Nakatingin ang lahat kay Jelai. Nag-aabang ng kanyang iku-kwento. Sino ba naman ang hindi magkaka-interes? Kwentong Jelai ito. Siguradong roller coaster ng emotions ito mula sa kilig papuntang katatawanan.

Tumagay muna ulit si Jelai, at pagkatapos ay si Grace, at nagpatuloy ang ikot ng baso bago pa tuluyang nag-umpisang magkwento itong si Jelai. May pagbuntong-hininga pa nga eh for effect.

"So sino nga?", inulit ni Grace ang tanong niya.

"Si Josh...", mabagal na panimula ni Jelai.

"Yung nakwento mo last month pa?", paglilinaw ni Grace?

"Oo."

"O, anong issue ba? Pakboy ba?", diretsahang imik ni Grace.

"Hindi naman. Ano lang...", saad ni Jelai na may tono na parang bumebwelo. "Nakita ko kasi sa isang post na naka-tag siya, nakaakbay sa isang babae.", dugtong niya.

"Ahhh, may girlfriend na.", sabi ni Grace.

"Hindi... Uhm, hindi ko alam. Kaya tinawagan ko siya agad nung nakita ko yung picture. Tinanong ko kung sino yung girl."

Umikot na ulit ang baso sa harap ni Jelai. Tumagay ulit siya bago nagpatuloy ng kanyang kwento.

"Hindi niya mismo sinagot yung tanong ko. Tapos nung nag-end call na, lahat ng chat ko sa kanya eh hindi man lang niya i-seen.", dagdag na kwento ni Jelai.

"Eh tinawagan mo na ba ulit?", tanong ni Grace.

"Oo. Kaya lang hindi siya nasagot eh.", tugon ni Jelai

"Naku naman. Mukhang na-ghost ka na niyan, Jelai.", wika ni Grace.

"Ay ganun? Naku, itagay mo na lang muna yan. Eto o, shot mo na ulit. Pinuno ko talaga yan para sa iyo.", siyang pag-singit ni Mica sa usapan.

Agad namang ininom ni Jelai ang iniabot sa kanya. At hindi pa man lang niya naiibaba ang baso ay nag-emote na siya.

"Bakit ba hindi na lang maging honest at sabihin ang totoo? Hindi yung nang-iiwan na lang sa ere ang mga lalake? Bwiset eh!", emosyonal na bulalas ni Jelai.

"Hayaan mo na lang. Kung ayaw ka na kausapin, eh di wag.", mahinang imik ni Badong.

Kahit ako ay nagulat sa sinabing ito ni Badong. Hindi ko inakala na iimik siya ng ganun. At tamang-tama pa ang timing niya.

"Ay sinabi mo. Apir!", imik ni Grace sabay taas ng kamay para makipag-apir kay Badong.

Napangiti si Badong habang nagtataas ng kamay para salubungin ang kamay ni Grace. Napansin ito ni Mica at pagkatapos ay napatingin siya sa akin. Nagkatinginan na lang din kaming dalawa sa aming napansin na may kasunod na munting pag-tango. Sa sabi nga nila ay nagka-intindihan kahit walang sinabi.

"Papabayaan ko na lang? Ano yun? Okay lang na masayang oras at effort ko?", siyang pagpapatuloy ni Jelai sa kanyang paglalabas ng saloobin.

"Sino ba naman kasi nagsabi sa iyo na magpuyat ka para lang hintayin reply niya, Jelai?", tanong ni Grace nang pa-sarkasitko.

Natigilan si Jelai. Sa tanong na iyon a nagmistula siyang isang bata na nag-iisip ng palusot na kanyang isasagot sa nanay niya. Ganito siya hanggang dumating na ulit sa harapan niya ang baso para inumin.

"Wala. Pero bakit niya nagawa sakin yun?", pagbabalik niyang tanong at pagkatapos ay shumat. "Ang haba ng aming talking stage tapos parang ni hindi niya pala ako sineryoso man lang.", dugtong niya.

"Eh kasi naman, baliw na baliw ka kaagad.", sagot sa kanya ni Grace gamit pa din ang sarkastikong tono ng boses.

"Huwag mo na siya isipin, Jelai. Tingnan mo na lang sa dun sa nangyari na siya yung nawalan.", siyang naisingit ni Badong.

Napatingin si Grace kay Badong dahil sa sinabi. Hindi ulit ito napansin ni Badong dahil tumatagay ito.

"Basta! T@n61n@ talaga. Andaming tanong sa isip ko na gusto ko malaman ang sagot!", biglang gigil na imik ni Jelai.

Hindi ko inasahan yung sinabing iyon ni Jelai. Expected ko na siya ay mang-gigigil pero hindi ko inakala na may inklinasyon siya na alamin mismo ang sagot sa mga katanungan niya. May naging kakaiba siguro sa ekspresyon ng mukha ko kaya't pinansin ito ni Mica.

"Si One G. o, parang alam niya yung sagot, Jelai.", pagbungad ni Mica. Napaismid naman si Ria at Tintin dito.

"Mas okay nga kung ang tatanungin natin ay yung mga lalake mismo para sumagot. Andito naman sina One G. at Badong.", siyang pag-segunda ni Grace.

"Eh bakit nga ganun?", lalong nadagdagan ang gigil sa boses ni Jelai sa tanong niyang ito.

Napatingin ang lahat kay Jelai dahil nga siya ay nagtaas na ng kanyang boses. Nasundan ito ng katahimikan. Naging pattern na nga ang ganito tuwing nag-iinuman at may gusto siyang ilabas nga hinaing sa buhay.

"Uy Badong, bakit daw ganun?", si Tintin naman ang biglang sumingit ng pagtatanong ngayon.

Nagtaas ulit ng kamay si Grace para um-apir kay Tintin. Malinaw na iyon din ang gusto niyang sabihin para magpatuloy ang usapan. Si Badong naman ay mukhang nag-iisip ng kanyang sasabihin.

"Kalimutan mo na nga lang. Siya yung nawalan. Yun na yun.", marahang pagbungad ni Badong at tumango naman ang mga babae bilang pag-sang-ayon.

"Sige, gets. Pero hindi niyan sinasagot yung tanong ni Jelai kung bakit ganun ang ginawa sa kanya.", siyang naiimik ni Grace. "Bakit nga ba?", inulit pa niya.

"Sa tingin ko eh tanga lang yung lalake na yun. O kaya naman, baka manhid.", sagot ni Badong.

"Or both?", sabat ni Ria na nasundan ng hagikhikan mula sa mga babae.

"Pwede din nga na both."

"Eh bakit mo naman nasabi na ganun?", dagdag na tanong ni Grace.

"Kasi nga, kita naman siguro niya na gusto siya ni Jelai. Tapos ibabalewala niya. Di ba parang tanga lang?", paliwanag ni Badong.

Muli ay tumango ang mga kababaihan sa napakinggan. Nag-blush din si Jelai sa pagkakataong ito. Medyo mapula na ang kanyang pisngi dahil sa alak pero mas pumula pa ito.

"Parang kampana lang ba?", siya ko namang pagkumento.

"Kampana?", tanong ni Grace.

"Kasi tangalang-tangalang-tangalang."

Napa-bunghalit siya ng tawa dahil dun sa punchline. Nagsi-tawanan din ang iba pa kasunod niya.

"Gagiii, muntik na akong masamid dun ah.", imik ni Tintin.

"Eh ikaw ba One G., anong sagot mo dun sa tanong ni Jelai?", siyang tanong sa akin ni Grace.

Naubos na yung alak sa puntong ito. Si Mica ay nagbubukas na ng kasunod na bote. Tiningnan din niya ang pitsel ng chaser. Kailangan na din magtimpla ulit ng juice. At mukhang kakailanganin na din ng dagdag na pulutan.

"Wait lang.", pagsingit ni Mica. "Kelangan lang natin na magrefill at dagdag na pulutan."

"Ako na bahala s a pulutan.", mabilis na tugon ni Grace. "San ba may mabibilhan?"

"Pinakamalapit ay ang tindahan ni Tita Tita.", sagot ni Mica habang naglalakad papunta ng kusina.

"Sige. Samahan nyo ako. Hindi ko sure kung saan yun eh. Baka maligaw pa ako.", sagot ni Grace. "Tara Jelai?", pag-aaya niya sa katabi habang tumitindig mula sa upuan.

"Ako na.", mabilis na sabi ni Badong.

"Okay, sige." nakangiting sagot ni Grace sa kanya.

"Ako na ang bibili. Mabilis lang ito.", siya namang pag-pi-prisenta ni Badong na agarang tumayo at lumabas ng apartment.

"Ay ganun? Ambilis naman nun.", imik ni Grace nang may tono ng kaunting pagka-unsyami. "Nagpapasama ako, pero ang nangyari iniwan. Hays.", dugtong niya nang pabiro.

"Ganun talaga si Badong, mabilis mag-asikaso,", tugon sa kanya ni Tintin.

"Ahhh, okay. Gets."

Nakapagtimpla na ulit ng juice si Mica at naupo. Agad din siyang nagsalin na muli ng alak at chaser. Ini-abot niya ang mga ito sa akin.

"Nagmamadali ka din ano?", siya kong pagbungad sa kanya.

"Uhaw nga, di ba?", sagot niya sa akin. "Shot na. Hihi.", dugtong niya habang nakangiti.

Marahan kong dinambot sa mesa ang shot glass at ininom yung nakatagay. Ganun din ang ginawa ko sa chase at pagkatapos ay ini-abot ko ang mga ito pabalik kay Mica.

"O ikaw na.", sabi ko sa kanya.

Kinuha niya yung mga baso at mabilis siyang nagsalin at uminom. Napadighay din siya nang bahagya pagkatapos.

*Burp* "Excuse me.", sabi ni Mica at medyo napatawa siya.

"Uhaw nga ang alagang camel.", tugon ko.

Nakatingin siya sa akin dahil s nasabi kong iyon at pagkatapos ay agad na nagkatawanan.

"Kita mo na? Yan yung sabi ko sa'yo kanina eh.", imik niya.

"Hindi naman masyadong halata. Konti lang.", sagot ko sa kanya. "So bakit ka stressed?", tanong ko.

"Hay naku. Yung supervisor ko kasi.", panimula ni Mica. "Ang kanyang mga utos ay hindi nauubos."

"Ows? Uso nga daw ang ganyan ngayon, yung unli-utos."

Inabutan niya si Jelai ng tatagayin. Mukhang malalim ang iniisip ni Mica pero napangiti naman siya sa biro ko.

"Bukod sa dami ng mga utos, parang ako lang ang kanyang inuutusan. Kaya lalong nakaka-nadtrip eh.", dagdag niyang kwento.

"Paborito ka nga utusan ni Madam ano, Mica.", kumento ni Jelai.

"Ewan ko nga dun. Parang binabantayan nga niya ako eh."

"Ha? Bakit?

"Kasi pansin ko lang na kapag nakataos na ako ng aking mga ginagawa, walang limang minuto ay may iuutos na siya agad sa akin.", paliwanag ni Mica.

"Oo nga noh? Kahit yung ibang tao na madadaanan niya papunta sa iyong table eh pwede niya mautusan, sa'yo pa din siya tutuloy. Snob lang niya yung iba kahit pakinig na nagchichismisan lang.", sagot ni Jelai.

"Ewan ko talaga kay Madam. Basta parang ako lang talaga ang palagi niyang nakikita.", sabi ni Mica na may kaunting tono ng pagka-irita sa boses.

"Ikaw siguro yung masipag na madali utusan.", sabi ko sa kanya.

"Uy may point si One G. dun Mica. Ang bait mo naman nga kasi sa mga katrabaho natin sa office. Parang lahat na lang kasi ay tinutulungan mo.", dagdag na sabi ni Jelai.

Napaisip si Mica sa napakinggan. Mistulang inaalala ang mga kaganapan niya sa opisina.

"Sakto lang naman sa tingin ko ah.", sagot niya.

"Anong sakto? Minsan nga inuuna mo pa yung nagpapatulong sa'yo kesa sa gagawin mo eh.", sabi ni Jelai.

"Eh hindi naman masyadong malaking abala sakin pag ganun. Kaya isinasabay ko na sa ginagawa ko."

"Kahit pa, di ba One G.?", siyang imik ni Jelai na parang naghahanap ng susuporta sa kanyang sinabi. "Masyado ka kasi mabait kaya tine-take-advantage ang kabaitan mo."

"Hmmm... Choice naman ni Mica ang tumulong sa iba. Okay naman yun. Yun nga lang, pwede nga na maabuso nila ang pagiging mabait mo. So nasa iyo na yan kung ano ang gagawin mo.", madahan kong sagot.

"Nakakahiya naman kasi silang tanggihan. Lalo pa si Madam. Naku pag nakita mo...", patuloy na pagpapaliwanag ni Mica.

"Eh di wag mo tanggihan. Pero pwede naman siguro na sabihinmo sa kanila na 'wait lang', di ba?"

Napaisip si Mica sa nadinig. Napatingin ang kanyang mata sa kisame dahil nag-iisip. Pagkaraan ng isang minuto, umimik siya ng....

"Ay oo nga noh?", bulalas niya nang medyo natatawa. "Bakit hindi ko naisip yun?"

"Kasi nga angbait-bait mo.", sagot ni Jelai nang may sarkastikong tono.

"Ahaha parang ang engot ko lang dun ah. Wala naman ngang pilitan. And obviously, pwedeng-pwede ko nga sa kanilang sabihin na 'Wait lang po". Tapos tulungan ko sila pagkatapos ko gawin yung sa akin.", wika ni Mica na parang kausap ang sarili.

"Baliw ka din talaga minsan ano, Mica?", biro ni Jelai.

"Uy hindi ah. Konti lang.", sagot ni Mica na may mag-mustra pa gamit ang kanyang kamay kung ano yung 'konti lang'.

Nagkatawanan yung dalawa dahil dito. Napatagay din ng puno si Mica pagkatapos.

"Uy salamat ha.", sabi niya sa akin.

"Saan?"

"Dun sa sinabi mo. May naisip ako na pwede kong gawin para menos stress.", paliwanag niya sa akin nang nakangiti.

"Ah yun ba... parte lang talaga ng inuman yun. Hehehe.", sagot ko sa kanya na nakangiti din. Pinipigilan ko na matawa eh.

"Okay. Eto na ang pulutan. G na ulit!", excited na imik ni Badong habang siya ay pumapasok ng pintuan.

Mahaba-habang inuman nga ito. 

MikeDAntiThesis Creator

Ang dahilang ng stress ni Mica.