Chapter 9 (Till I See Him Again)
Nagising ng maaga si Ariane at Airene, Ito ang una nilang araw sa Grade 7.
"Ate gising na." sabi ni Ariane sa tulog pang si Airene.
nang buksan ni Ariane ang pintuan, Bumagsak si Ariane sa sahig ng walanag dahilan.
Nakita agad ito ni Airene at tinawag agad ang kanilang magulan.
"Mama!! Papa!! SI Ariane si Ariane." sigaw at pag-aalala ni Airene.
Dali-daling pinuntahan ng mga magulang nila ang bumagsak na si Ariane.
Naosipital ng ilang araw si Ariane.
"Ginoong Yohan." sabi ng doktor sa ama nina Ariane.
"hindi na ako magpapligoy-ligoy pa, ang inyong anak ay mayroong SSPE o ang Subacute Sclerosing Panencephalitis. Tinatamaan ito ang central nervous system. at nasa stage na ito." ang dagdag ng doktor.
Narinig iyon ni Airene at nang Mama nila.
"Malala ba ang sakit na iyon?" tanong ng kanilang ina.
"Karamihan ng tinatamaan nito ay tatlong taon lamang ang itatagal kapag nasa stage 2 na. PAsensya na po kayo kung binigla ko po kayo sa pagkakasabi po nito. Pero kailangan natin siyang idaan sa masusing pagsusuri at paratihang paggagamot." ang sagot ng Doktor.
"Malulunasan po ba ito?" sabi ng Ama nila Ariane.
Hindi sumagot ang doktor sa katanungan ng kanilang ama.
"Ginoong Yohan, Umasa po tayo sa Kapangyarihan ng Ating Diyos. Ang tanging magagawa lang natin ay ang pakalmahin ang kanyang nerve kung sakaling umataka muli ang impiksiyong ito." sagot ng Doktor.
Samantala sa kuwarto ni Ariane...
"Ate talaga nga bang tatlong taon nalang ang itatagal ko?" ang tanong ni Ariane kay Airene.
"Sira, Hindi naman sigurado ang sinabi ng Doktor." ang sagot naman ni Airene.
Ilang Araw ding nakaconfine sa ospital si Ariane at hinayaan na nilang lumabas sa ospital ang bata upang makapag-aral at ma enjoy ang buhay estudyante, SUbalit....
"mama gusto kong pumasok sa public school." hiling ni Ariane habang sila ay nasa hapagkainan kinagabihan.
Nagulat ang mag-anak sa narinig na kahilingan ni Ariane.
Ginawa naman nila ang kahilingan ni Ariane na Ilipat siya sa Public School. Ilang pagbabago din ang nakita sa kanya, naging mas masayahin siya at gumagawa ng ilang mga kalukuhan sa school. Subalit hindi nakakakitaan ng pagbabago sa kanyang mga grades, mas naging Mahusay lalo siya sa kanyang pag-aaral.
May mga ilang pangyayare ding bumabagsak nalang bigla si Ariane. at Naoospital ng ilang araw.
Subalit pagkatapos noon balik ulit siya sa dati niyang ginagawa gaya ng pag-absent, paggala, at ilang mmga kakaibang mga bagay.
Minsan naiisip ng mag-anak na ito ay epekto sa utak ng impeksion ni Ariane.
"Wala pong damage ang Motor,Emotion, at pag-uugalaing bahagi ng utak ng inyong anak, ito ay kusang pagkilos niya po." sabi ng doktor sa labis na nag-aalalang mga magulang ni Ariane.
"Alam ko Ariane gusto mo lang maging masaya hindi ba?" tanong ni Airene kay Ariane habang sila ay nasa Higaan.
"Ate, ang gusto ay maymapasaya ako. At ang gusto ko magkaroon ng magandang ala-ala saakin ang taong iyon." ang sabi naman ni Ariane.
Higit sa dalawang taon na ang lumipas. nasa Grade 9 na ang dalawa, naging normal na kay Ariane na maglabas pasok sa ospital. At gnon paren ang takbo ng kanyang buhay hanggang sa.
"Ate-Ate nakita ko na siya.!" ang sabi ni Ariane na nagmamadali galing sa kanyang paggagagala.
Mga dalawang araw ding masayang kinikuwento kay Airene ang mga nangyare habang kasama niya ang taong pilit niyang pinapasaya.
sa paggising ni Airene kinabukasan, pumunta siya upang maligo sana ahil naiinitan, nang makita niya sa harap pintuan ng Banyo ay si Ariane na naka dapa at walang malaw.
Agad nilang itinakbo si Ariane sa ospital at doon sinabi ng doktor.
"Kailangan na natin siyang subaybayan. Dahil nasa Final stage na ang kanyang Impiksyon." sabi ng Doktor.
"wala naba tayong magagawa?" ang tanong ng ama nina Ariane.
"Aasa nalang po talaga tayo sa Milagro Ginoong Yohan." sabi ng doktor habang ito ay nakayuko.
"Dok, bakit paba kammi nandito kung wala nang magagawa!" ang pasigaw na sabi ng ama nina Ariane habang hawak nito sa kwelyo ang doktor.
"Patawad po Ginoong Yohan." ang tangin nasabi lang ng Doktor.
"pasinsya na po kayo. masyado lang po akogn nadala sa kalungkotan." nasabi ng ama nina Ariane habang binitawan ang Kuwelyo ng Doktor.
Narinig ni Ariane ang pinag-uusapan nina Airene, papa, at mama nito kasama ang doktor. Agad na tumakbo ito at pumasok sa kanyang kuwarto sa ospital.
Mga ilan minuto din ang nakalipas, pumasok din si Airene sa kuwarto ni Ariane.
"Ariane?" ang tawag ni Airene habang tinitignan si Ariane na nakatalukbong ng kumot.
"Ate pag namatay ako, walang iiyak huh?" sabi ni Ariane.
"Imposible yun, Imposible yun Ariane." tangin nasabi ni Airene.
"O sige ate,. pag mga ilang araw na akong patay, wala nang iiyak huh." muling sabi ni Ariane habang tinanggal na niya ang pagkakatalukbong niya sa kanyang sarile ng kumot.
Hindi magawang pigilan ni Airene ang luha at bumuhos ang mga ito, pinilit na punasn ni Airene ang sarile nitong luha subalit tuloy-tuloy ito sa pagtuloy.
Bumangon SI Ariane at Niyakap ang kanyang ate.
"Tahan na ate, saglit lang naman to diba?" Habang sinasabi niya iyon ay hinhaplos haplos ang buhok ng kanyang ate.
"Ate nga pala, Mag-aral kang mabuti hah, talunin mo ako ngayong Semester, Oo nga pala sa mga darating na semester siguro ay malalampasan mo na ako, kasi Madami ka nang napag-aaralan kesa saakin." ang sabi ni Ariane habang nakayakap paren ito sa kanyang ate.
"Ariane, Ariane, Ariane." ang sabi na lamang ng kanyang ate habang patuloy pa ren ito sa kanyang pag-iyak.
At ng sila ay naupo sa higaan ni Ariane...
"Ariane gusto mo bang magpatuloy sa pagpapasaya sa taong iyon kahit nandito ka sa ospital?" tanong na alok ni Airene.
"Papaano ate." tanong ni Ariane.
"magpapanggap akong ikaw." sabi ni Airene.
"Teka kaya mo ba ate?" tanong ulit ni Ariane.
"Sigurado kabanng gagawing mo iyon?" kasunod pang tanong ni Ariane.
"OO, Oo naman." ako pa, magtiwala ka sa kambal mo." sagot ni Airene habang nakangiti na ito sa kanyang kapatid.
Ginawa nga nila ang kanilang plano.
Kinagabihan, Tumaawag si Ariane kay Airene upang kumuha ng balita kung ano ang nangyare.
"Ate, Kumusta?" tanong ni Ariane.
"Ahm ayon hinatid niya ako dito sa bahay." sagot ni Airene.
"Oooooi ehehe, Ang bait niya paren no ate. Nga pala hindi kaba niya nahalata na iba ka?" muling tanong ni Ariane.
"Ahhi-hindi naman, paniwalang paniwala nga siya na ikaw ako eh." sagot ni Airene.
"Talaga ate?! wow talagang 99percent nga tayong magkamukha, at magaling kanang umarte ehehehe." ang natatawang sabi ni Ariane habang ito ay nasa kabilang linya.
Subalit bakas sa mukha ni Airene ang lungkot habang sinasabi ang mga balitang iyon. Alam kasi ni Airene na si Ariane dapat ang nakakaranas ng mga nararamdaman niya para sa taong nakasama niya sa araw na iyon.