Natapos na ang kanyang tinogtog, nakakabingi ang katahimikan ng kanyang paligid, subalit hinkdi paren siya dumilat. Patuloy parin siya sa pagpikit.
Hanggang nakita niya ang Orions belt nakita niya ang mga iyon mula sa kanyang pagpikit. At Narinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Kuya, Kuya, Kuya." isang boses na ilang buwan na rin niyang hindi naririnig.
Idinilat ni Erick ang kanyang mga mata.
Nakita niya ang Mukha ng Babaeng matagala na niyang hindi nakikita, Mukha ng isnag anghel na hindi niya gustong malungkot muka ni Ariane na gusto niyang makita habang buhay.
Animoy ang mukhang ito ay naghihintay upang siya ay Magising. Gaya ng mukha na nakita niya matagal ng panahon.
"A-Ariane?" nasabi ni Erick.
"Oh kuya ba't para kang nakakita ng multo?" tanong ni Ariane kay Erick.
"Ah-anong nangyayari?" nasabi ni Erick sa kanyang sarile.
Lumingon siya at nakita niya si Airene na nagtataka din sa reaction ni Erick.
"Kuya bakit ka nga pala umiiyak habang tulog?" tanong ni Araine habang pinupunasan nito ang mga luha ni Erick sa mukha.
Umupo si Erick at tinignan ang paligid sila ay nasa park at halos papalubog na ang araw.
Lumingon pa siya sa bench nandoon ang pinagkainan nila sa kanilang picnic.
"Kuya, anong nanyayari sayo? Siguro nga ay nabaliw kana no." sabi ni Araine habang ito ay biglan tumayo sa harapan ni Erick na nakaupo.
"Ah panaginip lang?" ang naibulong ni Erick.
TUmayo iton bigla at biglang niyakap si Ariane.
"Ariane, Araine, ang tangn nasabi ni Erick habang yakap si Araine at lumuluha.
"Ku-kuya ah, ba-bakit?" sabi ni Ariane na may pagtataka.
"Magiging masaya ang lahat, magiging masaya ka magiging masaya ako, magiging masaya tayong dalawa sa isa't-isa." ang sabi ni Erick.
"Huh, ah oo kuya magiging masaya tayo, magiging masaya lahat, Ma-gi-ging ma-sa-ya ta-ta-tayo sa i-sat-isat?" ang sabi ni Araine na may pagtataka at pagtatanong.
Tinginan ni Araine ang kanyang ate na si Airene na nakangiti at parang tuwang-tuwa pa sa mga nangyayare.
"Ate, Bat parang masaya kapa eh hito akot kinakabahan sa mga mangyayare, kakakaka ka kaba." nasabi ni Ariane sa kanyang sarile habang masama ang tingin niya sa kanyang ate.
TUmigil sa pagyakap si Erick subalit nakahawak na ngayon ang dalawa nitong kamay sa mga balikat ni Ariane.
Inilapit ni Erick ang mukha niya sa mukha ni Araine na para bang- para bang- Hahalikan na niya ito?!!
Walang nagawa si Ariane kundi pumikit na lamang ito at handa na sa anumang mangyayare, Nang malapit na ang mga labi ni Erick sa labi ni Ariane. ay may narinig silang bumagsak,
"A-Airen / A-ate" sabayang paagtawag nila kay Airene na nahimatay.
Nilapitan nila ito at nakita nilang naglalaway pa ito habang nakangiti at sinasabing...
"Halik-halik-halik"
Nagtawanan na lamang ang dalawa sa nakikita.
Binuhat ni Erick si Airene upang ilipat si ito sa Bench.
"Kuya," ang tawag ni Ariane kay Erick.
Lumingon agad si Erick sa paglingon niya ay hinalikan ni Ariane si Erick salabi. Napatigil ang oras sa paghalik na iyon ni Ariane kay Erick.
At nang tumigil na sila.
"Kuya, Ingatan mo ako ha," bulong ni Ariane kay Erick.
"Oo Ariane, Habang buhay." sabi naman ni Erick.
"Hehehe." ang tawang mahina na nanggaling kay Airene na buhat ni Erick.
"Hua / Hueee." ang gulat ng dalawa sa narinig nilang tawa kay Airene, gising na pala ang Airene na Buhat ni Erick at parang narinig at nakita ang mga nangyare.
Ilang araw din ang lumipas ay naglilipat na ng gamit sina Erick Airena at Ariane kasa ang magulang nina Airene. Dahil si Ariane ay titira na ulit sa bahay nila. Lumabas na kasi ang resulta ng huling Medical Test sakanya. Negative sa impeksyon ang central nervous system ni Ariane, Itinuring na himala ang nagyaring ito ng mga magulang ni Ariane, Mga MEdicalPersonels na umasekaso sa kalagayan ni Ariane. SUbalit hindi ganon ang turing ni Erick sa nagyare.
Sa kanilang paglilipat, Nakita ni Erick ang kahaon na pamilyar sakanya.
"Huwag mo munang tignan iyan sa ngayon." sabi ni Ariane kay Erick.
Lumingon na lamang si Erick kay Ariane na nakangiti.
"Ahm, Bukas punta tayo sa musci Shop." alok ni Erick kay Araine.
"Kahit isama mo na si Airene." dagdag pa nito.
"SIge-sige." togon naman ni Ariane.
At kinabukasan sa pagsasara ng music shop ay kumpleto silang nasa loob nito. Nandon sina Erick, Ariane, Airene at si Richard.
"Huh, tol hikndi ko alam na marunong ka palang tumogtog ng piano ang akala ko wala kanag alam sa musika." gulat na pagtataka ni Richard kay Erick dahil umupo nalang ito sa harapan ng piano at handa nang tumogtog,.
"Richard salamat." nasabi ni Erick kay Ricahr habang nakangiti ito sa kanya,
"Oh sige your welcome, te-teka bakit ka nga pala nagpapasalamat?" sabi ni Richard.
"Dami mong tanong makinig ka na nga lang." sabi ni Erick kay Richard.
"Te-teka isang tanong pa lang yong ah." sabi ni Richard sa kanyang sarile.
TUmingin na lamang si Erick kay Ariane na nagtataka din sa kanyang nakikita.
Ngumiti nalamang si Richard at nagsimula na siyang tumogtog.
Ilang mga nota pa lamang ang natotogtog ni Erick.
"HIndi ko pa naririnig ang musikang iyan, bago sa aking pandinig pero napakaganda niya, parang dalawang tao ang sabay na kumakanda sa togtog na iyan." sabi ni Richard habang nakikinig sa tinotogtog ni Erick.
"HIndi mo pan talaga naririnig iyan kuya Richard, dahil tangin sa puso lang namin ang musikang iyan." sabi ni Ariane habang ito ay naiiyak sa naririnig na togtog.
Lumapit si ariane kay Erick at umupo din ito.
"Saan mo iyan nautunan?" buong ni Ariane kay Erick.
"Narinig ko kasi ang puso mo Ariane." ang tangin nasabi ni Erick.
"Mahal kita." Ang sabi ni Araine.
"Hindi mo na kailangang sabihin, nararamdaman ko." sabi din ni Erick.
Napangiti nalamang si Ariane at inilapat din niya ang kanyang mga kamay sa mga key ng piano at nagsimula narin niyang sabayan ang togtog ni Erick.
Kumakalat ang togtog na ito sa paligid ng Shop, lahat ng napapadaan dito ay tumitigil upang pakinggan ang napakagandang musikang nakapagpapasaya. Isang musika na may dalawang puso na humihiling na maging masaya ang lahat.
"Alam kong hindi isang panaginip lamang ang nagyari saakin, Ibinalik ka ng iyong musika, salamat sayo Ariane, binigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon upoang ipadama saiyo ang aking nararamdaman. At ngayon kasama kitang tumotogtog ng musikag ginawa mo upang totogin ko. Mahal din kita Ariane, Magiging masaya tayo habang buhay." sabi ni Erick sa kanyang sarile.,
"Alam kong malhirap ang pinagdaanan mo. Alam ko ding wala na ako sa pinagdaanan mong iyon. May pakiramdam akong bumalik ka sa panahong ito upang iligtas ako, at gawing masaya. Alam ko lahat iyon dahil iyon ang sinasabi ng iyong mga nota, kuya ay este Erick, Magiging masaya tayo habang buhay." sabi rin ni Ariane sa kanyang sarile.
"Salamat..." sabi ng dalawa habang nakangiti sila sa isa't-isa.
(WAKAS)
(Maraming salamat po sa pagbabasa sa Kuwentong ito, Aasahan nyo po Meron po iotong Book ito, Siguro ay hindi na nakakaiyak bagkos ay kilig to d max ang magaganap at mga katatawanan na abangan niyo po ANg TOMYOHA Book 2 po. Salamat po Ulit)
(Maaari nio rin itong Eshare sa mga kakilala niyo at maging sa mga hindi niyo kakilala Huwag nio lamang pong kakalimutan ang pangalan ng inyong lingkod salamat po.)