Episode 6

"Papa!" sigaw na kumuha ng atensyon nila.

Dala ng matinding kuryusidad, walang nagawa si Donya Antonia
nang maglakad pabalik kina Lucas si Sasha.

"Alexeev," sambit naman ni Cassandra nang tuluyang makalapit ang lalaki sa kanila.

Palipat-lipat ang tingin ni Sasha sa mga nasa paligid.
Sa matandang Dimitri na abot hanggang tainga ang ngiti,
habang ang kanyang lolo naman ay namumula sa galit.

Pansin din ni Sasha ang pagkuyom ng mga kamao ng kanyang ama.
Ramdam niya ang mahigpit na pagkapit ng kanyang lola sa kanyang mga braso na nagpahinto sa kanya.

"Papa! Ano na naman ito?" usisa ng bagong dating.

"Wala ito, Aleexev. Nagkakatuwaan lamang kami na balikan ang nakaraan.
What friends are for? 'Di ba, Cassandra?" makahulugang saad nito sabay baling ng pansin sa huli.

"Mukhang nakainom na ang iyong Papa bago pa nakarating dito," saad ni Cassandra.

"Sige, ako ng bahala," tugon ni Aleexev saka humarap kay Don Theodore.
"Ako na ang humihingi ng paumanhin sa inasal ni Papa."

"Aleexev!" sigaw ni Dimitri sa anak na ikinalingon nito.

"Papa, please . . ." pakiusap ni Aleexev sa ama.
Buong pagsusumamo niyang nilingon sina Lucas.
Batid niya ang tensyong nabuo dahil sa ginawa ng kanyang ama.

Tinapik ni Lucas ang braso ni Aleexev saka nagwika, "He need rest."

Nang maglaho sa kanilang paningin sina Dimitri kaagad silang nilapitan ng mga security guard.
Inaya si Don Theodere na makaupo habang haplos-haplos ni Cassandra ang likuran ni Lucas.

"Magpalamig muna kayo," alok ng mayordoma ng mga Balandin na si Aling Tasya.
Isa-isa nitong inabutan ng inumin ang mag-anak.

Sa tindi ng kaba naubos kaagad ng dalawang matanda ang inumin.

"Later," sambit naman ni Cassandra nang abutan siya ni Aling Tasya.
Napapahiyang ibinalik nito ang juice sa tray.

"Ako po, nauuhaw ako," singit ni Sasha habang kinukuha ang inumin
mula sa kamay ni Aling Tasya.
Lumipat siya ng upuan habang inaamoy ang hawak na inumin.

"Rule number one, talasan ang pakiramdam," makahulugang saad ng estranghero sa kanyang harapan.

Kinikilabutang ibinaba ni Sasha ang hawak na inumin at manghang napatitig dito.

"Si-sino ka?" tanong ni Sasha.
Pinagmasdan ng dalaga ang lalaki mula ulo hanggang paa.
Naka cap at shades ito kaya 'di niya masyadong maaninag ang kabuuan ng mukha.
Matikas at mas kaaya-ayang itong tingnan kaysa sa naunang bisita na si Dimitri.
Hindi rin nalalayo ang edad nito sa kanya base sa boses nito.
Napalingon siya sa mga magulang na masinsinang nag-uusap
kaya minabuti na lang niyang 'di kunin ang atensyon ng mga ito.

"Hindi ko akalaing napakahina pala ng prinsesa ng mga Antonov.
Nakamamatay ang pagiging inosente!"
Naiiling na lumayo ito kay Sasha bitbit ang inumin ng dalaga.
chen Creator