Episode 7

Clap! Clap! Clap!

Palakpak ng bisitang palapit kina Don Theodore na kumuha ng atensyon ng lahat.
Kasunod nito ang tatlong lalaki na pawang naka-itim at may bitbit na attache case.
Pumuwesto naman sa bawat sulok ang ilan pa nitong kasamahan.
Malikot ang mga mata na tila pinag-aaralan ang kabuuan ng bahay.

Hindi naman kakikitaan ng kaba ang pamilya Balandin.
Bakas ang pagkamangha sa mata ng mga ito.

"Kahit kailan ka talaga, Theodore . . ." bungad nito nang tuluyang makalapit sa Don.
"Pinapahanga mo ako sa iyong disiplina. Kung ako ang nasa posisyon mo kanina,
siguradong nasa tahimik na lugar na siya."

"Aki . . . Aki . . . Aki . . ." paulit-ulit na sambit ng Don habang napapailing.
"At ikaw rin, hindi ka nahuhuli sa eksena."

Mabilis na yakap at tapik sa balikat ang itinugon ng bisita.
Nabaling ang atensyon nito kay Sasha na ikinasunod ng tingin ng Don.

"May problema ba?" kunot-noong tanong ni Lucas.
Hindi nito nagawang kontrolin ang sarili na sitahin ang bisita lalo na
at napakalalim ng titig nito kay Sasha.

"Ahmm, Lucas, siya si Ginoong Akihiro Takata," pakilala ni Cassandra.
"Matalik na kaibigan ni Papa."

"Kilala ko siya," maagap na tugon ni Lucas habang nananatiling nakatitig kay Akihiro.
"Ang founder ng grupong Samurai."

Napalingon ang mag-asawang Balandin kay Lucas, maging ang mag-inang Cassandra at Sasha.
Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga ito.

Napangiti naman si Akihiro nang marinig ang sinabi ni Lucas.

"Hindi ko alam na matalino ang iyong manugang, Theodore.
Ikaw pa lang ang ikalawang nakakaalam ng bagay na iyan."

Sunod-sunod na napalunok si Lucas nang salubungin ang mga titig ni Akihiro.
Malalim na tila binabasa ang nasa utak niya. Bahagya itong lumapit kay Lucas saka bumulong,
"Paano mo sila ipagtatanggol kung sa sarili mong kadugo, tupi ka?"

"Akihiro," agaw pansin ni Don Theodore ngunit 'di nagpatinag si Akihiro.

"Blood is thicker than water. Tama si Dimitri, iisa ang dugo n'yo.
Parehas lamang kayong duwag. Siya na tinaguriang miyembro ng Mafia
pero nanggagamit ng ibang tao para manakot.
At ikaw . . . maamong tupa na kahit sumipa ay 'di kayang gawin."

"AKIHIRO!" maawtoridad na sita muli ng Don.

Dumistansya si Akihiro kay Lucas nang marinig ang sigaw ng kaibigan.
Nilapitan naman nito si Sasha na namumutla sa takot.

"Finally, nakita ko na rin ang prinsesa ng mga Balandin at Antonov,"
saad ni Akihiro habang nakalahad ang palad kay Sasha.

Nanlalamig na ginanap ni Sasha ang kamay ni Akihiro.
Manghang nakatitig lamang ang dalaga sa mukha nito.
Napapitlag pa siya nang iangat ng huli ang kanyang baba.

"Masyado kang maputla. Kailangan mo ng dugo..." makahulugang saad nito kay Sasha.

"ENOUGH!" sigaw ni Lucas sabay hila kay Sasha palayo kay Akihiro.

"Tama na iyan mga Ginoo. Hindi lamang kayo nagkakaintindihan,"
awat ni Donya Antonia sa mga ito. Binalingan niya ang asawa saka marahang tinapik.
"Ang mabuti pa'y doon n'yo ipagpapatuloy ang usapan sa iyong silid,"
suhestyon nito kay Theodore na tinanguan ng huli.

"Tama, Antonia. Masarap pa naman itong dala ko para sa inyo,"
sang-ayon ni Akihiro habang iminumwestra ang bitbit ng tao niya.

"Let's go," yaya ng Don. "Ikaw rin, Lucas.

Napatitig nang matalim si Lucas kay Akihiro.

"Go ahead," bulong ni Cassandra kay Lucas. "Hindi siya gaya ng iniisip mo."

Napatitig si Lucas kay Cassandra. Malalim na buntonghininga ang
pinakawalan bago tumango sa asawa.
Ginawaran niya ng halik sa noo ang kanyang mag-ina bago sumunod sa dalawang matanda.

Nasa pasilyo na sila nang biglang huminto si Akihiro.
Walang paalam na tinahak nito ang kanang bahagi.
Marahan na tila ayaw makagawa ng ingay. Napasunod sina Don Theodore at Lucas kay Akihiro.
Maingat din silang lumapit. Nahinto sila sa isang silid at matamang nakinig sa usapan sa loob.
Manghang napatitig muli si Lucas kay Akihiro sa talas ng pandinig at pakiramdam nito.

"Hindi kayo nag-iisip!" sigaw mula sa loob na nagpakunot ng noo nina Lucas.

"Ikaw na mismo ang naglibing sa sarili mo sa hukay, Papa!"

"Aleexev!"

"Sorry, Papa. Sa pagkakataong ito , 'di ko maipapangako na hingiin muli ang buhay mo kay Primo."

"Ha!Ha!Ha! Gaano ba kahalaga ang pangalan niya para kahit mabanggit ay hindi maaring gawin?"

"Papa! Dito ka na tumanda sa grupong ito.
Hanggang ngayon pa ba naman binabali mo ang patakaran ni Primo!"

"Aleexev . . . Aleexev . . . ikaw? Hanggang ngayon din ba ay anino ka na lamang niya?"

"A-Ano ang ibig mong sabihin, Papa? Ang traydurin si Primo?"

"Hindi mo ba kaya?"

"Nababaliw ka na, Papa. Mabuti pa'y umuwi ka na. Hindi ka na dapat nagpunta pa rito."

"Tuta! Iyan ang dapat na tawag sa 'yo!"

"Sige na, Papa!"

Maingat na dumistansya si Akihiro mula sa kinalalapatang dingding.
Gayundin sina Theodore at Lucas. Nakalayo sila sa silid ng walang ingay.
Bakas ang mga katanungan sa mukha ng bawat isa.
Pero kalauna'y ipinagkibit balikat na lamang nila ang narinig nang magsimulang
mag-abot ng alak si Akihiro sa mga kasama.
chen Creator