sigla niya ng bigla siyang pinalo sa likod nila Glenn at Nicoh na para bang pinalalakas ang loob niya pero...
"Yan kase lumalapit ka pa sa mga ganyang player... Alam mo naman yung mga baliw na fans niyan ginagawa ang lahat kapag may lumalapit sa idol nila."
Sabi ni Nicoh habang inaayos ang kanyang salaming hangin na para bang experto sa mga ganitong bagay habang si Glenn naman ay tumatawa.
"Pero.... nagkataon lang ang lahat..."
Nang natapos na siyang magsalita naalala niya ang kanyang panaginip noong binubuhat siya ni Mey. Sobrang nostalgic ang kaniyang naramdaman sa lugar na yon at hindi niya maiwasang kilabutan. Nawala ito nang maghiyawan ulit ang mga player dahil ang team na Vig4 na ang lumabas. Para bang nasa isang concert ang mga ito na may pa glow stick pa at holographic banner. Todo kaway naman ang mga idol sa mga fans nila. Nagtago si Cj sa likod ni Nicoh dahil baka kawayan ulit siya ni Mey kapag nakita siya nito. Pagkatapos nuon ay lumabas narin ang natitira pang mga team, at ng nandoon na lahat ang mga nanalo sa unang round ay nag salita na ang commentator na si Louca para sa susunod na laban.
"Sa mga team na nanalo sa unang round binabati ko kayong lahat at sa mga natalo... sorry nalang at bumawi na lang sa susunod na event.... "
Pagkatapos niyang mag salita ay lumabas ang pangalan ng nanalo na mga team sa malaking window screen sa stage at nag shuffle. Napunta sa ibat ibang pwesto at baracket ang mga pangalan nang team. Matapos nuon ay nag salita ulit si Louca
"At ngayon.... mga kababayan para sa pangalawang round ay may bracket system tayo. Simple lang ito, may bracket A, B, C, at D. Sa isang bracket may walong team na nakapaloob at kung sino makatapat nila ay kailangan nilang manalo para makalaban ang kanilang next match. Ang apat naman na matitirang team ay maglalaban laban sa finals. Pagkatapos magsalita ni Louca ay tinignan ng team nila Cj kung saang bracket sila nailagay. Nakita nila na nasa bracket D sila. Ang ibang team tulad nang MAHAROTH at DEMIGODS ay nasa C at ang Vig4 at PARAGON ay nasa A at B. Pagkatapos ay agad na pumunta sa kaniya-kaniya nilang conferrence room ang mga team para magplano ng kanilang gagawin. Dahil tatlumpung minuto nalang at magsisimula na ang laban.
"Maswerte tayo na walang gaanong malakas sa bracket natin, pero wag tayo papasiguro lalo na’t may mga team na hindi kilala pero may ibubuga din."
Sabi ni Nicoh habang nasa loob sila nang silid.
"Pero pano tayo mananalo hindi naman pwede na basta nalang tayo aasa kay Kim."
Sabi ni Glenn habang nag iisip si Nicoh.
(Kung babasehan ang mga nakaraang laban namin, si Kim ang magaling samin at ako at si Glenn ang pumapangalawa at si Cj... si Cj..... hindi ko alam kung basta..... pero sa kaninang laban nagulat rin ako sa ginawa nya....hindi ko alam kung totoo ba sinasabi ni Glenn kay Cj... ahh ala---)
Oi.... oy.... Nicoh... hoy... Nicoh..."
Sabi ni Glenn kay Nicoh kaya napatingin si Nicoh.
"Hmmm ganito na muna ang gawin natin sa laban. Ako at si Glenn ay support sa laban at si Cj ang gagawa nang kill."
"Teka bat ako pano si Kim? Hindi ba sya yung malakas."
"Alam kung kakayanin mo yan Cj magaling ka naman ehh... MA GA LI NG..... Isa pa napagod si Kim dahil marami siyang napatay at ginawa niya ito para kumonti ang mga kalaban natin.. Hindi mo ba alam kung bakit 32 teams nalang ang natira?"
Ng pumasok sa isip ni Cj ang salitang magaling ay napapangiti ito at lumalaki ang ulo. Habang ang tatlo naman sila Kim, Nicoh, at Glenn ay nag bulungan
"Delikado yan pano kung mapansin nang kalaban"
Sabi ni Glenn habang si Kim naman ay nakikinig.
"Hmmp... hmmp"
Nagsalita naman si Nicoh para sabihin ang kaniyang opinyon.
"Sang ayon rin si Kim sa naisip ko at hindi ba ikaw nagsabi na may ibubuga si Cj?"
Walang nagawa si Glenn kung hindi ang pumayag, habang si Cj naman ay lumulutang na dahil sa laki nang ulo.
"Hindi muna gagawa nang malaking parte si Kim sa laban para hindi makita kung ano ang galaw ni Kim at para hindi ma kontra ng mga kalaban."
Sabi ni Glenn at nagsalita rin si Nicoh.
"Pero pag may kalaban tayo na nakita ay wag muna makipaglaban. Ang kailangan natin munang gawin pag nasa laban na ay ang mag regroup.........."
Lumapit si Nicoh at hinawakan ang balikad ni Cj at nagsalita.
"Pero pag si Cj kahit magwala ka pa sa laban aprobado ko yan."
Habang ang dalawa naman ay makahulugang ngumiti. Sabay ng pag ngiti nila Genn at Nicoh ay ang pag uumpisa ng countdown para mag teleport na sa game. Si Louca naman ay inentertain ulit ang mga manonood.
"Decoy huh...."
Tumayo na sila at ng handa nang lahat para mateleport na ulit ay lumapit si Kim sa likuran ni Cj at bumulong.
"...Salamat....."
Narinig ito ni Cj pero nawala na sa likod si Kim. Sa pag lingon niya ay nagiba na ang paligid at ang amoy ng mga dahon at huni ng mga kulisap at mga ibon ang kaniyang narinig. Nsa isang luntiang gubat si Cj at sobrang nakaka relax dito. Hindi gaano makita ang sinag ng araw dahil hindi pangkaraniwang taas at laki ng mga puno.