"Maraming Salamat.", sagot ko.

At dahan dahan akong naglakad tungo sa pintuan papuntang mundo.

---Katapusan---

  Muli ko na namang binasa ang unang maikling kwento. Natapos ko nang basahin ang kwento na ito pero bakit parang may kakaiba.

  "Hoy! Tama na nga yang kakatitig mo sa selpon mo! Nilulumot ka na dyan oh!", sigaw sa akin ni mama habang binabasa ko ang kwento na ito na nakita ko sa isang website.

   "Hmmm? Koleksyon ng Napakaikling Weird Short Stories na di makauubos ngunit makasasayang sa oras mo pero siyempre babasahin mo pa rin kasi nga tulad ng sinasabi ng pamagat, napakaikli lang nito!.. Title pa lang parang weird na. At bakit ang haba ng title?", patawa kong tanong sa sarili ko.

   "Hahaha. Siguro dahil weird ang title kaya weird din yung mga laman hahahaha.", patawa kong sabi habang nakahiga sa sofa.

   "Pwede ba mamaya na yang pagseselpon mo diyan at tulungan mo muna ako dito! Hugasan mo itong mga pinggan.", dagdag na sigaw ni mama na parang galit na.

   Muli kong binalikan ang mga ibang chapter. Parang mali yata ang pagkagawa nito. Bakit may salitang Katapusan sa unang kwento? Bakit sa iba walang naman? At saka bakit parang pamilyar sa akin ang mga kwento? Parang feeling ko nangyari na ito kung saan man? Deja Vu?

"Wait lang po Ma! Malapit na po ako matapos!", sagot ko habang mabilis kong iniiscroll ang aking cellphone upang tignan ang ibang kwento.

"Puro na lang wait wait! Ako na lang lagi ang gumagawa dito!", pasigaw na sabi ni mama.

"Wait nga lang Ma! Malapit na!", Sagot ko habang patuloy na iniiscroll ang mga istorya. Iniisa isa kong tinitignan ang mga laman ng bawat kwento.

"Isa! Pag di ka pa rin umaalis diyan sa sofa, itong hanger ko ang di makakapagwait na tumama sa iyo!", pasigaw na pananakot ni Mama.

"Ito naman si Mama oh!", sagot ko.

"Dalawa! Huwag mo na akong hintayin na lumapit ako sa iyo.", Pasigaw ni mama habang inaabot na ang kulay itim na hanger.

"Opo! Ito na nga po!", agad kong sagot.

Agad kong binababa ang aking cellphone at patakbo na lumapit ako sa lababo para maghugas ng plato.

"Hmmm...Bakit kaya parang ang weird? At ano kaya itong pakiramdam ko na parang pamilyar yung kwento... Basahin ko na lang ulit mula sa umpisa mamaya baka maalala ko kung saan man.", bulong ko habang hinuhugasan ang gabundok na hugasin na natambak simula kagabi.

At pagtapos ng ilang minuto, natapos ko na din ang paghuhugas. Agad kong kinuha ang aking cellphone at hinanap ang istorya sa isang website. At mula sa umpisa, binasa ko muli ang mga maikling kwento.

Jourleal Creator