Lunes at madilim ang kalangitan at nagbabadyang umulan. Yan ang mga tingin ko habang nakahiga pa sa kama at nakatitig sa bintana. Nararamdaman ko pa rin ang panghihinayang at lungkot sa mga nangyari. Nang bumangon ako ay naalala ko ang sinabi ng kalaban ko na si Macbeth.
“Gm…..”
Napa bulong ako sa sarili ko at nabanggit ko ang salitang iyon. Tinignan ko ang oras at pagkatapos ay tumayo na ako at nagbihis. Bumaba ako ng hagdanan para kumain. Maagang umalis ang aking tita dahil sa kanyang pasok, pero nag iwan siya ng agahan para sa akin. Hindi ko masasabi na wala ako sa gana kumain, pero habang nakatingin ako sa pagkain ay napapaluha ako dahil sa laro na ginawa nang tatay ko. Para sa ibang tao ay walang kwenta na iniiyakan ko ang isang laro, pero para sa akin ay napaka importante nito dahil sa alaala na binigay nila papa at mama.
Habang kumakain ay naalala niya ang nakaraang naglalaro pa siya sa isang lab.
“Mika..!!!! Yung anak mo pipindutin ung accelerator”
“Oo na mahal, Nak halika dito…”
Naalala nya pa ang mga kamay ng kanyang Ama at ang Ina na nasa tabi niya at biglang naririnig niya ang balita sa telibisyon nang dahan dahan.
[News phillipines tribunal court in progressing]
[Russia new develop project]
[Wars between sea zone]
[Conversion money]
[Cyclone in pacific ocean]
[World bank loss]
[M.A.I Soldier Mass Produce]
Pagkatapos noon ay agad ko na kinaha ang aking bag at lumabas nang bahay. Pero may nakalimutan ako at bumalik. Kinuha ko sa aking drawer ang card at tinignan ko kung may nagiba at napansin ko na may mga codes at letters na nakalagay sa barcode. Naalala ko yung sinabi ni Nicoh. Nilagay ko ito sa bag at lumabas na ng bahay. Kumuha na rin ako ng payong dahil nagbabadya na ang ulan. Lumiko ako sa kanto at nagpatuloy sa paglalakad naalala ko bigla na doon kami ni Cj unang nagkita at nagkabanggaan. Simula noon nangging maiingay na lahat mas lalo na noong prinotektahan niya ako sa mga babae.
Napa higpit ang kamay niya sa payong dahilsa kaniyang naalala. Naalala niya din nung panahon na nasa clinic siya, napansin niya na iba ang ugali ni Cj sa iba niyang nakasama sa game. Dahil sa pagiging inosente, mahina sa academics at para bang walang alam sa mundong ginagalawan niya. Naka abot na siya sa kalsada at patawid na ito ng biglang pumula ang ilaw ng stop light kaya naghintay muna siya. Unti-unti na umaambon at ang mga tao sa paligid ay nag uumpisa ng magbukas ng payong, kaya nagbukas na rin si Kim. Pagkatapos niya magbukas ay tinignan niya ang oras sa kanyang cellphone ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Biglang may kumalabit sa kanya na isang estudyante at mabilis na sumilong sa kanyang payong ng hindi man lang nagpapaalam. Nagulat si Kim at nagalit pero sa kanyang paglingon nakita niya si Cj na basa.
“Sino----!! Cj!!!!”
“Pa senysa na sa pagsilong, lakas nang ulan umangang umaga.”
Sabi ni Cj habang nagpapagpag nang kanyang damit.
“Ha.. Di ka man lang nagdala nang sarili mong payong.”
Sabi ni Kim sabay ng pagpalit ng ilaw ng stoplight. Nagsilakaran na rin ang mga tao at sumabay na sila.
“Ahhh kasi… Ganito malelate na ko ehh kaya nagmadali ako at nakalimutan ko sorry….”
“Ohh sya sya ….wag kang dumikit sakin…….”
Sabi ni Kim kay Cj habang unti unting namumula ang mukha niya. Si Cj naman ay napalayo ang tingin.
“Ako na maghahawak ng payong, pagbawi para sa pagpapasilong mo sa akin hahaha.”
Dahil kaunti lang ang lamang ni Cj sa height ni Kim ay binigay niya ang payong. Sa pagbigay ay nagkadampi ang kanilang kamay. Napatras ang kanilang kamay dahil sa gulat. Pagkatapos ay hinawakan ni Cj ang kabilang dulo ng hawakan at kinuha ito. Si Kim naman ay hindi makapag salita pero biglang nagsalita si Cj
“Pasensya na…..”
“Oo na hindi nam—“
“Hindi sa pagsilong….. pa sensya na dahil natalo tayo……..sa laban..”
Sabi ni Cj. Ang tunog nang ulan lang ang kanilang naririnig sa mga oras na iyon.
“Ahh ok lang yun nasaakin pa naman ang card na binigay nang tatay ko kaya ibig sabihin candidate pa rin ako ginawa lang naman natin yun para mapaonti ang kalaban….”
Sabi ni Kim habang papalapit na sila sa gate nang eskwelahan.
“Kahit na ….. Alam kong importante sayo ang game na iyon. Nagsabi pa ako sayo na tutulungan kita pero naging pabigat lang ako.”
Pagkasabi naman ni Cj nuon ay isang mabilis na kotse ang papalapit sa kanila kaya hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Kim at tinabi, para hindi ito mabasa sa tubig na tatalsik sa kanila. Nagulat Kim sa ginawa ni Cj at bumilis ang tibok ng puso nito at namula.
“ ahhh grabe naman driver yun walang pakialam sa daan - ahhh sorry ”
Sabi ni Cj at agad niya itong binitawan habang pinapayungan parin niya si Kim.
“Ahh ok lang ikaw ba??? Basa kana ehh…”
“Hindi ahhh, Wala to ang importante ehh hindi ka nabasa.”
Wala ng maisip si Kim sa mga panahon na iyon at mukha nalang ni Cj ang kanyang nakikita. Hindi na rin niya naririnig ang tunog nang ulan, at ang pagkapula ng kanyang mukha ay sukdulan na. Napansin naman ito ni Cj at lumapit.
“Teka namumula ka may lagnat kaba??”
Tinaas ni Cj ang kanyang kamay at dadampiin nya na sana ang noon ni Kim ng biglang tinulak siya nito at napatalikod
“Ohh-ohh ohkay lang ako wala to……..”
Pagkatapos magsalita ni Kim ay biglang tumunog ang bell ng school at sakto nasa gate si Kenneth at papasok na. Nakita ito ni Cj at mabilis itong pumunta sa kaibigan at nakisilong.
“ahhhhh Keeeeennneethh!!!!!!!!! Pasilong…..”
“Nyekkkk!!!!! Teana liit-liit na nga nang payong ko makikisilong ka pa!”
Sabi ni Kenneth habang si Cj naman ay nakipag sigsikan sa payong niya at nakikipagkulitan. Habang si Kim naman ay nasa likuran nila. Papasok na sa building si Kim nang mapansin niya ang kaliwang balikat ni Cj na basa. Pagkatapos nuon ay nagsipasok na sila para sa klase syempre na late ang tatlo at pinagalitan. Habang si Kenneth at Kim ay walang pakealam, si Cj naman ay nanginginig sa takot. Pagkatapos ay nagumpisa na ang klase.
***
Sa isang magarbo at malaking mansion may isang babaeng nakaupo na nag cocomputer at nag dradrawing. Biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang isang food trolly na ang nakalagay ay isang custard cake at magarbong takure na may tsaa sa gilid. Sumunod ang isang butler at nagsalita.
“Ma’am Emily our schedule for photoshoot----“
“Pa cancel nang photoshoot”
“Ehh bakit maam around 3:00 pm yun maam”
“May pupuntahan ako “
“Kayo po masusunod”
Sabi nang butler na nagtitimpla ng tsaa, habang ang babae naman ay nag unat. Naka pajama pa ito kahit tanghaling tapat na. Hinawi niya ang kurtina at bumungad sa kanya ang malakas na ulan. Kasabay nito ay binigay nang butler ang tasa na may tsaa.
***
[BREAK TIME]
Tumunog na ang bell ng paaralan at ang ibig sabihin nito ay tapos na ang klase at break time na. Nag liligpitan na ang mga kaklase ko ng kanilang notebook at nag aayaan na kumain sa canteen. Ang iba naman ay may dalang baon. Patuloy parin ang pag ulan at masamang panahon, habang ako naman tatayo na sana nang bigla kong nakita si Cj na kausap ang kaklase naming si Kenneth sa bandang likuran ko. Hindi ko pa rin aalis sa akin isipan ang mga nangyari kanina at hindi muna ako tumayo para mauna na silang lumabas pero ang tagal nang paguusap nila.
“ehh wala ako pera ehh naiwan ko ”
“Ha!....mas matindi pa pala to sakin sa pagiging lutang”
Sabi ni Kim sa isip niya at pasimpleng lingon sa dalawa.
“Ano bayan payong wala ka, assignment wala ka Buti pinakopya kita. Tapos wala ka din pala pera! Hindi ka na nagbago hays…..”
“Ikaw nalang kumain madami naman ako kinain kaninang umaga hahaha”
“Dadagdag ko to sa utang mo na may tubo 50% wahhaha”
“talaga ba …..!!! salamat kung ganun hahahah teka bakit may tubo???!!!”
Habang nangtatalo ay napansin nila si Kim at inaya ito na pumunta sa canteen para kumain, pero agad itong tumayo sa kinauupuan at agad na umalis papalabas nang silid.
“Ayahhh kanina lang magkasilong kayo sa payong tapos ngayon hindi na kayo nagpapansinan……hirap talaga nang magkaibi-gan”
Sabi ni Kenneth habang kumikindat at sinundot sa sikmura ni Cj.
“Arhhhhh!!!!!!!!! Nakisilong lang ako ……!!!”
Pagkatapos ay lumabas na rin sila ng silid at pumunta sa canteen. Sa kabilang banda, sa room kung nasaan si Glenn ay maingay rin dahil break time. Nakapangalumbaba ito at malalim ang iniisip. Iinaalala niya ang mga sinabi ni Cj sa laban.
“Nagsikap siya!!!!!!!!!!!..................nangyari na ang nagyari………… hays…….”
Biglang bumungad ang isang cute na babae sa kanyang harapan at nagkalapit ang mga mukha nila. Mahaba ang buhok nito. Tumagal ang pagtitigan ng dalawa nang biglang napasin ni Glenn na nakatitig pala siya sa mukha ng babae. Napaatras ang dalawa pero nabuwal si Glenn at natumba sa kanyang kinauupuan.
“Wahhhh!!!!!!!.....”
“Ahh ops…”
Kumalampag siya sa sahig pati na rin ang notebook at ballpen niya na kasamang nalaglag. Nag silingunan ang lahat at nakita na nakahiga si Glenn. Tumayo agad ito at nagsalita.
“Class presi nakakagulat ka naman.”
“Ahhh wag na sabi class presi Tessie nalang hmm lutang ka masyado Naz-ehem Glenn… break time na…!!”
Hinatak ng kanilang class president na si Tessie si Glenn papalabas ng room, habang ang kanilang mga kaklase ay nagtatawanan. Habang hatak-hatak ng Class president si Glenn ay may napag disisyonan na siya sa kanyang isipan. Pero biglang pumasok sa isipan niya na wala pala si Nicoh at hindi pumasok ngayon araw .
“Hmmm asan kaya ngayon yun”
***
Biglang na bahing si Nicoh habang nag memeeting sila ni Zel sa nangyari sa game
“Sir pasensya na hindi kami nanalo….”
“[faction] Ahhh.. hmmm.. ok lang hindi naman top priority yun, ang importante ay si Kim na masigla at masaya….”
“Pero dahil dito may ibang makakakuha ng card at mas lalo tayong mahihirapan…”
“Nasa kamay pa naman ni Kim ang card na binigay nang tatay niya. Hanggat nasa kanya ito ay kandidato parin siya.”
“Tama nga kayo… pero….”
“Kung gusto mo talagang mabawi at mabuhay ang dead country na pilipinas ay gamitin mo ang inyong pagkatalo na isang leksyon para sa susunod na mangyayari.”
Napayuko nalang si Nicoh habang si Zel naman ay nagbabasa ng report na ginawa nito, habang naririnig nila ang malakas na ulan at ang amoy ng kape na bumabalot sa silid.
“hmm ang DEMIGODS at PARAGON…… may nagtutulungan hmmm”
“Yes sir pinamumunuan ng isang British-Filipino ang PARAGON na si Macbeth. Ang isa naman ay hindi ko mahanap ang profile sa upper surface, pero ayon sa intel ang leader ng demigods ay kasali sa isang crime syndicate na nag smuggle ng mga baril at advance technology. Sir baka may alam kayo sa kanila, dahil habang nag sasalita siya ay kasabay rin nagbago ang UI nang mga player at nadagdagan nang [faction] system.”
Kasabay noon ang pag inum ng kape ni Zel. at dito may sasabihin ni Zel ikagugulat ni Nicoh.
***
Sa kabilang banda ay kakatapos lang kumain nina Cj, pero nauna na si Kenneth na tumungo sa palikuran dahil magbabawas pa ito. Habang si Cj naman ay naglakad na papalabas ng ng canteen. Maingay sa may canteen sa mga oras na iyon at dumagdag pa dito ang patak ng ulan. Pero sa paglabas ni Cj ay biglang may tinapay na hinagis papunta sa kanya. Agad niya itong sinalo. Nang makita niya kung sino ang naghagis ay si Kim pala ito. Pagkatapos ay biglang itong nagsalita.
“Ayann pasasalamat ko yan sa pag harang mo sa tubig kaninang umaga.”
Pagkatapos ay agad na itong umalis at tumungo na sa silid. Hindi na nakapag salita si Cj at tinanggal nalang niya ang balot ng tinapay saka kinain.
***
Habang naglalakad si Cj papasok sa tunnel na nagdudugtong sa canteen at classroom building. Nakita niya si Glenn na nasa bintana nang tunnel at himuhigop nang inumin.
“Yo!!!! Cj……..”
“Yo…..”
Lumapit si Cj kay Glenn na ngayon ay nakasandal na sa pader at nag usap ang dalawa. Nag buntong hininga si Glenn at nagsalita ng may panghihinayang.
“Hayss……. Talo tayo”
“Oo nga kasalanan ko hindi ako magaling tulad nyo…..”
Sabi ni Cj kay Glenn. Naubos na ang tinapay na binigay ni Kim at binilot niya na ang plastic at tsaka binulsa ito kasabay nang pagsasalita nya.
“Pa sensya na talaga.”
Napatingin sa kisame si Glenn at nagsalita.
“Hindi totoo yan ang laki nga ng naambag mo sa team at sa skill ginamit mo. Teka nabalik mo na ba yung skill.”
Tanong ni Glenn kay Cj kasabay naman non ang paglakas lalo ng ulan lalo ang ulan.
“Ahhh binalik ko na pero si Mey ayaw parin tanggapin. Napilitan lang siya”
“Siguro nagustuhan ka ni Mey. Swerte mo kung ganun. Pero ang sabi nila mali ang paggamit mo ng skill na yun ahh.”
“Hindi naman siguro………ahhh ganun ba??? Gumana naman ehh finocus ko sa paghiwa nang bala.“
Sabi ni Cj habang ina-alala nila ang mga pangyayari, pagkatapos ay nagsalita si Glenn.
“Oo ang angas mo dun. Hahaha dati nung una kitang naka-kampi ehh takot na takot ka sa kalaban.”
“Ahh para kasing totoo ehh.”
Sagot ni Cj kay Glenn at nagsalita siya.
“Pero hindi ko manlang natulungan si Kim noong panahon na yun.”
“Pero natulungan mo naman ako matauhan.”
Natingin si Cj kay Glenn.
“Ahhh kasi naman magkapatid kayo pero nagaaway kayo. Sensya at sumingit ako sa problema mo.”
Nangiti si Glenn at nagpasalamat.
“Ahh salamat nga dahil ginawa mo iyon. Wala na…… Ang dahilan talaga kaya nag laro ako ng vr wars dahil hinahanap ko ang kuya. Ko kahit na hindi kami tunay na magkapatid itinuturing ko pa ring siyang kuya.”
Kiniwento niya kung bakit naglaro siya ng vr wars.
***
Nung una ay nagustuhan niya itong laro dahil pwedeng gumamit ng baril na sniper. Mas lalo pa nitong nagustuhan ang laro dahil pwedeng I coztomize ang weapon. Naglaro siya ng naglaro bilang pampalipas oras. Pagkatapos ay na gawa niyang ma costomize agn kaniyang sniper dahil sa nalikom niyang rp points. Dito rin niya nakilalala ang lalaking may brown na buhok.
“woahh ang gandang baril na yan ahh “
Sabi ng lalaking may brown na buhok habang tinitignan niya ang baril. Kumikislap pa ang kanyang mga mata habang tinititigan ito.
“Ahhh salamat paborito ko kasing baril ito.”
“Hmmmm parang may nakita na akong ganyan din ang baril……..”
“Marami talagang may gusto nang baril na to.“
Patawang sinabi ni Glenn pero ang lalaki ay napaisip ng malalim.
“Hinde top player to ehh at sya lang ang nakita ko na may ganyang disenyo ng baril”
“Ahh talaga ba ??? Gara may kagaya ako nabaril”
Sabi ni Glenn at ngumiti. Sabay nito ay nag-umpisa na itong maghinala. Sinama ng lalaking brown ang buhok si Glenn at pumunta ito sa viewing hall para manood ng laban. Saktong nakita nila ang player na sinasabi ng lalaki. Nagulat si Glenn sa nakita niya. Hindi naka costomize ang mukha nito kaya nakilala nya agad ang player. Ang player na iyon ay ang kanyang lumayas na kapatid.
***
Simula nuon ay lagi ng sinu subaybayan ni Glenn ang mga galaw ng kaniyang kapatid. Hanggang sa dumating nga ang araw ng kanilang pagkikita.
Nasa isang PvP map sila ngayon. Nasa isang maliit na villiage sila na parang sa mga cowboy era. Maliit lang ito at madaling magkakitaan. Maingat namang nagpapalipat lipat ng bahay si Glenn habang hinahanap niya ang kaniyang kapatid. Maya maya ay tumunog ang sound system ng bayan gumawa pa ito ng malakas na echo. Maya maya ay nagsalita na ang kaniyang kapatid.
“Glenn…Glenn…Glenn… Matagal ko na kayong kinalimutan pero bakit nandito ka parin. Ahh! Dahil ba to sa babae mo? Hahahaha kung alam mko lang kung gano sya ka sarap. Kung gano ka ganda sa tenga ang mga pagiyak at pagmamaka awa nya. hahaha”
Biglang nagdilim ang paningin ni Glenn kaya bigla nalang syang lumabas sa kaniyang pinagtataaguan. Bigla nalang may bumaril sa hita nya kaya natumba sya. Nakadapa sya ngayon sa mabuhangin at tuyong lupa. Nakita nyang may isang lalaki ang naglalakad papunta sa kaniya. PInag babaril nya ito ngunit nakakagamit ito ng shield. Nasa ulunan nya na ito at babarilin nya pa sana ng bayuhin sya nito ng barl sa ulo.
“Ang bilis namang lumabas ng daga. hahaha”
Sabi ng kuya ni Glenn na ngayon ay nakatapak na sa dibdin nito. sinagot naman sya agad ni Glenn.
“Hayop ka talaga pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo.”
“Ha? kulang pa yan dun sa ginawa ng ama mo…. Hindi kulang pa yan. Kahit na masunog ka pa sa impyerno kulang pa iyon para sa buhay ng nanay ko.”
“Kleeeeeeennnnnttttttttt”
Sa puntong iyon ay umapaw na ang galit ni Glenn at unti unting tinaas ang kaniyang baril. Ngunit naunahan parin sya ng kapat
“Matagal ko na kayong kinalimutan.”
Pagkasabi non ng kapatid ni glenn ay kinalabit nito ang gatilyo at natapo ang laban.
***
Nagkwento pa tungkol sa kanyang kapatid ni Glenn.
Ang tatay ni Glenn at Nanay ng kapatid niya ay nagkakilala at nagsama sa iisang bahay. Ang tatay ni Glenn ay iniwan ang kanyang asawa, at ang asawa ng nanay ng kanyang kapatid ay namatay sa pandemic. Likas na may talento si Glenn sa akademiko at athletics. Habang ang kanyang step brother ay sakitin subalit masaya ito sa bago niyang kapatid na si Glenn dahil may nakakalaro na ito. Pero strikto ang tatay ni Glenn at lagi itong pinapagalitan kapag hindi ito nagaaral sa oras. Umaabot samatinding pagpalo at sinisisi niya ito sa kapatid.
“Kapag!!!!! Si Glenn ay bumaba ang grado ang isang puntos ay makakatiKim ka sakin!!!”
Ang nanay ng kapatid ni Glenn ay may-ari ng isang malaking kompanya at siya ang namamahala dito. Pero ang tatay ni Glenn ay may ibang intension sa kanyang bagong asawa. Balak nito kunin ang kompanya. Sa panahon ring ito may aksidente rin nangyari kung saan ay nalaglag sa puno si Glenn at napilay at hindi nakapasok nang ilang buwan. Labis ang pagkagalit ng kanyang ama at binugbog ang kapatid ni Glenn, dahil dito labis ang pagsisi nang kanyang ina. Hindi naglaon pinigilan nito ang pagwawala ng kaniyang asawa na humantong sa pagkatulak niya dito. Pero nakahawak ang tatay ni Glenn ng kutsilyo at humantong sa isang saksak na tumapos sa buhay ng nanay ng kaniyang kapatid. Nakita ito ng harap-harapan ng kapatid ni Glenn.
Wala ng maisip at tuliro na ang tatay nila. Ibinigay ng tatay sa kapatid ni Glenn ang kutsilyo at dali-daling itong tumawag ng pulis. Ang bata ay hindi na makapagsalita. Dumating ang mga otoridad at sinabi na ito ay isang aksidente lamang. Ang bata ay nagsalita sa ginawa ng tatay ni Glenn, pero walang nakinig sa kanya maski isa. Tinawag pa siyang isang sinungaling ng mga nakakakilala sa kanya. Nabuo na dito ang pagkagalit niya sa ama at kay Glenn. Napunta naman sa tatay nila ang kompanya na dating sa asawa niya.
Si Glenn naman ay nakalabas na ng ospital at nakakalakad na, pero napansin nito na may namuong tension sa bahay. Lumipas ang mga taon ay naging iba na ang ugali ng kanyang kapatid. Naging basagulero ito at palaging wala sa bahay. Sa panahon rin na iyon ay nalaman niyang kasali na sa isang sindikato ang kapatid. Sa panahon rin na ito ay nakilala niya si Teresa na kaklase niya.
***
Pagkatapos nuon ay tumunog na ang bell. Hudyat na ito na magsisimula na ang klase.
“Ehh!!! Bell na !!”
“Mamaya nalang Cj, sama ka saakin may pupuntahan tayo”
“Ahh o sige wala naman akong gagawin mamaya.”