CHAPTER 3: Painted
Maagang nagising si Erick, Pagkabangon din niya ay inayos niya ang kanyang pinaghigaan.
Bago pa sioya maligo ay nagsaing na siya, ini ereserve narin niya ang para sa kanyang hapunan.
Nang makapag bihis na siya, napansin niya ang isang maliit na radio na nakatago sa loob nang kanyang cabenet.
"Meron pala akong ganito bait hindi ko gamitin?" kanyang nasabi sa kanyang sarile habang kinukuha ang kanyang maliit na radio.
Nang i on niya ang kanyang radio at naghanap ng magdang istasion nito at nakahanap ng magandang togtog, naalala niya ang nangyari kahapon.
Nilapitan agad ni Ariane si Erick na papalapit din sakanya at halatang medjo sumimangot ito pagkatapos ng matamis niyang ngiti.
"Kuya bakit ka nalate?" sabi ni Ariane kay Erick habang tinitignan ng masakit si Erick.
"ah, ehehe napasarap ang tulog ko." sagot naman ni Erick habang nagkakamot nang ulo.
"Ayn tuloy kuya sarado na hmmfff." sabi nanaman ni Ariane habang ibinaling niya ang tingin nito sa saradong music shop.
"T-teka, bakit nga pala hinintay mo ako, eh pwede ka namang pumasok nang mag-isa jan kaninag uwian niyo." ang bulong ni Erick, subalit hindi niya ito ipinainig kay Ariane.
"Huwag kang mag-aalala, may gagawin ako ako ang bahala." sabi ni Erick habang nagtetext.
Pagkatapus niyang magtex ay naupo silang dalawa sa bench na malapit sa music shop.
Ilang sandali pa dumating anng isang lalaking matangkad na naka bike.
"Oi, Erick kumusta?ehehe." sabi nang lalaking nakabike.
"Isang malaking himala ang pag text mo saakin, mabuti nalamang at nagpakilala ka kundi hindi ko yon papansinin." ang dagdag ng lalaki habang ipinapark niya ang knayang bike sa tabi ng music shop.
"Hmpp." sabi naman ni Erick.
"Kuya sino siya." katanungan ni Ariane habang masayang tinitignan ang dalawa.
"ai oo nga siya pala si Richard. Isa sa mmmga Batch mateko noong high school." ang sagot ni Erick sa katanungan ni Ariane.
"At Richard Siya nga pala si Ariane." patuloy na pagpapakilala ni Erick sa dalawa.
"OOh, ang bata ng naging unang GF mo ahh Erick. Ilang taon na nga tayo ulit?" pangaasar ni Richard kay Erick habang kumakaway kay Ariane.
"Ah 24 years old, t-t-teka, hindi ko siya GF." sabi ni Erick kay Riochard nang pagkalakas lakas.
Tignan ni Erick si Ariane. Att nakita niyang napakatamis ang ngiti nito s dalawa.
"Ikaw naman hindi ka mabiro." sabi ni Richard habang binubuksan ang pintuan ng Music shop.
"Ariane, SI Richard ay nagtatrabaho dito sa Music shop. Naisip kong baka mairoon siyang susi upang buksan ito." Ang sabi ni Erick kay Ariane.
"Wow, Masuwerte pala tayo kuya kasi may kaibigan kang tulad niya." sabi ni Ariane naman,.
"Hindi kami Close." ang sabi naman ni Erick.
"Tuloy na kayo." sabi ni Richard pagkatapus i on lahat ng ilaw sa loobng music shop.
Hindi man lang nasabi ni Erick kay Ariane na pumasok na ay bigla itong pumasok.
Napakamot nalamang ng ulo si Erick habang sumusunod na lamang siya dito.
"Mukhang masayahin ang bago mong kaibigan ano Erick." sabi ni Richard kay Erick habang tinitignan ang nag lilibot at hinahaplos ang bawat music instrument na natatapatan nito.
"Hindi ko alam pero natutuwa ako sa batang yan." sabi ni Erick.
Napangiti na lamang si Richar sa Narinig.
"Sa tingin ko dahan-dahan ka nang nagbabago Erick." sabi ni Richard kay Erick habang nakangiting nakahap ito sakanya.
Sandali lamang ang pag-uusap nina Erick at Richard nang.
"Kuya Richard?" sabi ni Ariane habang nakaupo ito sa harapan ng isang Piano.
"Ah huwag mo nang sabihin aayusin ko lang ang pagkakabukas nito para magamit mo." sabi ni Richard.
Nang mabuksan na ni Richard ang Piano, Lumapit nang muli ito kay Erick.
"Papano mo naman nalaman ang gustong sabihin ni Araine." pagtatakang tanong ni Erick.
"Hindi mo na kailangang marinig pa ang rekwest ng isang tao kung alam mo na ang gusto nitong sabuhin sapamamagitan ng kanyang nasa paligid." kakaibang sagot ni Richard.
"huh?" tanging nasabi lamang ni Erick sa sinabi ni Richard. Halatang hindi niya ito naintindihan.
Ilang sigundo ding tumahimik ang paligid.
At nang nagsimulang tumugtug ang Piano, hindi maiwasang pumikit ni Richard.
Samantalang si Erick naman ay tinitignan si Ariane habang tumutugtog.
"Painted by Yiruma, Isang magandang musika." sabi ni Richard habang ito ay nakapikit.
"Subalit kakaiba ang versiong ito ni Ariane." dagdag pa niya.
At tinignan niya si Erick at ngumiti.
"Erick, may kakaibang sinasabi ang musika ni Ariane. at sa tingin ko para ito sa isnag partikular na tao." sabi niyang muli kay Erick.
"Ano ang ibig mong sabihin?" katanungan ni Erick kay Richard habang tinititigan niyang mabuti si Ariane.
"Ang painted na original ni Yiruma ay isang tugtug na may maaming imosyon. Nariyan ang Lungkot, Ligaya, Takot, Excitement. Subalit ang tanging naririnig ko sa version ni Ariane ay ang LIGAYA lamang." ang sabi ni Richard habang muli itong pumikit.
"Tama ka nga siguro dahil ang akala ko mula sa simula ay malungkot ang musikang tinutogtog niya, pero para tuloy akong mapapasayaw habang narinig ko ang kadugtong nito." ang sabi ni Erick.
"huwag mo itong pakinggan lang Erick, kailangan mo itong damahin." sabi ni Richard.
SUmandaling tumahimik si Erick at si Richard.
Nasa kalahati na ng musika ni Ariane at mayroong napansin si Erick. Ang tanging nakikita niya sa ngayon ay si Ariane at ang kaniyang piano, at sapaligid niya ay mga ibat ibang kulay na umiilaw.
"Napakaganda," tanging nasabi ni Erick habang tinitignan niya si Ariane.
Agad din niyang napansin ang pag-agos ng luha sa mukha ni Ariane habang palapit ng palapit ang katapusan ng kanyang musika.
"Ito ba ang dahilan kaya mo ako Gustong isama dito sa loob ng music shop Ariane?" naibulong ni Erick.
Sa Kasalukuyan, Matapos niyang patayin ang kanyang maliit na radio, matapos niya din tapusin ang kanyang pagkain, Naglakad na siya papunta sa kanyang trabaho.
Dumaan muli si Erick sa tapat ng isang Munting parke kuing saan tumatambay si Ariane lage.
Subalit hindi niya nakita doon si Ariane.
Natapat din siya sa Music Shop subalit wala din doon si Ariane.
Napangiti na lamang si Erick at..
"Siguro ay pumasok nasiya, maganda yon para sakanya upang mas lalaong tumaas pa ang grades niya." sabi niya sa kannyang sarile.
Nagpatuloy siya at nakarating na siya sa kanyang pinagtatrabahuhan.
Isang ordinaryong takbo ng trabaho ang kanya nanamang ginawa.
At sa kaniyang uwian, dumaan muli siya sa tapat ng munting parke.
Napangiti siya dahil nakita niya ang isang pamilyar na tao. SI Ariane na nakaupo at nakatingin sa bandang lubogan ng araw.
"Ariane." ang tawag niya subalit napatigil ito sa paglapit dahil mayroon siyang napansin.
"Si Ariane nga ba ang aking nakikita?" ang sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"SI Ariane nga ang mukhang iyon pati ang kanyang uniform. SUbalit pakiramdam ko ibang tao siya." ang dagdag pa ni Erick sa kanyang sarile,.
Subalit nagpatuloy pa ren sa paglapit si Erick kay Ariane.
"Ariane." muling pagtawag niya kay Ariane habang nasa likuran na nga siya nito.
"Uh! Kuya Erick?" sabi nang nagulat na si Ariane.
"Yo, Kumusta?" bati ni Erick kay Ariane.
"Ah. Magandang Hapon Kuya." sabi Ni Ariane habang bigla itong tumayo ang ikinaway ang kanang kamay nito kay Erick.
Natahimik si Erick sa kanyang narinig at nakita at naramdaman.