Di mo alam ang gagawin. Nilalamig ka kahit mainit ang panahon. Nagpapawis ka kahit malamig naman ang nararamdaman mo. Dahan-dahan mong nararamdaman ang malalaking butil ng malamig na pawis na pumapatak sa iyong mukha. Arggghhh. Nakayuko ka sa iyong silya.

"Ambaho!"

Katapusan mo na ba? Siguro nga. Habang dahan dahan kang hinahatulan ng tadhana. Sheet! Badtrip! Ano na kaya ang mangyayari sa iyo? Sa hinaharap mo, sa pamilya mo at sa mga kakilala mo?

"Oo nga ambaho nga"

Tinignan mo ang relos sa iyong braso. Sheet! Malapit na pala ang katapusan. Pinipilit mo ang sarili mong wag tumirik. Wala ka nang ibang iniisip kundi anong mangyayari sayo. Makakaligtas ka ba o hindi?

 

"Sino yung umutot? Yuckk ambaho! "

Isa kang mandirigma na walang dalang sandata sa labanang di ka mananalo. Kailangan focus lang palagi. Makakaisip rin ng paraan. Tingin sa kaliwa pati sa kanan.

"Taena! Sino ba yung umutot? "

At naputikan na ang paa. Pumutok na ang bulkan. Itinaas na ang puting watawat. Sumuko na ang kampo sa mga mananakop. Wala na. Natalo ka na. Ang tanging natitira na lang ay ang iyong dangal.

"Okay class stand up. "

Ang kailangan mo na lang ay iligtas ang iyong dangal. Ganun nga ba kadali yun? Naghihintay ka ng tamang tiyempo. Kaso may biglang bumasag sa nakakarinding katahimikan sa anyo ng isang malademonyo na boses.

"Maam, tumae po sya sa short."

Di mo na alam ang sunod na nangyari pagkatapos.

Jourleal Creator