Maraming player ang nanonood sa sa streaming area at nag abang ng magaganap na event. Sa kabilang banda naman sa isang room na puno nang mga monitor, windows screen, at mga status bar, may isang lalaking naka lab coat ang tinignan ang mga player. Lumapit ito sa salamin upang maka kita ng maayo.May pumasok naman na isang lalaki na naka itim na coat. Dumiretso ito sa upuuan na nasa gitna ng kwarto at naka pangalumbabang umupo. Sinabihan naman nito ang naka lab coat na umalis sya sa salamin para Makita niya ang nangyayari sa laban.

“Tumabi ka nga dyan! Hindi ko makita kung ano na nangyayari sa game!”

Sabi niya sa lalaking naka lab coat at pa biro naman itong sumagot.

“Hmmm hmmm hmmmm…….. Ang gara naman gusto ko lang makita yung mga player.”

Umalis ang lalaki sa screen at dumiretso sa pinto.

   “Ganyan ba trato mo sa akin? Sa gumawa nang laro na ito?”

Sumbat niya sa lalaking naka itim na coat. Lumingon naman ang lalaki sa naka lab coat at tumingin nang masama.

“Tsk, Ikaw nga ang gumawa, pero ako ang namamahala dito sa maliit mong mundo.”

Tumawa ang lalaki na naka labcoat at akmang bubuksan ang pinto. Yumuko ito at bumulong sa sarili.

“Namamahala ka nga pero……. Ako ang diyos dito…. Kayang kong baguhin ang lahat sa isang iglap lang… GM.”

Tuluyan na ngang lumabas na nang room ang naka lab coat at patuloy namang na nunuod ang lalaki.

“Mga kababayan narito ang inyong host na si Louca para mag hatid nang impormasyon sa first round nang laro. Sa ngayon, 500 players ang nasa loob ng isang map at nag lalaban laban para makakuha ng flag. Ang flag na ito ay mag sisilbing pass para makapasok sa sunod na round, pero limitado lang ang flag na nasa map at may oras ang paghahanap ng flag. Pero! Wag pa kampante dahil pwede maagaw nang ibang groupo ang kanilang flag”

Pagkatapos ng paliwanag ni Louca ay pinakita sa monitoring screen ang groupo nang MAHAROTH na dinidepensahan ang kanilang flag sa mga kalaban. Sa kabila namang screen ay ang Vig4 na kakakuha lang nang flag sa kalaban.

“Mga kaibigan nakikita nyo naman na umuulan nang dugo pero wala naman katulad sa map na maulan.“

Sabi ni Louca….. Nanahimik naman ang iba sa stream area at nag bubulugan ang mga ibang player.

“Nag joke ba si Louca? Tawanan nyo nalang.”

Narinig ni Louca ang mga player at sinigawan niya ito.

 “Pusang gala kayo nag papakahirap ako na mag host tapos gaganyanin nyo ko!!!....”

Habang sumusigaw si Louca napa tingin ang mga players sa isang monitoring screen. Duon nakita nila ang isang player na sunod sunod pagpatay sa mga kalaban. Ang ka takataka lang ay hindi nito kinukuha ang mga flag. May malaki din itong sandata na dala-dala. Sa kabilang banda nasa bundok sila Glenn, Cj, at Nicoh. Pinag usapan nila kung saan sila makakakuha nang flag. Itinuro naman ni Nicoh ang isang tulay, malapit sa kung saan may flag na pwede makuha.

“Kailangan muna natin contact si Kim.”

Sabi ni Cj sa dalawa.

“Kaya nga ehh, kaso nga lang di natin ma contact kaya dalwa lang ang pwedeng paraan na naiisip ko.”

Sabi ni Nicoh sa dalawa.

“Ano yung dalawang paraan?”

Tanong ni Glenn habang mino-monitor kung may malapit na kalaban.

“Una hanapin natin si Kim at mag hanap nang flag. Pangalwa mag hanap nang flag at hintayin nalang natin si Kim na macontact tayo.”

Sabi ni Nicoh. Saglit silang nag isip at mas pinili nila ang pangalawa

“Pangalawa tayo, dahil kung hahanapin natin si Kim mag kukulang tayo sa oras. Isa pa marami tayong makakasagupa na kalaban.”

Sabi ni Nicoh.

“Oo nga nasa dulo tayo nang map kaya wala gaanong groupo dito. May flag din dito na malapit at may chance na walang groupo na nagbabantay doon. Malakas si Kim kaya hindi kaagad mapapatay nang kalaban yun.“

Sabi ni Glenn kaya agad na kami umalis nang pwesto at pumunta sa tulay. Habang tumatakbo kami papunta sa tulay may narinig kaming malakas na pag sabog sa syudad. Sa sobrang lakas abot hanggang sa kabundukan ang tunog na gawa nang pag sabog. Napatanong naman ako kila Glenn at Nicoh dahil dun.

“Ano yun?”

Tumingin sa windows map si Nicoh at tinantsa kung saan galing ang pag sabog.

 “Malamang sa gitna nang map iyon. Siguro may dalawang malakas na team ang nag lalaban.”

Hinala niya sa sanhi nang pag sabog. Maya-maya lang ay nakarating na kami sa aming destinasnyon. Isang tulay na may mga abandonadong kotse na animoy barikada na nag dudugtong papunta sa mga kabahayan. Sa ibaba naman nang tulay ay isang rumaragasang ilog. Sa pagmamasid naming ay nakita na namin ang flag na sinasabi ni Nicoh.

“Ayun na yung flag kita ko na.“ Sabi ni Nicoh sa green holographic flag. Agad kami pumunta sa sa flag pero biglang may bumaril sa amin.

 “MAY KALABAN!!!!!”

Sabi ni Glenn at nagtago sa likod ng truck. Agad rin kami nag tago ni Nicoh sa mga kotse dahil pinaulanan kami nang bala.

 “Saan yung kalaban?”

Tanong ko kay Nicoh at tinuro niya ang kabilang dulo nang tulay.

 “Dalawang attacker at dalawang shooter nasa mga kotse rin nag tatago”

Sabi ni Glenn habang binabantayan ang mga kalaban gamit ang scope nang kanyiang baril. Nagsalita naman si Nicoh habang bumabaril.

 “Cj lumapit ka sa mga kalaban susuportahan ka namain.“

 “Suicide nananman to?!!!....”

Sabi ni Glenn habang pinapa putukan ang mga kalaban. Walang magawa habang sumagot kay glenn si Cj kaya sumugod siya nang patago. Napansin naman siya ng mga kalaban kaya sumugod rin ang dalawang attacker. Ang isa ay naka mukhang samurai ang avatar. Ang isa naman ay naka bear mascot at ang espda ay isang candy cane. Habang sumusugod ang dalawa ay nailang si Cj sa dalawang attacker.

“Ano bato cosplay party!!!!!!!”

Nang mag kalapit na ang mga attacker ay gumamit nang skill ang tatlo

“slash!!”

“slash!!”

 “slash!!”

Hinataw nang dalawang attacker si Cj gamit ang skill pero, sinangga niya ito sa pamamagitan nang skill. Sa sobrang lakas nang impact ay nag karoon nang hangin at lumindol ng mahina sa paligod nang tatlong players. Dahil sa lakas ng hangin ay medyo nahawi ang tubig sa ilog. Umatras si Cj para ilagan ang mga atake nang dalawang attacker. (Synchronize tong dalawa.) Bulong niya sa sarili habang iniilagan ang mga atake. Sa sobrang lakas nito ay nahiwa ang kotse at sumabog. Malapit lang kay Cj ang kotse salamat nalang at nakagamit ito ng shield. Napa atras naman nang malayo si Cj dahil sa impact ng pagsabog. Habang sila Glenn at Nicoh naman ay pinapaputukan ang dalawang shooter. Lumapit naman ang Samurai na attacker sa kasama niya na naka bear mascot.

 “Kuya….”

 “Magkapatid pala kayo. Yun pala ang dahilan kung bakit alam nyo ang galaw nang bawat isa.”

Habang kinakausap ni Cj ang dalawa sumigaw si Nicoh at sinabihan si Cj na kuhanin ang flag. Nang marinig ito ni Cj ay agad siyang tumakbo tapos tumalon sa mga nakaparadang kotse. Inatake kasi siya ng naka bear costume. Tumama ang atake sa kotse na pinatungan ni Cj at sabay nang pag sabog ng kotse ay ang pag takbo ni Cj papunta sa flag. Pero nang malapit na siya sa flag ay sinalubong siya nang espada nang samurai kaya dali dali niya itong sinangga dahilan nang pagtalsik niya papunta sa isang van. Sa sobrang lakas ay halos matiklop ang van. Sinugod pa siya nang naka bear costume at sinaksak.

“Cj!!!!!!!!”

Pasigaw ni Nicoh habang binabaril ang samurai na dapat ay kukunin ang flag. Akala niya ay huli na ang lahat pero biglang humarang si Glenn at nakapag shield. Nagulat si Nicoh at Cj nang biglang nasira ang shield ni Glenn sa lakas nang kalaban. Buti nalang ay na activate na nuon ang shield ni Cj at nasagga ito ng tuluyan. Dahil dito napaatras ang naka bear costume na player. Sa kailang banda naman ay hindi napigilan ni Nicoh ang naka samurai na player na makuha ang flag.

“Umatras na tayo kuya… hindi na natin kailangan I pk pa yan. Nakuha na natin ang flag…”

Sabi nang naka samurai at sabay salita nang naka bear costume na.

 “Pasalamat ka…. Bata”

Mabilis na umatras ang dalawang atacker habang kino koveran nang dalawang shooter na kakampi. Papunta na si Nicoh sa dalawa pero biglang gumuho ang tulay dahil sa pinsala na ginawa nang laban.

 “Umalis na kayo dyan!!!! ”

Pasigaw na sinabi ni Nicoh at pilit na inabot ang kamay ni Glenn pero huli na ang lahat. Nalaglag ang dalawa kasabay ng mga tipak na bato at mga sasakyan sa rumaragasang ilog. Mabilis na sinundan ni Nicoh ang daloy ng ilog para masundan ang dalawa, pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkahiwalay sina cj at glenn dahil sa isang malaking bato na nasa gitna ng ilog. Sa kabilang banda dinidepensahan nang Vig4 ang kanilang flag. Lamang ang team ng kalaban. Nag hahabulan ang dalawang team sa kabahayan. Hinahabol ng mga kalaban ang Vig4 para ma agaw sa kanila ang flag. Nag salita naman si Escarlet.

 “Ano ba naman pati ba naman dito sa game may mga ganitong tao parin na parang uhaw na uhaw.”

Pag pasok nila sa eskinita ay nagulat sila dahil may mga nakaabag na sa kanila na mga player. Nang lilisik ang mga mata nito na para bang lobo na papatayin ang kaniyang biktima. Inutusan ni Eskarlet si Mey na manguna at paslangin ang mga nasa harapan. Mabilis na sumugod si Mey at sabay nang pag hugot nang kanyang espada ay ang pag activate ng skill.

“Triplex Splinter”

Sa sobrang bilis nang pag ikot ni Mey ay nahiwa sa tatlo ang mga kalaban at hindi manlang nakagalaw sa kanilang kinatatayuan.

 “Nice one… Ace”

Sabi nang shooter nila na si Ivy, kasabay nang pagbaril niya sa mga kalaban na pilit parin humahabol. Matapos iyon ay natanong ni Hicami kay Mey kung sino yung kinawayan niya kanina. Inaasar naman ng tatlo si Mey habang inuubos ang kalaban. Lalo na si Escarlet na panay takbo at tago. Napaisp naman si Mey kung nasaan na yung player na yun, pero hindi niya maalala kung ano ang pangalan nito.

“Sino nga ulit yun Rj…… Hindi…… M…j…?”

 “Mey wag ka dyan pumunta!!!”

 “eekk!!! Kyahhhh!!!!!!.............”

Dahil sa pag iisip ni Mey natapakan niya ang isang walang takip na manhole. SInubukan siyang balaan ni Hicami pero huli na ang lahat. Sa kabilang panig, isa isang inuubos ni Kim ang mga kalaban gamit ang dala dala niyang scythe. Walang makapigil sa kanya lahat nang madaan niyang team ay hindi manlang makapalag. Mahina pero dahan dahan niyang narinig ang boses ni Nicoh sa R.E.D.

"Kim naririnig mo ba ako? nasaan ka?"

"Sa gitna nang syudad, malapit sa ilog."

Pasagot ni Kim habang nakikipag laban sa mga kalaban. Sinabi ni Nicoh ang nangyari at sinabihan si Kim na kumuha na siya nang flag kung hindi ay hindi sila makakpasok sa sunod na round. Subalit nag matigas si Kim at dahil mas gusto niya na makipag laban sa mga kalaban. "Hindi mo mapaghihiganti ang iyong ama kung ganyang lang ang iyong ginagawa. Alam kong napansin kana nang tunay nating kalaban, pero kung matatalo tayo dito mas malaki ang chance na hindi mo mabawi ang ginawa nang iyong ama."

Galit na sinabi ni Nicoh habang tumatakbo pababa nang kakahuyan. Mula duon ay natatanaw na niya ang siyudad. Huminto naman si Kim sa pag patay sa mga player at umatras para humanap ng flag. Habang tumatakbo ay bumulong sa RED at humingi ng tawad.

"pasensya na"

Nasa ilam nang sewage si Mey at nag lalakad lakad. Hinanap niya ang labasan matapos malaglag sa manhole at matangay nang rumaragasang ilog. Habang nag mamasid ay nakita niya ang isang lalaki na nakasabit sa bakal at walang malay. Namumukhaan niya ito kaya nilapitan niya agad at inabot ang kamay para makuha niya.

"OAHH!!!...eto si pj....hinde rj??...."

Hindi parin niya matandaan ang pangalan nito. Umupo si Mey at tinapik ang mukha ni Cj na nakahiga, pero hindi ito magising kaya sinampal niya ito. Nagising sa sakit si Cj at naubo dahil nakainom ito nang tubig.

 

"ARA-ugh cough...sino.. ikaw si Mey......"

Napangiti si Mey at nagsalita.

"Woahh natatandaan mo ko."

Tumayo si Cj at napakamot sa ulo. Tinanong niya si Mey kung nasaan sila at kung may nakita pa ba siya na isa pang lalaki.

"May nakita ka pa bang isang lalaki na blue ung buhok???" "Wala ehh ikaw lang ang nakita ko."

Sagot ni Mey at tumayo rin. Sinusubukan ni Cj na macontact ang tatlo pero walang sumasagot sa kanila. Ganun din ang team ni Mey. Napag desisyunan naman ng dalawa na dahan dahang lumakad at mag hanap nang malalabasan. Habang nag lalakad nag salita si Cj patungkol kay Mey.

"Hndi ko na malayan na isa ka palang sikat na player. Tsaka nga pala salamat dahil tinuruan mo ako nung nakaraan araw."

Habang nag sasalita si Cj oo lang nang oo si mey. Sa   kanilang pag lalakad ay may natanaw siya na isang bagay na kumikislap. Nakabara ito sa daan ng tubig at nang puntaha nila ito para tignan nakita ni Cj na ang bagay pala na iyon ay ang baril ni Glenn.

 "Isang baril !!"

 "Sa kasamahan ko yan. Kailangan ko maisauli yan sa kanya."

Sabi ni Cj kay Mey at sinukbit niya ang baril.

 "Kasamahan mo?... Ibig sabihin parehas kayo tinangay nang malakas na agos nang ilog?”

Tanong ni Mey kay Cj, tumango si Cj bilang tugon. Nagsimula na ulit mag lakad ang dalawa para makalabas na sa malaking sewage at makapag regroup na sa kanya kanyang grupo. Habang naglalakad may nakita silang isang kumikinang na bagay sa kabilang gilid nang sewage. Nang makita nila iyon isa pala itong holographic flag. Pinuntahan ng dalawa ang flag habang nakangiti si Cj.

"Haha swerte naman"

Biglang pumasok sa isip ni Cj na kalaban si Mey kaya agad niya itong kinuha at dali daling umatras at sabay salita.

"Ako unang nakakita. First look first get. Walang samaan nang loob"

Hindi nag salita si Mey at biglang nag iba ang ihip nang hangin at pasimpleng nitong hinuhugot ni ang kanyang espada.

 "T-teka mey mapapag usapan naman natin to… wala ako magagawa kundi labanan ka…"

Nang huhugutin na ni Cj ang kanyang espada ay mabilis na sumugod si Mey. Kala niya ay katapusan nya na pero hinawakan siya ni Mey sa tagiliran at hinawi sa gilid nang malakas sabay nang pagsangga nang bala sa kanyang espada.

"Magpakita ka!"

"ha? ......haha nakapag activate nang skill at nasangga ang bala… imposible namman.”

Lumabas ang isang grupo. Isang sniper, dalawang attacker at isang shooter. Tumayo si Cj at nagulat siya na may mga kalaban pala na nakasunod sa kanila ng hindi namamalayan.

"Aray aray...akala ko katapusan ko na teka may mga kalaban."

"Kung ako sa inyo ibigay nyo nalang ung flag para hindi kayo mamatay at makapaghanap pa ulit kayo."

Sabi nang shooter nila na para bang namumukhan si Mey. Habang si Cj naman hinugot niya ang kanyang katana. Napasigaw ang lalaking shooter at tinuturo si Mey.

"Wag nyong patayin yung babae itali naalang natin…Marami pa tayong magagawa sa kanya dito."

Narinig ni Cj ang sinabi nang shooter. Nangigigil habang ang shooter ay kung ano-ano ang sinasabi sa katawan ni Mey. Si Mey naman ay pinag mamasdan ang galaw ng dalawang attacker. Hindi mapigilan nang sniper nila ang ka libugan nang shooter nila. Nilalabas na niya ang kanyang dila na para bang naglalaway . Hindi na matiis ni Cj ang kanyang gigil kaya bigla ito sumagaw nang napakalakas.

 "Put*** **a!!!!...... Ang dumi-dumi mo!!! Ang libog nang utak mo!!! Iginagalang ang babae, hindi pinaglilibugan lang. Hindi kaba naturuan nang nanay mo pano gumalang nang isang babae? Rereport kita dito sa game!"

Biglang tumawa ang shooter at ang tatlo niyang kakampi ay pilit siyang pinatitigil.

 "Ha?... report?? Nag papatawa ka ba? Sa mundong ito walang report report kahit ano pwede ditong gawin. Mandaya, pumatay, at manalo."

Nag salita si Cj.

"Isa tong sirang laro na kung saan pinapaikot lang kayo nang nammamahala dito--"

Hinawakkan ni Mey ang balikat ni Cj kaya napahinto ito sa pagsasalita. Bigla namang nagsalita ang kalaban na sniper at pinasugod ang dalawa.

“Pero sa situawsyon na ito matatalo kayo dahil mas marami kami. Attacker sugod."

"Maraming salamat Dj sa pagtanggol mo saken, kaya ako naman."

 "D…j..??"

Pagkatapos na iyon ay sumugod nang mabilis si Mey at kinalaban ang dalawa. Sinabihan ng sniper ang kanilang shooter na backupan ang dalawang attacker. Binaril si Mey ng shooter, at ng mag shield si ito ay nagulat ang kalaban sa kulay nang shield at ang hugis nito na pa bituin

"anong klase shield yan??.."

Nagsalita ang shooter at kasabay naman nuon ang mabilis na pagsugod ni Cj, pero napaatras siya dahil sa sniper. Biglang may ideaya na pumasok sa isipan ni Cj. Dali-dali itong umatras at nagtago sa batuhan.

"Wala ka ng magagawa Vig4 member... Natakot nang parang aso ang kasama mong attacker isa pala syang duwag puro dal dal."

Patawang sinasabi nang shooter habang binabaril si Mey. Habang ito naman ay unti-unti ng nagagalusan sa mga atake ng kaalaban.

 "ha??...nag papatawa ka ba? Kahit ako nalang mag isa at mag tulong-tulong pa kayo hindi nyo ko makakaya."

Tumingin nang masama si Mey sa kalaban at biglang sumigaw si Cj.

"Mey atras ka…….. hyaaaaaaaa….burst....shot!!"

Nagulat ang lahat nang bumaril si Cj at pinatamaan niya ang kisame nang drainage at nabutas. Nalaglag ang mga bato at kongkreto sa tapat nang mga kalaban at nadagaan nang malaking bato. Pumasok naman agad ang ulan at malamig na hangin.

 "Uyy... may labasan na nice one Tj."

Pangiti ang mukha niya sa kanyang ginawa pero na bitawan ni Cj ang baril. Biglang itong napatumba dahil sa hindi niya kinaya ang pag equip nang dalawang main weapon nang sabay. Sumagad sa sukdulan ang kayang mental fatigue. Nagulat si Mey at pupuntuhan na nya dapat si Cj ng biglang gumalaw ang mga tipak ng bato. Mabilis na lumabas at sumugod ang natitirang attacker na galit na galit.

"Aaaaarghhhhh akin kana!!!!!!!!!!"

Pasigaw na sinabi nang atacker. Sa pag lingon naman ni Mey ay kasabay ang paggamit niya nang skill. Ang kanyang espada ay pahiwa sa leeg nang kalaban nang dahan dahan at pagkatapos ay nataggal ang ulo at tumilapon sa tubigan. Ang katawan naman ay iwinasiwas ang espada hanggang sa tumumba at di na makagalaw.

"Slit sword."

Isang skill na kung saan kaya ng player hiwain ang kalaban sa leeg sa pamamagitan nang pagkakaroon ng eyes assistance sa player na dahilan nang pagtaas nang aacuracy nang player sa loob nang ilang Segundo. Maari itong gamitin sa mga hindi inaasahan atake. Napansin ni Mey na buhay pa ang mga kakampi nang atacker kaya dali-dali nitong kinuha si Cj at pinasan sa kanyang likuran at mabilis na pumunta sa butas at lumabas.

cjp00 Creator