Prologue
Hai naku, paulit-ulit nalang ang nangyayare sa buhay ko.
Dalawangtaon na akong ganito.
Trabaho, Bahay, trabaho, bahay.
Ano kayang pwede kong gawin upang magkaroon naman excitement ang buhay ko?
CHAPTER 1; Who you?
Isang normal na umaga nanaman ang dumating sa araw ng Lunes ni Erick.
Mula sa kanyang paggising ay naghilamus agad siya habanng kanyang niluluto ang bigas. Mga dalawang gatang din ang kanyang niluto upang sa mamayang hapon pag-uwi niya ay kakainin na lamang niyang ito at ulam na lamang ang kanyangn bibilhin.
Tumingin saglit si Erick sa salamin habang hawak niya ang kanyang sipilyo na hanggang sa ngayon ay nakasuksuk pa sa kanynag bibig.
"Mahaba na pala ang buhok ko." kanyang sibi sa kanyang sarile habang hawak niya ang laylayan ng kanyang buhok.
Napangiti siya dahil alam niyang may pupuntahan nanaman siya pagkatapus ng kanyang trabaho.
Siya ay magpapagupit. Halos buwanan niya iong ginagawa.
Napayuko si Erick habang ito ay kumakain ng almusal.
"Buwanan akong nagpapagupit. Parang paulit-ulit paren un." sabi muli niya sa kanyang sarile.
Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya gaya ng kanyang paulit-ulit na ginagawa sa araw-araw.
Pagkatapos niyang maligo ay makapagbibihis na siya. Iba -iba ang kanyang suot kad araw. Doon lamang siya nakakakitaan ang ngiti dahil sa kanyng suot na hindi magkakapareho sa iba-ibang araw at okasyon.
Subalit muli siyang napayuko.
"Hehe, Kaa linggo ko naman ito isinusuot parang paulit-ulit rin lang ang nangyayari." kanyang mulign sabi sa kanyang sarile habang kakaiba ang kanyang ngiti. Isang ngiting parang inaasar niya ang kanyang sarile.
Sa kanyanng pagpunta sa kanyang trabaho, alas otso y'medya na ng umaga, medyo may kalapitan din ang kanyang pinagtatrabahuhan sa kanyang tinitirhang bahay.
Napalingon siya sa isang munting parke na malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Nakita niya ang maraming tao subalit ang pumukaw ng kanyang paninin ay isang Naka uniform na babaeng estudyante na nakaupo ng mag-isa na nakatingin sa ilog na malapit din sa parkeng iyon.
"Hindi ba't Lunes ngayon at sa mga oras na ito ay may klase na ang mga estudyante." sinabi ni Erick sa kanyang sarile.
Nagulat na lamang si Erick nang biglang tumayo ang Babaeng Studyante at tumambling. Sa pagtambling nito ay hindi nabalanse ang pagbagsak nito sa lupa. Subalit bigla itong tumayo at pinagtawanan siya ng mga taong nakakita sa kanya.
Gusto sana niyang lapitan ang Estudyanteng babae. Dahil halatang parang mapapahiya ang Babae habang nagkamali ito sa kanyang pagbagsak.
Subalit nagulat muli si Erick ahil biglang tumawa din ang babae at para bang sinasadya niyang matumba sa pagkaka tambling niya.
Napakamot nalang ng ulo si Erick a umalis na lamang siya sa kanyang kinatatayuan.
"Hindi ko alam pero parang tuwang tuwa pa siyang pinagtatawanan siya ng mga taong nakakita sa kanyang pagbagsak." muling sabi ni Erick sa kanyang sarile.
Tumigil sa pagkakatawa ang Batang babaeng Estudyante at nanatiling nakangiti nalamang ito habang napansin niya si Erick na naglalakad papalayo.
"Nagkitang Muli tayo." sabi ng batang babae ng pabulong habang naka totok ang kanyang kamay sa papalayong si Erick.
Pagdaing na pagdating ni Erick sa kanyang trabaho ay tumambad aagd ang napakaramign paper works na kelangan niyang dapat tapusin.
"Dalawang taon nakong Incoder sa Companyang ito." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"Subalit hindi ako kontento sa mga nangyayare, naging permanente na nga ako sa trabaho ko. Hindi paren ako satisfied." ang muli niyang dugtong sa kanyang sarile.
"Good morning Mr. Rion, Erick." bati ng isang Mmatangkad na lalaki.
Napalingon si Erick mula sa pagkakatitig niya sa monitor ng kanyang computer. At nakita niya ang kanyang manager na lalaki na nakangiti.
"Good morning po Sir." sabi ni Erick sa kanyang manager.
Lumapit ang kanyang manager sakanya at tinapik ang balikat ni Erick.
"Napakaganda ng mga performance mo sa trabaho mo Erick. Pagbutihin mo pa lalo dahil sigurado akong tataas ang rangko mo sa companyang ito." sabi ng kanyang manager habang nakatitig ito kay Erick na mukhang napaka plane lamang ang kanyang reaksyon.
"salamat po,pagbubutihin ko pong lalo." halatang peke ang ngiti ni Erick sa balitang kanyang natanggap.
Muling itinuloy ni Erick ang kanyang ginagawang trabaho na parang normal lang at walang nangyare. Ni parang walang magandang balita ang dumating sakanya.
Ang mga coworkers ni Erick ay hindi masyadong Close sa kanya dahil sa kanyang ugaling nakatotok lagi sa trabaho.
"Oi Erick." tawag ng kanyanng katrabaho sakanya.
Napatigil si Erick sa kanyang ginagawa, at napatingin sa katabi niya.
"Ano yon? pakibilisan mo lang para matapos ko tong ginagawa ko ng mabilis." sabi ni Erick habang napakaseryosong nakatitig si Erick sa kanyangn katabi.
"ahh ehehe sige sige." sagot ng kanyang katrabaho.
"Mamayang uwian isilibrate natin ang magandang balita ni Manager sayo." sabi ng kanyang katrabaho.
Bumalik mulil ang paningin ni Erick sa Monitor ng kanyang computer at itinuloy ang kanyang ginagawa.
"Kayo nalang. At saka hindi pa naman sigurado ang balitang iyon diba." sagot ni Erick sa alok ng kanyang katrabaho habang pauloy siya sa pagpindot ng keyboard ng kanyang computer.
"Ikaw bahala." sabi ng kanyang katrabaho kay Erick habang nakasimangot ito.
Nagsilingonan ang mga katrabaho ni Erick sa katrabaong nag alok. at nagsingitian nalamang sila.
Kilala si Erick bilang isang seryoso at nakafocus na nagtatrabaho. Kahit sa pagkatapos ng trabaho ay didiritsu na lamang ito sa kanyang tinitirhan at wala ng ibang pinupuntahan.
Kinahapunan, oras ng uwian.
"Hapon nanaman. Uuwi nanaman ako at manonood ngn kung ano-ano." sabi ni Erick sa kanyang sarile habang pinapatay ang kanyang computer.
"Ai oo nga pala magpapagupit pala ako ngayon."patuloy pa niya.
Bigla siyang tumayo at pumikit.
Gawain ni Erick ito kapag uwian na. Hindi napuputol ang gawain niyang ito. Mga ilang minuto lang naman ang kanyang pagpikit. Hindi na lamang ito pinapansin ng kanyang mga katrabaho.
Pagmulat niya ay wala na ang kanyang mga katrabaho.
Normal lang sakanya ang mga ganitong bagay. Dalawang taon dinlang naman niya iton ginagawa.
Nagpunta agad siya sa isang malapit na barber shop sa kanilang pinagtatrabahoan.
"Naku kung kelan kailangan kong magpagupit." sabi niya sa kanyang sarile habang nakatingin sa saradong barber shop at walang mga tao sa loob.
Walang nagawa si Erick kundi Maglakad lakad na lamang pabalik sa kanyang tinitirhan.
Natapat siya sa munting parke na malapit sa kanyang tinitirhan. At nakita niya ang Babaeng Estudyante na nakita rin niya sa mismong lugar na iyon kaninang umaga.
Nagulat siya sa kanyang nakita dahil ngayon ay may hawak ang estudyanteng ito ng isang Gunting at suklay at ginugupitan ang isang matandang babae. Sa kanilang kinatatayuan ay mga diyaryong nakalatag upang ang mga buhok na nalalaglag ay hindi makadumi sa parkeng iyon.
Umopong saglit si Erick sa tabi ng puno at pinagmamasdan ang ginagawa ng Estudyante.
Lumingonlingon saglit si Erick sa paligid ng Estudyante at nakita niya angn isang baunan na wala ng laman at isang malaking bag na para bang maraming laman.
"Hindi ba talaga pumasok ang batang ito sa School?" tanong ni Erick sa kanyang sarile habang nakaitig sa esrtudyante.
Hindi napansin ni Erick na dahan-dahan na pala siyang nakakatulog. Naisandal nalamang niya ang kanyang likuran sa puno.
"Ah saglit-saglit saan ka pupunta." sabi ni Erick habang siya ay tulog.
"Hindi naman ako aalis." sagot naman ng isang misteryosong boses.
Napadilt na lamang bigla ang naidlip na si Erick. At nagulat sa kanyanng nakita.
Ang Batang estudyante ngayon ay malapit ang mukha niya sa mukha nito na para bang hinihintay siyang gumising.
"Ahh ano-anong ginagawa mo?" tanong ni Erick sa estudyante habang gulat na gulat na inilayo ang mukha niya sa pagkakalapit sa mukha ng batang Estudyante.
"Napansin ko kasing natutulog ka at napansin ko ding marami kang dala." ang sagot ng Estudyante.
"T-tika, anong napakababaw namang dahilan yun." sabi ni Erick sa Estudyante.
"Ah ehehe. Kapag marami kang dala at nakatulog ka, siguradong may kukuha sa iyong mga gamit. Kaya nandito ako at binabantayan ang iyong gamit." patuloy na dahilan ng Estudyante.
"Napakagandang dahilan. Pero papano ko malalaman na baka isa ka rin sa mga may balak na kunin anng mga gamit ko." sabi ni Erick habang masama ang tingin nito sa Estudyante.
Lumapit na muli ang batang Etudyante sa muka ni Erick at itinuro ang nuo nito.
"sa tingin mo tong mukhang to mukhang magnanakaw?" sabi ng estudyante.
Lumayo at umopong muli ang Estudyante.
"Pero balak ko ding gawin yun." ang sabi ng estudyante sabay tawa at hawak ng kanyang batok.
Tumingin ng malalim si Erick sa Batang Estudyante na para bang nagtataka.
"Bakit ba parating nakatawa ang batang ito. kahit sa mga sitwasyong ganito." pagtataka ni Erick habang nakatingin sa Batang Estudyante.
Napatigil sa pagtawa ang Estudyante at napatingin ito kay Erick bigla.
"Kuya napansin ko mahaba na ang buhok mo. Hindi bagay sa suot mo ang buhok mo. Gusto mo Guitan kita?" alok ng Estudyante habang hawak niya ang kanyang gunting habang nakangiti.
"Ah- Ahm.." ANg sabi ni Erick.
Walang sandalil ay hinawakan ng Estudyante ang kamay ni Erick at inakay patungo sa upoan na dating kinauupuan ng ginugupitan ng Estudyante kanina.
"Alam ko namang papayag ka eh. kita ko naman sa pag Ah-Ahm mo. Ehehe." sabi ng Estudyante habang sinusuotan niya si Erick ng isang Malaking tela upang hindi madumihan ang dammit nito.
HIndi na muling nagsalita pa si Erick. Siguro dahil gusto naman niyang talaga ang pagpapagupit,
Habang ginugupitan ng Estudyante si Erick ay napakaraming ng kinuwento ang Estdyanteng ito. Walang tigil sa kasasalita ang estudyante na para talagang hindi na mauubusan ng kuwento.
Natapus din ang paggugupit ng Estudyante kay Erick. Natapus na ding linisin ng Estudyante ang paligid ng kanyang pinaggupitan at inabot ng estudyante ang salamin kay Erick.
Napangiti si Erick sa kanyang nakita, Halatang nagustohan niya ang gupit sa kanya ng Babaeng Estudyante.
"Maganda ba kuya?. Alam kong magada yan kasi ao ang naggupit eh. Ahahaha" ang sabi ng Estudyante kay Erick.
"Magkano?" tanong ni Erick sa Estudyante.
"Libre lang kuya. sasabihin ko sayo ang totoo kuya. kanina nagkamali ako ng gupit. Buti naayos ko Kundi kakalbuhin na kita. Ahahaha." ang sabi ng Estudyante.
Napalingon nalang bigla si Erick sa Estudyante na akmang dadamain ito. Subalit napangiti na lamang si Erick.
"Taara Libre kita kain tayo sa turo-turo." alok ni Erick sa Estudyante.
"Pero bago man mangyare yon. Ano ang pangalan mo?" tanong ni Erick sa Estudyante.
"Kuya, Hidni ka Gentleman ano. ahaha, Dapat ikaw muna ang magpakilala." sabi nito kay Erick.
"Ai, oo nga pala. Sige ako si Erick. Tawagin mo ako kahit anong usto mo pero ang pangalan ko ay Erick." sabi ni Erick Habang nakangiti ito.
"Ehehe, sige sige, tatawagin kitang Kuya Erick." sabi ng estudyante.
"Ako si Ariane." saot ni Ariane kay Erick habang nakangiti at tuwang-tuwa.
Dinala ni Erick ang Mabigat na Bag ni Ariane at pumunta sila sa isang malapit na turo-turo upang makakain.
Hindi napansin ni Erick na biglang nabago ang takbo ng kanyang araw araw simula ngayong Lunes.