Pagkatapos ay pumunta na sila sa kanilang mga silid. Habang nag-uusap ang dalawa, may isang babae na maikli ang buhok na nagtatago sa may gilid. Tinitignan nito si Cj na papalayo. Maya-maya ay kinalabit siya ng kanyang kaklase.

  “Meyu!!!!! Ano ginagawa mo?”

  Nagulat ito at napalingon at dali daling naglakad.

  “Ahhh wala tara na.. mag-uumpisa na ang klase…..”

  ***

  Habang nagkaklase ay napaisip si Cj sa kinwento ni Glenn at napagtanto na ang bigat pala ng dinadala niyang rason para laruin ang vr wars. Nabitin siya kung sino si Teresa na sinasabi ni Glenn. Pagkatapos ay tinawag ng teacher si Cj at pinagbasa, nang biglang may malakas na kulog na sinabayan ng pagkidlat ang nadinig nang lahat at dahilan nag pagkawala saglit nang ilaw.

  “Kyahhh!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Kyahhh!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Kyahhh!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Kyahhh!!!!!!!!!!!!!!!!!”

  Sigaw ng mga babae, at nakisabay rin ang mga lokolokong kaklasi ni Cj. Pati na rin si Kenneth ay nakitili rin.

***

Sa kabilang banda naman…

  “Ha!!!!! Nahihibang na ba kayo sir? baka naman nasobrahan kayo sa mga palabas?”

Sabi ni Nicoh na gulat na gulat. Nagsalita naman si Zel.

  “Hindi mo nga alam kung paano gumagana ang I.T.S ehh?”

  “Pero paraiso at world war!!! Hibang ata kayo ehh!”

  Sabi ni Nicoh at ubos na ang kanilang mga kape. Sabay nagsalita si Zel

  “Ang isang tulad mo ay hindi talaga maniniwala. Pero pag nakita mo kung ano ang nakita ko makakasabi ka nalang na PASAISO.”

  “May punto kayo dahil isa kayo sa gumawa ng laro. Pero isa lang itong cover para sa tunay na hangarin ni David Linken????”

  “Oo dahil na rin sa R.P. system na ginawa namin ni Michael kaya ginamit niya itong cover.”

  “Ang gulo na wala na akong maintindihan.”

  Sabi ni Nicoh at kinamot na ang kanyang ulo. Humirit naman si Zel

  “Dahil sa money convertion na nangyayari ngayon sa mundo ay magagawa na niya ang technology na nasira noong nakaraan experiment. Uulitin na niya ang tinatawag kong forbidden experiment.”

  “Anong experiment yung sabihin mo na sir!!! Pero bakit gagawin nyang cover ang laro hindi nya nalang gayahin ang rp system ng laro.”

  “Classified yun hindi ko maaring sabihin kung anong experiment. Pero kaya ginawa niyang cover ang laro dahil hindi niya kayang iextract ang system o kaya i copy dahil sa card.”

  “Wait-wait-wait, teka ang gulo nyo talaga kausap. Una ginawa ang game para itago ang tunay na layunin. Tapos walang pondo ang experiment kaya ginamit niya ang rp system ng laro para makakuha ng pondo dito.”

  “Yup! Tapos ang mga malalakas na bansa at malalaking tech industry company ay inipon niya aat ginawa ang Realitec, na sa ngayon ay siya ang namamahala.”

  “Pero bakit sinabi nyo ser na baka magka world war???”

  Huminga nang malalim ang dalawa at binaba ang papel na hawak ni zel

  “Dahil sa card…..”

  “Card??”

  “Hindi lang naman G.M. privilege ang kayang magawa ng card. Kaya rin nito ma control nang full function ang rp system. Na kung saan magagawa niya ma deactivate ang sequence nang system at ilagay ito sa ginagawa niyang experiment. Dahil nilagay ni Michael ang sequence sa mga card at ang main sequence ay ang card na na kay Kim.”

  “Teka hindi ba ang rp system ay mga tungkol sa pera…..???”

  “Well yun naman ang dahilan kung bakit namin ginawa yun. Pero dahil nga sa pagiging sakim ni David sa  experiment niya, noong panahon na iyon ay gumawa kami ng paraan para pigilin ito. Naisip namin na hatiin ang mga sequence at doon namin nilagay sa rp system na kasama sa card.”

  “Hindi ba may mga card silang hawak baki----ahhhh hindi gagana ang secqunce pag isang card lang kaya ginamit nila ang G.M. faction para mapalabas ang iba pang may hawak ng card.“

  “Pero….. bakit sabi mo magkaka gyera?”

  “Well.. ang akala ng iba pang mga bansa na hindi hawak nang realitec ay tungkol lang sa pera ang rp system, at pag nahawakan nila ito ay ma cocontrol nila ang pera sa buong mundo. Kaya may mga bansa na handang makipaglaban para dito”

  Sabi ni Zel na tumayo sa kinauupuan at nagsindi ng sigarilyo.

  “Pero ano ba talaga yung experiment na iyon Sir…..”

  “Hmmm tingin mo pano nabuo ang I.T.S?”

  Naipon sa utak ang mga sinabi ni Zel at may nabuo na kunklusyon si Nicoh at nagsalita ito kasabay nang kulog at kidlat.

  “Wag nyong sabihin na bumubukas kayo nang lagusan sa ibang dimension”

  Sagot ni Nicoh sa tanong ni Zel, pagkatapos ay nagsalita si Zel tungkol sa I.T.S.

  “Dahil ang I.T.S ay isang medium para dahilhin ang katawan ng tao sa virtual space. Ang space na iyon isang dimension sa pagitan ng mundo natin at maaring sa kabilang mundo.... Ito ay nagawa dahil sa sakripisyo ng ilang mga tao at pati na rin si Michel….. Kung hindi dahil sa kanya ay siguro wala na ang Earth pati na universe at hindi na ito nag eexist.”

  Naalala ni Zel ang panahon na kung saan dahil sa aksidente ay halos mawala sa mapa ang Switzerland.  Nagsalita naman si Nicoh.

  “Noong 12 years…….”

  Natapos na ang kanilang paguusap at umalis na si Nicoh. Pero bago nito ay nagsalita si Zel

  “Wag kang magalala hindi kasalanan ng tatay mo kung bakit naging dead country ang Pilipinas…….Oras na maging G.M. kayo magagamit nyo ang rp system para mabalik ang Pilipinas sa dati.”

  Tumatak sa kanya ang mga sinabi ni Zel umabot na ang alas tress nang hapon ang kanilang paguusap, pero hindi parin tapos ang ulan. Binuksan niya ang payong at sabay na naglakad. Uwian narin ng mga oras na iyon at nagsisiligpitan na ng gamit.

***

Si Cj naman ay katatapos lang magsulat at tinawag niya si Kim. Inaya  niya na sumama dahil may pupuntahan sila ni Glenn.

  “Kim!!!! May gagagwin kaba ???”

  “Hmm wala naman….”

  “Sama ka may pupuntahan kami ni Glenn”

  “Kayo nalang…. May lilinisin pa pala ako sa bahay….”

  Sabi ni Kim na agad lumabas ng silid at sumunod na rin si Cj. Malakas parin ang ulan at walang payong na dala si Cj. Kinuha niya ang kanyang sapatos sa locker room at biglang may pumalo sa kanyang ulo ng payong.

  “Ahhh1 sakit “

  Sa kanyang paglingon ay nakita niya ang kanyang kapatid na si Joy hawak ang payong. Binigay ito sa kanya.

  “Takte naman kuya wala kang dala na payong sasabihin kita kay mama. Wala ka din siguro mabon no????”

  Reklamo ni joy sa kanyang  lutang na kuya na humirit pa.

  “Ehh kasii…”

  “Ehh anong kasi-kasi! Sabihin mo kay mama na malelate ako may pupuntahan lang kami ng ka klase ko.”

  Sabi ni Joy habang papaalis na, ng bigla syang tawagin ni Cj.

  “Joy!!!! “

“Ano namaman!”

  “Kasi………pahiram nang pera…… Bus card.”

  Sabi ni Cj, at si Joy naman nag-init ang ulo pero binigyan naman niya ito ng pera at umalis na palabas nang school. Nakita niya si Glenn na nasa bus stop at nag hihintay sa kanya. Napansin rin ni Cj na may mga ilang teacher na para bang nag papatrol sa labas ng school. Habang naglalakad sa gilid ng daan ay may humintong itim na kotse kay Cj. Binuksan ang bintana ng kotse.

  “Sir san dito yung senior highschool ???”

  Tanong ng lalaking driver. Napatingin si Cj sa likurang parte ng kotse naaninag niya ang isang babae na naka salamin. Tinanong ulit siya ng driver at sinagot na niya ito.

  “Ahh eto na po iyon. Yung gate po na iyon ang entrance.”

  Pagkatapos nito ay nagpasalamat na ang driver at sinirado ang bintana ng kotse at pinaandar na ito. Sa pagalis ay biglang nagulat ang babaeng nakasalamin at para bang namukhaan si Cj pero malayo na ito. Si Cj naman ay dali dali pumunta sa bus stop.

    “Hmmm…… guniguni ko lang siguro yun.”

  Sabi ng babae. Huminto na ang kotse sa tapat ng gate. May mga estudente na naka payong papalabas ng eskwelahan. Lumabas ang lalaki na driver at binuksan ang payong pagkatapos ay binuksan nya ang pinto ng kotse sa may likurang bahagi. Lumabas dito ang isang kaakit-akit na babae. Ang mga estudyande ay nagsitinginan na para bang may isang modelo o kaya artista ang kanilang nakita. Sakto rin na agad na nakita ng babae ang hinanap nitong tao.

  “Mey- ay hinde…….  Meyu!!!!!!!!!!!!!!!”

  Pasigaw niyang sinabi na narinig naman ng babae na nagngangalan Meyu na naglalakad papalabas ng gate.

  “Ahh!!!!!Leader!!!!????”

  Agad itong lumapit sa babae na tinawag niyang leader. Pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit habang nakatingin ang mga estudyante.

  “Ang cute cute mo pa rin kahit sa labas ng laro…. Pero Emily itawag mo sakin wag leader….wala tayo sa laro.”

  “Opo leader”

  Sabi ni Meyu, pero pinisil ni Emily ang pisngi ni Meyu. Pagkatapos ay nagsalita ang kanyang butler.

  “Maam maari na tayong umalis at………. Gumagawa kayo nang eksena.”

  Sabi niya dahil ang mga estudyante ay kumukuha na ng  mga litrato. Pagkatapos nito ay pumusok na sila sa kotse at umalis na ito.

*** Sa kabilang banda, si Kenneth na kakatapos lang sa paglilinis ay nakita ang pangyayari.

  “Wwheewh ung sikat na idol yun ahhh… oooh shit lumalakas lalo ung ulan maka uwi na nga…….. .uhummmm sino yun….”

  Habang nagsasalita ay may napansin siya na isang tao na naka raincoat na nagtatago. Nakatingin ito sa kotse na kakaalis lang. Pagkatapos nuon ay agad ding umalis ang misteryosong lalaki.

  “Totoo pala yung mga bulong bulungan…….. may taong umaaligid aligid sa school at - ayy shit makauwi bahala na mga patrol teachers”

***

Sakabilang banda ay nasa bus na sila Cj at Glenn. Tinanong ni Cj kung saan sila pupunta.

  “Ahhh kay Teresa”

  “Ahhh ehh??”

  Tinuloy ni Glenn ang kwento na naundlot kanina sa eskwelahan. Isang mabait at masipag na estudyante si Teresa pero pangalawa lang ito sa magaling dahil ang nasa una ay si Glenn. Laging nakikipag kompetensya si Teresa kay Glenn sa academics pero ni isang semester ay hindi nito ma taasan si Glenn. Naging dahilan iyon nang kanilang pagkagustuhan sa isat-isa.

  [Flash Back]

    “Tseee lagi nalang ikaw mataas sa year natin. Ano bang sikreto mo? Na ngongodigo ka ba?”

  Habang nasa silid Sabi ni Teresa na may pagkainggit sa mukha, habang si Glenn ay tinititigan lang ito. Nakaupo lang sila sa kanilang desk. Magkatapat sa isat-isa habang lumulubog ang araw. Ingay nalang ng mga taong nagprapractice sa labas nang building.

  “Hoy bakit hindi ka nag sasalita may problema ba sa mukha ko???? Hoy moshimosh”

  Sabi ni Teresa at napangiti si Glenn at nagsalita

  “Hmmmm”

  “Anong hmmm mag salita ka.“

  Sabi ni Teresa at sinasakal niya si Glenn sa kwelyo, pero natatawa lang si Glen. Bakas sa kanilang dalawa ang kasiyahan sa mukha at pagkagusto nila sa isat-isa. Sa sumunod na mga buwan ay pumunta si Teresa sa bahay ni Glenn dahil sa pinapadala na mga papel galing sa school. Sa pagtapak niya sa harapan ng bahay ay isang kaguluhan ang narinig niya. Bumungad sa kanya ang nag aaway na kapatid ni Glenn na may dalawang bag at ang tatay niya na galit na alit.

  “Wag ka nang bumalik sa pamamahay na to.”

  “Hindi na talaga! Mag babayad ka……. Kayo ni Glenn, sa ginawa nyo sa nanay ko.”

  Ito yung panahon na umabot na sa sukdulan ang pagkagalit, pagkainggit na humantong sa pagiging sindikato nito. Nakita ni Glenn si Teresa sa labas ng bahay at punintahan ito.

    “Ano….. pumunta muna tayo sa ibang lugar.”

  Sabi ni Glenn habang si Teresa ay hindi makapag salita, sumunod nalang ito. Pumunta sila sa isang parke at umupo sila sa mga upuan. Pagabi na ng mga oras na iyon at biglang nagsalita si Teresa.

  “Ahhh eto pala ung mga paperworks mo. Pag na fillup mo yan tapos napasa mo na, makakapag aral kana abroad.”

  “Ikaw rin naman Teresa ihh”

  Sabi ni Glenn na masaya. Pero si Teresa ay iba ang nakikita sa mga mukha ni Glenn. Pag-iisa at kalungkutan ang bumabalot dito. Lumapit si Teresa kay Glenn at niyakap ito. Nagulat si Glenn sa ginawa nito at biglang bumuhos ang luha niya.

  “Umiyak ka lang…….. Ubusin mo yang pagiyak mo…….. Alam kong hindi mo na kayang pigilan ang mga luha mo.”

  Sabi ni Teresa habang si Glenn ay patuloy na umiiyak. Hanggang sa lumubog na ang araw at unti-unti ng sumusinde ang mga ilaw sa mga poste ng parke. Pagkatapos nito ay ikinwento ni Glenn kay Teresa ang mga nangyari sa buhay nya. Ang sa tatay niya na strikto at sakim. Ang inggit at pag-iba ng ugali ng kuya niya, at sa nanay nito. Biglang humirit si Teresa, hinawakan niya ang kamay ni Glenn at napatingin sa langit.

  “Huwag kang mag-alala nandito lang ako, sa tabi mo lang ako kung kailangan mo ng masasandalan, andito lang ako……. Mapagbiro talaga ang tadhana gagawin niya ang lahat para umiyak ang isang tao at makaramdan ng kalungkutan… pero….. ang negative sa negative nagiging positive…..kaya ang dalawang malungkot na tao pag nagsama magkakaroon ng maligayang buhay……”

  Habang sinasabi niya ito ay dahan dahang lumiliwanag ang kalangitan dahil sa mga bituin. Si Glenn naman ay nakatingin kay Teresa na naka pusod ang buhok at naka uniform. Nagkahawak ang kanilang kamay. Tumingin rin si Teresa kay Glenn at dahan-dahang nagkalapit ang kanilang mga mukha at nagkadampi ang kanilang mga labi sa ilalim ng mga bituin Lumipas ang mga buwan. Dahil sa kanilang matataas na marka, napili silang magaral sa ibang bansa.

  Nalalapit na ang pag-alis nila, pero isang araw ay may hindi inaasaan pangyayari. Naglalakad si Teresa papauwi. Malapit na itong makarating sa bahay nila ng may isang van na huminto sa tapat niya at agad siyang hinablot. Nalaglag ang kanyang bag at naiwan ito. Gabi na ng nalaman ito ni Glenn dahil sa pagtawag ng ina ni Teresa. Agad na lumabas ng bahay si Glenn para hanapin si Teresa ng may biglang tumawag sa cellphone niya at number ni Teresa ang nakalagay.

  “Teresa!!!! Saaan ka!!!

((hello Teresa ??? ahh ))

  “Sino ka ***** ka!!!!”

  ((Kung gusto mo Makita ang minamahal mo pumunta ka dito sa ibibigay kong adresss))

  “**** oras na may ginawa kang masama sakanya mamatay ka!!!!!! “

  ((“oooohhh super hero!!! Bilisan mo lang kung ganoon”))

  Biglang nahinto ang tawag, nagmessege rin sa kanya ng address at dali dali niya itong pinuntahan.

***

[present]

  <>

  Announce ng driver ng bus na isang M.A.I.(Multi-Functional Artificial Intelligence). Hudyat ito na dumating na kami sa ospital. Bumaba na kaming dalawa ni Glenn, nagulat ako dahil ang akala ko ay sa bahay ni Teresa kami pupunta. Binuksan ulit namin ang aming payong dahil sa pag-ulan at naglakad papasok sa ospital. Dumiretso sila sa Service Desk, tinanong ni Glenn ang dalawang nurse na ang isa ay M.A.I.

  “Maam dalawang I.D. para samin”

  “Ohh sir ikaw pala room 304 tama??”

  Sabi nang nurse at nang mahigip ko nang tingin ang computer ay nakita ko ang log na puno at ang pangalan nang dumalaw ay kay Glenn napagtanto ko na maraming beses na dumadalaw si Glenn sa ospital pagkatapos ay binigay na saamin ang malaking id at sinuot na mamin kasabay nang paglakad namin papuntang elevator

 
cjp00 Creator