Tatlungpung minuto nalang ang natitirang oras para matapos ang unang pagsubok. Pilit na kinokontak ni Nicoh si Glenn at Cj habang nagtatago sa kalaban. Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso at bumilis din ang kanyang paghinga. Sinisisi nya ang kaniyang sarili dahil wala siyang maisip na plano agad.

"Argghh sinabi ko pa naman isa akong strategist pero wala talaga akong kwenta. Isa lang talaga ako utusan nang isang matanda."

Habang dahan-dahang pumunta sa kinaroroon ni Kim ay nakita niya ang isang grupo na nagbabantay nang isang flag sa sirang gusali. Wala na siyang maisip na paraan kung hindi nakawin ang flag dahil yun nalang ang huli niyang naisip na paraan.

"Pag nakuha ko to maari kaming makatung tong sa sunod na round. Wala rin naman kasiguraduhan na may flag si Kim dahil gusto nya lamang mag papansin sa gm at creator. Sila Glenn at Cj naman ay hindi ko alam kung nasaan sila at kalahating oras nalang ang natitirang oras. Ito nalang ang huling kong ideya."

Masusi niyang pinagmasdan ang galaw ng kalaban. Apat silang attacker na naka palibot sa flag. Dahan dahan siyang pumasok sa gusali para makalapit at mabilis nag lagay nang mga time bomb sa pundasyon nang gusali at sa iba pang mga haligi. Biglang napansin nang isang attacker ang kaluskus na gawa ni Nicoh kaya naging alert ang tatlo pa nitong kasamahan.

"Kalaban !!!!!"

Nakita ng attacker ang katawan sa dilim at agad na sumugod para siya ay paslangin, pero laking gulat nang attacker dahil isang lumang damit na nakasampay lamang ang nakita niya.

"Rapid rife!!!.."

Agad na pinaputukan ni Nicoh ang attacker na galing sa itaas ng gusali. Nabalot naman makapal na ng usok ang paligid.

"Tatlo nala-.."

Nagulat siya nang nakapag shield ang kalaban at naka ilag sa mga bala.

"Hindi maari ito…"

Sabi ni Nicoh sa kaniyang sarili habang ang attacker ay tinatawag ang kanyang kasamahan sa pamamagitan nang R.E.D. Mabilis naman na tumakas si Nicoh. Ang mga attacker naman ay dali-daling tinangal ang flag sa kinalalagyan nito dahil. Akala nila ay groupo ang umaatake sa kanila kaya naka bind ang flag dahilan kaya hindi kaagad nila makukuha flag.

"Kung pinasabog ko lang sana kaagad ang mga bomba di sana nakuha ko na yung flag napaka bobo ko talaga kainis."

Pagkatapos niyang kausapin ang kanyang sarili ay agad na pinasabog ni Nicoh ang mga bomba. Gumuho ang gusali kasabay na para bang may lindol. Nag lalaglagan na mga bakal, bato at gumawa ito ng makapal na usok pero huli na ang lahat dahil na alis na ng kalaban ang flag at nakatakas. Labis ang panghihinayang ni Nicoh dahil nakatakas ang kalaban at unti unti na siyang nawawalan ng pag-asa dahil sa mga padalos-dalos niyang disisyon. Kaunti nalang ang natitirang oras kaya agad na siyang pumunta sa pwesto ni Kim sa gitna ng mapa. Sa kabilang banda naman sa panig ni Kim sa gitna nang mapa na sentro ng labanan, walang mahanap na flag si Kim dahil nagsitaguan na ang ibang team o kaya ay naka activate pa ang bind system. Mauubusan pa siya nang oras kung hihintayin niya ito na ma unbind kaya ang hinahanap niya ay flag na wala pang nakakagalaw na ibang team. Palipat lipat siya nang bahay sa pamamagitan ng pagtalon. Matindi parin ang buhos ng ulan at tila ba wala ng hintuan. Di kalaunan may nakita siyang flag sa isang bakanteng lote, pero napahinto siya ng nakita niya si Glenn na nakaluhod at binubogbog ng isang player. Hindi makalaban si Glenn dahil hinahawakan siya ng kasamahan na player nito. Agad sumugod si Kim at balak tulungan si Glenn, pero nang hahatawin na ni Kim ang kalaban biglang nasangga ang scythe ni Kim nang isa pang kakampi nang player. Laking gulat niya na ang player na iyon ay si Macross isang attacker at team leader nang DEMIGODS napaatras si Kim pero alerto parin siya dahil nakatutok sa kanya ang baril ng kakampi ni marcross na isang shooter.

"Anong ginagawa nyo sa leader ko!!??"

Pabalang na tanong ni Kim sa apat.

"Huh...??? Leader ??? Etong mahinang nilalang nato??"

Sabi ng player na bumububog kay glenn. Habang si Macross ay nakangiting gulat niya sa gamit na sandata ni Kim. Binitawan at inihagis naman si Glenn na walang malay ng kalaban na nakahawak sa kanya.

"Sythe?? Grabe ang laki siguro na binayran mo para makagamit ka lang nang ganyang sandata...mmmm teka ikaw si Kim Emphere ahh… Naalala ko inimbitahan kita sumali sa team ko tapos tinangihan mo ko na hindi manlang nag sasalita, tapos makikita kita dito na lumalaban kasama itong mahina na to ni wala manlang dalang sandata."

Sabi ni Macross sa mayabang na pananalita niya kay Kim. Lumapit naman ang isang kasamahan na attacker ni Macross at tinanong kung pwede bang labanan si Kim.

"Boss pwede ko bang labanan yan tipo ko yung mga babaemg player hehe alam mo na slurpp..."

Sabi nang attacker kay Macross habang tinitignan nang malalim si Kim na para bang naglalaway pero hindi halata dahil sa malakas na ulan.

"Ikaw ang bahala rex pero wag kang padalos dalos hindi mo kilala yan sya lang naman tinatawag na rouge player. Isang player na kayang umubos nang team sa isang laban na sya lang mag isa... marami team na gusto siya kaso tignatangihan niya."

Hindi na pinakinggan nang attacker kung ano ang sinasabi ng kanyang leader at agad na siyang sumugod papunta kay Kim. Hinataw niya ng kanyang espada na may disenyo na isang cutlass sword agad na dumepensa si Kim.

"Crescent moon slash!!!!"

Gumamit ng upgrade skill ang attacker kay Kim na kung saan ang normal skill na slash ay nagagamit sa pangmalayuang atake. Agad na umilag si Kim at napatumba. Dali-dali naman itong tumayo at ang natamaan ng skill ay isang bahay na nahati sa gita. Sa lakas na atake nabalot nang usok ang kapaligiran kasabay parin ng walang humpay na pag-ulan.

"Uohhh wew hanggang dyan nalang??.... Mahina naman pala to boss ehh??"

Sabi ni Rex sa kanyang leader na si Macross at ang dalawa na nasa likod na naka upo ay tuwang tuwa sa napanood nila at sumisipol pa.

"Wag kang pakampante Rex nakailag nga ehh "

Mayabang na pananalita si Macross at nakita nila si Kim na nakatayo at nanlilisik ang tingin. Agad namang pumwesto si Rex at nagsalita.

"Round 2??"

Tumakbo si Kim ng mabilis gayundin si Rex. Kasabay noon, ang malakas na hangin at ang ulan ay biglang nawala. Sa bawat pagtama nang kanilang sandata ay kislap nalang ang nakikita nang mga nanood.

"Crescent moon slash x3 "

Tatlong slash ang pinakawalan si Rex sa kanyang espada at isa isa itong inilagan ni Kim. Kasabay nang pag ilag ay pag atake nya naman sa kalaban pero nasasangga ito ni Rex. May napansin kakaiba si Rex kay Kim dahil unti-unting lumalakas ang hangin na nasa paligid nila dahil kada umiilag si Kim sa mga atake ni rex ay umiikot ito nang malakas.

(Huh.. ang hangin??? May binabalak tong babae na to kailangan kailangan ko umatras.)

Sabi niya sa kanyang sarili pero huli na ang lahat. Hindi na siya makalis dahil sa lakas ng hangin na nakapalibot sa kanila na para bang buhawi. Si Kim naman ay parang trumpo na sobrang bilis nang ikot.

"Huuhhh... ginamit nya ang kanyang sycthe bilang pabigat sa pag ikot para makakuha nang bilis parang second law of motion lang hindi katakataka na pinag aagawan ka nang lahat nang team."

Pabulong na sinabi ni Macross. Sa lakas ng hangin ay nagising si Glenn at dahan dahang tumayo. Napansin naman ito nang shooter at kinalabit ang sniper na bumugbog kay Glenn

"Pre yung kapatid mo ohh tumatayo na naman."

Kinaltukan ng sniper ang shooter at lumapit ang sniper kay Glenn.

"Hindi ko kapatid to wala akong pamilya hindi ba?"

Sabi niya habang tini-tinitingnangnan si Glenn sa mata. Walang anu anu ay sinuntok niya ito sa tiyan at napaluhod si Glenn. Tinutukan sya sa noo ng sniper. MApapansin din na magkatulad ng baril ang dalawa.

"Matagal ko na kayo kinalimutan kayo nila ama at ina dahil puro kayo maka sarili. Gusto ninyo sainyo nalang lahat hindi nyo napapansin ang nagagawa ko. Puro nalang kamalian tapos ikaw lang ang lagi pinupuri, nasayo lahat nang atensyon."

Pinilit na magsalita ni Glenn kahit bugbog na ang kanyang katawan at hirap na makagalaw.

"Hin...hiHindi dahilan yoonnn.. para saktan... at ...tanggalan .... nang kinabukasan.. si Teresa... arhhhhh hindiii!!! Mo ba ALAM KUNG GAANO KA HIRAP KUNG ANO.... ANO.... ANG PINAGDADAANAN NIYA NGAYON!!!!! TANG**** KA!!!!!”

Sa lakas nang boses ni Glenn narinig ng lahat ang sinabi niya pati narin ang dalawang naglalaban. Biglang malakas na tawa sa sniper.

"Wahahahaha hahahah wala akong pakealam doon sa babae mo! Syempre natutuwa ako dahil nag dudusa ka at wala kang magagawa at pag nakikita ko ang itsura mo ay kinikilabutan ako at napapangiti.... haha kinuha mo sakin ang lahat edi kinuha ko rin ang sayo..."

Nakangiti na para bang isang kriminal ang mukha ng sniper at nanlalaki ang mga mata. Si Glenn naman ay natulala at hindi makapag salita, nabalot ng puot at galit ang puso ni Glenn sa kanyang tinatawag na kuya.

"Hmmm si Teresa ahh naalala ko tuloy ang pag hagulgol niya habang pinapahirapan ko siya haha hehehe ang saaaaraaapp….. sa teenga.... "

Umabot na sa sukdulan si Glenn kaya pilit itong gumalaw pero binaril ng sniper ang mga braso ni Glenn kaya napayuko nalang ito. Tinutok ulit ng sniper ang kanyang baril sa ulo ni Glenn at nag salita.

"Kahit dito ba naman kukunin mo ang aking kaligayahan......"

Dahan dahang kakalibitin nang sniper ang gatilyo at si glenn naman ay nanlalabo na ang kanyang paningin at napapikit pero bago iyon ay nakita niya ang isang braso na nalaglag sa basang lupa at hawak hawak pa nito ang baril sabay noon ang dagungdong nang isang nalaglag na bagay galing sa langit at nang pagtingala si Glenn ay nakita niya ang itim na jacket ay may sukbit na baril na katulad nang nasa sniper.

"C…Cj...?? Hehe ang epic ung entrance mo ahh."

Pangiti na sinasabi Glenn at hindi makagalaw dahil sa tama niya.

"Hindi ko alam na may pinagdadaan ka pala papasensya na ngayon lang ako."

Habang nag sasalita si Cj ay nagulat ang lahat sa kanilang nakita at ang sniper na naputulan ng kamay ay napaatras. Ang reaksyon ng shooter ay di makapaniwala tumingin ang sniper kay Cj at biglang nanginig dahil sa ang mga mata ni Cj ay nanlilisik at nangigigil sa galit. Dahan dahang lumapit si Cj at dahan dahan ding napaatrass ang sniper. Napansin ni Macross ang epic entrance ni Cj at inilabas ang kanyang espada habang ang shooter naman ay balak sanang barilin si Cj pero naunahan siya ni nicoh at dali dali nakapag shield ang shooter at nagtago.

"Magkapatid kayo dapat hindi kayo nag aaway at nagtutulungan sa isat isa."

Sabi ni Cj habang lumalapit at nag salita ang sniper.

"Ang lakas mo naman para sabihin yan. Wala ka namang kinalaman sa nangyare."

"Wala nga pero ngayon na kaibigan ko siya meron na wala ka magagawa doon......Halika dito puputulin ko pa isa mong braso….Diba yun naman sabi mo kung kinuha nya ang sayo kinuha mo rin ang sa kanya?? Kasiyahan?? Kukunin ko rin kamay mo para parehas...."

Nang lumapit si Cj sa sniper ay mabilis na sumugod si Macross kay Cj na hindi nakita ng lahat. Ang mukha ni macross ay di makikilala sa sobrang sama nang tingin niya kay Cj. Bigla namang nasangga ang atake ni Macross at nagulat ang lahat dahil akala nila ay si Cj ang nakasangga pero isang babae pala na naka dress. Ang player na iyon ay si Mey nang Vig4, sa sobrang lakas ay yumanig ang paligid at nagulat si Cj.







"Huuhh anong ginagawa nang isang mukhang cheerleader dito?"

Tanong ni macross habang nag kikis kisan ang dalawa nilang espada at nag kikislapan sa gigil nang dalawa.

"Ha!?? Cheerleader ehh ikaw naman mukhang unggoy humanap ka nang katapat mo " Sa kabilang banda nakuha lahat ng atensyon nang manonood sa nangyari at nag hihiyawan. Crowd

[Woahhhhh !!!!!!ang lupet ni Mey!!!!!!!] [GO MEY!!!!!!!!!]

// Woahh grabe naman ang tensyon na nangyayari unang round palang ito tehe☆// //Sa mga sandaling ito ay malapit na magtapos ang unang pagsubok sabay sabay tayo bumilang.// 10 . . 9

Sa loob naman ng field ay nagpapalakasan ng pwersa ang dalawa, habang si Cj naman ay humakbang at itinutok ang espada sa natitirang braso nang sniper, at sa pag taas nito ay biglang may tumunog na malakas na nagsasabi na natapos na ang unang pagsubok. Ilang beses to inulit ulit habang si Cj ay ibinalik ang kanyang espada sa lalagyanan at ang sniper naman ay napatumba.



[Teleporting in 30 sec]



Habang nag hihintay mateleport ay pumunta sa kanya kanya groupo ang kanya kanyang team, kaso ang demigods ay tatlo nalang dahil ang isa ay hindi na makilala sa tindi nang pinsala sa katawan.

"Anong nangyari kay Rex???"

"Natalo sa laban nila Kim."

Sagot ni Macross sa shooter at ang sniper ay nakahawak sa kanyang kanang braso habang. Si Kim at Nicoh ay lumapit kila Cj at Glenn, habang si Mey ay isinukbit ang kanyang espada at nag salita si Macross kay Kim.

"Rouge may alam ka ba sa green card na bali balita???"

Ng pagkabanggit ng green card ay agad na nabigla ang tatlo sa narinig at at pati narin si Mey.

"Wala akong alam sa sinasabi mo."

Sagot ni Kim kay Macross at mayabang itong ngumiti at nag salita.

"Hindi na ko makapaghintay baguhin ang lahat."

Habang nag uumpisa na ang pag teteleport ay nagsalita rin ang sniper.

"Magbabayad ka sa ginawa mo attacker…. Magbabayad ka magkikita pa tayo"

Sa kabilang banda….. ang lalaking naka labcoat ay bumalik sa kinaroroonan nang GM at sa pag bukas nang pinto.

“sobrang interesanteng laban ang nakita ko hindi na ko makapag hintay Makita sa sunod na mangyayari”

Kommento nang lalaki na naka lab coat sa nasabing game habang ang lalaki nan aka itim na coat na naka pangalumbaba ay parang na dismaya sa laban. “ isang madramang laban nakakawalang gana…”

Sabi nang gm at umikot sa kwarto ang naka labcoat tinitignan sa window screen ang mga player na naka tapos sa unang round

“pasa saken maganda dahil may interesanteng tao hindi ko inaasahan makikita dito sa laro at isang kandidato para maging gm well ganun talaga hindi natin mapipigilan ang tadhana nang bawat isa sa mundo”

Sabi niya bahang lumalapit sa pinto at tinignan ang gm sa upuan.

“kung ako sayo magpaka saya kana dito sa laro dahil mukhang bababa kana at ang tatlo iyong trono…. GM”

Sabi niya nang pangaasar na pananalita at sumbat nang gm sakanya.

“kaya lang naman ako nandito dahil sa mga expermento nyo na pumalpak”

Bumawi rin nang pananalita ang gm sa naka lab coat.

“aba aba lumalagpas ka sa linya mo gm kalian naging palpak ang mga ginawa ni Mikael sya lang ang dahilan kung bakit nandito ka at ang laro at dahil sa kanya nakita ko ang paraiso…..

Paraiso tama isang lugar na hindi basta nakikita nang mga mata nang isang to malapit na sana namin maabot ang paraiso”

Habang nagsasalita biglang nagiba ang tono nya sa masayahin na napunta sa galit at panghihinayang.

“ kung hindi niya inihinto ang expermento isang himala ang mangyayari doon at a buong mundo pero… ppero.. tama siya … siya nga si Mikael ang palpak kaya hindi ko na ulit nakita ang paraiso tama……. Heheh wahaha.. haha tama lang na agawin ko sakanya ang lahat para ako na ang magpatuloy sa kanyang nasimulan tatapusin ko na”

Habang nagsasalita ang naka lab coat at agad na lumapit ang gm at sinakal ang lalaki at napatras sa pader at nanlilisik ang mga mata.

“wag mong sabihin na…….. wala kana nga sa katinuan alam mo naman kung ano nangyari sa nakaraan at may lakas kapa nang loob na ulitin iyon dahil doon dahil… doon nawala ang pinakamamahal ko sa buhay ”

Sumbat nang naka coat.

“kaya!!!.. nga uulitin ko para Makita ko ulit siya hehehe……”

Walang magawa ang gm kung hindi bitawan nalang ang damit at ang lalaki na naka coat ay inayos ang damit at umalis na may galit at pananabik sa kanyang sarili at ang gm naman ay bumalik sa kanyang upuan.

“ahhh tadhana kahhh ….. isang I.T.S na ginawan nang half-ass na laro para pagtakpan ang tunay na plano …..“



cjp00 Creator