Nasa gitna na ako ng pila. Kung may mga magagandang bagay sana na nakasulat sa aking notepad edi sana di ko na pinapakinggan ang istorya ng lalakeng ito. Parang mukhang nagbibiro lang eh. Parang di kapani-paniwala. Pero kahit ganun, medyo curious ako sa kung anong meron sa espesyal na kwarto para sa mga kriminal.
"Grabe nakakatakot! Papapasukin ka sa isang madilim na kwarto...", kwento ng lalakeng kalbo na mukhang gusgusin.
Dahil di ko naman siya kilala at ayoko siyang kilalanin, tawagin na lang natin siyang Boy Sabat dahil bigla bigla na lang siyang sumasabat sa mga nag-uusap.
"Tapos?", sagot ko na lang.
"Tapos may dalawang tao dun. Nakatakip ang kanilang mga mukha...", kwento ni Boy Sabat na tila tinatakpan ang kanyang mukha.
"Kasunod?"
"...Pipilitin ka ng isa na paupuin sa isang itim na silya na may maraming pako. Napakasakit grabe! Kahit patay ka na mararamdaman mo pa rin yung sakit eh...", dagdag niya habang hinahawakan ang kanyang puwitan. Inaarte niya yata yung kwento niya.
"Tapos?"
"...Tapos yung isa, may bitbit na umaapoy na sulo. Tapos bubuhusan ka nila ng mabahong likido. Napakasangsang...", Kwento niya habang tinatakpan ang kanyang ilong.
"Ah."
"...Tapos susunugin ka nila. Di mo maiisip kung bakit ka nandun at anong ginawa mo. Tapos...", seryosong kwento niya habang niyayakap ang sarili.
Teka anong gagawin ng babae na iyon? Bakit parang bumebwelo siya habang hawak ang lata?
"Pre, teka! Ilag!", sigaw ko.
"Bakit! Eyarghh!", sigaw ni Boy Sabat habang hinahawakan ang kanyang ulo.
Hinampas siya sa ulo ng katabi niyang babae ng isang pirasong lata. Kahit patay ka na, parang mararamdaman mo yung sakit ng paghampas sa ulo niya eh. Ang lutong eh!
"Ano ba yang kwinikwento mo? Puro kalokohan.", pagalit na tanong ng babae kay Boy Sabat.
"Nagjojoke lang naman ako mukha kasi silang seryoso eh hahahaha.", patawang sagot ni Boy Sabat.
Sabi ko na nga ba. Walang kwenta talaga kwinikwento nito. Kaya tama kutob ko na di ito mukhang kapani-paniwala.
"Hay nako. Wag ka maniwala diyan bata. Ang nangyari dun napakasimple lang. Papapasukin ka lang sa kwarto tapos irereevaluate yung mga krimen mo. Tapos nun, papalabasin ka din agad. Ganun lang kasimple.", sagot ng babae na may hawak na supot ng mga de-lata.
Di ko gusto magtanong ng pangalan sa lugar na ito kaya tatawagin ko na lang siyang Ate Lata.
"Ibig sabihin, pinapunta kayo dun?", tanong ko.
"Oo naman. Nagnakaw kasi ako para may mapakain yung mga kapatid ko. Ayun nahuli ako ng guard tapos binaril ako hehe.", patawang sagot ni Ate Lata.
"Parang ganun ganun lang pagkamatay mo ah", sagot ko.
"Oo ganun ganun nga lang hahaha. Kaya pagdating ko dito may dala akong mga de lata eh hahahahaha. Pero sayang! di ko naibigay sa kanila yung mga de lata.", patawa niyang sagot habang pinapakita sa amin ang laman ng supot ng mga de-lata.
Mukhang masarap ang mga de-lata. May sardinas, may meatloaf, luncheon meat at marami pang iba.
"Anong gagawin mo dyan sa mga de lata? Di mo ba kakainin yan?", tanong ko.
"Hindi. Hihintayin ko yung mga kapatid ko dito para sabay namin kainin ito sa huling pagkakataon. Para naman talaga sa kanila ito eh.", malungkot na sagot niya.
Nakita ko na may tumutulong luha sa kanyang mga mata. Di ko maisip na may mga taong labis labis pa pala ang pagmamahal. Maghihintay pa rin hanggang dulo.
Bigla tuloy akong nagsisi. Paano kung meron pa talagang may pakialam at nagmamahal sa akin? Paano kung meron pa palang naghihintay sa aking pag-uwi? Sa aking pagyakap? Sa aking buhay?
"Oy huwag ka na umiyak! Magkikita din naman kayo...", sagot ko.
"Di naman ako umiiyak. Baka ikaw.", sagot niya habang pinupunasan ang kanyang luha gamit ang kanyang kamay.
Ano to? Bakit ako lumuluha? Bakit ganito? Ano itong nararamdaman ko? Nakokonsensya na ba ako sa ginawa ko? Di ko alam. At wala akong alam.
Agad kong pinunasan ang aking luha. At pinilit kong ngumiti.
"Anong sinasabi mo dyan? Nagpapawis lang ang mata ko.", agad kong sabat.
"Sige sabi mo eh.", sagot niya.
Sa aking susunod na pagkakataon, papahalagahan ko ang mga nagmamahal sa akin. Di ko na sila agad agad iiwanan. Kahit gaano pa kahirap.
"Oo nga pala, kung may hinihintay ka, 'bat ka nakapila dito? Diba pila na ito ng reevaluation?", tanong ko na may halong pagtataka.
Kung may hinihintay siya, diba dapat hindi siya nakapila dito?
"Wala lang. Sinasamahan ko lang tong tukmol na ito.", sagot niya habang hinampas muli si Boy Sabat sa ulo.
"Aray ko naman. Para saan yun?", tanong ni Boy Sabat habang kinakamot ang kanyang ulo. Di ko alam kahit ngayon ko lang nakilala si Boy Sabat bakit parang kumukulo ang dugo ko sa kanya.
"Wala lang. By the way pala, tinitimbang ang krimen mo according sa dahilan mo kung bakit mo ginawa ang krimen.", paliwanag ni Ate Lata.
"Huh? Sa paanong paraan?", tanong ko.
"May dalawa yan. Una, crimes commited by pleasure.", Sagot niya.
Ayoko ng ganitong usapan. Siguradong di ito agad maproprocess ng utak ko.
"Ano meron dun?", tanong ko na lang.
"Mga krimen na ginawa mo dahil trip mo lang, gusto mo lang makaranas ng pansariling pleasure or dahil sa labis na pag-ibig.", sagot niya na parang siguradong sigurado siya sa sagot niya.
"Huh? Medyo di ko magets.", sagot ko habang kinakamot ang aking ulo.
"Halimbawa, arsonist ka. Nanununog ka ng bahay dahil trip mo lang or bored ka lang..."
Tumango ako.
"...O kaya nagnakaw ka para sa pansarili mong luho or dahil sa labis na pagmamahal mo sa mga materyal na gamit..."
Tumango muli ako na parang sumasang-ayon.
"...O pwede rin isa kang serial killer na pumapatay ka dahil nakakaranas ka ng pleasure sa pagpatay..."
Tumango akong muli.
"...Or isa kang rapist. Marami pang halimbawa diyan pero yan lang maibibigay ko sa iyo na under niyan.", paliwanag ni Ate Lata. Di ko pa rin magets.
"Eh ano yung pangalawa?", tanong ko sa kanya.
"Crimes commited by pain. Medyo mahirap ito iexplain. Mga krimen dahil sa retaliation, self defense, instinct at iba pa. Basta hindi siya under sa Crime by pleasure, dun ka mapupunta..."
Hmmm. Tumango ako.
"...Other than that, may iba rin rare cases na hindi siya under ng dalawa na yan or pwede rin under siya ng dalawa na yan. Pero bahala na sila diyan.", paliwanag ni Ate Lata pero napapakamot na siya sa kanyang ulo.
"Oh. Anong gagawin pagtapos matimbang?", tanong ko.
"Yung score dun nakadepende sa extent at uri ng krimen. Pero mostly crimes by pleasure ang magbibigay sa iyo ng mas mataas na wrong points kumpara sa isa. Kasi meron ka pa ring pag-iisip habang ginagawa mo yun eh. Ay basta yun na yun.", paliwanag muli niya na parang hindi sigurado.
"Anong gagawin sa wrong points?", tanong ko.
"Idadagdag yun sa ano mo... Ah sa wrong score.", sagot niya habang napapakamot na sa kanyang ulo.
"Para saan yung wrong score?", kasunod kong tanong.
"Ipapaliwanag din nila yan sa loob. Tama na ang tanong hahahahaha. Nawawalan na rin ako ng maisasagot hahaha.", patawa niyang sagot.
Habang kami ay nag-uusap, may isang anghel ang dumaan. Bigla kaming nanahimik. Awkward silence.
"O, Malapit na pala kayo. Babalik na ako sa sa likod. Paalam na sa inyo."
Oo nga. Malapit na nga. Di ko napansin dahil sa pag-uusap namin. Tanaw ko na yung pintuan mula sa akin.
"Sige paalam. Salamat sa pagsama sa akin."
"Paalam."
Tumango lang si Kuya Rilyo. At lumakad na papalayo si Ate Lata bitbit ang regalo para sa kanyang mga mahal na kapatid.
Ilang kaluluwa na ang dumaan sa amin. Patuloy ko pa rin tinitignan ang aking notepad kahit na walang kwenta ang nakasulat. Di ko namalayan na pangalawa na pala ako sa pila.
"Okay next na nakapila para sa reevaluation, pumasok na po sa loob.", malakas na tawag ng kaluluwang lumabas sa pintuan.
"Ow, Ito na pala ang katapusan. Gusto ko pa sana humithit ng isa pang sigarilyo hehe.", bulong ni Kuya Rilyo at biglang tumayo.
"Yung kasunod po, asan na po?", pasigaw na tanong ng kaluluwang lumabas sa pintuan.
"Ako na pala. Paalam na bata! Sana magkita tayo ulit. At wag mo kalimutan ang sinabi ko.", paalam ni Kuya Rilyo habang hinihithit ang kanyang huling piraso ng sigarilyo.
"Sige. Paalam na kuya. Ingat ka.", sagot ko.
Tumango lang si Kuya Rilyo habang pinapatay ang alipato sa dulo ng kanyang sigarilyo. Dahan- dahan siyang naglakad tungo sa pintuan habang pinapasok ang upos ng sigarilyo sa kanyang bulsa.