TEASER

Sa lugar kung saan limitado ang aming galaw.
Nabubuhay kaming puno ng takot at pangamba.
Ngunit tiniis namin ang lahat dahil ito ang kaparusahan ng aking kapangahasan.
Alam kong mali ang aking naging hakbang. Kasalanang naghatid sa aking pamilya sa kapahamakan.
Masakit.
Sobrang sakit na masaksihan ang bawat daing nila sa tuwing sasapit ang takip silim.
Oras na kinakailangan naming igapos ang aming mga sarili gamit ang mahiwagang kadena.
Dahil 'di namin kontrolado ang direksyong tutunguhin kung ang tunay na anyo ang siyang mananaig. Mga engkanto kaming ipinatapon sa mundo ng tao. Hindi kami masama, pero maghahatid ng takot sa mortal ang aming presensiya. At ako . . . ako ang dahilan ng lahat. Umibig ako sa isang mortal, kay Rosa.
chen Creator