Chapter 11 (The Reason)
Maagang nagising si Erick at handa na siyang pumasok.
Nakapagluto narin siya at kumain ng almusal.
Dalawang Linggo narin mula noong Nailibing si Ariane.
Naalala ni Erick ang nakaraang pitong taon.
Nakita ni Erick ang pagkamatay ng kanyang ama.
IYon ang dahilan ng kanyang halos panghabang buhay na kalungkutan.
Sa Kasulukuyan:
Seryosong tinapus ni Erick ang kanyang trabaho at sakanyang pag-uwi ay tumonog ang kanyang cellphone.
SInagot niya ito at.
"Hello kuya." sabi ng boses na pammilyar sa kabilang linya.
"OPh Airene ikaw pala, bakit kaa napatawag?" tanong ni Erick kay Airene.
"Kuya kunag maaari ay pumunta ka dito sa bahay." hiling ni Airene.
"Sige pupunta na ako ngayon." sagot naman ni Erick na ngayon ay naghihintay na ng masasakyan papunta sa bahay nina Airene.
"Sige Kuya maghihintay ako." sabi naman ni Airene. at pagkatapos ay ibinaba na ni Erick ang tawag.
PAgkadating na pagkadating niya sa bahay nina Airene ay agad siyang sinalubong nito at pinapasok sa kanilang bahay.
"Kuya hintayin mo ulit ako mayy kukunin lang ako sa taas." sabi ni Airene.
"Oh sige." togon naman ni Erick.
Ilang sandali pa lamang ay dumating din ang ina nina Airene.
Binati siya nito at agad na pumasok sa kusina.
Ilang sandlai ulit ay bumaba na si Airene.
"Andito na ang mama mo." sabi ni Erick.
"Oo nga kuya alam ko kasi naaamoy ko ang nniluluto nila." sabi ni Airene habang ito nakangiti.
SUbalit si Erick ay seryoso pa ren ang mukha.
"Siya nga pala kuya, kunin mo ito." sabi ni Airene habang inabot niya ang isang kahon na may katamtamang laki.
"A-ano to?" ang tanong ni Erick.
"Mga bagay yan na pag-mamay-ari ni Ariane na nakapangalan sayo." sagot naman ni Airene.
"Hindi namin alam kung bakit nakapangalan sayo ang mga bagay na iyan pero ang naisip namin ay ibigay sayo ang mga iyan." sabi ni Airene habang nakangiti ito.
"Ah ganon ba." sabi naman ni Erick habang tinititigan niya ang kahon.
Ilang sandali rin silang nag-usap.
At pagkatapos ay umuwi na si Erick dala ang kahon.
Sa kanyang kuwarto ay binuksan na niya ang kahon.
TUmambad sakanya ang ilang mga pictures.
Tinignan niya ang mga pictures at nakita niya ang mga batang-bata pang sina Airene, Ariane at isang batang lalaki at kilala niya ang lalaking iyon iyon ay ang 17 years old na Erick Rion.
Siy ang batang lalaking iyon pitong taon na ang nakakaraan.
"Kung ganon kilala niyo na pala ako noon pa, Bakit hindi ko ito maalala agad nong nagkita ulit tayo?" ang mga sinabi ni Erick sa kanyang sarile habang tinitignan niya ang mga larawang iyon.
Masasaya ang mga mukha ng ga batang nasa larawan para bang walang kalungkutan ang darating.
Napansin niya ang isang Puting papel, Tinignan niya ito at kinuha, Ang papel na iyon ay isang music sheet at may mmga nota na ito. ANg pamagat ng musikang nandio ay 'Upang Pasayahin Ka'.
Isa pang papel ang nakita niya.
Tinignan niya ito at isa pala itong maliit na sulat, isinulat ito ni Ariane dahil sa pangalan na nakalagay sa baba o pamuhatan.
Nakapangalan sakanya ang sulat.
Agad niya itong binasa habang siya ay umupo saknyang higaan.
"Kuya, siguro pag nabasa mo na ito ay maaaring wala na ako, ehehe wag kang mag-alala magiging masaya ako saan man ako mapunta. ANg gusto ko kayo din jan huh.
Kuya, Sinulat ko nalang ito dahil maaaring hindi na kita makausap ng matagal-tagal. Alam mo kuya masaya kami mula noong nakilala ka namin ni Ate, hindi na ako magpapaligoyligoy pa kuya, may cru sayo si ate noon pa. Pero sa palagay ako ako din baka may crush na ako sayo, or baka naman higit pa ehehe, ALam mo kuya sinulat ko ito matapos nating mag-usap sa cellphone at tinignan natin ang Orions belt. Masaya kang kausap kuya. Nga pala malapit ko ng matapos yung ginagawa kong kanta.
Gusto ko ikaw ang tumugtug dito huh, ipromise mo ito.
Ahm alam kong hindi ka marunong at wala kang interes sa pagtogtog ng piano, pero kuya sana pag-aralan mong tomogtog, ah si ate nasabi niyang magaling tomogtog si Kuya Richard, Magpaturo ka sakaniya hah. Doon ko kasi ipapaalam ang nararamdaman ko sa mga bagay-bagay, kasi baka hindi ko na masabi sayo ang importanteng bagay kahit dito sa sulat.
Kuya PRomise kuya walang magiging malungkot. Hanggang dito nalang kuya inaantok na kasi ako."
Ang sabi ni Ariane sa sulat.
"papahirapan mo pa talaga akong pag-aralan ang music notes mo Ariane." sabi ni Erick sa kanyang sarile habang ito ay nakahiga na sa kanyang higaan.
Kinabukasan ay tinawgan niya si Richard.
"Huh gusto mong matotong mag piano at bumasa ng mga Music Notes?!!" gulat ni Rcichard sa narinig niya mula kay Erick.
"Seryoso ako Richard." sabi naman ni Erick.
"Matagal ka nang mukhang seryoso, pero bakit kaya nagkaroon ka na ng interes sa mga bagay na tulad nito?" ang tanong ni Richard kay Erick.
"Huwag ka ng magtanong pa." ang sabi ni Erick.
"Oh sige oh sige." Dito sa bahay punta ka, May electric piano kami dito, at pag may trabao naman libre kang tumambay sa Music shop upang doon ka muna mag practice pero kelangan pagkatapos ng trabaho or closing namin saka ka pumunta doon, mabuti nalang mabait ang amo ko." sabi at alok ni Richard kay Erick.
"Sige salamat." sabi ni Erick.
Day off ni Erick at Richard nong mga araw na iyon kaya siya ay nagpunta agad sa bahay nina Richard at doon ay magpractice mag piano.
"Hmmmm. Magaling mag compose si Ariane, Maganda tong musika niya, Pero ang sabi dito sa discription kelangan ikaw talaga ang tomogtog dito at wala ng iba, Kasi nasa sayo ang damdamin ng Musikang ito." sabi ni Richard habang tinitignan niya ang nota na gawa ni Ariane.
"Ang ibig sabihin Ginawa niya ito ng may damdamin at ikaw ang totogtog dahil nasa yo ang isa pang damdamin na kilangan sa musikang ito." dagdag pa ni Richard.
"Magsimula na tayo Richard." ang sabi ni Erick.
At ganon na nga ang nangyari Nagpractice ngn nagpractice i ERick sa Pagtogtog ng Piano, pinag-aralan din niyang basahin ang mga music notes. AT kapag may trabaho o galing sa trabaho ay nagpupunta siya sa shop na pinagtatrabahuhan ni Richard atdoon ay patuloy paren siyan nagpapractice.
Dalawang Buwan din siyang ganon hindi man lang sinubukang togtogin o pagpractisan ang musika ni Ariane.
"Ang gusto kokapag magaling na akong tumogtog saka kita totogtogin." sabi ni Erick sa kanyang sarile habang tinitignan niya ang musik note ni Ariane.
Hanggang sa natutunan na niyang togtogin ng mahusay ang ilan sa mga magagandang musika ng mga sikat na mga composer.
"Ang galing nabibigyan mo na ng damdamin ang mga musikang tinotogtog mo. Ahaaha magaling talaga akong Teacher ahahaha." sabi Ni Richard kay Erick.
"Richard maaari kabang lumabas muna sandali." sabi NI Erick kay Richard.
Sa ngayon ay nasa shop sila kung saan nagtatrabaho si Richard, at sarado na dapat ito subalit bukas ito upang doon ay tumogtog si Erick.
"Sige tol, Husayan mo hah." sabi ni Richard habang papaalis na sa Shop.
Isinara ni Erick ang pintuan ng shop, Umupo na siya sa harapan ng Piano, inilatag na niya ang mga music Sheet na ginawa ni Ariane.
"Ariane sana magustuhan mo ang gagawin kong pagtogtog sa musika mo." bulong ni Erick habang handa na niyang tugtogin ang musikang iyon.
PInindot na niya ang una,pangalawa pangatlo at sunod-sunod na mga nota mula sa Music sheet ni Ariane.
Ipiniki ni Erick an kanyang mga mata.
Nakikita niya ang mga masasayang araw mula nong sila ay mga bata pa,Unang nagkakilala sa isang play ground kung sanan tambayan ni Erick.
Ang mga ala-alang nakalimutan na niya, ANg pagbili niya ng ICecream na pangtatlo at para sa kanilang tatlo. Ang pagpasyal niya kasama ang dalawang batang babae sa isang Mall.
At ang mga sariwang ala-ala na kasamaniya ang Bagong Ariane at ang dalawa ng Airene. Mga huling masayang araw.
TUmulo ang luha ni Erick mula sa kalagitnaan ng kanyang pagtogtog, Naalala niya ang ibinnulong ni Ariane sakanya.
"Ku-kkuya, Mahal k-kitah." bulong ni Ariane kay Erick.
"Araine, Araine, narinig ko na ang binulong mo saakin pagkalakas lakas, subalit noon ay naguluhan lang ako bakit mo ako minahal, Subalit subalit ngayon, sa pamamagitan ng musikang ito, naintindihan na kita, Hindi lang ako ang gusto mong pasayahin, Gusto mo rin maging masaya, Gusto mong maging masaya kasama ako. Bakit ako pa ang pinili mo Ariane? Bakit ako pa?" ang mga sinabi niya habag siya ay nakapikit at tomotogtog parin.
Ang mga nota ay kusang lumilitaw sa paningin ni Erick kahit siya ay nakapikit, pabago-bago ang mga emsyong nailalabas niya sa musikang ito. PAreho lang ang mga notang lumalabas sa isip ni Erick at sa Notang isinulat ni Ariane, Kahit na hindi na niya ito tignan, nagagawa niya itong togtogin ng tama.
"Papaano kita mapapasaya Araine, Hindi ka pa nagtagumpay Ariane, Hindi mo ako nagawang pasayahin. Hindi ka ren naging masaya. Hindi pa tapos dito ang lahat Araine, Bumalik ka sa amin. Bumalik ka saakin. Araine. Gusto ko ding ipadama sayo ang nararamdaman ko sayo ngayon." ang mga sinabi ni Erick habang tumotogtog, at patuloy sa pagtulo ang mga luha nito.
Huling mga nota na ang dapat togtogin ni Erick.
"Ariane alam ko babalik ka saamin." sinabi niya habang ito ay umiiyak.
Natapos na ang kanyang tinogtog, nakakabingi ang katahimikan ng kanyang paligid, subalit hinkdi paren siya dumilat. Patuloy parin siya sa pagpikit.
Hanggang nakita niya ang Orions belt nakita niya ang mga iyon mula sa kanyang pagpikit. At Narinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Kuya, Kuya, Kuya." isang boses na ilang buwan na rin niyang hindi naririnig.
Idinilat ni Erick ang kanyang mga mata.
Nakita niya ang Mukha ng Babaeng matagala na niyang hindi nakikita, Mukha ng isnag anghel na hindi niya gustong malungkot muka ni Ariane na gusto niyang makita habang buhay.
Animoy ang mukhang ito ay naghihintay upang siya ay Magising. Gaya ng mukha na nakita niya matagal ng panahon.
"A-Ariane?" nasabi ni Erick.