At nag-umpisa na ngang umikot ang mga baso. Literal din na inumpisahan ito Jelai nang isang shot na puno. Ipinatagay niya ito kay Mica, humingi ng isang baso ng chaser kay Badong, tinungga, at nang maibaba ang mga baso ay bumoses nang paranfg may malalim na pinaghuhugutan.
"Wooooh... Shot na! Hindi na pinapatagal ang ikot ng baso! Hehe.", sambit ni Jelai habang kumukuha ng pulutan.
"Uy girl, nagmamadali ka yata?", tanong sa kanya ni Grace.
"Uhaw ka din noh?", follow up na tanong ni Mica.
"Medyo lang, kayo naman.", sagot ni Jelai nang nakatawa.
"Bakit? Medyo lang? Parang hindi ikaw yan ah.", sabi ni Grace kay Jelai nang may tono ng pag-aalala.
"Alam mo na... Ang buhay... Feel ko lan ay pinaglalaruan ako ng tadhana.", sagot niya.
"Ay ganon!? Napakinig ko na yan, Jelai.", tugon sa kanya ni Grace. "Sino ba yan ha?", dugtong pa niya.
Natigilan nang kaunti si Jelai sa puntong ito na parang nagulat din sa naging usapan nilang dalawa ni Grace. Mukhang nag-iisip pa si Jelai nang sasabihin nang....
"Hindi mo maiitago sa akin na boys na naman yang issue mo, Jelai.", bulalas ni Grace.
"Paano mo nalaman?", tanong ni Jelai.
"Bata pa tayo ay magkakilala na tayo. Sa tono pa lang ng pagbuntong-hininga mo ay alam ko na kung ano ang gusto mong sabihin.", paliwanag ni Grace habang kinukuha ang shot glass at baso ng chaser para tagayin.
"Ahh... Eh ano kasi...", sagot ni Jelai na parang nagda-dalawang-isip pa kung itutuloy ang sasabihin.
"Huwag mo muna sabihin kung sa tingin mo hindi ka pa ready.", pagsingit na kumento ni Mica habang nagsasalin ng alak.
"Sige. Wait lang nang konte.", tugon ni Jelai.
At sa "Wait lang" na iyan nag-umpisang bumilis ang ikot ng mga baso. Mula kay Jelai, kasunod ay si Grace, pagkatapos ay si Ria, tapos ay si Tintin.
"Sis, shot kasi para sa atin ang gabing ito.", sabi ni Grace nang ini-abot ni Mica yung mga baso kay Tintin.
"Syempre naman hihihi.", sagot ni Tintin at pagkatapos ay tumagay.
"Yan ang best reply na napakinig ko!", tugon sa kanya ni Grace at nagtaas pa ng kamay para makipag-apir kay Tintin.
"Mmmm.", yan lang ang nai-reply ni Tintin kay Grace. Nakain kasi siya ng pulutan gamit ang isang kamay at um-apir naman gamit yung kabila.
Walang tunog yung naging apir-an nilang dalawa. Mahinhin ang naging bitaw ng mga palad eh. Pero ang naging pinaka-sound-effects ay yung kanilang pagtawa pagkatapos maglapat ang kanilang mga palad: "Ahihihihi."
Nagtuloy ang ikot ng baso. Iniabot sa akin ni Mica yung shot glass. Puno ito kagaya ng tagay para kay Jelai. Hmmmmm....
"Uy, wala akong reklamo ha pero... shot puno din para sakin?", tanong ko nang may pabirong tono.
"Oo. Kita mo naman puno din lahat ng naging shot nila.", nakangiting sagot sa akin ni Mica.
Napakunot ako ng noo dahil napa-isip ako dun sa kanyang nasabi. "Parang planado ito." Yan ang tumakbo sa isip ko. Hmmm..... Mabilisan lang akong nag-muni-muni at aking napag-desisyunan na sakyan na lamang yung trip. Naging interesado kasi ako sa kakahinatnan kung planado nga ito.
"Hindi ako stressed pero sasabayan ko kayo sa inyong shot puno.", sabi ko bago ko itaas ang baso at uminom. Swabe yung guhit ng alak pababa sa tiyan.
Ini-abot ko kay Mica yung mga baso. Kanya itong tinagayan at iniabot naman kay Badong. Ang inabutan naman ng baso ay mistulang tulala at walang kibo. Kung may makikita kayong lalake na nasa ganung estado na parang nakatitig sa kawalan, may tatlong dahilan lang na pagpipilian kaya nagkaganun siya. Una ay problemado kaya't nag-iisip ng malalim. Padalawa ay maaaring natigilan dahil nabighani sa tinitingnan. O kaya ay patatlo, nasa cloud9 dahil mataas ang lipad (if you know what i mean).
Sa pagkakataong ito, ako ay sigurado dun sa padalawang dahilan kaya tulala itong si Badong. Malinaw pa sa ten thousand lumens na ilaw na kay Grace siya nakatitig. At ang masayang parte sa kwentong ito ay mukhang ako lang ang nakapansin dito.
"O, inumin mo na yan bago pa may makapansin.", mahina kong imik kay Badong.
"Ay, oo. Sha-shot na.", nagmamadali niyang sagot at mas nagmamadaling uminom.
Ibinaba ni Badong ang shot glass at baso sa lamesa imbes na iabot pabalik sa tanggera. Nagkusa na akong iabot ang mga iyon kay Mica bago pa niya mapansin ang pagkakatitig ni Badong kay Grace. Tuloy kwentuhan ng mga tao sa palibot ng mesa, tuloy ang ikot ng mga baso. Ako naman ay tamang pakinig lang sa kanilang mga sari-saring kwento, biruan, at tawanan. At si Badong naman ay patuloy sa kanyang pagkaka-titig.
"Uy matutunaw na o.", pabirong imik ni Mica kay Badong.
"Ha? Alin?", pabalikwas niyang sagot.
"Yung yelo... at si Grace.", mahinang sabi ni Mica. Apat na ikot ng baso at napansin din niya ang pagka-star-struck nitong si Badong.
"Anong ibig mong sabihin?", painosente niyang tanong.
"Kitang-kita ko naman. Kausapin mo na lang kasi.", sagot ni Mica.
"Ano daw yun?", biglang may nagtanong... Si Jelai.
"Bilisan daw ni Badong shu-mat. Inugat na daw ang baso at tunaw na ang yelo.", ako na ang sumalo dahil mukhang wala agad maisagot yung dalawa.
"Nagtatagal naman nga eh. Alam ko pa naman na uhaw ikaw tonight, Jelai.", dugtong ni Mica.
"Eh bakit nga ba nagtatagal?", follow up ni Jelai.
Katatapos lang tumagay ni Badong. Nagsasalin si Mica ng tatagayin niya.
"Eto na nga. Bibilisan ko etong sakin o.", pabirong imik ni Mica sabay laklak.... "Whoooo! Guhit o.", sabi pa niya habang nagsasalin parak ay Jelai.
"O, ready ka na ba magkwento?", tanong ni Mica habang ini-aabot yung shot niya.
"Oo. Game. Feel ko maiilabas ko na ito.", sagot niya.
"So sino?", mabilis na tanong ni Grace.
Ang pag-buwelo ni Jelai na nag-umpisa sa literal na isang tagay na puno ang baso.