Sa viewing area naman ay pinapakita ni Louca ang score ang nangunguna sa lead ay ang vig4 na may 4 na punto at tigiisa sa natirang team
Score
Vig4- 2
PARAGON- 1
DEMIGODS- 1
REVENGE- 1
Death Report
Vig4 - Ivy
PARAGON- Kyle
DEMIGODS- Shooter,Rex
REVENGE- Nicoh
Sa kabilang side ng mapa sa mga kakahuyan ay baril at kalukos ang maririnig at sabayang pag baril nang dalawang sniper.
“Matagal ko na kayong kinalimutan. Hindi ko kasalanan kung bakit nagkaganon ang babae mo kusang siyang sumama.”
“Kusa?? Binlack mail mo sya tapos pinahiya mo siya! BINABOY MO SIYA……”
“Ano naman? Higanti ko iyon dahil ikaw lang ang masaya! Ikaw lang pinupuri na masaga. Porket ampon lang ako sa bahay tapos sakin sinisisi ang lahat ng pagkakamili nila ……!!!! Nakakasuka ……. Hindi ba!!! Totoo naman…”
Habang nag kokompromtahan ay sabay silang gumamit ng skill.
“Burst!!!!! Shoot……”
“Burst!!!!! Shoot……”
Sa lakas ay nahawi ang mga puno at nakita nila ang isat-isa. Tumagal nang limang secondo ang kanilang tinginan at pagkatapos noon ay nawala sila sa isang iglap. Puro tunog ng baril nalang at shield na nasisira dahil sa pagtama nang bala ang madidinig dito.
“Dahil sa bisyo mo kaya ka nagka ganyan at sumali ka pa sa sindikato. Pero hindi iyon sapat para pagtuuan ng galit ang walang kinalamang tao.”
Alam ni Glenn na isang sindikato ang kanyang kapatid dahil may nakita siyang mga pera at baril sa kwarto nito noong nasa bahay pa ito pero nagwalang kibo nalang ito.
“Ahhh hindi sapat…… sya lang naman ang pinakamamahal mo ahh…… kaya tama lang na ginawa ko yun sakanya, at ang kompanya ng tatay mo dapat lang na bumagsak. Dahil doon dahil sa pagbuo ng Kompanya kaya nawala ang nanay ko. Kinuha ng tatay mo ang lahat lahat sa nanay ko at ginamit lang ito sa kapanakan nya tapos saakin niya sinisi lang pagkamatay nito.”
Habang nagsasalita ang sniper ay naalala niya ang kutsilyo na hawak-hawak ng tatay ni Glenn na may dugo at binigay ito sa kanya. Malabo ang kanyang alalala kaya hindi niya ito gaano matandaan mga bata pa sila Glenn nung panahon na iyon, pero namulat na ang sniper sa nakita niya. Kasabay nang pagkalabit ng gatilyo ay ang mga emosyon na kumakawala. Ang galit sa tatay at kay Glenn ang nagiging lakas niya. Habang si Glenn ay ang mga malabong ngiti ng isang babae na biglang isang walang malay at hubot buhad na sa isang kwarto. Ang galit na umaapaw sa dalawang tao na ito ay nagresulta sa paghihiganti sa bawat isa.
“kung hindi dahil sayo…..”
“kung hindi……dahil sa inyo……..”
“hindi sana ako nagkaganito……..!!!!!¬!!”
“hindi sana siya nawala………!!!!!!”
Kasabay ng mga salita ay ang pagtama ng kanilang mga nayuyuping bala, at sabay rin nuon ang isang liwanag galing sa syudad ang papunta sa kabilang panig ng kagubatan. Sabay nuon ay naalala nila nung una silang nagkita. Nagsama sa iisang bahay ang tatay Glenn at nanay nang sniper. Ang dalawa na mahilig sa barilan ay laging nag lalaro ng babaril-barilan sa kwarto noong sila ay mga bata pa. Parehas nilang paborito ang sniper na ang tawag ay camotac, isang mabigat at maingay na sniper. Lagi silang nagbabarilan sa labas hanggang tawagin sila ng nanay nila. Ang mga saya at ngiti nila noon ay malaki na ang pinagbago kumpara sa ngayon na puot at paghihiganti. Halos limang beses na nagkabanggaan ang kanilang mga bala sa ere at dati na nagkakatamaan sila nang pellet at nag iiyakan.
[past]
“Kuya pano to ayaw bumaril”
“Tingen hmmmmm hindi mo pa kinakasa ehh hahahha”
[present]
“Burst shoot!!!!!!!”
“Shield!!!!!!!”
Butas butas ang mga puno at ang iba ay putol ganoon rin ang lapag na butas. Unti-unti ng nuubusan ng lakas ang dalawa dahil sa bigat ng baril na kanilang dala. Habang nakatago sa damuhan ay biglang nagpaputok ang sniper at nagulat si Glenn dahil dalawang bala ang muntik na tumama sa kanya. Ganoon rin ang sumunod nakita niya ang pinanggagalan nang bala at binaril niya iyon gamit ang skill pero nagulat siya sa kanyang nakita.
“burst…. Shoot!!!!!!!”
“Split…..!! burst shoot!!!”
Dalawang burst shoot ang lumabas sa baril ng sniper. Nagkatamaan ang isa at ang isang burst shoot ay papunta kay Glenn. Umilag kaagad si Glenn sa pagsabog at tumilapon sa mga puno at nabangga. Nang pagtingin niya sa kanyang paanan ay natamaan pala ang kanyang paa. Kasabay noon ang paguho ng malaking gusali sa syudad na kita sa kanyang pwesto. Binaril ulit siya nang sniper at napa dapa naman ito para maka ilag kaya sumabog ito sa kanyang likuran. Nag notif sa kanya na may puntos na sila pero nanganganib siya dahil biglang dumating ang isang attacker ng PARAGON na si Hao. Hindi kalayuan sa kanya. Nakita ulit siya ng sniper at gumamit ulit ito nang skill. Binaril si Glenn at binaril rin ito ni Glenn, pero dehado siya dahil hindi basta-basta nasasangga ang burst shoot ng shield. Napigilan niya ang isang burst shoot sa ere at ang isa ay malapit nang tumama sa kanya at sa pag kurap ng kanyang mga mata ay isang player ang nakita niya.
“WARGHHHHHHHHHHHHHHH¬HHHHHHHHHHHHHHHHHRHH¬HHH SLITTTTTTTT…………SWORD¬!!!!!!!!!!!!!!!”
Nagulat ang mga player na nakakita sa ginawa ng player. Pati narin ang manood dahil hiniwa niya ang skill na burst shoot sa dalawa. Lumihis ang kalahati ang bala sa kaliwat kanan at sumabog ito sa lukuran. Habang si Glenn naman ay nakadapa at nakita niya ang player na iyon ay si Cj, nakita rin ito ni escarlet na pabulusok sa lugar nila Ivy pa diresto sa gumughong gusali
“Cj……. Haha na naman.“
Wala ng masabi si Glenn at tinukod niya ang kayang baril para makatayo. Habang ang sniper naman ay nagulat at napangiti dahil kay Cj na gustong gusto niyang patayin. Si hao naman ay napabilib sa nakita pero agad itong nawala ng pinasugod siya nang attacker at nag salita si Cj.
“Glenn nakaraan na ang nakaraan wala na tayo magagawa dito kaillangan natin humarap na sa patutunguhan kung maghihiganti ka lang uulit ang ullit ang mga bagay bagay at hindi ito matatapos.“
Napaisip si Glenn sa mga sinabi ni Cj pero ang iba dito ay hindi niya maintindihan. Pero na ngiti siya dahil ngayon lang Siya nakarinig nang payo galing sa isang teammate at kouhai at kaibigan. Nagpasalamat si Glenn at pumwesto at nagsalita.
“Cj alam mo na ulit ahhhh lure smoke……”
“…….. yesss!!!! Leader……….”
Mabilis na sumugod si Hao, at sila Cj at Glenn ay nag hiwalay. Sinalubong ni Cj si Hao at nag hatawan ng espada. Tumalon patalikod si Hao kay Cj at sinundan niya ito ng tingin. Kasabay nuon ang ang kanyang pagsangga ng espada at shield. Si Hao ay Athletic sa tunay na buhay kaya isa sa mga advantage niya ang pag balibali ng katawan. Babarilin dapat nang sniper si Cj pero binabaril siya ni Glenn. Sabay na gumamit ng skill si Cj at Hao.
“Vertical slash”
“Slashhh ehhkk..!!!””””
“Shield!!!!”
Hindi kinaya ng skill ni Cj ang skill ni Hao kaya gumamit siya ng skill para tuluyan niya itong mapigilan. Pero dehado na si Hao dahil isang kamay nalang ang kaniyang ginagamit, at hindi niya masangga ang suntok at sipa ni Cj galing sa kaliwa. Nag bigay na ng signal si Glenn at hudyat na ito para gumamit si Cj nang skill. Agad niyang sinugod si Hao.
“Douplex Splinter!!!!!””
Pinatama niya ang unang pagikot sa espada ni Hao, at ang pangalawa naman ay sa lupa. Tinodo niya ang lakas at sumabog. Sa lakas ay nakagawa siya ng usok at alikabok. Nabalot nito ang dalawa. Alerto si Hao sa paligid at nasasangga parin ang mga atake ni Cj. Nang biglang na tapilok siya sa isang bato at nawalan nang balance. Kasabay noon ang ilaw ng espada na nangagagling kay Cj. Pinilit nito gumamit nang shield at umilag pero huli na at nahiwa ni Cj ang kanang bahagi ni Hao, pero nakalabas ito sa usok nang biglang isang malakas na pag baril ang tumama kay Hao. Nabutas ang ulo nito at sumabog. Ang akala ni Cj ay si Glenn pero inunahan ito ng kapatid nito. Gamit ang split burst shoot hinarangan niya ang atake ni Glenn at ang isa ang tumama at naging puntos ng demigods.
“Nalintikan na ……Cj!!!! Atrass”””
Pasigaw na sinabi ni Glenn. Inilagan ni Cj ang mga malalakas na bala ng sniper at nagiwan ito nang create sa lupa. Nawala na ang usok na ginawa ni Cj at dali dali nagtago sa mga kapunuan.
“Magpakita ka attacker gusto lang kita bawian sa ulo wahhhh, sumasama ka pa dyan wala naman kwenta yan. Mang aagaw lang nang kaligayahan yan gusto niya sakanya lang.”
Lumabas si Cj at nagsalita.
“Mang aagaw?????....¬.... o baka naiingit ka lang dahil madami siyang napatagumpayan……hind¬i mo ata alam ang pagsisikap. Ang gusto mo lang andyan na sayo, gusto mo pinupuri karin kahit wala kang ginagwa…”
Nainis ang sniper at binaril si Cj. Agad na nakita ni Cj ang direksyon ng bala at agad na sumugod at nag activate ng skill. Tumalon siya sa mga sanga nang puno at sa pagtalon niya nakita nito ang sniper na nakaupo sa isang sanga. Hinawakan niya ng mahigpit ang kayang espada at pahataw na nag salita.
“Kaya siya nakatayo ngayon dito dahil!!!!!! Nag susumikap siya!!!!!!!!!”
Sumabong nang napaka lakas at parehas na tumulapon ang dalawang player. Si Glenn naman ay nakita si Cj na nagpagulong gulong kasama ang putol niyang binti. Habang ang Sniper naman ay bumangga sa puno at putol ang braso at bakas pa ang effects ng nasirang shield na unti-unti nang nawawala. Tinukod ni Cj ang kanyang espada at tumayo pero ang sniper naman ay gumamit ng skill. Itinodo na niya ang kanyang lakas para sa skill at sumigaw ito.
“WWAHHHHHHH!!!!!!!!!¬!!SPLIT!!!!!!!!!!!! BURST!!!!!!!!! SHOOT!!!!!!!!!!!!!!”
Si Cj naman ay activate na ng skill at pabilis na tumatalon talon habang tinutukod ang espada. Bumwelo at tumalon nang mataas. Si Glenn naman ay gumamit rin nang skill.
“BURST!!!!!! SHOOT!!!!!!!!!!”
Naabutan nito ang isang bala ng skill at sumabog sa ere. Habang si Cj naman ay buwelo na parabang babato at nag activate nang skill
“kragghhhhhhhhh slit!!!!!!sword!!!!!¬!!!”
Binato niya ang kanyang sandata nang pagkalakas kalas at nang paikot ikot ito sa ere. Nahati ulit ang burst shoot sa dalawa at ang espada naman ay mabilis na bumubulusok sa sniper. Nagulat ang sniper at kasabay noon ang espada na bumaon sa kanyang leeg. Tumalsik siya sa isang puno, bumaon ito at naipit siya. Sa lakas ng impact ay makikita ang bakas nang paa niya na sumasadsad sa lupa. Habang si Cj bumagsak sa lupa. Agad na lumapit si Glenn para buhatin ito at pumunta sa syudad. Pa ika-ika silang naglakad pero napa hinto sila ng makakita sila nang isang tricyle. Sa kabilang banda nagulat si Escarlet nang hindi nila makontack si Hicami habang nakikipaglaban. Ang score ng lahat ng team ay all 2 na dahil napatay pala ni page si hicami bago ito pumunta kila Macross. Kahit na putol ang braso nito ay nakagawa pa rin ito nang malakas na atake sa kanyang kalaban na si Escarlet. Si page naman ay kinakalaban si Mey pero hindi nito kaya ang lakas ni Mey at puro depensa lang ang kanyang ginagawa, dahil sa kanyang natamong pinsala galing sa leader nang vig4 na si Escarlet. Halos maging patag na ang paligid habang sa kabilang banda naman si Kim at Macbeth ay parehas may galos at sugatan. Nalalabi na ang oras ng pagtatapos at wala pang nakalalamang na team nang biglang isang malakas na boses na nagsasabi na nag overload ang nuclear power plant. Napahinto sa laban sila Kim at Escarlet at naalala nila ang plano na naisip ni Nicoh. Habang si Nicoh naman ay nanonood sa [resurrection point].
“Nice Cj”
Malapit na rin maubos ang oras ng laban at desperado na lahat ng player na makapatay. Nang biglang isang liwanag galing sa nuclear at kabuteng ulap ang nakikita nila. Huli nilang narinig ang pagsabog pero dahil sa halos mapatag nila ang syudad ay nakita ni Macbeth ang isang tricycle na papunta sa kanila sa malayong distansya. Nakita rin ito ni Kim at naisip nito ang gagawing plano ni Macbeth at mabilis itong sumugod at gumamit nang skill.
“unsheathe reapx6”
Nagpakawala ng anim na air attacks si Kim at isa-isa itong inilagan ni Macbeth. Gumaganti rin ito ng rapid fire na skill. Hinigpitan niya ang hawak nang scythe at hinataw ito. Sa bilis ay hindi kompleto naka ilag si Macbeth at naputol ang kamay nito at nalaglag ang isa niyang baril. Slowmo na tinutok nito ang isa pa niyang baril at binaril si Kim. Slowmo na lumalabas ang mga bala at si Kim naman ay hindi na nakagamit ng shield. Tinamaam ang balikat at tadyang nito at napaatras. Ang akala niya ay hindi na maactive ni Macbeth ang laser canon skill pero nagkamali siya dahil umilaw ang baril ni Macbeth sabay kalabit sa gatilyo nito.
“Laaaaaserr!! Canon!!!!!!!!!!!!!!”
Si Kim naman ay hindi na naka gamit nang skill para harangin ito. Dumiretso ito sa direksyon nila Glenn habang nag mamaneho nang tricycle. Hindi na sila nakailag dahil malaki na ang naging pinsala ni Cj at ganoon rin si Glenn.
“CEJaY¬Y!!!!!!!.....
GLENNNNNNNN!!!!”
Sumabog ang tricycle at kasabay rin noon nabalot nang liwanag ang paligid at usok dahil sa nuclear power plant. Sa pwesto nila Mey at Escarlet ay umatraas sila at biglang lumindol. Ang lupa ay nahati sa gita at biglang sumabog nang napakalakas sa paligid nila Macross at Page. Nakahanap na nang tyempo sila Mey at gumamit sila nang combination skill ni Escarlet.
“Sakura Sword style no 0: helix!!!!! Blossom!!!!!!!!!”
Isang ipo-ipo na pabulusok na hangin na may kasamang matatalim na dahon ang tumama sa dalawa. nagka hiwa-hiwa ang katawan nila sa nangyari. Habang sa pwesto naman ni Kim na naka tukod sa kanyang sandata. Tumingin siya kay Macbeth habang nasisilaw sa liwanag at nag salita si Macbeth.
“Ako…… ang magiging GAME MASTER……”
[GAMEOVER]
Pagkatapos nito ay nabalot nang puti at natapos na ang laban. Ang mga player na manonood ay halos hindi makahinga sa nangyari. Ang G.M. naman ay naka ngiti, pati narin ang tatlong G.M. na nasa ibat-ibang bansa na nakapanood nito. Habang si Louca ay nag announce na kung ilan ang puntos nang bawat panig.
[Score]
PARAGON-----5 points
Vig4-------------4 points
DEMIGODS---2 points
REVENGE-----2 points
Nanalo ang PARAGON na may score na 5 points at sumunod sakanila ang VIG4 na may 4 points. Sila rin ang magiging representative para sa championship sa ibang channel. Umabot na nang alas 3 ang laba. Si louca naman ay pagod na pagod na sa kaka intertain. Ang mga player ay tuwang tuwa pati narin ang fans nang VIG4.
“Woahhhh salamat sa matinding laban na pinakita nyo at aasahan naming na sa Luzon channel ang magiging champion ngayon. Hanggang sa muli kong pag hohost ako si Louca nagpapasalamat VR Wars……”