Sa paggising ni Erick sa umaga, napansin niyang hindi niya magawang maitayo ang kanyang paa.
"A-ano ba to?" sabi ni Erick sakanyang sarile habang hinahawakan ang kanyang noo.
"Ah, mainit ang katawan ko pero nilalamig ako." patuloy pa niya.
"Ah ahaha, Siguro kilangan ko ulit bumalik sa higaan, kulang lang siguro ito a tulog." sabi ni Erick habang muli siyang humiga.
Sa kanyang paghiga ay naalala niya ang nangyari kahapon.
Kahapon:
Nagsimulang tumogtog si Richard.
Sa kalagitnaan ng pagtogtog ni Richard ay...
"Ito ang totoong version nang painted ni Yiruma." sabi ni Richard.
"Tama malaki ang pagkakaiba nito sa TInogtog ni Ariane." sabi naman ni Erick sa kanyang sarile.
Dahan-dahang tinignan ni Erick si Airene at napakaseryosong nakikinig ito sa tinotogtog ni Richard.
Hangang natapos ang togtog ni Richard
"Magaling Kuya." sabi ni Airene sa performance ni Richard.
"Oi Richard, wag mo ako patotogtogin kasi hindi ko alam yan." sabi ni ERick kay Richard.
"Huwag kang mag-alala tol." sabi ni Richard.
"Gusto ko lang iparinig sayo ang napakalaking pagkakaiba ng Vesion ni Yiruma at ni Ariane sa musikang Painted." ang dagdag pa ni Richard.
"Sa pamamagitan ng pagbabago ng Tempo sa Bass Note ng Painted at ilang sa mga nota ay inulit niyang pindotin bawat beat, Mababago ang mensahe ng Musika." sabi ni Richard habang nakataas ang hintuturo niya sa Itaas.
"Huwag mo kaming licturan talagang wala akong Talent sa music." sabi ni Erick kay Richard.
"Subalit ang hindi ko lang maipapadama ay ang totoong imosyon na ipinadama saatin ni Ariane." sabi ni Richard.
"teka nakikinig kaba?" sabi ni Erick.
"Ang paraan lang ay damhin ko ulit ang ipinadama saatin ni Ariane habanng tinotogtog niya ang version niya nito." ang muling sinabi ni Richard.
"Wala ka talagang naririnig no." muling sabi din ni Erick kay Richard.
Subalit Para nga talagang hindi na narinig ni Richard ang mga sinabi ni Erick. At nagsimula na siyang tumogtog.
Sa simula palang ay naramdaman na ni Erick ang pagkakaiba nang naunang tinogtog ni Richard sa tinotogtog niya ngayon.
"Ito na nga ang musikang narinikg ko mula kay Ariane. Iba ito sa Orihinal dahil ramdam mo ang kaligayahan sa kanyang musika o version." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
Wala pa sa kalagitnaan ang pagtogtog ni Richard ay may narinig ng isang munting singhot sa kanyang tabi.
Lumingon siy rito at nakita niya ang umiiyak na si Airene.
Labis ang pagtataka ni Erick.
"Hindi lanag pala si Ariane ang umiyak sa musikang iyan. Pati narin si Airene." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"pero bakit ganoon na lamang ang kalungkutan nila sa ganyang kasayang togtog?" patuloy pa ni Erick sa kanyang sarile.
Hinugot ni Erick ang panyo niya sa Bulsa at pinunasan ang mga luha sa mukha ni Airene.
Lumingon si Airene kay Erick at Bigla itong yumakap sakanya at humagolgol.
Walang nagawa si Erick kundi yakapin din ito habang patuloy pa rin sa pag-iyak si Airene.
Natapos na ang pagtogtog ni Richard.
Umayos na rin nang tayo ang dalawa.
"s-salamat kuya." sabi ni Airene kay Erick na namumula pa ito dahil siguro sa pag-iyak o dahil sa hiya.
"Saglit lang mga kuya huh. Bibili muna ako ng maiinum natin." alok ni Airene habang biglang lumabas ito sa Music Shop.
Hahabulin sana ito ni Erick, subalit.
"Tol,Hindi mo ba talaga naramdaman?" tanong ni Richard habang isinara ang Piano.
"Ang aling?" tanong din ni Erick.
"Ang kalungkotan sa masayang musika ni Ariane." sagot naman ni Richard.
"Kasasabi mo lang na masaya ang kanyang togtogo bersion ah." sabi ni Erick.
"Nasabi ko yon dahil talagang masaya naman ang maririnig sa togtog na iyon. SUbalit, iba ang nararamdaman ng tumotogtog nito." paliwanag pa ni Richard.
"Hindi kita maintindihan." sabi ni Erick.
"Sa ibang nakakarinig nita katulad ko at nang kanyang ate na si Airene, isang kalungkutan ang nadarama. Mayroong espesyal na tao siyang ayaw ipadama ang kalungkutan niya habang tumotogtog.
Tinatawag iyong Point to Audience." lalo pang paliwanag ni Richard.
"May dinaramdam si Ariane. Subalit ayaw niya iyong ipaalam sayo." sabi ni Richard habang ngayon ay nakaitig sa piano.
"Lalo akong nagulohan sa sinabi mo." sinabi ni Erick ky Richard habang naging seryoso ang mukha ngayon ni Erick.
Tumahimik ang dalawa sa pag-uusap hanggang sa dumatin si Airene na dala ang pagkain.
"Oh ito, kain muna tayo." alok ni Airene.
Sa kasalukuyan.
Pinilit na ibangon nio Erick ang kanyang katawan subalit hindi niya talaga kayang bumangon.
"Ano ba yan, Late na late na ako sa trabaho ko." sabi ni Erick habang patuloy paren siyang nakahiga.
Inabot ni Erick ang kanyang Cellphone at Tumawag sa Kanyang manager.
"Ohm, hindi na talaga ako makakapasok ngayong araw nato." sabi ni Erick sa kanyang sarile matapos kausapin ang kanyang manager.
Kahapon:
Inihatid nanamn ni Erick si Airene sa pag-uwi.
"Ahm, Airene, Bakit nga pala labis ang pag-iyak mo kanina?" tanong ni Erick kay Airene.
"A-ahm, W-wala yung k-kuya masyado lang siguro akong madrama sa musika." ang sagot naman ni Airene.
"Hindi ako naniniwala." sabi Erick kay Airene habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ni Airene.
"Sa isang masayang musika, mapapahagolgol ka nang ganon?" dagdag pa ni Erick na ngayon ay inalis na niya ang pagkakapatong ng kanyang kamay sa ulo ni Airene.
Nakarating na nga sina Erick sa bahay nina Airene at Ariane at nagpaalam na isa't-isa ang dalawa.
Kasalukuyan:
Alas Singko na nang hapon, hindi na nagawang kumain ng almusal si Erick at hindi na rin siya nanaghalian dahil sa wala na siyang lakas para bumangon at makapagluto.
Hinihingal na nang malalim si Erick at labis ang taas nang kanyang timpiratora.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ehehe Alam kong trangkaso lang ito, subalit bakit parang papatayin ako ng trangkasong to?" sabi ni Erick habang patuloy paren ito sa paghingal ng malalalim.
Narinig ni Erick ang malalakas na katok sa pintuan, subalit hindi niya ito magawang buksan dahil hindi nga niya magawang makatayo.
"TOl! TOL !." pagtawag ng isang pamilyar na boses.
"huh si Richard. Sa tono ng kanyang boses sigurado akong sisirain niya ang pintuan para makapasok." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
Ipinikit ni Erick ang kanyang mga mata at muli niya itong iminulat, nakita niya si Richard. Kasama si Airene na halatang nag-aalala na nasa likkod ni Richard.
"Huwag kang mag-alala tol, hindi ko winasak ang pintuan." sabi ni Richard kay Erick na halos hindi na talaga makapagsalita.
"Baliw,..baliw ka, nagawa mo pang magbiro ngayon." sabi ni Erick sana kay Richard pero hindi na niya ito nagawang sabihin.
Hanggang sa ito ay nawalan ng malay.
Muli niyang iminulat ang kanyang mga mata at. nakita niya ang paligid ay kulay puti sa kanyang kanan nandon si Airene para siyang tumatakbo at hinahabol siya. Doon lang niya natanto na siya ay nakahigasa estretcher. At siya ngayon ay nasa ospital.
Pagdating niya sa isang kuwwarto ay nilagyan agad siya ng Oxygene mask. At muli siyang nakatulog.
"Nasaan ako?" ang tanon ni Erick sa kanyang sarile.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at ang paligid ay puno ng ibat-ibang kulay. sa di kalayuan ay may dalawang bata. Magkamuha sila.
Nilapitan ito ni Erick. Lumingon ang isa sa mga bata.
"Magiging masaya ka kuya." sabi ng batang unang lumingon.
"Oo, kuya magiging masaya gaya ng sinabi niya." ang sabi naman ng isang batang nakatingin sa isa pang batang nakaharap kay Erick.
TUmalikod ang batang nakatingin kay Erick at dahan-dahang naglakad papalayo.
Ang batang nakatingin dati sa isa pang bata ay lumingon na kay Erick.
"saan siya pupunta?" tanong ni Erick sa isang batang naiwan.
Pilit na sinundan ni Erick ang batang umaalis, subalit hindi man lang nakakalayo si Erick ay naramdaman nioyang hinawakan siya sa kamay ng batang naiwan na para bang pinipigil ito sa pagsunod sa batang papalayo.
"Kuya, Ipangako natin sakanya na magiging masaya ang lahat." sabi nangn batang naiwan na nakahawak sa kamay ni Erick.
Pumikit si Erick, Hindi niya alam ang kanyang nararramdaman, Isang matinding kalungkutan ang kanyang nadama.
"Ano tong nararamdaman ko? Masakit sa dibdib." tanging nasbi lamang ni Erick sa kanyang sarile.
dahan-dahang Muling iminulat ni Erick ang kanyang mga mata.
"Huh isang babae, naka uniform ito, ah kilala ko siya." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"Kuya Gising kana pala, Pwedde ko nabang alisin tong kamay ko s kamay mo?" sabi ng babaeng nasa tabi ni Erick.
"Ah si Ariane nga ang isang ito." sabi ni Erick habang dahan-dahan siyang ngumiti kay Ariane.
"Ayaw ko." ang sabi ni Erick.
"Huh, SIge ka kuya malalamog tong kamay ko. ang higpit kasi kanina ng hawak mo eh." sabi ni Ariane kay Erick habang nakahawak paren ito sa kamay ni Erick.
"Ang alam ko mas magiging masaya ako pag ganito." sabi ni Erick sa kanyang sarile.
"Kahit sandali lang huwag ka munang bumitaw." sabi ni Erick kay Ariane.
"Huh?" namula ang mukha ni Ariane sa pagkasabi niyang iyon.
"Ikaw ang bahala kuya. Ehehehe." nasabi nalamang ni Ariane.
Hindi alam ni Ariane at Erick na sa kabilang pintuan ay si Airene na nakasandal sa pader malapit sa pintuang iyon.