Natapos na ang laban dumating na rin si Nicoh na nahuli, napahinto siya ng nakita niya si Cj na nakaluhod at ang akala niya ay buhay pa pero malaki ang pinsala sa braso, tagiliran at dibdib ang kanyang natamo dahilan ng kanyang pagkamatay.

  “Ano nangyari dito? Ikaw ba nakapatay sa dalawa??”

  Tanong ni Nicoh kay Kim pero nagulat siya sa sagot ni Kim.

  “Ang naka bear costume lang ang napatay namin ni Glenn at malaki ang pinsala na natamo nito kaya madali namin napatay.”

  “haaaahhh!!!”

  Hindi niya akalain na makakapatay pa si Cj sa 1v2 na nangyare. Napabilib si Nicoh kay Cj at naniwala na talaga si Nicoh sa sinabi ni Glenn na may ibubuga nga si Cj sa laban, pero napaisip parin siya kung ano ang nangyari sa laban at na teleport na sila. Habang sa VIG4 conferrence room ay pinalibutan ng tatlong babae si Mey at pinagpapaliwanag dahil sa nakita nila.

  “Pano sya…… nagkaroon nang katulad mo na skill wag mong sabihin na……”

  Habang si mey ay hindi makapag salita dahil halos magdikit dikit na ang kanilang mga muka. Sinabi ni mey na gumamit siya nang [skill copy module]. Ito ay isang paraan ng pagpapasa ng skill ng isang player papunta sa pagpapasahan na player, pero kakaiba ang sitwasyon tungkol sa skill ni mey. iIto ay isang unique skill na kung saan ay sariling skill ito nang player at sya lang ang nakakagamit. Iilan lang ang player na may unique skill at ang common ay ang default skill, pero pwede ito maupgrade ng player sa paraan na gusto niya katulad ng [crecent moon slash]. Nagulat naman ang tatlo sa sagot no Mey.

  “Ano!!!! Bakit mo naman ginawa yun alam mo naman na unique skill yun at ikaw lang ang may skill na yun sa buong game, at iilan lang ang may unique skill sa game…”

  Sabi ni Hicami kay Mey habang si Ivy naman ay kinukurot ang mga pisngi ni mey. Kasunod namang nag tanong ay si Escarlet.

  “Then ano magkano binayad??? 50m??? 60m ?? rp?? Or real money??”

  Hindi na nakapagsalita si Mey at nanahimik.

  “Wag mong sabihin …… binigay mo lang basta …….???”

  Napatango nalang si Mey bilang sagot. Nagulat ang tatlo at nainis, kasabay noon ay kinurot na rin ni escarlet si Mey. Habang nagkakagulo an VIG4, ang ang PARAGON naman ay bumilib at napahanga sa nangyare. May halong panghihinayang din kay Kim dahil tinanggihan ni Kim ang imbitasyon ni Macbeth na sumali sa team nila. Tinanong ng attacker na player ang leader niya na si Macbeth na kung papaano nagawang mailagan ni Cj ang skill nang naka bear costume dahil hindi niya ito nakita sa bilis nang pangyayari.

  “Ang pagkakakita ko ay nang nangsanggaan na ang sandata nang samurai at ang teammate ni rouge ay dumaplis at tumusok sa leeg nang samurai habang nanggyayari iyon ginamit niya ang kanang braso at hinawa niya ang braso nang naka bear costume tumagilid siya at hinagis kasabay noon ang pagtusok nang espada nang samurai sa dibdib niya at pag putol nang kaliwang braso niya.”

  Pinag krus niya ang kanayang mga kamay para maipaliwag nang maayos ang nangyari pero hindi ito maimagin ng kanyang kasamahan kaya binatukan niya ito.

  “Ang bobo nang galaw niya kung ako sa kanya nilipat ko sa kanan ang espada at tsaka ako gumamit ng skill. Bale ang nangyari habang naka tusok ang espada niya ay tumagilid siya para mahawakan ang braso ng isa pang kalaban gamit ang kanan at inihagis niya ito papunta sa pader nang bahay. Hindi ko akalain na matatalo ang team PARKOUR... Dahil narin siguro kay rouge na gumamit din nang unique skill sa laban. Hindi na ko makapag hintay!”

  Sabi nang isang player na attacker na kakampi ni Macbeth na hindi na makapag hintay na kalabanin si Kim. Sa kabilang banda hindi alam nang tatlo na gumamit ng unique skill si Cj at nang nateleport na ang tatlo nakita nila si Cj na naka upo at pagod na pagod sa mga pinaggagawa niya. Lumapit si Nicoh at hinawakan ang balikat ni Cj sabay salita.

  “Good job nice kill”

  Napangiti si Nicoh at nangiti rin si Cj pero bigla niyang hinawakan ang kwelyo ni Nicoh at nag rambulan ulit sila. Hindi parin maka get over si Cj sa pang uuto na ginawa sa kanya ni Nicoh. Habang si Glenn naman ay tinignan kug ano ang pangalan ng team na nakalaban nila at nagulat siya dahil ang pangalan nito ay PARKOUR, top team din ito sa Luzon server at ang dalawang magkapatid na nakalaban ni Jj ang ace nila. Si Kim naman ay tinitignan ang resulta sa iba pang bracket at nakita niya na ang bracket C nalang ang huling naglalaban. Ang naglalaban ay ang DEMIGOD at MAHAROTH. Lahat ng player sa server ay nanonood at hindi alam kung sino ang mananalo. Ang tema ng mapa nila ay nasa syudad at madaming gusali na hindi natapos sa pag gawa. Si Macros ay nakikipag tapatan sa magkapatid na Len at Lan na parehas attacker. Sabay na sabay ang galawan nila katulad sa magkapatid nang parkour habang si Rex naman na kasama ni Macros ay nilalabanan din ang dalawang attacker sa ibaba nang gusali. Ang shooter ay sumuporta kay Rex at ang kanilang sniper ay sumusuporta kay Macross. Gumamit ng skill ang magkapatid nang sabay habang si Macross naman ay nag shield at umilag.



“aero slash”

“aero slash”

  Nasangga ni marcoss ang isang skill at ang isa ay nailagan niya at tumama sa isang gusali. Sa sobrang lakas ay halos mahati ang gusali. Napatalon sa mga kabahayan si Macros habang ang sniper ay binabaril si Len pero hinaharangan ito ni lan gamit ang shield. Mga ilang beses gumamit ng skill ang magkapatid pero nasasangga o naiilagan ito ni Macros. Ang mga bahay na tinatamaan ay gumuguho sa sobrang lakas. Napansin ng magkapatid na para bang hindi lumalaban si Macros at ilag lang ng ilag, kasabay noon ang pag dedepensahan nilang magkapatid sa sniper.

  “Boss Mac hindi na ko makapag pigil gusto ko na pumatay.”

  Sabi ni Rex sa kanyang leader habang nakikipag laban sa dalawang attacker. Nag salita naman ang kasnilang shooter ng pamanyak.

  “T*****A Rex wag mo patayin tipo ko pa naman tong mga player na to pero walang paring tatalo sa VIG4 hmmmm heheheh.”

  “Manyak ka!! talaga gusto mo ikaw nalang patayin ko.”

  Sabi ni Rex at sumagot naman kaagad ang shooter.

  “Baka kaya mo”

  “Mag si tigil kayong dalawa.”

  Nagsalita si Macross at pinaghanda ang kanyang mga kakampi. Huminto siya pero ang kanyang kalaban ay pasugod sa kanya at hahatawin na siya nang biglang gumamit ng skill si Macross para sanggain ang atake nang magkapatid.

  “Cross Splinter”

  Pa ekis na tumama ang kanyang espada sa espada ng kalaban at sa sobrang lakas ng impact ay bumugso ang hangin sa kanilang paligid. Tumalsik ang magkapatid at tumagos sa mga kabahayan. Nagulat ang mga manonood sa nangyari pati nar in sila Glenn at si Louca ay napahinto sa pagsasalita. Inihawi ni macross ang kanyang espada at ang usok ay nawala. Habang sa pwesto ni rex ay may malalakas na pagsabog sa may mga kabahayan kasabay noon ang malakas na boses ni Macross.

    “Sa lahat ng player na nanonood……….At GM…………..ako… si Macros ang magiging Game Master sa laro na to………. At sa lahat ng player na gusto pa maglaro nito sumali kayo sa [FACTION] ko. Nagsasawa ka na ba dahil hindi mo magawa lahat ng gusto mo? May sagabal ba at illegal sa batas? Dito kung ano gusto nyo gawin na bawal sa tunay na mundo ay pinapayagan ko. Kahit anong gawin nyo pumatay magnakaw nangpagmamay ari nang iba mangharass lahat nang mga illegal na gawain magagawa at mga rp point na hindi mo pa nakakamit oras na maging GM ako………….ibibigay ko ang kasiyahan na hindi mo makakamit sa tunay na mundo.”

  Habang nagsasalita si Macross ang mga mata niya ay blanko at puno nang panggaakit, at ang kanyang ngiti na may panghihikayat. Kasabay noon ang mga pagsabog na tunong at mga batong nag tatalsikan, at ang sinag ng artipisyal na araw ay tumatama sa kanyang mga kamay. Ang mga player na nanonood ay natahimik at ang iba ay napangiti na para bang sasanggayon sa mga sinabi ni Macross. Ang iba ay nalilito at naghalo ang kanilang mga emotion at pagnanasa. Habang sa conference room naman nila Glenn ay nagulat sila sa pinagsasabi ni Macross. Si Nicoh naman ay nagtaka kung ano ang faction na binabangit niya dahil wala ito sa kanyang nabasang report. Biglang may lumabas sa mga window screen na mga blankong profile ng mga player at ang nakalagay ay GM selection. Sa bawat profile may faction na nakalagay. Nag notify rin sa mga bawat player ang faction system, pero wala pang nakalagay na pwede na sumali dahil hindi pa kumpleto ang candidato sa GM. Tinignan ito ni Kim pero iba ang nakalagay sa kanya dahil isa siya sa kandidato ng sapagiging GM. Sa kabilang banda sa stage naman kung saan nandoon si Louca ay hindi na niya alam ang gagawin niya, dahil wala siyang ka alam alam sa pinagsasabi ni Macross. Nang biglang may bumato sa kanya ng magazine nang rifle at napayuko siya para maka ilag.

  “Magsalita ka naman! Ano ba ito nasa notification namin at ano ang pinagsasabi ni Macross?”

  “Ibang event ba ito o mini games sagutin mo naman kami Louca!”

  Sabi ng mga player pero nagalit si louca at tinalunan ang player na bumato sa kanya at pinag susuntok. Habang sa labanan naman ay biglang pinatamaan nang skill si Macros ng magkapatid pero inilagan lang niya ito. Mabilis na sumugod ang magkapatid para patayin si Macross. Nang makalapit na ang dalawa nginitian lang sila ni Macross at biglang silang napadapa at natumba.

    “Anong nangyari?”

  “Ang mga paa natin!”

    Sabi nang magkapatid dahil putol na ang pares ng mga paa nila dahil sa sniper at sa pwesto ni Rex. Ang shooter naman ay dahan dahang hinuhubaran ang dalawang kakampi nang magkapatid. Si Rex naman ay nagsindi nang kanyang sigarilyo habang naka kalat na ang mga braso at binti ng dalawang attacker. Kasabay pinapakinggan niya ang hiyaw nang attacker na humihingi nang tulong dahil sa pang haharass nang shooter, habang ang magkapatid naman ay naririnig ang kanilang kakampi ay pinapag [SURRENDER]. Habang si Cj naman ay hindi mapigilan magalit at para bang bubunot na nang espada. Sinaksak ni Macross si Len sa katawan at namatay habang si Lan ay unti unti na troma sa mga tingin ni Macross. Biglang nawala ang kanyang paningin dahil sinaksak siya sa mga mata at namatay. Ang dalawang attacker naman ay may lumabas na security alert sa katawan nila na nagsasabi na may lumabag na privacy ng player. Nakuryente ang shooter at natusta at nagannounce na kung sino ang nanalo at nag bilang na para sa teleport. Habang si Rex naman ay natawa sa pagkakuryente ng shooter.

  “Pag naging G.M. talaga si boss papatanggal ko yang security alert na yan.“

  Sabi ng shooter habang si Macross naman ay napahawak sa kanyang bewang. Inaasahan niya na maraming player ang nakarinig sa sinabi niya at sabay teleport nang apat.

 
cjp00 Creator