sa mga lumang bahay na ang tema ay kapanahunan ng mga espanyol. Nasa kwarto ng isang lumang mansion si Glenn at tinitignan ang lugar gamit ang kanyang scope, kasabay nuon kinokontak niya ang tatlo. Ang una nyang na Kontact ay si Kim na nagtatago rin sa isang bahay hindi kalayuan. Kasabay nuon ay na kontak siya si Nicoh at sinabihan na nakita na niya ang kalaban at sinabihan na tumungin sa isang fountain. Nakita niya ang dalawang kalaban na nakatayo at nag mamasi masid, nagulat siya dahil parang pamilyar ang dalawang attacker. Iyon ang naka bear costume at ang naka samurai na cosplay. Patuloy na inoobserbahan ni Glenn ang dalawa ng biglang may narinig silang mga putok at pag sabog sa mga kabahayan. Napansin ito ng lahat pati nang kalaban. Nang tingnan ito ni Glenn ay nakita niya si Cj na tumatakbo sa eskinita habang binabaril nang dalawang player na naka rifle.

  “Grabe habulin naman ng kalaban tong si Cj.”

 

Gumalaw na rin ang naka bear at samurai na attacker. Dal-dali silang pumunta sa lugar kung nasaan si Cj. Si Nicoh naman ay kinontak si Kim at pinag handa sabay takbo papunta sa kinaroroonan ni cj para tumulong. Si Glenn naman ay ikinasa na ang kanyang baril habang naka tutok sa mga kalaban. Sa kabilang banda nag tsa-tsaa ang team nang VIG4 dahil nanalo na sila sa kanilang bracket. Pinapanood nalang nila ang laban nang iba pang bracket. Habang nanunuod ay napansin ni Mey ang laban sa bracket D na napansin ito ni Escarlet.

  “Ehemm…. Mukhang matatalo ang team ni rouge ahhh.”

  Narinig ito ni Mey at para bang nalungkot, pero para bang pinag dadasal niya itong manalo. Biglang na curious si Ivy at Hicami nang Makita ang mukha ni Mey kaya napaisip and dalawa.

  “Hmmmmm….”

“Hmmmmm….”

  Tinanong ni Hicami kung sinong player ang tinitignan ni Mey na sinundan naman ng komento ni Ivy sa nangyayaring habulan ng isang attacker at dalawang rifle player.

  “Ehh yari yung attacker na yan palagi nalang namamatay yan... ahh... mahina siguro.”

  Biglang nagsalita si Mey at pinagtanggol si Cj habang nanonood.

  “Hindi totoo ya- ehh... ano... kita mo inaabangan rin ng kakampi nya yung kalaban at malakas ang kakampi nya kaya mananalo sila dyan.”

  Mabilis na humanap ng palusot si Mey, pero ang tatlo ay hindi naniniwala sa sinabi nito. Humihigop sila ng tsaa habang nakatingin kay Mey na naka tutok parin sa screen. Lalo lang na curious ang tatlo. Nagbulungan sila na para bang mas masigla na si Mey kumpara sa mga nakaraan araw. Tinignan nila ang player sa screen na tumatakbo. Tinanong ni Escarlet kung ano ang pangalan nang player tumatakbo.

  “Ano pangalan nang tumatakbo na player.”

  “Pj name nya.”

  Sagot ni Mey sa kaniyang leader. Agad namang natingin ang tatlo sa window screen at nakita nila na hindi tugma ang pangalan na sinabi ni Mey.

  “Ehhhh.. sure kaba dyan.”

  “Oo sure ako.”

Natahimik ang tatlo dahil alam nila na mahina sa dalawang letra si Mey. Napaisip si Escarlet dahil himala na sumali sa team si Kim. Naalala niya ang nakaraan na inimbitahan niya niya si Kim na sumali sa kanilang team pero tumanggi ito,  sabay inom ulit nang tsaa. Nagsalita naman si Ivy para kay Mey.

  “Kahit anong mangyari mahal ka namen…..”

  Tumatakbo parin si Cj at pilit na umiilag sa mga bala nang dalawang shooter. Malapit na siyang makarating sa fountain ng paglabas niya sa kanto ay bumungad sa mukha niya ang isang espada na itsurang candy cane sa kaliwa at katana sa kanan na papunta sa kanyang leeg. Mabilis siyang napatihaya at sa kanyang tingin ay slowmo na dumadaan ang dalawang sandata sa kanyang pagmumukha sa bilis ng pagtakbo nya ay dumausdos siya sa kalsada at dumeretso sa fountain.

  “Kuya ang player na yan…”

  “Oo at hindi ko inaasahan na makikita ko sya ulit.”

  Dumating na rin ang dalawang shooter sa lugar ng magkapatid, kasabay nuon ay ang pag ahon ni Cj sa fountain kasabay ng pagahon nya ay pag laglag ng mga barya na galing sa fountain.

  “puahhhh haah haah ha kayo nanaman kamuntikan na ako doon ahh kainis lagi nalang ako tumatakbo!”

  Matapos magsalita si Cj ay binaril siya agad nang dalawang shooter kaya nabalot ng usok sa may fountain Nang mawala ang usok ay may shield na lumabas at si Cj naman ay nakahawak sa kaniyang ulo. Nakita naman ito ni Nicoh kaya sumigaw ito habang nasa bubungan nang isang bahay.

  “Cj lumaban ka alam kung kaya mo yan”

  Parang echo na pumasok sa tenga ni Cj  ang boses ni Nicoh kaya lumakas ang kanyang loob at nauto nanaman siya ni Nicoh. Mabagal niyang hinugot ang kanyang sandata, kasabay naman nito ay mabilis na sumgod ang magkapatid para sa pagatake. Si Nicoh naman ay binaril ang mga kalaban para mabaling ang kanilang atensyon at siya ang hinabol. Sa kabilasng banda naman ay sabay na na-activate ang skill ng magkapatid at si Cj naman ay dahan dahang uupo at bubuwelo pataas at sa pagtalon nito ay ang pag ilag niya sa skill ng magkapatid. Tumama ang skill sa fountain at nahati ng pa ekis, kasabay nito ang malakas na hangin dahil sa lakas ng impact ng skill. Sa pagbaba naman ni Cj ay muntik pa itong matumba dahil sa taas ng tinalon nito. Kasabay ng tunong ng mga barya ay ang mabilis na pag sugod nang naka bear costume kay Cj at nagsanggaan sila ng espada pero hindi parin mapigilan ng husto ni Cj ang atake. Dahil sa lakas ng impact na nadadama niya ay para bang lumalaban talaga siya sa isang Oso. Kasabay naman nuon ay ang pasimpleng tusok ng samurai sa tagiliran ni Cj. Nabutas ito kaya napataras si Cj hanang nakahawak sa tagiliran.

  “Hindi ko nakita yun grabe.”

  “Hindi mo kami kaya himala nga’t nakakatagal ka pa sa pinag gagawa mo.”

  Pangungutya ng samurai kay Cj matapos nun ay sumugod na ulit ang dalawa kay Cj habang si Cj ay puro ilag at sangga ang ginagawa at hindi manlang makabawi dahil nag papalit palit ang magkapatid nang pwesto. Hanggang sa ma corner na si Cj sa isang haligi nang bahay ng magkapatid.

  “Che…..Nakita ko ang mga laban nyo at isa ka lang pabuhat sa team nyo…… Wala kang kwentang player takbo ka lang nang takbo porket kasama nyo si rouge akala nyo kaya nyo nang manalo.”

  Nagsalita ang naka samurai na para bang naiingit kay Cj, kasabay naman nuon ay ang pag ilaw ng kanilang sandata hudyat ito ng pag activate nila ng skill na slash. Mabilis na sumugod ang dalawa ng biglang umilaw rin ang sandata ni Cj at gumamit rin nang skill.

  “SLASH”

“SLASH”

“SLIT…….SWORD…..”



Ang akala ng magkapatid na sasanggain ni Cj ang atake nila pero sumugod ito at sa samurai lang niya tinutok ang kaniyang skill at sabay activate ng shield si Cj sa kaliwa. Malakas na pagsabog ang nangyari dahil sa pagtama ng mga skill at nasira ang haligi ng bahay sa likoran ni Cj. Mabilis ang mga pangyayari at ang mga manonood ay nagulat pati na rin ang leader nang VIG4 na si Escarlet dahil sa ginamit na skill ni Cj na slit sword.

  “Teka pano nakagamit nang slit sword ang attacker nayan??.....hindi kaya……..”

  Sabay tingin kay Mey habang si Mey naman ay nakangiti pati narin ang Paragon ay nagulat sa kanilang nakita. Ang mga player na inentertain ni louca.

  “Pano nagkaroon nang slit sword skill ang player na yun? Si Mey lang ang nag iisang player na meron nun ahh… maliban nalang kung……”

  Sabi ni Macbeth habang pinapanood ang laban. Sa kabilang banda si Kim ay hindi makapunta dahil malalakas din ang dalawang shooter. Habang si Nicoh naman na kaninang kasama ni Kim ay nagtatago dahil putol ang kaniyang braso. Hindi kinaya ng kanyang shield ang dalawang skill ng rifle ng sabay. Habang si Glenn naman ay humahanap nang pwesto dahil hindi nito maasinta ang magkapatid dahil sa mga nakaharang na bahay ng biglang may narinig silang malakas na pagsabog na ikinagulat ng tatlo.

  “Yari si Cj!!!…..”

Kinokontact ni Nicoh si Cj pero hindi ito sinasagot. Si Kim naman ay nag seryoso na sa dalawang shooter. Gumamit ng skill ang dalawang shooter at pinatamaan si Kim pero hindi gumamit si Kim ng shield,  sa halip ay pinaikot niya ang kaniyang scythe ng sobrang bilis para maging pananggalang sa mga bala na tumatama sa kanya. Nagulat ang dalawang kalaban sa ginawa ni Kim.  Nag skill rin si Nicoh para bumawi sa kalaban pero gumamit ng shield ang mga kalaban at mabilis na umiilag. Nang nalingat ang mga kalaban at hindi na bumabaril ay mabilis na sumugod si Kim. Tumatalon sya sa kabahayan para makalapit sa dalawang shooter. Napaatras ang dalawang shooter pero ang isa ay naabutan ni Kim at ginamitan nya ito ng skill na hindi pa nakikita ng lahat ng player sa game.

  “unsheathe plus reaper x2”

  Lumiwanag ang talim ng scythe ni Kim at pinaikot niya ito at hiniwa sa gitna ang kalaban. Nagulat ang kasamahan niyang shooter at agad na binaril si Kim pero pinaikot lang ulit ni Kim ang kanyang sandata, pagkatapos ay agad syang sumugod at sabay talon nang mataas sa kalaban. Ginamit niya ang kaniyang natirang reaper skill. Unang tumama sa balikat ng player pababa ang scythe at nahati ulit ito sa dalawa nagimbal ang mga manonood at si Nicoh sa kanyang nakita. Ang GM naman na nanonood sa special room ay napangiti sa kaniyang nakita. Hindi na nag patumpiktumpik pa si Kim at Nicoh at dali daling pumunta sa kinaroroonan ni Cj. Nang nakahanap nang pwesto si Glenn ay agad niyang tinignan sa scope ang nagyayari at nagulat siya sa kanyang nakita. Wala ng ulo ang isang player at ang isa naman ay naka higa at pilit na bumabangon, at kapansin pansin ding putol ang kaliwang braso nitong may hawak hawak pang sandata. Ang player na iyon ay si Cj habang ang samurai ay ang player na naputol ang ulo, habang ang naka bear costume naman ay nasa haligi ng bahay naka buwal at nadaganan ng mga tipak nang bato.

  “Aghhh ang gara talaga sa pakiramdam pag napuputulan ng ….. ng braso . At ang kaliwa ko pa malas naman kaliwete ako ehhh…..”

  Makapal parin ang usok sa paligid ng nasirang bahay at ang naka bear costume ay pilit na inaalis ang naka patong na mga tipak na bato sa kanya. Dahan dahan itong lumapit kay Cj at tunutok ang candy cane na espada sa leeg ni Cj at nag salita.

  “Hindi ko talaga inaasahan iyon…….. Ako na ang hihingi nang paumanhin sa mga sinabi nang kuya ko magaling ka dahil nagawa mo pang gawin iyon sa gitna nang laban pero dito na nag tatapos ang laban at puputulan din kita nang ulo ………”

  Unti unti ng nawawala ang usok at naka tutok parin sa leeg ni Cj ang sandata ng attacker. Inactivate na niya ang kanyang skill at walang imik si Cj sa mga oras na iyon. Nang bumwelo na ang naka bear costume ay biglang nawala ang kanang paningin niya. Umikot ang kanyang paningin at ang katawan niya ay nahati sa dalawa. Resulta ng pag asinta ni Glenn sa ulo at sa pag hiwa ni Kim sa katawan ng naka bear costume. Nalaglag ang kalahati ng katawan nito sa lapag at ang kanyang kaliwang paningin ay unti unti na rin naglalaho kasabay nang usok sa paligid.

  GAME OVER

Winner Team Revenge

Teleport in 1 min

 
cjp00 Creator