Maagang nagising si Erick.
Ay hinanap niya agad ang kanyang cellphone.
Nasa mesa ito at agad niya itong kinuha.
Inihiga niya ulit ang kanyang katawn kasabay nang pagtingin sa kanyang cellphone na para bang mayroon itong hiniintay na mag text o tamawag.
"Masyadong maaga para maghintay ng kung ano sa cellphone na to." sinabi ni Erick sa kanyang sarile.
Bumangon na siya at agad na naghanda ng kanyang lulutuin at kakainin.
Sa kanyang paghahanda ay naalala niya ang mga nangyari kahapon.
Kahapon:
"Ku-Kuya anong ginagawa mo dito? Ok kanaba?" tanong nang gulat-na gulat na si Ariane sa nakatitig na si Erick.
"Ku-kuya huwag mong isipin na ako ang naka confine dito ehehe." sabi muli ni Ariane.
"Hindi mo na kailangang itago." ang sabi ni Erick.
"Pe-pero ku.." bago pa man makumpleto ang sasabihin ni Ariane ay biglang binuksan ni Erick ang pintuan at lumabas ito.
Pagkatapos niyang lumabas ay sinara ni Erick agad ang pintuan.
Halata ang lungkot sa mukha ni Ariane.
Dahan-dahang siyang lumapit sa pintuan.
Hinawakan niya ang hanle ng pintuan at.
"Hindi ko sinasadya kuya." kanyang sinabi habang siya ay nakahawak sa handle ng pintuan.
"Ayaw kitang pag-alalahin kuya,, Gusto kitang maging masaya at ngumiti." patuloy pa ni Ariane.
Samantalasi Erick ay nakasandal paren sa pintuan ng Kuwarto ni Ariane.
Seryoso ang mukha ni Erick habang nakayuko ito.
Muling binuksan ni Erick ang pintuan, Umatras nang kaunti si Ariane.
Pagpasok ni Erick sa kuwarto ni Ariane ay umupo agad siya sa higaan ni Ariane.
"Ariane," tawag ni Erick kay Ariane na nakayuko parin na nakatalikod.
Dahan-dahang lumingon si Ariane kay Erick.
Itinuro ni Erick ang kama ni Ariane kung saan siya nakaupo na para bang pinapaupo si Ariane sa tabi niya.
Mabilis na pinunasan ni Ariane ang kanyang mga luha.
"Ano ako baliw, na kusang bibigay sa gusto mo kuya?!" medyo pasigaw na sabi ni Ariane, na may kaunting pag ngiti.
Agad na kumuha ng unan si Erick at ibinato kay Ariane.
"Sira, hindi yun ang ibig kung sabihin." sabi ni Erick na seryoso paren ang mukha.
"Papaano mo nalaman yung iniisip ko kuya? Siguro yun din ang iniisip mo no?" sabi ni Ariane habang pinupulot niya ang unang ibinato ni Erick sa kanya.
"Joke lang kuya." sabi ni Ariane habang lumapit ito kay Erick at umupo sa tabi nito.
Sandali silang tumahimik na dalawa habang nakayuko pa ren si Ariane at nakatingin naman sa pintuan si Erick.
Ipinatong ni Erick ang kanyang palas sa ulo ni Ariane.
"Alam mo, alam kong hindi ikaw ang nakakatagpo ko nitong mga nakaraang araw." Ang sabi ni Erick.
"Huh,papaano mo nalaman kuya? Sinabi ba sayo ni Ate?" tanong ni Ariane habang ngaon ay nakatitig na sa muka ni Erick.
"Naramdaman ko lang." sagot ni Erick.
"Iba kasi ang kilos mo at iba ka kung papaano magsalita. kaya napilitan si Airene na sabihin ang totoo. Wala siyang kasalanan. SIguro ang kasalaman ko lang ay ang hindi pagsabi sayo na alam ko na ang lahat, hindi pala lahat, Alam ko na na hindi ikaw ang kasama ko sa oras na iyon." sabi ni Erick kay Ariane habang ngayon ay nagtititigan na silang dalawa.
Namula ang mukha nang dalawa at biglang hinampas ni Ariane ang mukha ni Erick sa pamamagitan ng hawak niyang unan.
Nagtawana ang dalawa.
Sa ilang saglit ay...
"Pasinya kana kuya ah, nagtago ako ng sekreto sayo. Gusto ko lang naman na huwag kang mag-aalala saakin eh." sabi ni Ariane kay Erick.
"Ano kaba, sino naman talaga ang hindi mag-aalala sayo kung ikaw ay nandito sa ospital?" sabi naman ni Erick.
"Humingi ka nang sorry sa ate mo, Kasi siya ang naipit sa gusto mong gawin." dagdag pa ni Erick.
"Si ate ang may gusto kuya, siya rin ang nakaisip nang paraan para hindi ka mag-alala." sabi ni Ariane.
Hindi mahahalata ang pagkagulat ni Erick sa mukha nito.Pero Nagulat talaga siya sa kanyang narinig.
Muling lumingon si Erick sa pintuan.
"Bakit kailangan niyo itong gawin para saakin?" bulong ni Erick.
Akala ni Erick ay hindi narinig iyon ni Ariane.
"Dahil ayaw ka naming malungkot, gusto ka naming mapasaya, iyon ang ipinagako namin matagal na." ang sabi ni Ariane.
"Huh pangako nila matagal na, Halos ilag araw lang kaming nagkakakilala ah." inisip ni Erick.
"Anong Pangako Araine?" s pagtatanong non ni Erick kay Ariane ay may biglang kumatok sa pintuan.
"Papasok na ko." sabi ng nasa likod ng pintuan.
Hindi na nakaimik ang dalawa ng biglang pumasok ang isang babae. At ang babaeng iyon ay si Airene.
Nakita agad ni Airene sina Erick at Ariane na magkasama.
"Pasensiya po sa abala." sabi ni Airene habang dali-daling lumabas. At sinara ang pintuan.
Bigla ding tumayo si Erick at Binuksan ang pintuan.
Nakita ni Erick si Airene na nakaharap sa sakanyan.
Halatang gulat si Airene.
Sinabi agad ni Erick na alam na ni Ariane ang lahat at alam narin ni Erick na nasa Ospital si Arian.
Bumalik silang dalawa sa kuwarto ni Ariane.
"Hmm Kung titignan ko maganda ngang pagmasdan na nandito ang kamba. At talaga ngang magkamukha kayo." sabi ni Erick na ngayon ay nakaupo sa upuan malapit sa nakaupo ding sina Ariane at Airene.
Namula si Airene sa narinig.
"Airene maaari ba tayong mag-usap?" sabi ni Erick kay Airene.
TUmingin si Airene kay Ariane at nakangiti lamang si Ariane sa kanyang kambal.
"Sige kuya." togon ni Airene.
Sa Kasalukuyan:
Nasa Trabaho na si Erick at natapos na niya ding mabilis ang kanyang trabaho ngayong araw.
Sumaglit siyang nagpahinga,itingala niya ang kanyang ulo sa kisame ng kanyang pinagtatrabahuhan at tanging puting kisame langang kanyannng nakita.
Naalala niya ang pinag-usapan nila ni Airene sa Waiting Area ng ospital.
Kahapon:
Habangsila nasa waiting room ng ospital..
"Ahm. Sinabi saakin ni Ariane na ikaw ang may plano na magpanggap kang siya." sabini Erick kay Airene.
"Oo, kuya, Misyon kasi niyang pasayahin ka." sabini Airene habang ito ay nakayuko.
"Ayuko ko rinsiyang malungkot habang siya ay nandito sa ospital. Kasipag hindi ka niya napasaya, malulungkot siya." ang dagdag ni Airene.
"Bakit ba kailanganako pa ang kailangan niyang pasayahin?" tanong ni Erick.
"Nandiyan naman ang mga sarile nio upang pasayahin." dagdag ni Erick.
Hindi nakapag salita si Airene sa katanunganng iyon ni Erick.
"Ano pala ang saki ni Ariane?" natanong ni Erick.
Napatingin si Airene kay Erick.
Muli siyang yumoko at...
"Subacute Sclerosing Panencephalitis o SSPE kuya." sagot ni Airene.
"Tinatamaan non ang cenral nervous system ng meron nito." dagdag pa ni Airene.
"Kelan pa siya nagkaroon nito. At papaano?" karagdagang anong ni Erick kay Airene.
"Dalawang taon na ang nakakaraan, Dati ay pareho kami ng kilos at pag-uugali. Subalit ang malaking kaibahan saamin ay ang kanyang talento at katalinuhan. Subalit isang araw...." ang kuwento ni
Airene.