~~"Bakit ka andito? Naliligaw ka yata."~~

.

Di ko alam. Bakit lagi na lang ganito. Paulit-ulit na lang. Wala na akong ginawang tama. Wala na akong ginawang maayos. Di ako kailanman naging magaling. Kahit anong gawin ko, lagi na lang aking palpak. Nafrufrustrate ako sa sarili ko. Kasalanan ko lahat ito.

.

~~"Nakakaawa ka naman. Pero di mo pa oras"~~

.

.

.

~"Please. Iligtas niyo po siya. Nagmamakaawa ako."~

.

.

.

~~"Huwag kang mag-alala. Magkikita tayong muli."~~

.

.

Wala namang malulungkot pag mawala ako. Ayoko na. Ayoko na ulit madama ang sakit at kirot na dala ng buhay kong ito. Sawang-sawa na ako.

.

.

.

~"Ginagawa na po namin ang lahat."~

~"Please! Iligtas niyo po ang mahal ko."~

.

.

.

Gusto ko nang matapos ang lahat.

.

Yan ang mga iniisip ko habang kumukuha ng ballpen at gusot na papel sa aking notepad. Naguguluhan na ako. Patuloy na tumutulo ang luha sa aking mata. Pinipilit ko ito pigilan. Ngunit patuloy pa rin itong pumapatak na nagdulot ng pagkabasa sa aking papel na susulatan ko ng akingĀ  pamamaalam. Sinubukan kong punasan ang basang bahagi ng aking manggas ng damit pero lalo lang itong kumalat. Kahit ganun pa man, isinulat ko pa rin ang aking sulat para sa aking minamahal. Ang aking sulat ng panghihingi ng tawad.

.

.

.

Sa aking minamahal,

Una muna, kamusta kayo. Sa tingin ko nababasa niyo ang sulat kong ito. Gusto ko lang manghingi ng kapatawaran sa lahat ng kasalanan na aking nagawa. Nanghihingi ako ng tawad sa aking pagsisinungaling at nasabing di maganda sa inyo. Nanghihingi ako ng tawad sa mga bagay na nagdulot ng mga kaguluhan. Nanghihingi ako ng tawad sa mga oras na aking sinayang dahil sa aking mga kalokohan.

Nanghihingi ako mg tawad sa mga panahon na naging tamad ako at pinaghintay ko kayo ng mahabang panahon. Nanghihingi ako ng tawad sa mga panahon na naging wala akong kahulugan at kwenta. Marami pa akong nais ihingi ng tawad pero sigurado mapupuno lang itong lahat. Sana mapatawad niyo ako kahit sa mga kasalanan na hindi ko nasabi. Patawad.

Tandaan niyo, mahal na mahal ko kayo kahit di ko masyado naipadama at naipakita ang aking pagmamahal. Ito na ang huli. Yun lang at paalam na.

Nagmamahal,

XxxxxxX

.

.

.

.

Pagtapos kong isulat ang sulat kong ito sa isang gusot na papel sa aking notepad, agad kong binitbit ang itim na likido. Mukha siyang alak sa unang tingin ngunit sa isang lagok, tiyak na ihahatid niya ito sa aking kapayapaan.

.

Naglakad ako papunta sa isang madilim na eskinita upang walang makakita sa aking gagawin. Binuksan ko ang bote ng itim na likido. Naamoy ko ang napakatapang na amoy. Nakaramdam ako ng pagdadalawang isip.

.

.

.

Tatapusin ko na ba? O hindi?

.

Habang ako ay nag-iisip, tila may mga yabag na papalapit sa akin. Paparating na siya. Paparating na ang paulit-ulit na nangungulit sa akin pag ako ay nakakadama ng labis na kalungkutan. Hariyan na siya.

.

.

.

Naglakad agad ako ng mabilis sa isang mahabang eskinita. Natatakot ako sa maaring mangyayari kaya binilisan ko pa ang aking lakad hanggang sa maging lakad-takbo na ito. Pero kahit ganun, patuloy ko pa ring naririnig ang mga yabag. Ang mga yabag ng lalaking nakaitim na humahabol sa akin.

Jourleal Creator