Nabalot ng diskusyon ang mga player sa Luzon server sa mga binitawan na salita ni Macross sa laban. May bagong user interface feature rin sa kanilang window profile screen na [FACTION]. Patuloy parin na idinaraos ang event nang biglang nagsalita si Louca nang malakas.
“Woahhhhhhhhhh sa wakas ang second round ng event ay natapos na!!!!!!!! MAGSI HIYAWAN NAMAN KAYO!!!!!!!!!!!!!!!!¬!!!!!!!!!”
Sa sobrang lakas ay halos narinig sa buong server ang kanyang boses, kaya dahan dahang nawala ang tension. Unti-unting napalitan ng hiyawan nang mga player ang buong lugar. Pagkatapos noon ay nagsalita na si Louca upang ipakilala ang mga team na maglalaban laban sa finals. Sa kabilang banda napaisip ang team nila Glenn sa leader ng demigods na si Macross, dahil ito ay may alam sa card at GM selection. Habang si Nicoh naman ay napaupo at nagsalita.
“hmm… Wala na tayo magagawa lumabas na ang GM selection ….pero.. Hindi ko inaasahan na ngayon nila ilalabas ito, pero wala pang pinakilala sa mga selected player…. Kim pagkatapos nang event nato tignan mo yung card kung may numeric code na lumabas”
Napatingin si Kim at napatango ito.
“Habang wala pang nilalabas na announcement ang Realitech sa bago nilang feature ay kailangan natin manalo dito sa event. Pero duda ako na may koneksyon dito si Macross na tao sa Realitec, at dalawa lang ang naiisip ko na pwede makagawa nito.”
Una ito Sinagot ni Glenn at pangalawa si Kim
“Ang GM”
“O si David Linken”
Habang naguusap ang tatlo si Cj naman ay tahimik at para bang wala sa isip. Tinapik ito ni Glenn pero wala imik si Cj, tatlong beses niya ito ginawa pero wala parin itong kibo. Walang ano-ano ay bigla na lang itong sinipa ni Nicoh sa likuran kaya napatumba ito.
“Aray!!!!!!! Bakit mo ginawa yun”
Napansin ni Glenn ang naiinis na presensya ni Cj pero hindi ito kita sa kanyang pagmumukha, dahil nakikita niya ito sa nangigil na hawak niya sa kanyang espada, nakikita rin ito ni Kim. Kasabay noon ang paglabas ng mukha ni Louca sa window screen ng conference room. Sinabi kung sinong mga team ang maglalaban at ang final stage nang laban na kanyang ipapaliwanag.
“Mga !!!! KABABAYAN ang mga team na mag lalaban laban para maging representative sa Luzon channel ay walang iba ang top 1 team sa Luzon channel at top 2 sa Phillippine Server. Ang team PARAGON,……….. ang mga magagagnda at cute na girls only team at idol team VIG4,………ang team na gumawa nang attensyon sa lahat nang manonood dahil sa ideyolohiyo ni Macross ang team DEMIGODS………, at lastly ang hindi kilalang team na walang maipagmamalaki na records pero binubuhat nang isang dating solo player na si Rouge walang iba ang team REVENGE………”
Naghihyawan ang mga player at ang iba ay nagpupustahan. Habang Inaawat naman ni Cj si Glenn, nagalit ito kay Luoca dahil sa pinagsasabi sa kanyang team. Si Escarlet naman ay naintriga kay Cj at iniisip kung ano ang ginawa nito para mapa payag si Mey na maipasa ang skill, dahil ayaw sabihin ni Mey kung bakit.
“Magbabayad ka Cj kung ano man ginawa mo, o nagayuma man, ano pa man papaslangin kita.”
Kasabay nangpagtingin niya kay Mey na namumula ang pisgi. Ang team PARAGON naman ay inaayos ang kanilang mga sandata. Nag iistrestsing naman si Macbeth, kasabay nito ay may private message siya na natanggap galing sa britain server na may event rin. Nang nabasa niya ang message, ito ay bigla siyang napangiti.
“Nagingiti na naman si boss “
“Ka chat nanaman siguro si---“
Ang demigods ay parelax relax lang at balot na balot na artipisyal na usok ng sigariliyo ang kanilang kwarto. Si Macros naman ay tumitingin sa kanyang windows screen at nasasabik na dahil pakiramdan niya ay mananalo siya sa mangyayaring laban. Tinignan niya ulit ang screen at isang card ang nakalagay doon. Sa kabilang banda ay nag umpisa na mag explain si Louca sa mga team.
“…..at ang huling round ay ang battle royale maglalaban laban ang apat na team sa buong map. LImitado lang ang oras at ang team na makaka patay nang player ay magiging score nila. Ang dalawang team na may pinakamataas na score ay ang magiging representative nang Luzon channel. Ang mga representative ay kalabanin ang iba pang representative nang Visayas at Mindanao sa sususnod na event…………..at ang map na paglalabanan ay isang forest/urban theme na ang gitna at malaking facility at mga factory kaya ano pang hininintay nyo umpisahan na ang countdown in
5
4
3
2
1
Teleport”
Nagumpisa na ang huling event para sa warfare tournament sa Luzon channel at na teleport na sa mapa ang lahat nang maglalaban laban na team. Napunta si Kim sa may kagubatan kasama ni Cj. Ang dalawa na nagtatago ay nasa pagitan ng kagubatan at syudad. Mabilis na nacontact ng bawat team leader ang kanilang mga teammate at agad na nag regroup. Ang team nila Glenn ay nasa kagubatan na at nag nagtatago, kasabay noon naririnig nila ang mga baril at pagsabog sa may syudad, at nakikita rin nila ang mga maliliit na gusali na bumabagsak.
“Grabe naman ang lalakas naman ng kalaban natin, Kayang magpa guho nang gusali.”
Sabi ni Glenn habang tinitignan sa scope ang syudad. Habang sila Cj at Kim ay alerto na nagbabantay sa mga taas ng puno. Si Nicoh naman ay tinitignan ang itsura ng mapa na pinaglalabanan, pero may napansin siya na kakaiba sa mapa na pinaglalalabanan.
“Hmmm….. Hindi kaya………. Guys may sasabihin ako sa inyo…..”
Kinausap ni Nicoh ang tatlo sa pamamagitan nang R.E.D para sa ganoon ay alerto pa rin sila. Sa kabilang banda ay mainit ang labanan ng team PARAGON at DEMIGODS. Ang kanilang mga attacker ay matindi ang labanan at isa-isang nahihiwa o kaya nawawasak lahat ng madaanan nila. Kinakalaban ni Rex ang attacker ng PARAGON na si Kyle. Si Macross naman ay hinahanap si Macbeth, habang ang kapatid ni Glenn na sniper ay tinutulungan ang shooter nila sa dalawang attacker. Gumamit nang skill si Rex kay Kayle pero madali lang ito nakakailag, pero binabawian din niya ito gamit ang isang skill.
“Crescent Moon Slash”
“Viper Slash”
Sa lakas ng pagtama ng kanilang skill ay nabasag ang mga salamin nang bahay at gusali at nagkabitak ang mga pader at kasabay noon ang pag uusap nilang dalawa.
“Yan lang ba kaya mo Kyle…..”
“Rex… pagod kana ba…. Nagpapawis ka ahh…”
Banat ng dalawa sa isat-isa habang walang humpay ang pag sugod at pag atake sa isat-isa, kasabay nito ang pa bugso-bugsong hangin na galing sa kanilang dalawa. Sa kabilang kanto naman ng syudad na pinaglalabanan nila Rex ay naglalaban laban din ang shooter at dalawang attacker.
Sunod sunod ang paggamit ng skill ng shooter sa dalawang attacker, dahil doon ay hindi makalapit ang dalawa. Lalo pa silang nahirapan dahil sa sniper na hindi nila alam kung saang lugar nagtatago.
“Wahahahah hindi nyo ko kaya…… wait for me VIG4…… at Rouge mapapasakin rin kayo hahhaha…..”
Bukam-bibig ng shooter habang ang dalawa namang attacker ay sabay na gumamit nang skill.
“vertical slashhhhh….!!!!!!!”
“horizontal slashhhh…..!!!!”
Tumalon sa isang bahay ang shooter para makailag sa atake. Sa sobrang laki at lakas ng pinakawalang skill ng dalawang attacker ay muntik pang mahagip ang paa nang shooter. Ang bahay na dating kinatatayusan nang shooter ay nahati sa apat at gumuho, kasabay noon ang biglang paggamit ng shield ng dalawang attacker. Biglang may dalawang bala na tumama sa kanila at sa sobrang lakas ay napaatrass sila. Nagtataka ang dalawa dahil dalawang bala ang magkasabay na tumama sa kanila parehas, buti nalang ay nakagamit sila ng shield kaagad. Napaisip sila dahil akala nila isang sniper lang ang kalaban na team pero bakit dalawang bala na magkasabay ang tumama sa kanila.
“hao kailangan natin magingat hindi natin alam ang skill nang sniper nila….”
Nagsalita ang isa sa dalawang attacker
“masusunod Page…”
Habang ang sniper ay bumabaril hindi nya mapigilan mainis kapag naaalala niya ang pagmumukha ni Glenn. Dahil dito ay unti-unti nya na naman naaalala ang mga nakaraan na pilit na niyang kinalimutan. Pero mas lalo pa itong nagalit nang maalala niya ang pagmumukha ng player na pumutol sa kanyang kamay sa unang round nang laro. Sa kabilang banda nagulat si Glenn sa plano na naisip ni Nicoh, habang si Cj naman ay tahimik pa rin at hindi makagalaw. Si Kim naman ay nagmamasidmasid sa kagubatan.
“Nahihibang kaba…. Nicoh?”
“Maniwala ka sakin malaki ang tsansa natin dito.“
Sabi ni Nicoh habang si Kim naman ay may napansin hindi kalayuan
“Wala nga tayu kasiguraduhan kung ano meron sa factory ehh….”
“Toyo hindi mo ba nakikita kung ano yung nasa gitna nang map nuclear power plant……. Nuclear!!!!”
“Nahhhhh oo alam ko pero pati tayo maapektuhan.”
“Pero….. unahan lang dahil hindi natin kaya ang mga kalaban. Kung iisipin nating mabuti si Kim lang ang may kayang bumuhat satin, pero sa sitwasyon ngayon ulo ni Kim ang habol ng mga kalaban natin.”
Natahimik si Glenn pero maya-maya biglang nagsalita.
“ahhh bakit kasi napaka sikat mo ehh…”
“diba !!!!”
Sabi ni Nicoh at nagsalita si Cj.
“Pero bakit ako nalang lagi ang papain mo ahhh kayo naman!”
“Ehh wala tayu magagawa si Kim ang trap card natin.”
Magtatalo pa sana sila nang biglang, may isang malakas na skill ang sunod sunod na pinapatumba ang mga puno at papunta ito sa lugar na kinakatayuaan nang team nila Glenn. Napainsin agad ito ni Kim kaya agad niyang sinabihan ang tatlo. Habang nagtatalo si Glenn at Nicoh tumalon sa ibang puno si Cj para makailag sa malawak na sakop ng skill. Sila Glenn at Nicoh naman ay huli na nilang nakita ang liwanag na dahandahang lumalakas kaya mabilis silang yumuko. Sa sobrang lakas nito ay halos makalbo ang kagubatan na para bang may Illegal logging na naganap dito.
“Kalaban!!!!!”
Isang sigaw ang narinig nila at isang player ang agad na sumugod para atakihin sila Glenn at Nicoh na kasalukuyan nakapatong sa isat-isa
“Triplex….. Slashhhhh”
Sa bilis ay hindi namalayan nila Glenn at Nicoh ang player, pero biglang sumulpot si Kim at gumamit rin ng skill para sanggain ang skill ng kalaban.
“Unsheathe Reaper x3”
Tatlong beses na sinangga ni Kim ang skill. Kislap at liwanag ang tanging nakita ng iba pang player na nasa paligid nang oras na iyon. Nagulat si Kim dahil ang player pala na iyon ay si Mey.
“Ang VIG4”
Sabi nila Glenn at Nicoh habang natulala sa likoran ni Kim. Habang paparating ang leader nang VIG4 na hawak hawak ang espada niya na katana ang itsura na may cherry blosson effect na lumalabas. Umatras si Mey pero alerto ito kay Kim, habang si Escarlet naman ay may player na hinahanap pero hindi niya Makita. Magkasabay na lumabas ang shooter na si Ivy at sniper na si Hicami na dumudugo ang ilong dahil sa posisyon nila Glenn at Nicoh na nakapatong sa isat-isa. Pinunasan ito ni Ivy ng panyo, at biglang nagsalita si Escarlet at hinahanap si Cj.
“Nasaan ang isa nyo pang attacker Rouge pag hindi nyo pinakita papaslangin namin kayo ng walang alinlangan, pero pwera lang kay Kim cute sya ehh… yung dalawang lalaki tadtadrin……”
Kinilabutan ang dalawang lalaki habang tumatayo kasabay nuon ang kanilang pagtatanong kung bakit hinahanap ni Escarlet si Cj.
“Anong kailangan mo sa attacker Namin……..”
“Taran**** talaga si Cj gumagawa nang harem na hindi natin namamalayan.”
Tanong ni Glenn habang bumubulong naman si Nicoh.
“Gusto ko lang naman syang kausapin, pagkatapos patayin dahil nilalayuan niya ang responsibilidad niya………….. na kinuha niya samin”
Nagulat ang tatlo sa sinabi ni Escalet. Napanganga ang dalawang lalaki at si Kim naman ay napahigpit ang hawak sa kanyang sandata at namula. Nagsalita naman si Glenn.
“…. Respss.. ponsibilidad…”
Napalihod si Nicoh at pinukpok ang lupa dahil sa panlulumo. Si Glenn naman ay hindi makapaniwala sa narinig at napaluhod rin.
“Saamin???? …. Ibig sabihin apat……… .. apat… apa- apkkkttk..aray Kim ulokkkok”
Habang naririnig ni Kim ang sinasabi ni Nicoh ay kung ano ano ang lumabas sa isip niya at mas lalo ito namula at nagsalita nang nanginginig.
“NON NO NO NONSENSE YAN HINDI TOTOO YANG PINAGSASABI MOA NO ANOO RESPONSIBILIDADD..!?¬”
“Talaga naman ahh kailangan nya magbayad para doon”
Pagkatapos ay biglang ikinasa nang dalawang lalaki ang kanilang baril at nagsalita.
“Mukhang may mabubutas ang ulo ahh!!”
“Kunwari mang-mang pero pa simpleng humahakot nang babae sa laro.”
Habang nakangiti at para bang gusto patayin ang player na iyon ay lumapit si Ivy kay Kim, at hiningi ng pasensya ang leader nila. Sinabi rin kung ano talaga ang gusto ipahiwatig ng kanilang leader.
“Pag pasensyahan mo na leader naming. Ang gusto nya lang sabihin ay, pinapabawi niya ang importanteng skill na meron kay kay Cj o kaya ay pababayaran lang “
“Skill……?”
“Oo, ahh hindi ba nabanggit ng attacker nyo? Nakuha niya ang unique skill ni Mey.”
Narinig ito ni ng dalawang lalaki at nagtawanan.
“Hahaha unique skill….?? Ee lagi ngang namamatay yung tao na yun ehh hahah.”
Wika ng dalawa, pero seryoso ang tingin ng VIG4 lalo na ang leader nila na si Escarlet
“Unique skill?? Pero pano nakuha ni Cj ang ganoong kahalagang skill”
Tanong ni Kim kay Ivy at tinignan naman ni Ivy si Mey na pilit na sumusipol kahit hindi nito magawa. Sinabi nito na nakuha niya ito sa pamamagitan ng [skill copy module], ikinwento ito ni Mey sa tatlo.
Si Cj naman ay napadpad malapit sa mga factory hindi kalayuan. Dahil sa lakas ng skill kahit nakatalon siya sa mga kakahuyan ay napatalsik siya sa malayong parte ng kagubatan. Tanaw na niya ang mga factory at isang malaking nuclear power plant na sinasabi ni Nicoh. Sa kabilang banda ay nagulat ang dalawang lalaki sa narinig nila.
“Ano!??!???! Po po porty million??!!!“
“Ano!??!???! Po po porty million??!!!“
Reaction nila Glenn at Nicoh dahil sa narinig nila. Habang si Kim naman ay alam na kung bakit nagawa ni Cj na makipag tapatan sa magkapatid na player ng parkour. Pagkatapos nilang marinig ang kwento tinanong nila si Mey kung bakit binigyan niya ng kopya si Cj \ng kanyang unique skill.
“Oo nga Mey sabihin mo na! Ano ba talaga dahilan kung bakit?”
Sabi ni hicami habang si Escarlet naman ay umupo sa isa sa kaniyang pinatumbang puno.
“Cease fire muna tayo gusto lang namin pagusapan ito.“
Sabi ni Glenn. Umupo ang tatlo at nag bulungan kung ano ang gagawin nila.
“Porty million yun pano mababayarin ni Cj yun? ehh wala naman syang ganoon ka laking pera.”
Wika ni Nicoh habang si Kim naman ay nakikinig at napapaisip kung ano ang ginawa nito para makuha niya ang skill.
“Sabi na nga ba nung kinawayan niya si Mey ehh may nangyari tayu hindi natin nakita…..gnnnn”
Biglang nakaisip ang tatlo at kung pano nila malulusutan ang pangyayari. Tumayo na si Escarlet at tinanong na kung magbabayad ba sila o sapilitang babawiin ang skill. Nagsalita na rin si Glenn at nag lahad nang proposal, pero biglang nagulat si Escarlet sa sinabi ni Glenn na para bang may kidlat na dumaan sa kanyang utak.
“May ipropropose ako sayo……… “
“ekkk pro pose……. “
Biglang namula ang pisngi ni Escalet dahil iba ang kanyang pagkakakintindi ng sinabi ni Glenn ang salitang proposal.
“Pansamantala muna tayong bumuo ng alyansa laban sa ibang mga team…”
“Bakit namin gagawin iyon ha….”
Sabi ni Hicami na may panyo sa ilong, kaya nagsalita si Nicoh.
“Alam natin na dalawa ang kailangan para maging representative ng Luzon channel, kaya kung bubuo tayo ng alyansa maaaring mapadali ang mga bagay bagay. (Para narin to kay Cj mapapaslang talaga sya sa totoong buhay akalain mo 40 million yung skill na yan)”
“Yun lang kayang kaya namin kayo kung iisipin.”
Sabi ni Ivy habang tumapat kay Nicoh at si Nicoh naman ay napa atras.
“Sa ngayon kailangan talaga (wala nako maisip ang lapit nang mukha kyakkkk!!!!!)”
Hindi na makapag isip si Nicoh at Glenn kaya nag salita na si Kim.
“Kaya nyo kame pero pano ang PARAGON at DEMIGODS?“
Lumapit ito kay Escarlet at nag titigan ang dalawa, tumagal ng ilang segundo ang kanilang titigan. Ginalaw ni Escarlet ang kanyang kamay at niyakap si Kim nang mahigpit at inamoy amoy.
“Hmmmm ang ganda at bango bango mo talaga dapat kasi sumali ka nalang sa team namin”
“Hmmm hindii ako makahinga “
Nagulat ang lahat kaya nagsalita si Glenn.
“So ibig sabihin neto ayy payag kayo?”
“Oo pero kailangan makausap ko ang attacker nyo kung ano ang ginawa niyang salamangka, kung pano niya napapayag si Mey… Alam ko mabait ang baby ko na si Mey pero hindi sya basta bastang nagbibigay ng importante…… at Kim alam mo naman ang sinabi ni Macross hindi ba……?”
Hindi nagsalita si Kim at si Escarlet naman ay tumahimik na rin. Napa thumbs-up si Glenn at Nicoh at nagrequest nag plano si Nicoh, nagulat sila na may liwanag na itsurang laser ang nakita nila sa kalangitan galing sa isang gusali sa urban area. Habang ang manonood ay na excite dahil sa pag aalyansa ng team REVENGE at VIG4. Hindi rin nila inaasahan ang ginawa ng dalawang team na nag lalaban.