Chapter 10 What I Want
Natapos na lahat ng hawain ni Erick sa kanyang trabaho.
Binuksan niya ang Internet ng computer na gamit niya sa trabaho.
Itinype niya ang Salitang "SubacuteSclerosing Panencephalitis (SSPE)" sa Search engine, at lumabas ang hinahanap niyang meaning ng sakit na ito.
"Bihirang tao lamang ang tinatamaan ng sakit na ito. Isang impiksyon sa Nervous system. At ang pinakatarget ng impiksyon na ito ay ang utak. Huh? Ang itatagal lamang ng taong mayroon nito kapag hindi nakakitaan ng paggaling ay tatlong taon lamang." Sa nabassang iyon ni Erick, Tinignan niya ang oras.
Tumayo si Erick at lumapit sa kanyang manager.
"Kung ganon mag leleave of absent ka at bukas na iyon." sabi ng kanyang manager.
"Oh sige, Total naman ay isa ka sa masisipag at magagaling na crew namin." dagdag pa ng kanyang manager.
"salamat po." ang tangin nasabi lamang ni Erick sa kanyang manager.
Pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap sa kanyang manager ay bumalik na siya sa kanyang kinauupuan.
Natapos nanamn ang araw ng kanyang trabaho.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay siya ang unang lumabas ng Gusali.
gad siyang pumunta sa Bahay ng mga Yohan.
"Sigurado kaba sa disisyon mo Bata?" tanong ng Ama nina Ariane habang nandoon sina Aira at ang ina nila.
"Matagal ka nang kinikuwento saamin ni Ariane, at sa palagay ko malapit ka na niya talagang kaibigan." ang dagdag pa ng Ama nila Ariane.
"Kung maaari po ay payagan niyo kaming lumabas, kahit kasama na po si Airene." pakiusap ni Erick sa magulang nila.
Nagtinginan ang mag-asawa at tinignan din si Airene.
"Sige pero kausapin muna natin ang kanyang doktor at siyempre si Ariane." sagot ng ama nina Ariane.
TUmingin si Erick kay Airene na nakangiti.
Ngumiti din naman si Airene.
TUmawag sila sa ospital kung saan nandon si Ariane. At kinausap ang doktor na kung puwede munang lumabas bukas si Ariane.
Natapus ang usapan ng ama nina Ariane at nang doktor.
"Pumayag ng kanyang doktor, total daw walang schedule si Ariane upang e-test ang kanyang katawan." sabi ng ama nina Ariane.
"Maraming salamat po, Tiyak matutuwa si Arianke dahil makakalabas siya sa ospital." sabi ni Erick.
Pagkasabing iyion ni Erick ay Ngiti lamang ang naiganti ng mga magulang nina Ariane.
Pagkatapos ngn pag-uusap na iyon ay nagpaalam na si Erick sa pamilyang Yohan.
Ngunit bago pa man umalis si Erick ay kinausap pa niya si Airene ng mag-isa.
"Airene kailangan gawin natin lahat mapasaya si Ariane." tanging nasabi lamang ni Erick kay Aierene.
"Oo Kuya." tanging togon naman ni Airene.
Kitang-kita kay Airene ang pangingilid ng mga luha nito.
Agad naman nitong pinunasan ni Erick.
Ngunit pagkatapos noon ay umalis na si Erick.
Nakauwi na si Erick tinawagan niya si Ariane sa ospital.
"Kuya?" ang sagot ni Ariane sa kabilang linya.
"He-hello Ariane. Kumusta kana?" sabi ni Erick.
"Ito kuya mabuti naman." sasagot naman ni Ariane.
"Nga pala kuya salamat huh. Nasabi na saakin nina ate ang balak mo bukas." dagdag ni Ariane.
"Wala yun, Ahm salamat din sayo huh." sabi ni Erick.
"Para saan naman kuya?" sabi din ni Ariane.
"BUkas magiging masaya ang lahat." nasabi lamang ni Erick.
"Kita tayo bukas kasama si Ate mo, mamamasyal Tayo, saan mo palang gustong pumunta?" tanong ni Erick kay Ariane.
"Kuya naman hindi naman malayo ang gusto kong puntahan, Ihanda mo na ang sarile mo dahil malapit lang ito. Sa Munting park kuya malapit sa music Shop." sagot ni Ariane.
"Huh? sige sige doon tayo tatambay." sabi ni Erick.
Simpleng pag-uusap lamang ang nangyare hanggang si Erick ay humiga na.
"Sige kuya baka mapuyat pa tayo, maaga tayo bukas tama?" sabi ni Ariane.
"Oo Ariane, Sige Matulog kang mabuti." sabi ni Erick kay Ariane.
At kasabay noon ay napujtol na ang linya.
Paggising ni Erick ay agad itong naghanda ng makakain par as simpleng piknik na mangyayari sa munting park.
Tinawagan na rin niya si Airene upang sunduin si Ariane sa Ospital.
Matapos iyon ay may inisip na muli si Erick.
"Hindi puwedeng ang papasayahin mo ay ako Ariane, Dahil ang gusto ko ikaw ang mapasaya namin." sinabi ni Erick sa kanyang sarile.
"Ayukong isipin na mawawala ka saamin pero Kelangan kong gawin na mapasaya ka, mayroon pang pagkakataon." Sinabi niya iyon sa kanyang sarile habang papalabas na siya sa kanyang tinitirhan habang dala ang mga gagamitin sa piknik.
Nakarating na si Erick sa Park wala pa din ang dalawa, Alas Niwebe na at dumadami na rin ang mga tao sa park.
"Kuya," tawag ng dalawang napakapamilyar na boses.
Lumingon si Erick sa kanyang likuran at nakita niya ang Kambal na sina Ariane at Airene.
"PInaghintay kaba namin kuya?" ang tanong ni Airene kay Erick.
"EHehe nagtanong kapa ate talagang naghintay nga siya." sabi naman ni Ariane.
Parang isang panaginip na nakikita ni Erick ang dalawang magkasama sa park na dati ay tig-isa lamang silang pumupunta dito upang makipagkita kay Erick.
At doon na nga nagsimula ang isang masayang piknik ng kambal kasama si Erick.
Hindi man namalayan ni Erick subalit pati siya ay naging masaya na rin.
"Ate Tapos na ang misyon ko na pasayahin si Kuya Erick." sabi ni Ariane kay Airene, habang tinitignan nila ang si Erick na parang nakaidlip na.
Humiga narin si Ariane sa tabi ni Erick at humiga din si Airene sa tabi ni Ariane.
"Inaantok nako ate." sabi ni Ariane habang hawak nito ang kamay ni Airene.
Hanggang sa naramdaman ni Airene na nanginginig ang kamay ni Ariane. Malakas ang pagnginig nito na para bang inaalog ang kamay ni Ariane.
Agad na bumangon sa pagkakahiga si Airene.
Agad na niyakap ni Airene si Ariane na nanginginig at tumitirik-tirik ang mga mata nito.
"Ariane, Ariane..." tanging sinasabi ni Airene Habang yakap niya si Ariane na nanginginig pa.
Agad na bumangon si Erick dahil sa narinig na boses ni Airene na nag-aalala.
Nakita niya agad si Ariane na hindi tumitigil sa pagnginig.
Agad na kinuha ni Erick si Ariane mula sa pagkakayakap ni Airene.
Kinarga niya ito na paraang isang bata habang patuloy paren sa panginginig si Ariane.
"Airene tawagan mo sina papa mo, tatawag naman ako ng sasakyan." sabi ni Erick habang karga parin niya si Ariane.
Agad naman sinunud ni Airene ang inutus ni Erick.
"HUwag kang bibitaw Ariane, labanan mo." sabi ni Erick habang karga paren niya ito aat papunta sila sa tabinkg daan upang tumawag ng masasakyan.
BIglang tumigil ang panginginig ni Ariane.
Napansin iyon agad ni Erick at tinignan si Ariane.
"Ku-kuya, Na-nag-tagumpay a-ko." ang sabi ni Ariane habang pinipilit nitong dumilat.
"Araine huwag kang magsalita, Alam kong matapang ka, kaya huwag ka munang magsalita." sabi ni Erick kay Ariane habang naluluha na si Erick.
"Ku-kuya, I-ilapit mo ang mukha mo s-sa-akin." sabi ni Ariane.
Inilapit naman ni Erick ang mukha niya sa mukha ni Ariane.
Hinkaplos ni Ariane ang mukha ni Erick at hinilakin niya sa pisngi si Erick.
Pagkatapos nang paghalik ni Ariane sa pisngi ni Erick.
"Ku-kuya walang-i-iiyak hah, M-magiging ma-mm-saya tayo-yong lalahat huh." sabi ni Ariane kay Erick
"Ngiti ka nga k-kukya." hiling ni Ariane.
Lumuluha na si Erick sa sinabing iyon ni Ariane, subalit nagawa parin tuparin ang kahilingan ni Araine. Ngumiti ito kahit lumuluha na si Erick.
"Hu-uwag mo-itong sa-sa-sbi-hin k-kay a-te huh, la-lapit k-ka ulit." muling kahilingan ni Ariane.
Inilapit muli ni Erick ang mukha nito kay Ariane.
Inilapit din ni Ariane ang bibig nito sa tainga ni Erick.
Pagkasabi nito kay Erick ng gusto niyang sabihin ay.
"Ma-mangak-ko ka ku-kuya." sabi ni Ariane at si Ariane ay ngumiti.
"Naantok na ko -ku-kuya." pagkasabing iyon ni Araine ay ipinikit na niyang muli ang kanyang mga mata.
Bumitaw narin sa pagkakahawak niya sa mukha ni Erick.
Walang nagawa si Erick kundi ang umiyak ng umiyak ng matahimik.
Dahan-dahang lumapit din si Airene sa dalawa.
Nanlambot ang mga tohod ni Erick at napaupo na lamang ito sa tabi nang daan habang karga pa ren si Ariane.
Dumating na ang Ambulancia, Blanko ang mukha ni Erick habang nasa loob ng isang sasakyan na sinusundan ang ambulancia kung saan isinakay ang katawan ni Ariane.
Subalit pagdating sa Ospital, Idiniklarang wala na si Arinae bago pa man dumating sa ospital.
Ang buong pamilya ni Ariane ay Nnalamhati, lahat ng mga tao na nakakaita sa pamilya nina Ariane ay mga malulungkot. Habang si Erick ay blanko paren ang kanyang mukha.
Pumunta si Erick sa kuwarto ni Ariane.
Ang nandoon lamang ay ang mga gamit ni Ariane.
Umupo si Erick sa higaan ni Arian, Binuksan niya ang kurtina ng bintana.
Isang oras ding nandon si Erick hangang tuluyan nang dumilim ang langit na tinitignan ni Erick.
Napansin niyang lumitaw na ang Orions Belt na natatanaw mula sa bintana ng kkuwarto ni Ariane sa ospital.
Hindi mapigilang lumuha si Erick sa mga binitiwang salita ni Ariane habang tinitignan nilang pareho ang mga bituing iyon.
"Ariane, sa oras na ngayon, Pareho nating tinitignan ang Mga bituing iyan, Kahit malayo tayo sa isat-isa parang malapit rin lang tayo." Ang Bulong ni Erick.
"Ariane sana nakatitig ka jan ngayon, sana nakatitig ka jan ngayoooon." mga salitang sinambit ni Erick habang patuloy paren sa pagtulo ang kanyang luha.