Episode 2

HINDI lingid sa kaalaman ng lahat ang yamang taglay nina Cassandra Balandin.
Makalipas ang ilang taon ay nagawa nilang makapagpatayo ng mansyon sa isang isla.
At bilang kaisa-isang anak nina Don Theodore at Donya Antonia naipamana na
rito ang halos lahat ng ari-arian ng mga Balandin.

Sa lawak ng nasasakupan nila, hindi nakapagtataka ang dami ng mga
security guard sa kanilang paligid.
Nagkalat din ang mga tracking device at cctv sa bawat sulok.

Maging ang puso ng dalaga ay nakagapos din sa alanganing sitwasyon.
Nahihirapan siyang magtiwala at umibig dahil hindi niya alam kung
ano ang tunay na intensyon ng mga ito sa kanya. Isang pagkakamali
lamang ay siguradong buhay niya at ng kanyang pamilya ang magiging kapalit.

Isa sa kanyang manliligaw ang kababatang si Alexeev Tuskavo
pero kapatid lang ang turing niya rito.
Ang totoo'y nabihag ng pinsan nito ang kanyang puso,
si Lucas Antonov na nagkataong malaki rin ang pagkagusto sa kanya.
Sobrang pasasalamat ng dalaga dahil buong pusong tinanggap
ni Alexeev ang kaniyang kabiguan, lalo na ng pinili pa rin nitong
manatili sa tabi niya bilang kaibigan.

Hindi pabor ang kanyang mga magulang nang pakasalan niya si Lucas Antonov
at manirahan sa poder ng huli.
Dahil sa kaugnayan ng angkan nito sa isang organisasyong
'di tanggap ng ilan, ang L.A. Mafia.

Kabilang ang angkan nina Cassandra sa organisasyong mapagkawanggawa, ang 'Familia',
habang underground naman ang kina Lucas.
Hindi man direkta ang partisipasyon ng pamilya ng huli
ay nakadikit na sa pangalan nila ang gawain ng organisasyon
na kinatatakutan ng ilan.
Grupong marahas at walang kinikilala sa ngalan ng salapi.
chen Creator