Umaga iminulat ni Erick ang kanyang mga mata, nakita niya ang paligid na kulay puti ito.

"Ah nasa ospital paren ako." sabi ni Erick sa kanyang sarile.

"OK naman na ako ah, Siguro mamay puwee na akong umuwi."  dagdag pa niya.

Sa kanyang pagbangon ay may nakita siyang isang sulat.

"Tol, pasensya kana at medjo nakalat ko ang bahay mo. Kais hinanap ko pa ang dmait na maisusuut mo kung sakaling balak mo ng umuwi. Grabe ka ganon ka pala trangkasuhin. MALALA ka tol. Lahat nalang pinag-alala mo. Mas nag-alala si Airene sayo. Nga pala tol mas nagulat ako nang nang sa malayo ay nakita ko si Airene na kausap ang kamukha niya siguro siya nga yun si Ariane. Hindi rin maipinta ang muha ni Ariane kagaya ng Airene pero hidni nila ako nakita kasi nasa malayo ako. Tol tinawagan ko narin ang mama mo sa pamamagitan ng cellphone mo. Nag-alala din sila. Sana kumain kang mabuti kahapon. Sabi ng Doktor, Nanghina ka dahil sa Hindi ka nakakain kasabay ng pagkakaroon mo ng trangkaso. Tol nga pala hinanap ko din wallet mo sa bahay mo. Nailagay ko na sa Jacket mo ang wallet mo. Wag kang mag-alala wala akong kinuha jan. Kapag nabasa mo ang sulat na ito marahil nasa trabaho na ako. SIge tol hanggang dito nalang." ang sabi sa sulat. "Hai naku, kailangan ko sigurong magpasalat sa taong yon."  sabi ulit ni Erick sa kanyang sarile habang nagbibihis na siya.

Sa kanyang pagbibihis ay naalala niya ang mga nangyari kahapon nangn siya ay nagising na mismo sa ospital.

Kahapon:

"Kain kang mabuti kuya, nagdala ako ng makakain mo sabi kasi ng doktor kelangn mo daw kumain kasi hindi ka nakakain ng isang araw kasabay ng pagkakasakit mo." sabi Ariane kay Erick. "Salamat." ang sagot naman ni Erick.

Tumonog ang Cellphone ni Ariane.

"saglit lang kuya may tumatawag lalabas muna ako."  sabi ni Ariane, Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi na muling nagbalik si Ariane.

Lumipas na ang isang oras ay wala parin ito.

"Hmm siguro ay may pinuntahan ng mahalaga ang Araine na iyon."  sabi ni Erick sa kanyang sarile.

Nang biglang may kumatok sa pintuan.

"K-Kuya."  sabi ng kumatok.

Pamilyar kay Erick  boses na iyon.

"TUloy ka Airene."  sabi ni Erick.

Pumasok nga si aireen na labis ang pag-aalala ang makikita sa mukha nito.

"Ku-kuya kumusta kana?"  tanong ni Airene habang umupo na ito sa tabi ni Erick.

"Ayos lang ako, Siguro mamaya o Bukas ay puwede n akong umuwi."  sabi ni Erick kay Airene. "Talaga kuya? Mabuti yan. Grabi ka kuya pinag-alala mo kami ng todo." ang sabi ni Airene kay Erick habang nakangiti na nga ito.

"Lalo na si Ariane kuya." Pagdating-na pagdating namin dito sa ospital sinalubong agad ako ng lummuluhang si Ariane." dagdag pa ni Airene.

"Ano ba kayo simpleng trangkaso lang yon." sabi ni Erick habang nakapatong ang kamaynito sa ulo ni Airene.

"Nga pala asan na si Ariane?"  tanong ni Erick.

YUmoko si Airene.

"Pumasok na siya sa School."  sagot ni Airene sa tanong ni Erick.

"Ah ganon ba?" ang sabi ni Erick.

"Pero bakit ni hindi man lang siya nagpaalam. Ni Hindi man lang siya nagtext na papasok na siya." ang sinabi ni Erick sa kanyang sarile habang inilingon niya ang kanyang mukha sa bintana.

Patuloy na nakipag kuwentuhan si Airene kay Erick ng mga kung ano-anong bagay.

Ganon din si Erick nagkuwento din ng kung ano-anong bagay.

Sumapit na ang gabi at nasa ospital pa rin si Erick.

Tumayo siya at dumungaw sa bintana.

"Hmm Mula dio kitang-kita ko ang maraming bituin sa langit."  sabi ni Erick.

Bahagya niyang iniba ang totok ng kanyang paningin sa ibang mga Bituin,

"Huh? Kung ganon ang bintana ng kuwarto ko dito sa ospital ay nakaharap sa SIlangan." kanyang sinabi ng Makita niya ang tatlong Bituin na magkakapareho ang size at Bumubuo ng iisang Unat na linya o ang Orions Belt.

Tinignan niyang muli ang kanyang cellphone na parang may gusto siyang tawagan subalit muli niya itong ibinalik sa mesang pinagpatungan nito.

Sa Kasalukuyan:

Naiayos na niya ang gamit niya at handa na siyang umuwi. Inalalayan sioya ng isang lalaking nursse upang magpunta sa counter ng Ospital.

At nang nakapagbayad na siya ay agad din siyang umalis sa ospital.

Nang papalayo na siya sa ospital ay inilingon niya ang kanyang ulo sa Pinanggalingang ospital.

"Lahat ng Bintana ng Ospital na ito ay nakaharap sa Silangan. OO nga dahil hindi lahat ng may sakit ay kailangang makita ang l.iwanag na galing sa labas." sa pagkasabing iyon ni Erick sa kanyang sarile ay may biglang sumagi sa kanyang isipan.

Bumalik siya sa Ospiktal at nagpunta sa Information Desk ng Ospital.

Pagkatapos ng kanyang pagtatanong sa Information Desk ay nagpunta siya sa isang kuwarto. "Bakit kailangan mo pang itago?" sinabi ni Erick sa kanyang sarile.

"Ang nakikita mong Bituin na nasa silangan ay ang mga nakikita mong mg bituin habang ikaw ay nandito. Pero sana hindi ikaw ang nakahiga sa higaan ng kuwartong ito." sabi ni Erick sa kanyang sarile habang handa na niyang katukin ay pintuan ng isang kuwarto sa ospitkal kung saan siya nanggaling.

At nang kinatok na niya ang pintuan...

"Saglit lang po, Aayusin ko pa po ang buhok ko. Ay oo nga pala buhok ko lang pala ang aayusin ko ehehe, Puwede na pala kayong pumasok." sabi ng isang pamilyar na boses na nanggagaling sa luob ng kuwarto.

Dahan-dahang binuksan ang pintuan.

At nakita niya ang isang babang nakatalikod at inaayos niya ang buhok nito.

Iginala ni Erick ang kanyang paningin kahit na indi pa siya tuloyang nakapasok.

Nakita nya ang isang uniform. Sa tabi nito ay isang maliit na mesa sa ibabaw ng mesa ay ang isang cellphone, isang ballpen at mga papel na may nakasulat ng mga nota ng musika.

TUluyan nanng nakapasok si Erick sa kuwartong iyon at isinara na niya ang Pintuan. SUbalit hindi pa siya umopo, bagkos ay pinagmamasdan niya ang babaeng nagaayos ng sarile nitong buhok.

"Pasensya na po kayo at medjo matagal akong mag-ayos ng buhok pero ayus na ehehe."  sabi ng babae.

Biglang tumalikod ang babae.

Kitang-kita ang pagka gulat ng babae sa nakita niyang si Erick na seryosong nakatitig sakanya. "Ikaw nga Ariane."  nasabi lamang ni Erick.

"Kuya?"  sabi din ni Ariane na gulat na gulat.
White Ink Creator