Nasa loob ng elevator si Macros at patungo ito sa pinakamataas na floor ng isang gusali. Habang nag hihintay ay nag sindi ito nang kanyang virtual cigarrete. Bumukas na ang pinto at tanda ito na nasa dulo na siya nang gusali. Sa pagbukas ng pinto ay nakita niya ang isang player na nakatayo at nanood sa mga laban sa ibaba. Lumapit siya dito at tumabi saka bumuga nang usok

“hmmm ano na balita Pendragon…..”

v   “Patayin mo nga yang sigarilyo mo……”

  Sabi ni Macbeth habang pinapanood niya sa bintana ng gusali ang kanyang kasamahan na nakikipaglaban.

  “ehh ganun ka parin strikto isa ka talagang royal knight…….. o dating royal knight….”

  “Subukan mo ulit banggitin ang mga salita na yan at mabubutas ang lahat nang parte ng katawan mo….”

  Nanggigigil na presensya habang nagsasalita si Macbeth, bumuga naman ulit ng usok si Macross.

  “ehhh binibiro lang naman kita ……. Pero nakita mo ba yung speech ko? Ano masasabi mo?……sakto-sakto ang team nyo para sa mga ninanais ko. Alam ko naman na gusto mo ng kapangyarihan diba? dahil sa hindi mo mahigitan ang kapatid mo si Macarthur.”

Biglang liwanag ang lumabas sa baril ni Macbeth at natapyas ang gilid ng gusali at nahagip ang sigarilyo ni Macross na naging abo nalang. Nakita ito ng lahat na player pati na rin sila Glenn at si Cj na nasa factory.

  “Siguraduhin mo lang na makukuha mo ang card na prize. Kapag nabigo ka hindi ako sasali sa faction mo at gagawin kitang abo…..”

  Naglakad si Macbeth papunta sa elevator habang humahampas ang hangin sa paligid ng building na natapyas. Kasabay nuon ay kinontack niya ang kanyang mga kasamahan.

  “Guys…. May temporary alliance tayo sa PARAGON I hinto nyo na ang laban. Alam nyo na kung sino ang mga team ang kakalabanin natin…..”

  Narinig ito ng mga kasamahan niya, at sa team PARAGON ay nasabihan din sila ng kanilang leader. Si Cj naman ay nagmamasid masid sa factory at may nakita siyang isang room na maraming computer, at ang nakalgay doon ay ang nuclear power plant na hindi naka activate nang may bigla siyang napindot at may na activate.

  “lagot….”

  Agad agad siyang umalis sa factory para contakin ang kanyang team.

  “Glenn…. Glenn…yoohoooo… asan na kay------“

  Biglang may bumaril sa kanyang sniper hindi kalayuaan sa factory, at dalawang attacker ang tumatakbo sa bubungan na parang ninja kung gumalaw. Ang mga attacker na ito ay sila hao at Page dali dali tumakbo si Cj sa kakahuyan para magtago, pero sinundan ito ng dalawa. Habang bumabackup ang galit na galit na sniper.

  “Glenn…… ha ha… ha… Glenn…. Naririnig nyo ko……”

  Pa hingal na nagsasalita si Cj habang tumatakbo sa mga kapunuaan. Biglang nagsalita si Glenn at papasalubong ito. Mabilis ang habulan nila at pinapatamaan na si Cj nang skill pero nakakailag ito at gumagamit ng shield. Isa-isang napuputol at nahahati ang puno sa pagtama nang mga skill ng kalaban. Malapit Nang maabutan si Cj ni Page. Humugot ng lakas sa paa si Page para tumalon at sugurin sa ere si Cj. Ginamit niya ang puno bilang patungan at sabay bwelo nang sobrang lakas at sabay activate ng skill. Natumba ang puno na pinag bwelohan nito at sa sobrang bilis ay hindi na ito namalayan ni Cj.

  “Concave……splinter!!¬!!!!!!!”

  Malapit nang tumama ang espada ni Page ng biglang sumulpot ang isang babae na ang espada ay isang katana na may cherry blossom effect. Ang sumangga sa espada ni Page ay si Escarlet. Napatalsik si Cj sa impact na nangyari. Bumugso ang hangin sa paligid at kislap ng kanilang sandata ang lumuliwanag. Si Cj naman ay tumama sa katawan ng isang puno at nagulat nalang. Umatras si Page at si Escarlet naman ay napatingin kay Cj at lumapit ito sa kanya.

  “Ikaw si Cj tama? mukha ka talagang  mahina sa laban, puro ka takbo.”

“ehhh …ehh ikaw ung leader nang VIG4…..”

  “Yahh at may atraso ka sakin at sa team ko..…….”

“Atraso…?”  

“Pinagsalamtalahan mo ang bibiko na si Mey………kinuha mo ang ang….ang nanatingi niyang kakayahan…..”

  Napahinti si Page at ganun din ang kakadating lang na si hao na narinig din ang usapan. Ang mga viewers naman ay na tameme, lalo na ang mga fan ni Mey na napraning at gusto na mag wala at pumasok sa laban para paslangin si Cj.

  “ha!!!! “

  “Tama ba pagkakadinig ko page?”

  Dahil sa pagkakasabi ni Escarlet ay iba ang dumating na kahulugan sa mga nakarinig at pati na rin si Cj. Pero biglang may bumaril kay Escarlet at biglang may sumabog ng napakalakas.

  “tsk wala ako panahon para sa mga sit-com nyo”

  Pero hinawi niya ang kanyang espada na may effects na cherry blossom. Mapapansin din ang shield na itsurang cherry blossom na nakaactivate sa ulo ni Escarlet, at ang damit nito ay cyberpunk na yukata. Ang obi nito ay malaki sa likuran at may futuristic shapes katulad ng kay Mey.

  “Ang lakas mo naman para umepal sa paguusap namin.”

  Pagkatapos mag salita ni Escarlet ay nag salita naman si Glenn. Sinabihan niya ang dalawa na ipaubaya sa kanya ang sniper, at ang dalawang attacker nalang ang pag-tuunan nila ng atensyon.

  “hmmm sige…… leader nang REVENGE..”

  “Glenn nalang at your service….”

  Bigla na naman natamaan sa mga sinabi ni Glenn si Escarlet, pero nawala agad ito. Tinignan naman niya si Cj

  “Cj tama……set aside muna natin ang atraso mo ang kailangan natin manalo dito.”

Ang akala ni Cj na masungit at matapang na babae ay may pagka ate pala ang ugali. Tumayo si Cj sa kanyang kinauupuan at inilabas niya ang kanyang sandata, na isa ring katana na may kulay na dark violet. Hindi basta basta ang kalaban nila dahil mga malalakas ang attaker na si Page at Hao, habang si Escarlet lang ang maituturing na malakas. Agad na gumamit ng combination skill sila Page at Hao. Si Escarlet naman ay binalik sa lagayan ang kanyang katana at bumwelo na bubunutin ito.

  “Pag signal ko sumugod ka ahh….”

  Sabi ni Escarlet at biglang may lumabas na Cherry blossom effects sa paligid niya, at ang pwersa ng hangin na nanggagaling sakanya ay lumalakas. Kasabay noon ang maliliwanag na Dahon. Natulala si Cj at ang mga kalaban naman ay pinakawalan na ang combination skill.

  “Cruxifition.!!!!!! Slash…..”

“Cruxifition.!!!!!! Slash…..”

  Naging itsurang krus ang kanilang atake, at sa kabila ay pasigaw na bwelo ang narinig ni Cj kay Escarlet. Kasabay noon ang dahan-dahan pero nakakasilaw na espada niya.

  “warhhhrhhrhhrh Sakura sword style no2…… hanami …….. sslashhhhhh!!!!!!

  Itsurang pink at sobrang laki na slash na may kasamang dahon-dahon na cherry blossom ang pinakawalan ni Escarlet. Nagbanggan ang dalawang skill at sabay na nakakasilaw na liwanag ay ang pagsabog nito. Sa lakas ay umulan ng cherry blossom sa paligid. Ang lupa ay nagkaroon nang uka o creater na halos apat-napung metro ang lawak. Yumanig ng napaka lakas. Naramdaman ito nila Mey at Kim sa syudad at Nicoh, Ivy at Hicami malapit sa nuclear power plant.

  “Cj……..!!!!!! sugod na”

Nang narinig ni Cj ang signal ay agad itong sumugod sa kalaban, pero nang puntahan niya ang pwesto ay wala na ang dalawa. Tanging isang kamay na naputol ang nakita niya nang biglang…

  “ Cj !!!! sa gilid mo …..”

  Biglang sumulpot si Hao sa kanan ni Cj at hahatawin ito. Agad na naalerto si Cj at sinangga niya ito gamit ang shield. Napansin niya na putol ang kaliwang kamay ni Hao at puro galos. Lumabas sa usok si Page at napunta sa harapan ni Escarlet at nagkataman ang kanilang espada. Nawala kaagad ang usok dahil sa impact ng kanilang espada. Mabilis na nagpalitan ng atake sila Page at Escarlet. Sa bilis ay effects lang ng espada ni Escarlet at puting liwanag kay page ang nakikita ng mga manonood. Habang si Cj naman ay nakikipag gigit-gitan ng espada kay Hao. Nagulat nalang si Cj ng sinipa siya ni Hao at napatalsik sa isang puno, sa lakas ng pagkasipa ay halos mabali ang puno. Si Cj naman ay napabuga ng laway na may dugo. Bigla namang sumugod si Hao at nag activate ng kanayang skill.

  “Arghhhhhhhhhhhh. Vertical slash!!!!!!”

  Agad na tumayo at Gumamit Nang skill si Cj para sanggain ito.

  “Eargggggghhhh douplex splinter!!!!!!!”

  Pinatama ni Cj ang unang atake ng skill sa lapad ng espada dahilan ng pagkakatabig nito papunta sa mga kapunuan. Nagulat si Hao habang slowmo na nagiba ng direskyon ang kanyang espada. Ang pangalawang ikot ay sa ulo na tatami, pero gumamit ng shield si Hao at sinentro niya ang lakas kung saan tatami ang espada ni Cj. Sa lakas ay nagpagulong gulong siya sa damuhan. Tinukod niya ang kanyang sandata para bumagal ang pwersa nito at para narin huminto sa pagkagulong.

  “Patayin mo na Cj!!!!!!”

  Nag activate na ng skill si Cj at balak na niya itong sugurin ng napansin niyang ang nakakasilaw na liwanag galing sa mga kakahuyan. Mabilis ang pangyayari kaya agad niyang inactivate ang shield at napatras. Katulad ito ng tumama kay Escarlet at napatras sila. Tumama sa harapan niya at sa lakas ay napatalsik si Cj at nabutas ang lupa.

  “Cj ok ka lang?“

  Sabi ni Escarlet habang nakikipag laban kay Page, habang si Page naman ay naiinis dahil hindi manlang niya magalusan si Escarlet sa laban at naasar pa ito dahil may gana pa siya na tawagin si Cj.

  “Wag mong pansinin yan ako ang labanan mo …… Mukhang hindi mo ko sineseryoso…..”

  Kasabay noon ang kaliwa rin niyang kamay na dahan dahan lumawit at naputol dahil sa atake ni Escarlet

  “seryosohin……..??? ano tingin mo sa itsura mo?? Mukha ka bang kaseryo-seryoso…..??”

  Mas lalo itong ikinainis ni Page dahil hindi sila nagkakaintindihan. Umatras ito at pumunta kay hao na kaka tayo pa lang. Habang ginagawa niya ang pag atras ay pinapataman niya si Escarlet ng skill, pero gumamit ng shield si Escarlet para harangin.

  “horizontal slash!!!!!”

“horizontal slash!!!!!”

  Tangin ang mga puno sa gilid ni Escarlet ang tinamaan at naputol. Pinagdikit ni Hao at Page ang kanilang espada, tanda na gagamit ulit sila ng combination skill. Si Cj naman na kaka tayo palang din ay nakita na na may malakas na ilaw ang naaninag niya sa hindi kalayuan, at ito ay papaprating sa kanila. Nakita din ito ni Escarlet at napag alaman niya na kagagagwan ito ni Macbeth. Dali-dali siyang pumunta sa pwesto ni Cj at gumamit nang shield.

“Cj ilag!!!!!!”

 

Tumama ang sa kanilang ang laser na pinakawalan ni Macbeth na galing pa sa syuudad at nasaktuhan sa pwesto nila. Sinangga ni Escarlet ang laser gamit ang kanyang shield, pero napa atras sila sa lakas at laki ng laser. Habang sila Page at Hao ay nagulat at pinanood na lumalayo sila Cj at Escarlet. Hindi makagamit ng skill si Cj dahil nagamit na niya ito sa sniper. Nasa likuran ni Escarlet si Cj at nakakaladkad niya ito dahil sa laser. Tumatama sila sa mga kapunuan nang biglang nasira ang shield ni Escarlet. Ginamit niya ang kanyang espada na may naka activate na skill habang tinutulak sila. Halos mapunta sila sa dulo ng mapa sa layo ng kanilang narating. Nawalan na din sila \ng contact sa kanilang mga team. Napigilan ni Escarlet ang laser pero galos at sugat ang natamo niya. Ang manggas ng kanyang yukata ay nasunug at kita ang kanyang puting braso at kilikili. Ang buhok niyang naka tali ay nabuhaghag at nakapatong kay Cj. Habang si Cj naman ay puno nang sanga at dahon ang damit at ulo.

  “aa…. Ahh ayos ka lang ma’am Escarlet?…”

Hindi makapag salita nang maayos si Cj, at si Escarlet naman ay pinilit na tumayo. Nagulat siya sa layo ng kanilang narating. Makikita rin ang bakas na ginawa ng laser at ang mga kahoy na nasusunog at naabo.

  “Na dali ako dun ahhh, ok kalang Cj?”

  “Teka…. Palagi nalang ako tinatanong mo nang ok ka lang, ikaw ba???”

  Sabi ni Cj kay Escarlet na tumayo na rin at nakita rin niya ang itsura nang paligid.

  “hahahahha pag pasensya na…ganoon lang ako makitungo”

  “Hindi pwede na puro ikaw ang mag liligtas saakin nakakahiya at ganoonng lalaki pa ako.”

  “Wahahhaha hmmm parang may hint na ko kung pano mo napaamo si Mey.”

  Sabi ni Escarlet habang nag iinat-inat at tinatansta ang layo ng distansya nang syudad at sa pwesto nila.

  “Na paamo?”

  “hmmmm 1.5 kilometers ahh layo pala…. May skill na binigay niya sayo, babayaran mo ba o ibabalik mo?”

  Napaisip si Cj habang puno nang sanga ang kanyang buhok.

  “Skill?? Ahhh yung binigay na skill… babayaran?? Teka bakit ??”

  “tinakot mo ba sya? blackmail????? Pano mo nakuha importante yang skill na yan at nagkakahalaga nang 40 milyon sa tunay na pera.”

  “40 milyon !!!!!!! grabe wala naman akong alam na may presyo pala ang mga skil-skill na yan.”

  Wika ni Cj na nagulat sa narinig na presyo na sinabi ni Escarlet.

  “Nung una kasi pinahiram nya lang sakin ung skill, tapos biglang sinabi niya na sakin nalang to. Ibabalik ko sana sa kanya kaso hindi ko alam kung pano at naglout na rin siya.”

  “Ahhh ganun pala pero bakit niya pinahiram to?”

  “Bakit hindi nalang sya tanungin mo?”

  Biglang hinatak ni Escarlet ang pisngi ni Cj.

  “Wahhh aray ang teka te!!”

  “Ayaw niya sabihin kahit ano gawin ko iba talaga pag maidens heart at pusong bukal ……. Pero nilason mo hmmmp”

  Inspire na sinabi ito ni escarlet sa una at kinalaunan ay nangigil na galit. Tinutukan niya si Cj \ng kanyang katana at pinilit na mag salita.

  “Oo na oo na eto na mag sasalita na …….. Ganito kasi nung araw na magprapractice ako eehh nakilala ko sya, tapos habang nag prapractice ay may dumating na ibang player at pinagkakaguluhan siya at hinaharas. Kaya yun pinigilan ko sila at nauwi sa laban na 2v2, tapos ayun pinahiram nya ko ng skill bago mateleport sa map…..”

“hmmmmm yun lang??? ang simple naman it smell fishy…”

  Habang nakikinig ay napansin niya ang oras ay nasa kalahati na at wala pa rin namamatay na player sa mga team, ibig sabihin nito ay naglalaban pa rin sila. Nang biglang nakita nila ang building na gumuguho at mga pagsabog sa syudad.

  “hmmm Cj alam ko baguhan ka lang kaya wala kang mga alam sa bagay-bagay dito kaya humawak ka ng mahigpit at pupuntahan natin ang sila.“

  “hahhh? mahigp---!>>!>??”

  Biglang hinawakan ni Escarlet ang Jacket ni Cj. Umilaw ang mga pa nito at biglang sabi ng isang skill na hindi pa naririnig ni Cj.

  “Leap……!!!!!”

  Tumalon ng sobrang taas si Escarlet at ang dahon at sanga sa ulo ni Cj ay naiwan sa baba. Nag sisigaw si Cj at nalula sa taas na naabot nila. Patalon-talon sila papunta sa syudad kung saan nag lalaban laban ang iba pang mga player, pero nagsalita si Cj.

  “Teka may request ako dalhin mo ko kay—“

cjp00 Creator