CHAPTER 2: Where Are You Going

Tumonog ang alarm ng cellphone ni Erick. Ngunit bago siya bumangon. Napa pikit siya muna nang sandali at tinignan ang bintana na malapit sa kanyang higaan.

"Magiging Maganda kayang muli ang araw ko ngayon." kanyang sinabi sa kanyang sarile habang inaayos ang kanyang higaan.

At habang siya ay nag totoothbrush ay napansin niya ang kannyang bagong gupit na buhok. At naalala niya ang mga nangyari kahapon.

"Saan kaba nag-aaral?" ng tanong ni Erick kay Ariane habang sila ay nakaupo sa at kumakain ng nabili nilang pagkain sa iasng turo-turo.

"Saan pa nga ba kuya, di sa Schol ahahaha." pabirong pagkasagut ni Ariane sa tanung ni Erick. Napangiwi na lamang si Erick sa narinig na sagut ni Ariane.

"Eh ehehe, Anong Grade kana?" karagdagang tanong ni Erick.

"Grade 9 na ako kuya." sagot naman ni Ariane.

"Bakit hindi ka pumasok ngayong araw? Hindi kaba nag-aalala sa mga grades mo?" muling tanong ni Erick habang nakatitig sa kumakaing si Ariane.

"Matataas naman ang aking mga grades ehehe. Kahit na tumambay ka sa aming school at ipagtanong ang grades ko matataas ito kahit nitong mga nakaraang araw ay lagi akong absent or late." karagdagang sagot ni Ariane.

Maraming napag-usapan ang dalawa tungkol sa mga ordinaryong bagay.

Sa kasalukuyan, patungong trabaho na si Erick dumaan muli siya sa tapat ng muntingparke, subalit hindi niya nakita doon si Ariane.

"Siguro ay pumasok na siya." sinabi niya sa kanyang sarile habang patuloy siya sa paglalakad. Nang makarating siya sa tapat ng isang Music shop, Agad niyang napansin ang isang pamilyar na tao sa harapan ng sop na iyon.

Nakita niya si Ariane na nakatitig sa loob ng music shop habang siya ay nasa labas na para bang gusto niyang pumasok doon.

"Ariane." ang tawag ni Erick habang nasa likod siya ni Ariane.

Dahan-dahang lumingon sa kanyang likuran si Ariane.

Nagulat nalamang bigla si Erick nang biglang hawakan ni Ariane ang Kamay ni Erick at..

"Kuya Gusto kong pumasok sa loob." nasabing bigla ni Ariane habang hawak niya ang kamay ni Erick.

"Ah ehee, ide pumasok ka. Problema ba yon?" sagot naman ni Erick.

"Nakita mo naman kuya nakasulat, Hindi sila magpapapasok ng Estudyante nng mga ganitong oras." ang sabi naman ni Ariane habang malungkot ang mukha.

"Wala tayong magagawa jan, RUles nila yan eh." sabi din ni Erick.

Napansin ni Erick na nalungkot si Ariane.

"Ah alam ko na, ang mabuti pa pumasok ka muna sa school niyo, at mamayang uwian niyo magkita tayo dito at sasamahan kitang pumamsok dito." alok ni Erick kay Ariane.

Tuwang tuwang tumango si Ariane.

"Sige kuya, mamaya magkita tayo, Promiske mo yan ah." nasabi ni Ariane habang papalayo na siya kay Erick.

Kumaway din si Erick bilang tanda nang pagpapaalam hindi niya ibinaba ang knyang kamay hanggang sa hindi na niya makit si Ariane na papalayo.

At nang hindi na niya makita si Ariane nagpatuloy si Erick sa pagpunta sa kanyang trabaho.

At si Ariane naman sa pagpunta sa kanyan school ay nakasalubong niya ang kanyang mama.

"Hi mama, Ang bati ni Ariane sa nakasalubong na ina habang patuloy parin siya sa pagtakbo.

"Oh anak, Mag-ingat kang mabuti." sabi nang kanyang ina. Nasabi ng ina niyang iyon kahit alam niyang hindi na ito marinig ni Ariane dahil sa malayo na siya habang sinasabi ang mag-ingat.

At nababakas sa mukha ng kanyanng ina ang lungkot.

At sa School naman ni Ariane, Hindi niya namalayan na Nasa first subject paren ang kanyang mga kaklase, at bigla siyang pumasok. Napansin agad ito ng kanyanng subject teacher at agad siyang pinatayo sa labas habang hawak niya ang timbang may lamang tubig.

Imbis na mahiya si Ariane ay masaya pa itong nagpa ikot-ikot habang hawak niya ang dalawang timbang may lamang tubig.

Lumabas ang kanyang subject teacher at pinokpok siya ng libro sa ulo. Natawa ang mga kaklase ni Ariane. At imbis na nahiya si Ariane ay nakuha din niyang tumawa na para bang masaya siya sa mga nangyayari.

Samantal sa Trabao ni Erick.

Seryosong tinatapos ni Erick angn kanyang mga trabaho sa araw na iyon.

"Tignan niyo si Erick oh ang bilis niya ngayong magtrabaho." sabi ng isa niyang katrabao sa isa pa niyang katrabaho.

"Dahil siguro sa bago niang gupit na buhok. Ehehe." biro naman ng isa pa niyang katrabao. Alam ni Erick na pinag-uusapan siya ng kanyang mga katrabaho, subalit hindi na niya ito pinansin, nagpatuloy paren siya sa kanyang ginagawa na para bang walang naririnig.

Alas dos na nang hapon nang matapos na ni Erick ang lahat nang trabaho niya sa araw na iyon. "Magaling Mr. Rion, nagawa mong tapusin agad ang trabaho mo. Bilib talaga ako sayo." sabi ng kanyang manager habang chenicheck ang kanyang paper works.

"Erick maaari ka nang umuwi at magpahinga. Bilang ganti sa maganda mong trabaho. Huwag kang mag-alala dahil katumbas ng isang araw din ang sahod mo ngayong araw na ito." dagdag pa ng kanyang manager.

"Salamat po Sir." ang tanging nasabi lamang ni Erick sa kanyang manager.

Ngunit imbis na umuwi si Erick ay Natulog na lamang siya sa ibabaw ng kanyang Desk.

Nakatayo si Erick sa isang malawak na kadiliman. Nang may makita siyang isang batang babae, pamilyar sakanya anng batang babaeng iyon. Nilapitan niya ito.

Dahan-dahang lumingon sa kanya ang batang babae at.

"Magiging masaya kaba sa hinaharap? Huwag kang mag-aalala alam ko magiging masaya ka." sabi ng batang babae.

May narinig nanamn siyang isang pamilyar na boses galing sa kanyang likoran.

"Hindi ko alam ang dahilan nang iyong kalungkutan, at alam ko na hindi mo na ang ang dahilan nito sayo kung bakit." sabi ng misteryosong boses babae sa kanya.

Sa sandaling narinig niya ang boses na iyon ay napansin niyang wala na siyang kasama.

"Saan kayo pumunta?" tanging nasabi lang niya habang siya ay malapit nang gumising.

At nang siya ay nagising, napansin niyang wala na siyang kasama sa loob ng kanilang pinagtatrabahuhan. Nakita na almang niya ang kanilang manager na nakaupo sa upuan nito.

"Gising kana pala Mr. Rion, Mabuti nalamang at hindi pa ako umuwi habang ikaw ay tulog, kundi makukulong ka dito. ahaha." ang pabirong sabi nang kanyang manager.

"salamat po." tanging nasabi ni Erick sa kanyang manager habang tinitignan niyang mabuti ang kanyang cellphone upang tignan ang oras.

Ang oras alas sais na nang gabi.

"Alis na po ako sir." sabi ni Erick habang dali-daling lumabas sa kanyang trabaho. Pumunta siya sa music shop kung saan ang dapat ay tagpuan nina Ariane, Subalit sarado na ang Musci shop.

"Ay Oo nga pala, Sa tuwing alas sais nagsasara ang shop na ito." sa pagkasabing iyon ni Erick ay nabakas sa mukha niya ang pagiging seryoso nanamn.

dahan-dahan siyang lumingon sa kanyang likuran.

Subalit balak na sana niyang umiwi ay nakita niya ang isang pamilyar na Batang Babaeng naka upo sa ilalim ng malaking puno sa kabilang kalsada na katapaat lamang ng music shop.

Napangiti nalamang si Erick dahil sigurado siya na iyon ay si Arian.

Lumapit siya kay Ariane, at dahan-dahang ding nagising si Ariane at nakita niya si Erick na papalapit sakanya. Dahan-dahang ngumiti si Ariane sa papalapit na si Erick.
White Ink Creator