"Bakit ka andito? Naliligaw ka yata."

.

.

"Nakakaawa ka naman. Pero di mo pa oras."

.

.

.

"Please. Iligtas niyo po siya. Nagmamakaawa ako."

.

.

.

"Huwag kang mag-alala. Magkikita tayong muli."

.

.

.

"Ginagawa na po namin ang lahat misis."

"Please! Iligtas niyo po ang mahal ko."

.

.

Beep...

.

Beep.....

.

.

Ano itong nararamdaman ko.

.

.

"Sige subukan pa ulit natin. Charge!"

.

.

Beep.....

.

.

Anong klaseng pakiramdam ito. Para akong dahan dahang umiinit mula sa malamig na pakiramdam.

.

.

"Doc, wala pa ring pulso."

"Sige.  Isa pa. Charge!"

.

Beep.....

.

"Please wag mo akong iwan. Mahal na mahal kita. Kumapit ka please."

.

Kaninong mga boses ang naririnig ko.

.

"Doc, Bumalik na ulit yung pulso niya. Success ang revival."

"Good work."

.

.

Nasaan ako? Bakit napakaliwanag dito? Maraming nakapaligid. Nakatingin sila sa akin. Bakit parang nanghihina ako. Teka parang nandidilim paningin ko. Ahhh. Huwag muna.

.

At dahan dahan nang dumilim ang aking paningin.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Beep...

.

Beep.....

.

"Mahal ko, gumising ka na please! Nag-aalala kami sa iyo."

.

.

Idinilat ko nang dahan-dahan ang aking mga mata. Tila nasa hospital ako. Anong nangyari? Napakasakit ng ulo ko. Nakita ko ang asawa kong si Rhealie sa tabi ko. Labis siyang humahagulgol sa iyak.

.

.

"Bakit mo ginawa yun! Di mo ba inisip ang mararamdaman namin?! Kala ko ba di mo na uulitin to? Napakasarili mo!", patuloy na hagulgol ni Rhealie sa tabi ko.

.

.

Oo nga pala. Tinuloy ko nga pala. Pero di ko kayang makita si Rhealie ng ganito. Nais kong magsalita ngunit di ko kaya. Patuloy akong humihinga sa aking ilong na may nakakabit na oxygen. Tinignan ko ang aking kaliwang braso. Di ko na siya masyadong madama at maigalaw pero kitang-kita ko ang maraming tahi na dulot ng paulit-ulit na paglalaslas.

.

.

"Maswerte ka pa rin dahil nabuhay ka pa. Isa itong malaking himala sa iyo.", ani ng doktor habang hawak ang results.

.

.

Binigay ng Doktor ang results kay Rhealie na patuloy pa rin ang pag-iyak. Di ko pa rin maigalaw ang aking kaliwang braso. Nirekomenda ng Doktor na mag therapy ako. Ahhh. Di ko maisip kung tama ba ang naging desisyon ko.

.

.

.

Tumingin ako sa paligid. Tumigil na sa pag-iyak si Rhealie. Nakatulog siya sa tabi ko. Pilit kong ginagalaw ang aking kaliwang braso. Wala akong maramdaman. Parang manhid.

.

Maraming katanungan ang sumagi sa aking isip. Pano ako nagkalaslas?At Rhealie? Sino si Rhealie? Kailan ako nagka-asawa? At pano ko siya nakilala?

Jourleal Creator