Chapter 5: The Belt
Isang umaga nanaman ang dumating kay Erick.
Habang nasa higaan pa siya, Naisip niya ang mga pinag-usapan nila ni Ariane kagabi.
"He-hello." sabi ni Erick sa tumawag na si Ariane.
Alam niyang si Ariane yon subalit..
"A-Ariane?" tanong pa din ni Erick sa tumawag.
"Oh, Kuya bat ka napatawag? ahahaha" patawang pagkasabi ni Ariane.
"Huh,? ikaw tong tumawag eh." sabi din ni Erick na nakangiti.
"Biro lang kuya ehehe, Kumusta kana, Isang araw tayong di nagkita ah." sabi ni Ariane.
"ang totoo dalawang araw na tayong hindi nagkikita." sabi ni Erick sa kanyang sarile habang pinapakinggan ang sinasabio ni Ariane.
"Masaya kaba kayapon? salamat nga pala sa paghatid mo sakin dito sa bahay hah, Ayan alam mo na bahay namin ehehe." patuloy pa ni Ariane.
"Papano mo naman masasabing masaya ako, eh hindi ka naman nagsasalita halos." sabi ni Erick.
"Aahaha, yon ba kuya, sensya na ulit kasi medjo meron ako non. ahahaha." sabi ni Ariane.
"Huh pati yun ba naman sinabi pa niya." ang sabi ni Erick habang nakangiwi sa kanyang narinig mula kay Ariane.
"Magaling siyang gumawa ng dahilan, o makapagisip ng paraan para maitago niya ang totoong nangyare." patuloy pa ni Erick sa kanyan sarile.
"Nga pala Kuya, Labas ka muna saglit." sinabi ni Ariane.
"Huh, Bakit naman ako lalabas?" tanong naman ni Erick.
Hindi na nakaimik si Erick t Lumabas na nga siya.
"Teka bakit ba sumunod ako nanaman sa kanyang sinabing lalabas? nanditoba siya sa labas? Wala naman eh." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"KUya nasa labas kanaba?" sabi Ni Ariane kay Erick.
"Oo, ngayon, anong gagawin ko dito?" tanong ni Erick kay Ariane.
"Kuya harap ka sa East Tignan mo yung tatlonng Star na magkakapareho ang Size, na nakahelera sa straight line padiagonal." tukoy ni Ariane.
Tumingin nga si Erick sa sinasabing Star sa Silangan.
Nakita agad ni Erick ang sinasabi ni Ariane.
"Kung ganon ang kanyang tinutukoy y anng Orion's Belt." sabi ni Erick sa kanyang sarile habang nakatingin sa mga Bituing Iyon.
"Nakita mo na sila kuya? kuya?" makulit na tanong ni Ariane.
"Oo nakita ko na, anong meron sa mga ito." sagot at tanong ni Erick habang patuloy paren siya sa pagtingin sa tatlong bituin na iyon.
"Kuya mula dito sa hinihigaan ko kitang-kita ko sila mula sa bintana." sabi ni Ariane.
"Sa ngayong Oras na ito, Sabay nating tinitignan ang tatlong Bituin na iyan." sabi Ni Ariane.
Natahimik si Erick sa kanyang narinig.
"Kuya Hindi man tayo nagkita ngayon, At least parang malapit tayo sa isat-isa dahil sa iisan parte lang ng langit tayo nakatingin." ang dagdag pa ni Ariane.
"Ang totoo siguro noong isa gabi kapa nakatingin ja." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
Ilang minuto din nakatingin si Erick sa Tatlong Bituing iyon.
"kuya Mag-ingat ka lagi huh." sabi ni Ariane.
"Lagi akong nag-iingat." sabi naman ni Erick.
"Ah kita ulit tayo bukas pagkatapos ng School ko." sabi Ni Ariane kay Erick.
"Oo. mahihintay mo ba ako?" tanong ni Erick.
"Oo naman kuya ehehe." sagot naman ni Ariane.
At pagkatapos noon ay hindi na nagawang nagpaalam ni Erick at ni Ariane sa isa't-isa, dahil ibinaba agad ni Ariane ang tawag.
"Alam kong hindi ka makakarating sa usapan Araine, ang iyong ate ang pupunta." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"Dahil wala ka sainyo ngayon Ariane. Dahil Nakatalikod ang bahay niyo sa Silangan at sa likoran ng bahay nio ay isang malaking pader at salikod ng pader na iyon ay may isang malaking gasali. Hindi Puwedeng magkaroon ng Bintana upang makita mo ang mga bituin ito na nasa silangan ngayon." patuloy pa ni Erick habang nakaharap parin ito sa silangan klung saan naroon ang tatlong Bituin.
"Alam kong nasa malayo ka ngayon Ariane dahil sa lagi mong inuutusan si Airene para maging ikaw. Nasaan ka man ngayon Ariane, sana manatili ang ngiti sa mukha mo." Patuloy ni Erick habang papasok na siya sa kanyang tinitirhan.
Sa kasulukuyan:
Habang kumakain nng almusal si Erick ay biglang may nag text.
Biknasa agad ito ni Erick at.
"Good morning Kuya." nilalaman ng text at si Ariane ang nagtext nito.
Hindi nereplyan ni Erick ang text pagkos ay nagpatuloy itong kumain.
Nakapagbihis na siya at bago pa man siya nakalabas ng Bahay ay nagtext muli si Ariane.
Babasahin sana ito ni Erick subalit, wala itong laman.
At pumunta na sa trabaho si Erick.
Naging normal ang Araw nanamn ni Erick sa Trabaho.
Pagkatapos ng kanyang trabaho ay pumunta na siya sa Parke kung saan ang tagpuan nila ni Araine.
At hindi sa inaasahan si Erick ang naghintay sa kanyang katagpo.
"K-Kuya," ang tawag ng isanng pamilyar na boses.
Lumingon si Erick sa bandang Kanan niya.
Isang Estudyante na iba ang uniform ang papalapit sakanga. Kamukha ito ni Ariane subalit alam niyang Hindi iyon si Ariane dahil iba nga ang uniform na suot nito.
"Kumusta Airene."bati ni Erick kay Airene na papalapit.
Tinitigang mabuti ni Erick si Airene mula taas at pababa.
"Aba asti ng uniform niyo sa school niyo ah." nasabi ni Erick kay Airene.
"Ah ehehe, Para bang masyadong pormal ang uniform namin kuya?" tanong ni Airene kay Erick.
"hindi naman masyado pero, Bagay na bagay sayo." sabi ni Erick habang tumingin si Erick sa mga mata ni Airene.
"Ah eh-he-he. s-salamat k-kuya." nahihiyang sagot ni Airene sa komento ni Erick.
"Saan naman kaya balak pumuna ni Ariane ngayon na kasama ko siya kunware?" ang tanong ni Erick kay Airene.
"K-kuya sa Music Shop daw." sagot ni Airene.
"Ok tara." agad na aya ni Erick.
"Nga pala Airene, Marunong kabang tumogtog ng Piano gaya ni Ariane?" tanong ni Erick habang naglalakad sila papunta sa Music Shop.
"Ah-eh Hindi kuya." sagot ni Airene sa katanungan ni Erick.
"Maraming talinto si Ariane hindi katulad ko na puro pag-aaral ag inaatupag. Subalit nagtataka kami dahil hindi paren niya napapabayaan ang kanyang pag-aaral kahit na napakarami niyang hobby." dagdag ni Airene.
"Oh, Ganon ba? kung ganon sadya ngang napaka talintado ng kapatid mo ano?" sabi ni Erick.
"Oo naman kuya, noong elementary kami, siya ang may pinakamataas na marka, siya din ay nagiong champion sa Science Quiiz Bee, Math Quiiz Bee, and History.
Mayroon din siyang naisulat na tula tungkol sa Pagdadalamhati, pag-iisa at Pag-ibig. sa murang idad pa lamang." nasabi ni Airene na may pagmamayabang.
"Kung ganon talagang napaka talented niya." sabi Erick habang nakatingin kay Airene.
Napansin ni Erick na naging madaldal na si Airene ngayon.
At nagpatuloy na nga sina Airene at Erick sa Music Shop.
"Nga pala bait mo isinuot ang Uniform mo talaga?" tanong ni Erick kay Airene.
"Ahm. Kasi kuya, mahahalata mo naman na hindi si Ariane ang nakipag kita sayo eh." sagot ni Airene sa tanong ni Erick.
Nang nakapasok na sila sa Music Shop.
"kumusta kayong dalawa." bati agad ni Richard na kasalukuyangnaglilinis.
Napamulat agad si Richard sa nakitang kakaibang uniform ng inaakala niyang si Ariane.
"Tika, Bat ganian ang Uniform mo Ariane?" tanong ni Richard.
"Ah ehehe." ang patawang sagot ni Airene sa tanong ni Richard habang nakatingin kay Erick.
"Hindi siya si Ariane." sabat ni Erick sa tanong ni Richard.
"Kung ganon sino Siya?" tanong ni Richard na pansamantalang natigil sa paglilinis dahil sa gulat.
Pagkatapos noon ay ipinaliwanag ni Erick ang lahat kay Richard.
Pagkatapos maglinis ni Richard sa Music Shop ay Nagsara na ito at tumawag saglit sa kanyang amo.
"Ayos pumayag ang aking amo." tuwang-tuwang sabi ni Richard sa dalawa.
"Kayong dalawa makinig kayo hah." sabi ni Richard.
Umupo si Richard sa Harapan ng Piano at sinimulan niya itong togtogin.