TEASER

Prinsesa ng pamilyang Antonov.
Lumaki sa karangyaan.
Mala-fairytale na paligid.
Napapalibutan ng ngiti at saya.
Malambing at kinagigiliwan ng lahat.
Ang buhay na kinagisnan ni Sasha Qynth.

Sa isang kisap-mata ang lahat ay maglalaho na parang bula.
Masasaksihan ang unti-unting pagpasok ng kadiliman.
Pangyayaring dudurog sa musmos niyang kaisipan.
Karanasang pipigil sa pagtibok ng inosenteng puso
mula sa taong akala niya'y kanyang tunay na masasandalan.

Magigising sa lugar na kailanman ay
'di sumagi sa kanyang imahinasyon.
Balot ng usok at nakakasulasok na amoy.
Nagkalat ang mga nilalang na animo'y umahon
mula sa ilalim ng hukay.
Nanilaw ang mga aura dulot ng mga gintong
tanikalang nakapalibot sa kanilang kabuuan.
Mga presensiyang halos ayaw niyang lapatan
ng paningin dahil kapalit nito'y latigong
pikit matang sinasalo ng kanyang buto't balat na katawan.
Ang walang kasing pait na sinapit ni Sasha sa kamay ng mga Mafia.

Sa pag-asang kamatayan na lamang ang magpapalaya sa kanya,
tuluyan niyang isinuko ang lahat at niyakap
ang kapalarang mailibing na lang ng buhay.

Ngunit tila mala-Frankenstein ang kanyang pagbabalik.
Hindi sa pag-asang magsimulang muli kundi sa panibagong
bangungot kung saan kinakailangan niyang pumatay upang mabuhay.
Ikinadena ang sarili sa walang kasing kinang na talim ng espada.
Simbolo ng kakayahan at kapangyarihang kumitil.
Animo'y musika ng kamatayan ang bawat likhang tunog.
Uhaw na uhaw sa mainit na yakap ng sariwang likido.

Panghahawakan ang masalimuot na nakaraan upang
maging lakas at balikan ang lahat na nagnakaw ng kanyang buhay.

Isa-isa, walang pinalampas.
Bawat daing at pagmamakaawa ay naging kasiyahan
na sa kanyang pandinig.

May pag-asa pa bang naghihintay na manumbalik
ang dating prinsesa?
Makakaya kayang paghilumin ng pag-ibig na ligaw
ang pusong binalot na ng poot at paghihiganti?

Sasha Qynth Antonov as Sasha Queen "Mafia Assassin"
chen Creator