CHAPTER 4: The True Me
Umaga na subalit hindi magawang makatulog nang mabuti si Erick.
Kahit na antok pa ay nagawa paren niyang bumangon nang kaparehong oras nang dati niyang paggising.
Sinimulan niyang gawin ang kanyang dating ginagawa habang siya ay nasa kanyang tinitirhan.
At naglakad na siya papunta sa kanyang trabaho, natapat siya sa munting parke na ngayon ay naging tambayan na niya at naalala niya ang mga nangyari kahapon.
Mga naganap kahapon:
Bumati din si Erick sa nagawang pagbati ni Ariane sakanyan.
At pagkatapos noon ay umopo nalamang si Ariane.
"Maaari bang umupo sa tabi mo?" tanong ni Erick kay Ariane.
Bagaman nag blush si Ariane ay tumabi nang saglit si Ariane upanag bigyan ng space ang upuan na paguupuan ni Erick.
"Salamat." tanging nasabi ni Erick..
"Ohm." anging sagot ni Ariane.
Mga ilang minuto din ang katahimikan mula nong umupo si Erick sa tabi ni Ariane.
"Aahm." panimulang sabi ni Erick.
"A-ano yun kuya?" sabi ni Ariane.
"Saan mo gustong pumunta." katanungan ni Erick.
"ikaw ang bahala kuya." sagot naman ni Ariane.
Napangiti si Ericksa narinig dahil alam niyang ibang tao nga ang kanyang kasama ngayong hapon.
"Kilangan ko bang itanong kung sino talaga siya?" ang natanong ni Erick sakanyang sarile habang sila ay naglalakad papunta sa isang turo-turo upang kumain.
Matahimik silang kumain sa isang mesa sa tabi ng turo-turo.
Napansin ni Erick na nagkaroon ng mantsa ang mukha ni Ariane at alam niyang hindi ito napansin ni Ariane.
Sasabihin sana ito ni Erick kay Ariane subalit, Hindi na iyon nagawa ni Erick.
Nagulat nalang si Ariane dail biglang pinunasan ni Erick ang mukha niya.
Namula ang mukha ni Ariane habang sinasabi ito.
"Ku-kuya b-bakit?".
"May dumi sa mukha mo. Pasinsya ka na hindi ko nasabi, pinunasan ko agad." sagot ni Erick sa tanong ni Ariane.
Nakasalumbaba si Erick nang matapus silang kumain.
Walang ano mang salita ang naganap habang painsan-minsan ay tinitignan niya si Ariane.
"Kuya g-gumagabi na, Puwed naba akong umuwi?" tanong ni Ariane.
"Sige, ingat." nasabi ni Erick.
Subalit ng tumayo si Ariane ay..
"Nakalimutan ko, Bago ka umuwi, maaari bang malaman ang pangalan mo?" tanong ni Erick habang bigla din itong tumayo.
"Ah- A-Ariane ang pangalan ko, Kaw naman k-kuya." sabi ni Ariane habang halatang nagulat sa tanong ni Erick.
"Hindi ako naniniwala," sabi ni Erick na ngayon ay nakapamaywang na at seryosong seryoso ang mukha.
Napayoko si Ariane at nagsabi ng ganito...
"Ahm, Ako si Airene kuya." sagot ni Airene kay Erick na halatang hiyang-hiya.
"Ahmm, nice meeting you Airene." sabi ni Erickhabang bumalik muli siya sa pagkakaupo.
Ilang sandalipa ay lumapit si Airenekay Erick.
"Ku-kuya, papaano mo nalaman ang pagkakaiba namin? mayroon ka pa abang karagdagang tanong?" tanong ni Airene kay Erick.
"Ikaw nga tong nagtatanong eh." sabi ni Erick habang nakasalumbaba muli ito.
Nag-iba ang timpla ng mukha ni Airene.
"Hmff. Kung sa tingin mmo matatawa ako sa sinabi mo, H-hindi!" pasigaw na sabi ni Airene kay Erick.
Biglang tumayo si Erick at tinakpan ang bibig ni Airene.
"Huwag ka dito mag-ingay, ang daming tao oh." sabi ni Erick kay Airene habang nakatakip paren ang kamay ni Erick sa bibig ni Airene.
Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap habang hinahatid ni Erick si Airene sa bahay nila.
"Ku-kuya, salamat sa paghatid mo huh." sabi ni Airene na nahihiya pa ito.
"Nga pala, Ahm papano mo nalaman ang kaibahan namin ni Ariane?" sabi ni Airene kay Erick.
"Napakadali, Magkamukhang-magkamukha nga kayo 99.9 percent pero, Ang kaibahan mo ay ito, una, Hindi bumabati ng Magandang hapon kapag matagal na itong naghihinta. at isa pa Kalewete si Ariane, Kalewete siya dahil sa paghawak niya ng mga pagkain at ang paggugupit niya saakin ay kaliwa ang kanyang ginagamit habang ikaw ay siyempre kanan." wika ni Erick.
"At ang pinakamahalagang kaibahan niyong dalawa, ay ang pagiging masaya niyang lagi, kahit na siya ay nagkakamali, hindi siya namumula at napapahiya, bagos ay natutuwapa ito sa pagkakamali niya." ang dagdag pa ni Erick.
"Tama ka sa mga nauna mong pagkukumpara saamin, subalit sa huling pakukumpara ay nagkamali ka." sabi naman ni Airene sa sinabi ni Erick.
"Huh. eh yun naman talaga ang pagkakaiba niyo ah." sabi ni Erick na nagtataka.
"Kung alam mo lang kuya." sabi ni Airene habang nababakas ang lungkot sa mukha niya.
"Oi ngumiti ka naman, kAtulad ng.. ahh.. Nga pala anong relasyon niyo ni Ariane?" tanong ni Erick.
"Ate niya ako, pero oras lang ang pagitan namin. Hindi kami matatawag sigurong kambal dahil ipinanganak ako September 3 at siya naman ay September 4." sagot ni Airene.
"Huh. sa tingin ko matatawag paren kayong kambal dahil sa pareho kayong dinala ng mama niyo sa kanyang sinapupunan ng sabay." sabi ni Erick.
"Nga pala, pareho kayo ng pinapasukang paaralan ni Ariana, maganda ba ang grades niya?" tanong muli ni Erick.
"Magkaiba kami ng pinapasukang paaralan kuya, pinasuot lang niya ang uniform niya upang magmukhang ako siya sa paningin mo." sagot ni Airene.
"Kung Grades ang tatanungin mo si Ariane ang pinakamatalino saaming magkakapatid. Kahit kailan ay hindi niya pinapabayaan ang kanyang pag-aaral. At Kahit nitong mga nakaraan ay pala absent a late lagi, ay ganon paren ang mga marka niya." dagdag pa ni Airene.
"Kung ganon bakit hindi siya ang nakatambay kanina sa park?" seryosong tanong ni Erick kay Airene.
Hindi nakasagot nang ilang sigundo si Airene sa tanong ni Erick, at hhindi napansing nasa atapat na pala sila ng bahay nina Ariane at Airene.
"Dito na kuya." sabi ni Airene.
"Ah dito pala kayo nakatira." sabi ni Erick habang tinitignan ang bahay na nasa first floor nito ay tindahan ng Bulaklak.
Napansin din ni Erick na nakatalikod ito sa Silangan at natatakpan ng Malaking pader ang likoran nito dahil sa likuran nito ay isang malaking building. Halata naman sa Timog at Hilaga ng Pangalawang Floor ng Bahay nila Airene ay mayroong Bintana. Isang Terace ang Nasa Taas ng Tindahan ng Bulaklak na nagmimistulang bubong nito.
"Sige kuya, salamat sa pagsama saakin sa pag-uwi." sabi ni Airene.
"Ahm nandiyan ba si Ariane?" tanong ni Erick.
"Ahm kuya gabi na baka kung ano na ang sasabihin ng ibang tao, baka sabihin nila nililigawan mo ako." ang sabi ni Airene habang nakangiti ito at namumula.
"Ai, oo nga pala." sabi NI erick habang nagkamot ng ulo.
"Ahm. Airene." sabi ni Erick.
"Ano yon kuya?" sabi naman ni Airene.
"Huwag mong sasabihin kay Ariane na alam kong hindi siya ang nakasama ko ngayon." sabi ni Erick habang seryosong nakatingin kay Airene.
"OO kuya pangako, Tiyak na matutuw yun na napaniwala kitang ako siya." sabi ni Airene habang nakangiti ito.
"Sige, magandang gabi." sabi na lamang ni Erick kay Airene habang papalayo na ito sa bahay nila Ariane.
"Bakit nga pala isesekreto ko ang pagkakakilala ko kay Airene kay Ariane? Puwede ko namang sabihin ah." sabi ni Erick habang papauwi na siya.
"Oh Siguro nasanay na akong sumasakay sa mga Trip ng Ariane na iyon." patuloypa niya sa kanyang sarile.
Sa Kasulukuyan:
Nakarating na si Erick sa kanyang trabaho, gaya nang dati pinagpatuloy niya ang kanyang trabaho ng walang ibang iniisip.
Para bang isang robot na nagtatrabaho, iyan ang bansag sakanya ng kanyang mga katrabaho.
Pagkatapos niya sa trabaho ay agad na umuwi si Erick. Hindi niya nakita ang hinahanap niya sa Park kaya nagmadali nga itong umuwi.
Subalit Tumunog ang kanyang cellphone.
"Sno naman kayang tatawag sa isnag taong katulad ko?" pagtatakang katanungan ni Erick sakanyang sarile.
Tinignan niya ang kanyang cellphone at si Richard ang tumatawag.
Hindi niya sinagut ang tawag ni Richard bagkos Kinancel niya ito.
TUmunog muli ang cellphone ni Erick subalit ngayon ay tunog SMS na ito.
At si Richaard muli ang Nag Text.
"Tol, May kumuha ng number mo saakin si Ariane nga ba yon? Pero kakaiba siya ngayon dahil napaka mahiyain, at po siya ng po saakin na parang ngayon lang niya ako nakita. PS Alam kong hindi mo sasaguton ang tawag ko kaya nakaready na ang text na to bago pa ako tumawag. AHAHAHA!" sabi ni Richar sa Text.
"Si Airene ang iyon Ungas." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"Bakit naman kinuha ni Airene ang number ko?" tanong niya sa sarile habang nagluluto ng Ulam niya.
"Siguro si Ariane ang nagpakuha.Hm. kung sabagay medyo, Medyo.. anonga ba ulit to?" ang sabing muli ni Erick sa kanyang sarile.
At kinagabihan bago siya matulog, tumunog ang kanyanng cellphone.
Tinignan ito ni Erick at bagong number ang tumatawag.
Hindi ugali ni Erick na sumagot nang tawag sa hindi kilalang number, nga pala kahit nga pala kilala niya ang number ay hindi niya agad agad sinasagot.
Subalit sa nakapagtatakang sitwasyon, Sinagut ni Erick ang Tawag.
Bago pa man siya nakapag Hello,
"Kuya, ehehe." ang sabi sa kabilang linya.